webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Integral
Sin suficientes valoraciones
557 Chs

Gino Santayana Chapter 12

DI ALAM ni Miles kung dapat siyang matuwa o hindi. Ilang araw na niyang hindi nakikita si Gino. Natutuwa siya dahil walang nang-iinis at nagpapa-cute sa kanya. Mas malaya na siyang kumilos dahil wala nang nakatitig sa kanya.

Pero mabigat din ang loob niya. Yes, her life was safe, sane and peaceful without him. But it was boring too. Nami-miss niya ang kakulitan nito. Ang pagtitig nito sa kanya at pagsasabing maganda siya. She missed his smile.

"Gino, kailan ka ba babalik?" wala sa sarili niyang nausal.

"Uy, nami-miss niya si Fafa Gino!" tukso ni Weng sa kanya.

Napapitlag siya. "Hoy! Hindi ko sinabing nami-miss ko siya. Gusto kong bumalik na siya para magiyera ko siya. Natakasan niya ako noong nakaraan."

"Eh, kasi masyado ka namang pakipot. Kung ako ang sasabihan nang ganoon, pipikutin ko na agad para di na makawala."

"Ang sabihin mo, pinagti-tripan lang niya ako."

Laman pa rin ng isip niya si Gino nang pauwi na siya. Nagulat na lang siya nang iabot sa kanya ni Marlon ang bouquet ng flowers. "May nagpapabigay sa iyo sa labas. Iyong guwapo mong boyfriend. Andoon sa labas."

"Si Gino?" Parang may pakpak ang paa niya nang lumabas ng DOME. Inookupa ni Gino ang isa sa mga mesa. "G-Gino?" aniya sa nanginginig na boses.

Nakangiti itong lumingon sa kanya. "Hi!"

"A-Anong nangyari sa iyo? Nagkasakit ka ba kaya ka nawala?" nag-aalala niyang tanong. "Bakit ngayon ka lang dumating?"

"Uy! Na-miss mo ako, no? Huwag ka nang mag-alala. May inasikaso lang ako kaya nawala ako. Nandito na ulit ako ngayon."

Wala naman palang masamang nangyari dito. Nalaman tuloy nito na nag-alala siya. And he was using it as a weapon against her again. "Bakit nandito ka na naman?" tanong niya sa mataas na boses. "May pa-flowers-flowers ka pa. Gusto mo na naman na matsismis ako dito? Ang lakas ng loob mong magpakita sa akin!"

Pinag-krus nito ang braso. "Teka! Ceasefire muna. Gusto ko na ngang mag-sorry dahil nag-alala ka sa akin. Saka nagpunta ako dito dahil gusto kong malaman kung okay ka lang. Tingnan mo, nangangayayat ka na. Iniisip mo ako, no?"

"Payat talaga ako!" Kasama na sa pagbabagong-buhay niya ang exercise. "Saka bakit naman kita iisipin? Eh, sakit ka lang sa ulo ko."

Mahabang sandali itong di nagsalita at tinitigan siya. "Bakit ganoon? Paganda ka yata nang paganda. Pati ang buhok mo, parang nag-iba."

Nahigit niya ang hininga nang haplusin nito ang buhok niya. "Bakit?"

"Well, its softer and shinier now. Bagay nga sa iyo ang nakalugay."

Inipon niya ang buhok niya para di na nito hawakan. "Binobola mo na naman ako. Stallion Shampoo lang 'yan, no? Pwede ba, ibang babae na lang ang bolahin mo? Kasi hindi mo naman ako makukumbinsi na makipag-date sa iyo."

"Teka, ano ba ang problema sa akin at ayaw mong makipag-date? Iniisip mo ba na katulad din ako ni Alain na iiwan ka na lang basta-basta at ipagpapalit sa iba?"

"Hindi. Basta hindi lang kita type."

"Teka!" Inayos nito ang kuwelyo ng damit. "Hindi naman yata ako naniniwala diyan. Ano ang hindi mo gusto sa akin?"

