webnovel

Chapter 1

Summer. What's with summer? What happens during summer? Why do people feel excited every time this time of the year comes? Is it the beach? The heat of the sun? The outings?

The vacations?

"Winter!" Napabuntong-hininga ako sa narinig. "Are you listening?" Bumaling ako kay Hannah at itinuon ko ang pansin sa kaniya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tumango.

"Kanina ka pa kasi tulala. Ano bang nangyayari sa'yo?"

"Uh, wala naman," I answered, giving her a small yet forced smile.

"So, ayon nga. Malapit na ang graduation. Saan kayo ng family mo?"

"Hindi ko alam, eh. Maybe the usual. Pero sana maiba naman," I said, looking so problematic.

Eh, kasi nalalapit na ang graduation namin. April na at next week na 'yon. Which means, summer vacation na naman ang susunod. And summer vacation means....the possibility of seeing him. Again. Maybe.

"Oh, ba't mukhang problemado ka? E'diba makikita mo na ulit si bebe boy?"

"'Yun na nga! Hindi man sigurado pero maaaring makita ko siya ulit!" Napahilamos tuloy ako ng palad sa mukha ko. Bagsak ang mga balikat.

"E'di masaya! Diba? Diba?" I groaned. She don't get it! How am I suppose to feel excited and happy for the thought of meeting him again? Matapos nang nangyari na 'yon? Duh, no, thanks!

"Bakit? Ha? Bakit ba kasi? Malay mo nakalimutan nya na 'yon at gusto ka na rin nya makita ulit?"

"Makalimutan? Ng mayabang na 'yon? Imposible! There's no way in hell!"

"I think you're exaggerating. And I think, you are still hoping for things."

"H-huh?" Nagtataka ko siyang tiningnan. What? Hoping for what?

"I mean, you see, it's been 4 or 5 years? What? I don't know. But you still think na hindi nya pa nakakalimutan 'yon. Ibig sabihin, you also thinks that you're relevant for him not to forget about that, or you! And you're hoping for that. You are hoping for him not to forget."

"You know what, wala nang saysay 'yang mga sinasabi mo. How could I hope for that? That's the most unwanted experience I have ever been my entire life!" I exclaimed while spreading off my arms. "Ah! Naalala ko nalang tuloy. How I would give anything and everything just for me to forget that!" And him.

Time flies so fast. The graduation has passed and now, we are heading in a province, in my mother's hometown.

I was listening to music in my playlist the whole trip. Until a few hours later, which felt like minutes, we're already here. I peeked outside the car's window and took a picture of the road with the signage of welcome on top.

I posted it on my Instagram story and in just one refresh, I received a reply from Hannah, saying:

'Go sis! Get that bebe boy! Good luck! Hehe.'

With a fvcking winking emoji on it. I sighed. What does she thinks I'm here for? Oh! No, she doesn't think.

Our car parked in front of a huge house. Mula rito ay naririnig ang malakas na alon ng dagat na mukhang nanggagaling sa bandang likod ng bahay. Asan kaya 'to? This is not our rest house nor Mamita's house.

Pagbaba ko ng sasakyan ay ang agarang paghampas ng malakas at sariwang hangin sa aking balat, kasabay ang init na haplos ng pang-umagang araw.

"Alessandra! Carlos!" Bati kay mama at papa ng kung sino mang nasa harap. Busy ako sa pag-aayos ng palda na nililipad ng hangin kaya hindi ko tuluyang nakita ang mga taong nag-aabang.

"Oh my! 'Eto na ba si Riala? Dalagang-dalaga na talaga ang dating!" Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pangalan ko. I don't know why but here, they prefer calling me Riala, my second name. 

Niyakap ako ni Tita Sally. His mother. Oh my God! So, ibig sabihin, he's here? Fvck! I hugged Tita Sally back, glancing at her back para tingnan kung sino-sino ang mga nandito.

I sighed when I did not see him, just her little sister. I smiled sweetly at Tita Sally, feeling so much relieved. Baka nagpaiwan siya roon? Buti naman kung ganoon!

"Ang ganda-ganda mo na talaga, hija!" Nangingiting puri ni Tita sa akin habang hinahaplos ang magkabilang balikat ko. Ngiti lang din ang sagot ko. Ano ba naman to! "Oh, sya! Tara na! Pumasok na tayo! Hinahanda na ang almusal."

Napatingin ako sa bunsong anak nila Tita Sally, si Lisa.

"Hi, Lisa!" I greeted. She smiled shyly. Mahiyain pa rin talaga. Naku! Ibang-iba sa kuya niyang kumag. "Ilang taon ka na nga?" tanong ko ulit, hindi palasalita kaya ako nalang ang magdadaldal. Tutal e wala naman akong makausap dito.

Tiningnan ko si mama at papa na kasabay na naglalakad kila Tita sa unahan lang namin. 'Yung mga bagahe naman ay iniwan lang sa sasakyan. Hindi naman yata kami dito matutulog, e.

"13 po," nakayukong sagot niya. Ang ikli naman sumagot! Nakakagigil itong batang to. 13 na pala pero sobrang tipid ang kilos at parang sa sobrang mahiyain, hindi na halos bumubuka ang bibig kapag nagsasalita.

"Parang kailan lang ah. Huli kitang nakita, ganito ka pa kaliit oh," sabi ko at pinakita kung gaano siya kataas noon, which is hanggang baywang ko lang. Hindi naman sa totoong ganoon siya kababa, sinusubukan ko lang magtunog ninang.

"Dalaga ka na!" dugtong ko pa. Mahina siyang natawa sa sinabi ko kaya tumawa na lang din ako. "May boyfriend ka na?"

Mukha siyang nagulat sa tanong ko. Aba 'no! Mga kabataan ngayon, parang namumulot lang ng jowa sa kung saan, e.

"Wala ate," nahihiya nyang sagot.

"Ayy oh? Ang ganda mo kaya!"

"Tsaka ayaw kasi nila kuya, e. Nagagalit sila 'pag ganon, ipakilala ko raw muna sa kanila kung mayroon man."

"T-talaga?" shutang bata! Bakit kailangan pang banggitin 'yung 'kuya'! Nautal pa tuloy ako. Pasalamat nalang at wala siya rito. Hmmp!

"Opo, kaya nga lang ate nakakainis din po e, hindi pakilala ang nangyayari kasi tinatakot naman nila!" Nagrarant na siya! Ang haba na rin ng sinasabi! Mukhang nagiging komportable na siya sa akin ulit kahit papaano. Ano 'to, nagpapalakas sa kapatid?

"'Wag mo kasi ipaalam sa kanila," natatawa kong payo.

Pumasok na kami sa main door nila at patuloy pa rin ang pagsunod namin kila mama na mukhang didiretso na ng kitchen para sa almusal.

Dinugtungan ko ang sinasabi. "Pero buti nalang din 'yon 'no. Ang bata mo pa para sa mga ganyan. Look at me! Ako nga, hanggang ngayon wala pa ring jowa, e!"

May narinig kaming tumawa sa bandang gilid lang namin kaya napahinto kami sa paglalakad.

"Ang bitter naman." dagdag pa nito. May side comment pa!

Nilingon ko ang nagsabi nito. Ngayon ko lang napansin na may mga tao pala rito sa sala.

At pitompu't-pitong puting puta! Andito siya!