Nang makarating ako sa banko na pinapasukan ko ay todo ngiti sa akin ang mga nakakasalubong ko.
"Good morning po." Masaya kong bati sa kanila. Ganito talaga kami lahat sa workplace.
Nang makaayat ako sa 13th floor ay hiyawan ng mga ka workmates ko ang sumalubong sa akin.
"Ayan na pala si Miss maganda." Birong bati sa'kin ni Aileen. Isa sa mga jolly na katrabaho ko.
Dumeretso na ako sa cubicle ko at laking gulat ko ng may nakita akong isang bouquet ng chocolates sa ibabaw ng table ko. Different kinds of chocolates. Natakam ako sa nakita ko.
Binasa ko ang note na nakadikit dito.
Hi love, I'm sorry for what have happened the last time. Let me make it up to you, okay? I love you.
Bago pa ako makapag react ay tumili na naman si Aileen. "Ang sweet naman ng boy friend mo, sana lahat."
Napailing na lang ako. Jaycee never fails to surprise me, in a way he can.
"Mapapa 'sana all' ka na lang talaga." Panunukso pa ni Joan, katabi lang kami ng cubicle kaya malayang malaya siya makadekwat ng chocolate sa bouquet.
"Unang basal ka talaga eh, no?"
Ngumiti lang siya sa akin at kinagatan ang dairy milk. "Team KeiDi pa din ako."
"Ewan ko sa'yo."
Nagsimula na 'ko sa mga gawain ko. Mabuti nalang at nakapag-pahinga ako ng maayos at maaga kagabi. Ang dami pa palang kailangan i-finalize dito sa office, good thing naman at hindi ko masyadong ini-stress ang sarili ko.
"Babe." Tawag ko kay Joan na ngayon ay tutok din sa computer sa harap niya.
"What?" Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.
"Sasama ka ba sa concert mamaya?" Tanong ko sa kaniya, this time ay napatingin na siya sa'kin. Nakasalubong nga lang ang kilay at nakanguso pa.
"Nang-aasar ka ba? Alam mo naman na hindi ako pinapayagan ni Mommy."
Natawa nalang ako sa pagbabago ng reaksyon niya. May kasunod na buntong hininga pa ito. We both love the December Avenue band. In fact, siya 'tong nag-impluwensya sa akin to stan that band.
Kaso sa amin kasing dalawa, kahit mas matanda siya sa'kin ng isang taon ay siya 'tong parang katorse anyos na hindi pinapayagan ng magulang gumala.
Hindi ko naman din masisisi ang mga magulang niya. Alam kong iniingatan lang nila si Joan, lalo na't nag-iisa ito nilang anak na babae. At lapitin talaga ito ng disgrasya.
"Ang dami mo nang nami-miss na experience." Malungkot kong sabi sa kaniya.
Ngumiti naman ito. "Mas nami-miss kita." At tsaka pa sinundan ng pagtawa.
"Siraulo ka. Kung nato-tomboy ka sa'kin, umamin ka na habang maaga pa." Pabiro kong saad sa kaniya.
"H'wag na. Aagawan ko pa ba si Chris? Magni-ninang pa ako sa anak niyo."
Napailing na lang ako at tinapos na ang mga gawain ko dito. Dito kasi sa trabaho namin, kahit hindi pa dismissal, once na matapos mo na ang pinatratrabaho sa'yo puwede ka na umalis.
"So, akala mo ikinaganda mo 'yang pag-ta-tattoo mo sa pulsuhan mo?" Nakataas pa ang kilay na puna ni Joan sa braso ko.
Nandito kami ngayon sa Mang Inasal sa Robinsons. Katapat lang ito ng banko kaya dito na kami madalas pumunta kapag lunch break.
Kaso ngayon ay meryenda na namin ito dahil alas tres na din naman ng hapon. Hindi na kami nag lunch break, dahil tinapos na agad namin ang mga inuutos sa amin.
"Gawa ni Dion 'yan. Ano 'to eh, uhm, ano nga iyon? Nors-"
"Morse Code, beh. Ano't nagpapauso ka na naman ng mga salita?"
Natawa nalang ako at pinakatitigan ang nakalagay doon. Kung alam ko lang sana kung paano magbasa ng code na 'yon eh hindi ako mahihirapan.
"Patingin nga."
Ipinakita ko sa kaniya ang kamay ko at pinakatitigan niya ito sabay hampas sa kamay ko.
