webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
721 Chs

Chapter 604

Nakaramdam ng sakit sa kaniyang batok ang nasabing babaeng nakaitim na cloak ng lumitaw sa tabi nito ang isang matandang lalaking nangungulubot ang balat habang mayroong suot itong kulay pulang maskara. May tungkod itong dala na animo'y mayroong itim na bato sa dulo.

"Aray ko tanda, bagong dating ka lamang ngunit kung makabatok ha? Anlakas hmmp!" Iritableng sambit nito habang kitang-kita na namula ang batok nito dahil sa lakas ng pagkakahampas ng tungkod ng matanda.

"Umayos ka babae. Hindi porket anak ka ng dating kanang kamay ni Heneral ay hindi na kita pagbubuhatan ng kamay. Masyado kang namemersonal at maraming tanong sa heneral!" Angil naman ng matandang lalaking bagong dating sa lugar na ito.

"Ikaw ang umayos tanda, kulubot ka na pero anlakas mong humampas sa batok, grabe ka!" Insultong smabit naman ng babaeng nakaitim na cloak sa matandang lalaki.

"Kung di ka pa diyan umayos babae, makakatikim ka ulit ng mas masahol pa diyan!" Tila naiiritang saad ng matandang lalaki sa babaeng ilang dipa lamang ang layo sa kaniya.

"Madami ka ng atraso sakin tanda, baka nakakalimutan mo, wala kang mataas na ranggo dito at isa ka lamang payasong miyembro ng Alliance natin!" Puno ng pang-iinsultong muli na sambit ng babaeng nakaitim na cloak.

"Wag mo kong subukan Babae dahil hindi kita uurungan. Masyado ng matabil yang dila mo para humarap kay Heneral at magsabi ng walang kwentang mga bagay!" Halos namamaos na turan ng matandang lalaki na pinipigilan ang labis na inis sa kausap nitong dalaga.

BANG! BANG! BANG!

Malakas na sumabog ang mga tipak ng semento sa lupa ng kitang-kita nila kung paanong mabilis na nagbago ang atmospera sa paligid.

"Nakalimutan niyo atang nasa harapan niyo ako. NakalimutanIsantabi niyo muna ang alitan niyo dahil may mahalaga akong ipapagawa sa inyo. Siguraduhin niyong magagawa niyo ito ng tama at walang kapalpakang nangyayari." Umalingawngaw na wika ng itim na anino sa buong bulwagang ito. Kitang-kita na naiinis ito sa inaasal ng dalawang nilalang na nasa harapan niya.

Kapwa naman natahimik ang misteryosong babaeng nakaitim na cloak at ng matandang lalaking bagong dating lamang.

"Patawad sa aking inasal Heneral. Masyado lamang akong nadala ng aking emosyon kanina. Asahan mong magagawa ko ang nais mong ipagawa sa akin ng matagumpay!" Tanging nasambit ni Countess Suyin habang nakayuko ng matuwid.

"Patawad din Heneral. Siguraduhin kong walang magiging problema sa ipapagawa mo sa akin." Seryosong turan ng matandang lalaki ngunit kitang-kita kung paano nitong tingnan ang babaeng nakaitim na cloak ng masama.

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo rito. Ikaw Countess Suyin ay itatalaga ko sa misyong hanapin ang kinaroroonan ng pambihirang orasan na pagmamay-ari ko noon na kilala sa tawag na Devil's Clock. Siguraduhin mong mahahanap mo ito sa madaling panahon upang maisagawa ko na ang mga plano ko sa madaling panahon!" Malakas na sambit ng Heneral habang umalingawngaw ang boses nito sa malawak na lugar na ito.

"Masusunod Heneral. Sisiguraduhin kong matutuwa ka sa ibabalita ko sa iyo!" Seryosong sagot naman ng misteryosong babaeng may titulo at nagngangalang Countess Suyin.

"Humayo ka at gawin ang misyon mo. Bibigyan kita ng anim na buwan upang gawin ang dapat mong gawin. Kapag nagkaproblema ay gamitin mo ang talismang ito!" Seryosong wika ng Heneral sa anyo ng isang itim na anino.

Bigla na lamang lumitaw sa hangin ang isang itim na papel na siyang naglalaman ng kakaibang mga simbolo. Walang duda isa itong talisman ng tanggapin at suriin ito ni Countess Suyin.

"Hindi kita bibiguin Heneral sa ipapagawa mo. Mayroon ka pa bang nais kong gawin sa ilang buwan kong pagkawala rito?!" Seryosong tanong ni Countess Suyin habang nakatingin sa gawi ng itim na anino ng Heneral.