Pinasadahan lang niya ito ng tingin at pagkatapos ay iniwas ulit ang mata dito. Hay! Ang guwapo! Walang kapintasan! "Basta hindi lang kita type."

"Miles, please answer me seriously."

"Gusto mong seryosohin kita samantalang hindi ka naman seryoso sa akin? Alam ko naman na pinagkakatuwaan mo lang akong yayain ng date. Bakit? Wala ka na bang ibang babae na mayaya?"

"Huwag nating pag-usapan ang ibang babae. Ikaw ang tinatanong ko. At kapag nagyaya ako ng date, ibig sabihin seryoso ako," walang kangiti-ngiti nitong sabi. "Saka gusto kong malaman kung ano ang sagot mo. Kung bakit ayaw mo sa akin. Kasi kapag sinabi mo sa akin ang dahilan, titigilan na kita. Hindi na ako mangungulit. Lalayo na ako."

"Ibig lang sabihin no'n, hindi ka nga talaga seryoso."

Huminga ito nang malalim. "Ikaw na ang nagsabi, wala na akong ginawa kundi ang guluhin ka. Na pinasasakit ko lang ang ulo mo. Ayoko nang maperwisyo ka pa. So I might as well stop it now before you hate me."

It was a tough decision. Ayaw kasi niyang mawala si Gino. But I also want my sanity back. Kapag nakipag-date ako sa kanya at nagsawa siya, hahanap na siya ng iba. Sa kanya madali iyon pero hindi sa akin. Lalo na't nahuhulog na ang loob ko.

And it was harder than Alain's case. Madali sa kanya na hindi isipin si Alain. He never really cared about her. Unlike Gino. Ano ang pipiliin niya? Pansamantalang kaligayahan kasama si Gino o mas tahimik pero malungkot na buhay nang wala ito?

Tiningnan niya ito nang direkta sa mata. "Gino, alam mo kung ano ang problema sa iyo? You are too handsome." Nangalumbaba siya at tinitigang mabuti ang mukha nito. As if she was memorizing his face. "Your eyes are so attractive and your smile is simply lethal. At kahit na may playboy image ka, gentleman ka pa rin… well, sort of. You can make every woman fall for you."

"Ano ang problema doon?"

"That's the problem. Madali para sa kahit sinong babae na ma-in love sa iyo. Kung makikipag-date ako sa iyo, malaki ang possibility na mahalin kita. Pero paano kung hindi ka naman mai-in love sa akin?"

"Paano mo malalaman kung di mo sinusubukan?"

"Gusto mong subukan ko kahit na alam ko na ang track record mo sa mga babae? Kung sila nga, magaganda, sexy at may sinasabi sa buhay mabilis mawala sa buhay mo. Paano pa kaya ako? Malayo ako sa mga katulad nila."

"Minamaliit mo kasi ang sarili mo."

"No. Ginagamit ko lang ang utak ko. Simula pa lang, nakita ko na ang kahahantungan nito. Failure. We'd part in the end. So why start now if we'd end up that way? Mas gusto ko nang sigurado."

Doon sa isang lalaki na di nga kaguwapuhan pero tiyak niyang seseryosohin siya at di siya basta-basta iiwan. Iyong iba kay Gino.

"There are no guarantees in love, Miles. Akala mo minsan, ginto ang napupulot mo pero tanso pala. Tulad kay Alain."

"I won't commit that same mistake. I am more careful now. Kaya nga habang di pa nagsisimula, mabuti nang putulin ko na ang pwedeng mamagitan sa atin. Goodbye, Gino. I'll take the flowers anyway. Remembrance kung di na tayo magkikita. Mag-ingat ka na lang," malambing at nakangiti niyang sabi.

Subalit pagtalikod niya ay mabilis na naglaho ang ngiti nito. Parang isang magandang bagay kasi ang tinalikuran niya. Paano kung mali nga ang desisyon niya na layuan si Gino? Paano kung mas masaya siya kung di ito aalis?

Huli na, Miles. Pinakawalan mo na siya. Kaya kalimutan mo na siya.