"Ano'ng kagaguhan 'yon?!"
"Kinikilig ako, gaga!"
Napakunot ang noo ko. "Ha?"
"I love you, My love."
"Hoy, ano? Natotomboy ka na ba talaga sa akin?"
Umirap siya at sumubo ulit ng pagkain niya. "Baliw, ang meaning ng code na 'yan is, I love you, My love."
I love you, My love? Iyon ba talaga ang kahulugan noon? Si Dion ang nagtatak niyan sa'kin.
So, ibig bang sabihin non...
"Confirmed, Dion's in love with you."
"Ano'ng oras mo balak puntahan si Maria?" Tanong sa'kin ni Klein habang naglalaro ng mobile legends sa tabi ko.
"Sasama ba 'yon? Libre niya kamo tayo." Ungot naman ni Andrew.
Nandito kami sa Ezi's Hub. Magkakasama kaming magka-kaibigan. Dito kami madalas tumambay kapag walang trabaho. Club 'to ng isa naming kaibigan na si Ezikiel.
"Dion, i-try mo muna, p're." Alok pa sa'kin ni Ezi ng vape niya.
Umiling ako at tinutok nalang ang atensyon ko sa song book. "Ayaw ni Kei sa mga mabisyo."
"Naks, kala mo girlfriend mo na, ha?"
Hindi ko nalang pinansin ang mga kantyawan nila at nagpaalam na 'kong susunduin ko si Keila.
Kung tutuusin, pwede naman na magkita nalang kami sa plaza pero ayokong hayaan siyang mag-isa. As much as I can, she's my responsibility. My priority above all.
Nang makarating ako sa Allore Bank ay agad kong nakita ito kasama si Joan. Bumaba ako ng sasakyan at lumapit sa kanila.
"Hi, Joan." Bati ko sa kaibigan namin ni Keila.
"Ililibre mo ba 'ko?" Agad nitong tanong sa'kin. Napakamot nalang ako, ganito na lagi ang sistema kapag magkikita kami, huhuthutan niya ako.
"CD, ang aga mo yata?" Puna sa'kin ni Keila. Napangiti ako ng makita ang dimples niya. Wala, ang cute lang.
"Bumili muna tayo ng makakain bago pumuntang concert." Sabi ko at tumango naman siya agad.
"Sana all diba pinapayagan sa concert. Ako, malaki na-"
"Lumaki ka ba?" Sabay pa kaming nanukso ni Keila. Siya kasi ang pinaka-maliit sa aming tatlo.
Napairap nalang ito. "Halika na, ihahatid na kita sa inyo."
"Aba dapat lang. Baka nakakalimutan mo, dapat maging mabait ka sa akin, kung hindi-"
"Oo na."
Nginitian nalang ako ng dalawa at sumakay na kami sa kotse ko. Sa backseat na umupo si Joan, sa tabi ko naman si Keila.
Sa Del Cargo convenience store na kami bibili ng pagkain ni Keila. Malapit lang naman kila Joan iyon kaya isasabay na namin. Kawawa naman. Baka makipnap.
"Ano'ng mga bibilhin natin? Bakit hindi mo pa isinama mga kaibigan mo?" Tanong sa'kin ni Keila.
"Bakit ko isasama? May kaniya kaniyang sasakyan 'yon, tsaka h'wag ka nang naghahanap ng iba kapag nandito ako."
"Ah, seloso." Sabi pa ni Joan.
"Ah, 'di pinayagan." Balik pang asar ni Keila.
"Alam mo kingina ka."
Hanggang sa makarating kami kila Joan ay hindi matigil ang asaran ng dalawa. Napapangiti nalang ako. Malalakas talaga tama ng dalawang 'to.
"O'sya. Mag-ingat kayo. Ingatan mo 'tong babe ko ha? Baka sa sogo mo pa dalhin." Sabi niya habang nginuso pa si Keila na ngayon ay mahimbing ang idlip.
"Bakit sa sogo pa, may hotel naman kami."
"Loko ka talaga. Sige na, salamat! Makakaasa kang sa'yo pa din boto ko." Napatango nalang ako.
Tinitigan ko si Keila sa tabi ko. Nakaidlip na nga ito, bahagya pang nakaawang ang mga labi niya.
"I'll take care of you, soon. Higit pa sa pag-iingat ko sa'yo ngayon."