Nagtapos na rin sa wakas ang Battle of the Geniuses. Agad na umalis ang hindi mapapantayang 9 blade knight maging ang 1,008 na undying mula sa kani-kanilang universe country.
Nanatili naman si Luo Feng at ang 1000 na henyo sa plaza habang sumisigaw ang isang tauhan sa kanilang tabi. "Maghintay lang kayo rito sa loob ng ilang sandali. May kinakailangan pa kaming sabihin sa inyong lahat tungkol sa inyong pagpunta sa headquarters ng Virtual Universe Company."
Matapos ang ilang sandali.
Umupo sina Luo Feng at ang 1000 na henyo sa loob ng isang meeting room sa loob ng restaurant number 2 sa plaza.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com