webnovel

Supreme Asura

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?!

jilib480 · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
721 Chs

Chapter 600

"Hahaha... Kilala mo pala ang mapagpanggap na kapatid kong iyon." Tumatawang sambit ni City Lord Bao na animo'y ikinalito naman ni Wong Ming.

"Ano ang iyong ibig sabihin City Lord Bao?! Hindi siya ikaw? Siya ba si City Lord Bao o hindi?! Kung gayon ay magkakambal kayo?!" Sunod-sunod na wika ni Wong Ming na animo'y nalilito.

"Oo, magkakambal kami. Ako ang tunay na City Lord Bao, ang kapatid kong iyon ay si Heneral Bai na nagpanggap bilang ako sa mahabang panahon alinsunod sa kagustuhan niya. Masyadong komplikado ang lahat ngunit hinayaan kong mangyari iyon ngunit wala man lang akong kontrol sa mga naganap." Malungkot na sambit ni City Lord Bao habang makikitang makahulugan ang mga sinasabi nito.

Mabilis namang inintindi ni Wong Ming ang mga nangyayari. Kung gayon pala ay dalawa ang katauhan ng iisang mukha ni City Lord Bao. At kung tama ang pagkakaintindi niya ay masyadong komplikado ang lahat.

"Bakit hinayaan mo lamang itong mangyari?! Wala ka bang nagawa para mapigilan ang pagkawasak ng siyudad niyo?!" Malakas na sambit ni Wong Ming habang kitang-kita na naintindihan niya ang mga nangyari noon. Kaya pala may ilusyon siyang nakikita kanina at napakalakas niyon ngunit bakit hindi man lang nito nagawang sagipin ang buhay ng iilang mga nilalang na ordinaryong mamamayan ng Mint City?! Medyo masama ang impresyon sa nangyayari.

"Kahit magkakambal kami ay hindi naman ibig sabihin niyon ay pareho kami ng kapalaran o abilidad na taglay. Ipinanganak akong taglay ang kapangyarihan ng mga magulang namin. Pareho kong namana ang husay sa paggawa ng ilusyon at abilidad ng aking ama sa pagsagawa ng mga Ice Skill ngunit ang kapatid ko ay walang talentong taglay. Sabay man kaming lumaki ay binusog ako ng pagmamahal ng aming ina at amang namumuno sa buong siyudad ngunit ang kapatid ko ay hindi man lang binigyan ng kahit katiting na pagkalinga. Sa edad na sampo ay sumasama na ito sa pag-eensayo ng hukbong sandatahan at lumaki ito sa magulong pamumuhay na kasama ang mga mandirigma ng Mint City. Nagkikita kami minsan at tanging ang kagustuhan nito ay magkaroon ng kapangyarihan ngunit hindi ko sukat aakalaing magkakaroon nga ito balang araw at doon na nagkaroon ng problema. Namatay na noon ang mga magulang namin at ako na ang namumuno sa Mint City, noong una ay okay pa ngunit kalaunan ay kitang-kita ko ang sama ng pag-uugali nito hanggang sa napagpasyahan nitong ikulong ako sa mismong pambihirang orasan na siyang pinagmumulan ng lakas at kapangyarihan niya. Wala akong nagawa upang protektahan ang buong siyudad sa kamay ng aking kapatid. Kasabay ng pagkawala ng mamamayan ng Mint City ay siya ring pagkawala ng aking kapatid. Ang pambihirang orasan na iyon ay patuloy pa ring nag-eexist sa lugar na ito at ang aking kamalayan ay humahalo sa ilusyong ginawa ko ngunit nakakulong pa rin ako dito.

Wala na ang mortal kong pangangatawan at tanging ang consciousness ko na lamang ang natitirang may buhay dito. Ang kapangyarihan ng pambihirang orasan na iyon ay lubhang mapaminsala. Nasa pusod ng lungsod na ito ang nasabing pambihirang orasan. Hindi ko hinangad na ganito ang sasapitin ng siyudad namin sa kamay ng isang bagay na iyon." Seryosong sambit ni City Lord Bao habang makikitang may lungkot sa tono ng pananalita nito.

