webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Integral
Sin suficientes valoraciones
557 Chs

Chapter Seven

Namumungay pa ang mata ni Celestine pero kailangan na niyang I-check ang kotse niya. Alas sais pa lang ng umaga. Dadalawang oras pa lang ang tulog niya. Dapat na siyang bumiyahe papunta sa Manila kung ayaw niyang ma-traffic.

"Good morning, Tintin!" bati sa kanya ni Philippe.

She suppressed a yawn when she waved at him. "Morning!" bati na lang niya.

Di niya alam kung sadyang inaantok pa siya at lumulutang ang utak niya o nakakatulala lang ito. She couldn't take her eyes off him. He looked fresh and masculine while riding on horseback. Her exact contrast. Wala pa siyang tulog at pahinga. She must have looked rotten compare to him.

The world was so unfair. Paano pa sila magiging bagay kung guwapong-guwapo ito at mukhang bilasang isda ang kagandahan niya?

Bumaba ito ng kabayo at lumapit sa kanya. "Bakit maaga ka yatang gumising? Alas sais pa lang, ah!"

"Kailangan kong lumuwas sa Manila. Recital ni Zanti ngayon. Magtatampo siya sa akin kapag di ako nakapunta."

"Well, that sounds great."

"How about you?" tanong niya. "Hindi mo ba panonoorin si Milby?"

Bumakas ang pagtataka sa mukha nito. "Magpe-perform din si Milby?"

Tumango siya. "Yes. Ang alam ko pareho silang member ng choir ni Zanti. Hindi ba niya nasabi ang tungkol sa recital nila?"

Bahagya itong yumuko at umiling. "No. Walang sinasabi sila Mama." Mukhang nalungkot ito dahil di ito nasabihan.

"Sorry. Akala ko alam mo." Umagang-umaga ay pinalungkot niya ito.

"Pwede mo ba akong hintayin?" tanong nito. "Sasama rin ako sa iyo. Gusto ko ring mapanood ang recital ni Milby."

"Wait! Hindi ba may training ka ngayon?" It was his tenth training day. Di ito pwedeng basta-basta na lang umalis sa training dahil nasa kalagitnaan pa lang ito ng pagsasanay. Malapit na malapit na ang simula ng shooting nito.

"It is okay. I can take a day off. Advance naman ako sa lesson kaya pwede daw akong magpahinga sabi ni Sir Reichen," paliwanag nito. "I will just take a shower and I will fetch you here."

"O, sige. Hihintayin kita dito."

Nagmamadali itong sumampa ng kabayo. "By the way, I am driving! At wala kang gagawin sa biyahe kundi ang mag-relax."

Humalukipkip siya. "And what is that suppose to mean? Na ayaw mo sa mga female drivers?" magkasalubong ang kilay niyang tanong.

Nakangiti itong umiling. "Nope. Wala kang tulog. Gusto ko lang magpahinga ka. I want to take care of you."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan ito papalayo. He was like a modern gallant knight. Aalagaan daw siya nito.

She loved the sound of it.

"LATE na ba tayo?" tanong ni Philippe nang dumating sila sa eskwelahan ng mga pamangkin nila. "Hindi na ba natin mapanonood si Milby?"

Ito ang nagmaneho gaya ng sabi nito sa kanya. Lahat na yata ng short cut ay dinaanan nila para lang matiyak na makakarating sila sa oras.

Tinapik niya ang braso nito. "Relax. Maaga pa tayo."

Nagpalinga-linga ito sa auditorium. "Parang kokonti pa lang ang tao. Nasaan na sila Milby?" tanong pa rin nito.

"Nasa backstage sila. Halika, puntahan natin."

Naabutan nilang inaayusan ng mga guardian ang mga batang magpe-present sa program para sa araw na iyon. Una niyang nakita ang nanay niyang si Aling Ditas na inaayos ang buhok ni Zanti. "Nay!" nagmano siya nito paglapit.

"Ginugulat mo naman ako, Tintin!" anito at napahawak sa dibdib.

Humangos sa kanya si Zanti at yumakap. "Tita Tintin!"

"Wow! Ang guwapo naman ng baby ko." She cupped his face. "Patingin nga ako. Naku! Maraming babae ang mai-in love sa iyo."

