webnovel

3 Ang Bagyo

{ TIZ TIZ }

Magkasunod na kidlat ang narinig ni Rain.Umaga palang ngunit parang alas sais(6) na ng hapon.Makulimlim ang paligid,at tila puro hamog(fog) ang makikita.

Ika-28 na ng Oktubre martes.Maagang gumising si Rain para mag handa ng umagahan.Sa pag bukas niya ng pinto ng kwarto,bumuhos ang malakas na ulan.Agad niyang binuksan ang telebisyon habang naguunab ng bigas.

"Nagbabalik ang Tenga sa Umaga,actually partner,sabi ng PAG ASA,nag simula na ang bagyo,OMG and you know what,wal...."

{ TIZ TIZ } { TIZ TIZ }

"Ay!!! Ano ba yan kuryente,inform mo naman ako kung magmawawala ka,hindi ka siya,aalis na lang bigla kapag nag sawa na" Hugot ni Rain

"Kuya ang aga aga ha,wag mo sirain araw ko" pambati ni Wanda kay Rain

"O gising ka na pala,baket"

"Kuya sino hindi magigising sa kidlat,tas namatay pa electricfan ko,mainit na nagulat kapa"

"Hmmm,O sya,hanap ka nga ng kandila,wala akong makita,ang dilim,nasa kwarto ko yung cellphone ko kung kailangan mo ng flashlight"

Kinuha ni Wanda sa kwarto ang cellphone,saktong may nag send ng mensahe.

"Nak nag padala ako sa inyo ng pera,hindi muna kami uuwi dyan sa weekend,may bagyo pala,Rain yung kapatid mo ingatan mo" mensahe galing sa mama nila

"Kuya nag text si mama"

"Ano sabe?" tanong ni Rain

"Nagpadala sya,tapos di daw sila makakauwi dahil may bagyo,tapos ang ganda ko daw" sagot ni Wanda

"Ahh,parang nag sisimula na mag sinungaling si mama no,mahal ka lang niya Wanda,ayaw niya sumama loob mo sa katotohanan" wika ni Rain

"Katotohanang maganda ako?" tanong ni Wanda

"Katotohanang pangit ka,letse ka,hehe kukunin ko na ang padala habang di pa malakas na malakas ang ulan" sabi ni Rain

"Hahaha,sige kuya,tapos bago ka umuwi bilhan mo ako ng napkin ha,wala na kasi ako dito eh" sabi ni Wanda

Palabas na si Rain ng biglang nahinto dahil tinawag muli siya ni Wanda.

"Kuya,mag iingat ka" wika ni Wanda

Di na pinansin ni Rain si Wanda,kahit na takot siya sa mangyayari noong araw na iyon.Hindi na siya naniniwala na may kakayahan pa si Wanda upang manghula,dahil una,hindi niya pinaalam kay Wanda iyon,at pangalawa,hindi rin sinabi ng lola nila kay Wanda na may kakayahan siya.

"Its modern world na,wala ka ng ikatakot Rain,kahit maraming coincidence ang nagaganap,baka,imahinasyon lang ng utak ng tao to" wika niya habang nag lalakad papunta sa sakayan

Mahamog ang daan.Halos di mo makita ang paligid,malalakas lang na patak ang naririnig ni Rain sa kanyang kapote(Raincoat).Patuloy sa paglakad si Rain.Medyo malapit na siya sa highway.Tinitingan niya ang agos ng tubig upang malibang ang kanyang isipan.Ngunit sa isang agos na kanyang nakita,pula at tila may halong dugo ang tubig na umaagos sa lupa.....