Naglakad naman si Wong Ming patungo rito at kitang-kita ni Wong Ming na magkamukhang-magkamukha nga ang mga ito ngunit mabilis niyang napagtanto na nagsasabi nga ito ng totoo.

May maliliit na mga peklat sa leeg, tenga at braso ang nakaharap niya noong inaakala niyang si City Lord Bao at ang kaharap niya ay wala man lang bakas nito. Kung titingnang maigi ay hindi banat sa pagsasanay any kaharap niya.

"King gayon ay nagdulot ng malaking delubyo sa Mint City ang pagmamay-ari ng kapatid mo ng Devil's Clock?! Ang ginintuang oras na iyon ay kayang bigyan ng kakayahan ang sinumang nagmamay-ari nito?!" Seryosong sambit ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito ang labis na kuryusidad.

"Hindi lamang simpleng kakayahan dahil kayang-kayang kontrolin ng sinuman ang oras lalo na pagdating sa malawakang digmaan o panganib ng nagmamay-ari nito. Ganoon kalakas ang pambihirang orasan na iyon na tinatawag mong devil's clock." Seryosong turan ni City Lord Bao habang makikitang hindi ito nagbibiro.

"Masasabi palang dala nito ay biyaya o sumpa sa sinuman tama ba ko?!" Seryosong tanong ni Wong Ming kay City Lord Bao na ilang metro lamang ang layo mula sa pwesto niya.

"Tama ka sa iyong tinuran. Masyado lamang akong naging kampante at hindi ko aakalaing sumpa ang ibubunga nito sa kapatid ko at sa buong mamamayan ng Mint City." Malungkot na sagot ni City Lord Bao habang makikitang may iniisip ito.

Naglakad si Wong Ming patungo sa malawak na bintana at nasilayan niya ang ganda ng malawak na katubigan. Maraming mga makukulay na mga isdang lumalangoy dito at kung titingnang maigi ang kinatitirikan ng malaking bahay na ito ay nasa isang maliit na isla lamang sila.

"Ano ang lugar na ito City Lord Bao?! Bakit nandito nga pala ako?!" Sunod-sunod na tanong ni Wong Ming habang nanlalaki ang kaniyang sariling mga mata.

"Wag kang matakot binata. Ang lugar na ito ay isang maliit na space lamang sa loob ng pambihirang singsing na pagmamay-ari ng mga ninuno namin. Ang singsing na ito ang isa sa heirloom ng mga namumuno sa Mint City at ibibigay ko sa iyo to sapagkat wala rin naman itong silbi pa lalo pa't wala na ang Mint City na siyang sariling lugar namin." Nakangiting wika ni City Lord Bao ngunit mahihimigan sa tono ng pananalita nito ang labis na kalungkutan.

"Kung gayon ay kakaiba pala ang pambihirang space na ito hindi ba?! Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong klaseng lugar sa loob ng isang bagay." Sambit ni Wong Ming habang makikitang hindi ito nagsasabi ng totoo. Masyado lamang niyang pinoprotektahan ang sarili niya dahil hindi niya pa alam kung ano ang katauhan sa likod ni City Lord Bao.

"Ahaha... Kakaiba ang lugar na ito binata ngunit ikaw na lamang ang tumuklas dahil wala na akong lakas pa. Paalam." Seryosong wika ni City Lord Bao hanggang sa mabilis na naglaho ang pigura nito sa hangin.

Pansin ni Wong Ming na tuluyan ng nawala ang aura ni City Lord Bao maging ang enerhiya nito sa lugar na ito. Ang ginawa na lamang niya ay tumanaw muli sa malawak na katubigan na nakikita at naaabot ng paningin niya.