"Di pa po pwede kasi baby pa po ako," katwiran nito at natawa siya.

"Good morning," Philippe greeted crisply.

Napanganga ang nanay niya habang nakatitig dito. "Si… Si… Philippe Jacobs!" sigaw nito at kumapit agad sa braso ng binata. "Naku! Kaguwapo mo pala sa personal at ang bango-bango pa."

"Nay, nakakahiya. Pinagtitinginan tayo ng mga tao. Konting hinhin naman," pabulong niyang bilin sa nanay niya.

"Kow! Anong nakakahiya? Paborito ko ata ang batang ito. Pahalik, hijo." Tumingkayad ito at humalik sa pisngi ni Philippe. Then she giggled like a teenager. Parang wala pang apo ang nanay niya kung umasta. "Mas guwapo ka pa sa personal kaysa TV, alam mo ba?"

"At sa inyo naman po nagmana ng ganda si Tintin," wika ni Philippe. "At mukhang marami pa siyang ibang namana sa inyo."

Matalim niyang sinulyapan si Philippe nang ngingiti-ngiti itong tumingin sa kanya. Ganoon na ganoon din kasi ang reaksiyon niya nang una niya itong makita. Kulang na lang ay papakin niya ito.

"Siyempre. Wala namang ibang pagmamanahan ng kagandahan iyan kundi sa akin lang," pagmamalaki ni Aling Ditas. "Ito namang anak ko, di sinasabing kakilala ka. Eh, di sana naidala ko ang scrapbook ko. Puro ikaw lang ang nandoon."

Di makapaniwalang nagpapalit-palit ng tingin si Philippe sa kanilang mag-ina. "Sabi ko sa iyo. May scrap book mo ang nanay ko."

"DI bale po. Pipirmahan ko po iyon. At dadalawin ko pa kayo."

"Pangako iyan, hijo? Naku! Hihintayin ko iyan. Mamamanhikan ka na ba pagpunta mo sa amin?" ngiting-ngiting tanong ng nanay niya.

"M-Mamamanhikan?" tanong ni Philippe.

Pagak siyang tumawa. "Huwag pong pansinin ang nanay ko. Joke lang niya iyon." May plano pa yata ang nanay niya na pikutin si Philippe.

"Tito PJ!" bati ni Milby dito at yumakap sa baywang ng binata. "Nandito ka! Nandito ka! Narinig ko po ang boses mo. Sabi ko na nga ba, ikaw iyon!"

"Anak, anong ginagawa mo dito?" tanong ng Mama ni Philippe.

Humalik si Philippe sa pisngi ng ina. She recognized her as Felicia Jacobs. May dugo kasing amerikano ang asawa nito, ang Papa ni Philippe. "Ma, kaibigan ko po si Celestine," pagpapakilala sa kanya. "At ito po ang nanay niya. Nalaman ko po kay Celestine na may recital si Milby ngayon. Kaklase po kasi ni Milby ang pamangkin niya. Kaya po naisipan ko na sumama sa kanya at manood."

Nahihiyang yumuko si Felicia. Di magawang salubungin ang tingin ng ina. "Akala ko kasi may training ka, anak. Importante kasi iyon sa iyo dahil malapit na ang simula ng shooting mo. Ayokong maabala ka."

"Hindi naman po pang-aabala ang para sa pamangkin ko," katwiran ni Philippe. "Gusto ko rin po siyang mapanood sa mga school programs."

"Tito, ako po ang nagsabi kay Lola na huwag sabihin sa inyo. Baka po hindi kasi kayo dumating katulad nang dati dahil marami po kayong trababo," pag-amin naman ni Milby. Ilang beses na marahil nitong niyaya ang tiyuhin na dumalo sa mga programs na sinasalihan nito pero laging bigo.

She knew the feeling because Zanti had the same sentiments whenever her sister couldn't come home to watch him or couldn't see him at all.

"Well, I am here now," anang si Philippe. "Aren't you glad?"

"Masaya na po ako, Tito!" anang si Milby. "Gagalingan ko po para sa inyo."

"That is my boy!" Saka ginulo ni Philippe ang buhok ng bata.