"Iyon lamang ang gagawin mo Countess Suyin. Sigurado naman akong hindi mo ako bibiguin hindi ba?! Makakaalis ka na ngayon din!" Dumadagundong na ani ng Heneral habang kitang-kita na seryoso ito sa mga sinabi niya.

"Hinding-hindi kita bibiguin Heneral. Hinding-hindi kita bibiguin. Paalam!" Seryosong sagot naman ni Countess Suyin at yumuko pa ito sa huli bilang paggalang bago nilisan ang lugar na ito.

Muling tumahimik ang buong lugar at tanging ang matandang lalaking nangungulubot ang balat ang kaharap ng itim na anino sa ere.

"Heneral mawalang-galang na ngunit bakit binigyan mo ng mabigat na misyon ang babaeng iyon. Hindi siya nararapat sa misyong iyon. Paano kung m----!" Seryosong sambit ng matandang lalaki ngunit napatigil ito ng magsalitang kaagad ang itim na anino sa ere.

"Kinikwestiyon mo ba ang desisyon ko Viscount Tao?! Alam mo ang maaari kong gawin sa'yo kung sakaling magsalita ka laban sa akin!" Malakas na wika ng itim na anino sa ere at kitang-kita kung paanong lumutang sa ere ang katawan ng mata habang tila hawak ang leeg nitong parang may pwersang sumasakal rito.

"Pa-u-umanhin Hene-ral!" Tanging nasambit ni Viscount Tao at marahas itong bumagsak sa lupa. Kitang-kita kung paano ito naghabol ng kaniyang sariling hininga.

"Umayos ka Viscount Tao. Hindi natin maaaring balewalain ang mga oras at araw na lumilipas. Kailangan ko ang mga bagay-bagay na dapat kong gawin. Hindi mo naman siguro gugustuhing magalit ako sa'yo hindi ba?!" Marahas na pagkakasabi ng itim na anino sa ere habang makikitang hindi ito natutuwa sa mga inasal ni Viscount Tao.

"Hindi ko gustong pangunahan ka Heneral. Ano ang maipaglilingkod ng mababang nilalang na katulad ko?!" Seryosong sambit ni Viscount Tao habang nakadapa na ito sa lupa habang nanginginig ang katawan nito dahil sa labis na takot sa sinaunang Heneral.

"Mabuti at nagkakaintindihan tayo Viscount Tao. Nais ko lamang hanapin mo ang aking mortal na katawan. Ramdam kong ang aking katawan ay naririto lang sa apat na bahagi ng lungsod ng Mint City ngunit hanapin mo rin ang Devil's Clock. Wala akong malaking tiwala sa babaeng iyon, siguradong mahihirapan ito sa paghanap ng Devil's Clock sa loob ng anim na buwan. Kahit nga ang mga ninuno niyong naglingkod sa akin ay nahirapang hanapin ang pambihirang orasang iyon na lihim sa lahat." Seryosong wika naman ng itim na anino habang makikitang tila hindi ito tiwala sa kakayahan ni Countess Suyin.

Natuwa naman ang kalooban ni Viscount Tao sa narinig niya. Kung di siya nagkakamali ay parang siya ang pinagkakatiwalaan ng Heneral kumpara kay Countess Suyin. Nagagalak ang puso niyang marinig ang mga katagang ito mula sa Heneral na pinaglilingkuran noon pa man ng mga naunang salinlahi nila.

"Masusunod po Heneral, wag kayong mag-alala dahil gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang kompletuhin ang misyong ito." Malakas na pagkakasabi ni Viscount Tao at yumuko pa ito tandang gagampanan nito ng buong puso ang misyong pinagkaloob sa kaniya ng sinaunang Heneral ng Mint City.

"Maaari ka ng umalis upang gawin mo ang mga misyon niyo. Sa susunod na pagbalik mo ay may ibibigay akong misyon sa iyo. Di pa ako sigurado sa aking hinala. Balitaan mo ako patungkol sa kakaibang nangyayari sa loob ng Red City habang sinasagawa mo ang misyo mo." Seryosong turan ng itim na anino sa ere.

Kasabay nito ay ang paglitaw ng tatlong itim na papel sa ere. Kung hindi nagkakamali si Viscount Tao ay mga pambihirang talisman ang mga ito.

"Maraming salamat Heneral. Hanggang sa muli!" Magalang na wika ni Viscount Tao at mabilis itong naglaho sa kadilimang parte ng malawak na bulwagang ito.