"Tintin, dalhin mo na si Philippe sa labas. Magsisimula na ang program at baka maubusan pa kayo ng upuan. Susunod na rin kami ni Kumareng Felicia," sabi ng nanay niya na ngiting-ngiti.

"Kailan pa kayo naging magkumare, Nay?" pabulong niyang tanong. Noon nga lang nagkakilala ang mga ito.

"Hindi naman ako sanay sa amiga. Saka natural lang iyon dahil magiging magbalae rin naman kami balang-araw. Sa tingin ko gusto ka rin ni Philippe."

"Shhh!" saway niya dito. "Baka may makarinig sa inyo." Nakakahiya dahil baka isipin ay sobra-sobra ang pag-iilusyon niya kay Philippe.

"Celestine, let's go," Philippe called and offered his hand.

Ginagap niya ang kamay nito at pinandilatan ng mga mata. Mas matindi pa yata ang pagka-malisyosa ng nanay niya kaysa sa kanya.

Nagtaka siya nang maramdamang nanlalamig ang kamay ni Philippe. "Hey, what's wrong?" she asked. "Malamig na malamig ang kamay mo. Huwag mong sabihin na kinakabahan ka."

"First time kong mapanood na mag-perform si Milby. Lagi kasi akong wala kapag nagpa-participate siya sa programs. Natural lang na kabahan ako."

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay nito at tinapik. "Don't worry. Milby will be fine. Napanood ko na siyang mag-perform dati. He did great. And he will do better because he knows that you are watching him."

Tumango ito at itinuon ang tingin sa stage subalit ipinatong pa nito ang isang kamay sa magkahawak na nilang kamay. They looked like a couple but she didn't mind. Nang mga oras na iyon, siya lang ang nasasabihan ni Philippe ng nararamdaman nito. He made her feel special.

"ANG galing ko, di ba Tita Tintin?" pagmamalaki ni Zanti nang matapos ang program. Nag-lunch sila ni Philippe kasama ang kani-kaniyang pamilya. "Ang lakas-lakas ng palakpakan ng mga tao nang kumanta kami."

"Siyempre naman magaling ka," aniya at pinisil ang pisngi nito.

Pumangas si Milby ng fried chicken. Sa kanilang lahat ay ito na yata ang pinakamaraming nakain. "Ginalingan ko rin dahil nanonood ang tito. Siyempre dapat kasing galing niya ako dahil mag-aartista din ako balang-araw."

Walang planong magpatalo si Zanti. "Basta ako mana ako sa tita kong singer. Kaya nga magaling din akong kumanta."

"Pareho na kayong magaling. Pareho na kayong guwapo," sabi ni Philippe para matigil na ang pagpapayabangan ng dalawa. "Basta huwag na kayong mag-away at kumain lang kayo."

"Di po kami nag-aaway, Tito," sabi ni Milby. "Friends na po kami."

"Celestine, hija. Salamat sa pagsasama mo dito sa anak ko. Hindi mo lang alam kung gaano ito kaimportante sa anak ko at kay Milby," sabi ni Felicia.

"Ma'am, wala naman po akong ginawa. Sinabi ko lang po ang tungkol sa program at si PJ ang kusang sumama. He wants to watch his nephew as well. Look at him. Proud na proud siya sa pamangkin niya," paliwanag niya.

Noong una lang kinabahan si Philippe. Paglaon ay kumukuha na ito ng video ng mga bata. Ipapakita daw nito sa kapatid at sa asawa nito na nasa opisina at may importanteng meeting na di nito maiiwan. There was absolute happiness on his face while he watched his nephew. Parang bumata itong tingnan.

"Alam ko naman kasi na priority niya ang career niya. Napapagod na rin si Milby na lagi siyang niyayaya pero di naman siya nakakarating. Lagi kasing ipinagmamalaki ni Milby na may tito siyang artista. DI naman niya naidadala si PJ sa school kaya napapahiya siya. May tampo tuloy sa kanya si Milby."

"Sa palagay ko po nakabawi na si PJ sa kanya kanina." Ipinagmalaki kasi ni Milby sa lahat si Philippe kanina. Di na nga naman ito tutuksuhin ng mga kaklase nito na nagsisinungaling lang o gumagawa ng kwento.

"Minsan sasabihin ko kay PJ na isama ka sa bahay para naman ma-meet mo din ang pamilya namin. Gusto kong makilala ang mga kaibigan niya," sabi ni Felicia.

"It is an honor, Ma'am." Isang privilege na maging bahagi ng buhay ni Philippe at makilala ang mga taong mahal nito.

"Philippe, bigyan mo naman ako ng ticket sa premier night ng pelikula mo," request ng nanay niya.

"Nay, wala pa po ang pelikula niya. Di pa po ipapalabas. Magsisimula pa nga lang po ang shooting," sabi niya.

"Daig ng maagap ang masikap," katwiran ni Aling Ditas.

"Magpapa-reserve po ako ng ticket para sa inyo ng pamilya ninyo," sabi ni Philippe. "Ako po ang bahala sa inyo."

Niyakap ng nanay niya si Philippe at hinalik-halikan sa pisngi. "Naku! Mabait ka talagang bata at guwapo pa!"

"Pasensiya ka na sa nanay ko, ha?" sabi niya kay Philippe nang pauwi na sila nito at bumibiyahe pabalik sa riding club. "Gustong-gusto ka kasi niya."

May lihim pa nga yatang pagnanasa ang nanay niya kay Philippe. Dinaig pa siya kung makayakap at makahalik.

"Okay lang iyon. Ibang fans nga nangungurot at nananakit pa," anang si Philippe. "Pero simple lang ang nanay mo. May kaya na kayo pero wala siyang ere."

"Simple lang naman talaga ang buhay namin. Ate Evita ko lang ang may gusto na magpatayo kami ng malaking bahay dahil iyon ang pangarap niya. Pero para sa magulang ko, wala namang nag-iba. Pera lang daw iyon. Di dapat na mabago ang pakikisama sa ibang tao."

"Thanks for the help. Di nila sinabi sa akin dahil ayaw nilang ma-disappoint. Akala nila wala akong oras sa kanila."

"Nag-usap naman na kayo ni Milby, hindi ba? Naiintindihan na niya ang trabaho mo. Gustong-gusto ka niya at ipinagmamalaki sa mga classmates niya. He really, really adores you."

"Sa tingin ko malapit na malapit ka rin kay Zanti."

"Alam mo, ako ang nag-alaga sa kanya mula pagkabata. Model sa abroad ang kapatid ko. Iniwan niya sa amin si Zanti," kwento niya. "Parang anak na ang turing ko kay Zanti. Kaya nga miss na miss niya ako mula nang magtrabaho ako sa riding club at madalang umuwi sa amin. Sinasamantala ko na ang lang ang pagkakataon na makasama siya. And I make sure that I don't miss his recitals."

"Maswerte ang lalaking pakakasalan mo." There was warmth in his eyes when he said that. "Maalaga ka kasi. At mahilig ka sa mga bata."

"Ikaw din naman, ah! Gentleman ka. Mahilig ka rin sa bata."

"Do you think I can create a nice family if I don't know who I really am or where I came from?" malungkot nitong tanong.

"Sa palagay mo ba importante sa isang tao kung saan siya galing o sino ang magulang niya? Ikaw ang importante. Kung paano mo binuo ang sarili mo. Maayos ang pagpapalaki sa iyo ng parents na kinilala mo. You have a successful career and you work hard to get to where you are. Maraming taong nagmamahal sa iyo. Iyon nang importante, hindi ba?"

Malungkot itong ngumiti. "Mabuti ka pa, iyon ang tingin mo sa akin."

"Bakit naman?" tanong niya.

Umiling ito at hinaplos ang buhok niya. "Matulog ka na. May pasok ka pa mamaya," malambing nitong utos.

Ipinikit niya ang mga mata at di na nagtanong pa dito. Subalit di maalis sa isip niya ang pag-uusap nila. May tao bang bumalewala dito? May umalipusta ba sa pagkatao nito? Sinaktan ba nito si Philippe?

Please follow me on the following social media account:

Facebook: Sofia PHR Page

- Send a message to be a subscriber

Twitter: @sofia_jade

Instagram: @sofiaphr

Sofia_PHRcreators' thoughts