webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Integral
Sin suficientes valoraciones
557 Chs

Chapter 5

"Hindi yata siya naniniwala," sabi ni Elvin at iniwas ang tingin sa kanya. "Hindi ba ikaw nga ang first girlfriend ko? Ayan, ha! Ipaghanda mo na ng dinner ang Ate Eyna mo, Liyah. Pareho kayong mahilig kumain, alam mo ba?"

Dinner? Hinding-hindi niya ito ipaghahanda ng dinner kahit kailan. Lalo na bilang nobya ng kapatid niya. Baka lagyan pa niya ng pako ang ihahain dito.

Ate Eyna? No way! Hinding-hindi  siya papayag na tawaging ate si Eyna. Ni hindi pa nga natatanggap ng utak niya na girlfriend nga ito ni Elvin.

"Frankly speaking, I have no idea that you are seeing each other," walang kagatol-gatol niyang sabi. "So paano ko malalaman na girlfriend mo siya?"

"Liyah," narinig niyang bulong sa kanya ni Thyago.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Anong masama?" asik niya.

Kailan pa itinatago ng kapatid niya ang relasyon ng mga ito? Kailan pa nagde-date ang mga ito? Ni wala pa yatang isang buwan mula nang mag-date sina Eyna at Thyago pagkatapos ay girlfriend na ito ng kapatid niya?

"Elvin, I want to go home. I don't feel well," anang si Eyna sa malamig na boses at naglakad palayo.

"Okay," wika ni Elvin at inalalayan ito sa braso.

"Hindi mo na ba talaga tutuparin ang pangako mo na manonood tayo ng concert, Kuya?" naghihihinanakit niyang tanong.

Nilingon siya nito. "Kailangan kong ihatid si Eyna. I am sure you will enjoy Thyago's company more." Saka ito nagpunta sa kotse nito kasama si Eyna.

Parang itinulos siya sa kinatatayuan. Kuya Elvin ba talaga niya ang lalaking iyon? It was not so him. Iyon ang unang pagkakataon na tinanggihan siya nito para lang sumama sa isang babae.

Lagi na lang siya ang priority ng kapatid niya. Lagi nitong ipinadarama na mahal siya nito. Sa pagkakataong iyon, naramdaman niyang di siya nito mahal.

And for the first time in her life, she ran away from her brother.

"LIYAH, wait!" tawag ni Thyago sa kanya subalit patuloy lang siya sa paglalakad. Animo'y wala siyang narinig.

Umalis siya nang di nagtatangka ang Kuya Elvin niya na sundan at suyuin siya. She just wanted to get away. Wala siyang pakialam kung saan man siya dalhin ng paa niya. Ang tanging nararamdaman lang niya nang mga oras na iyon ay ang  matinding hinanakit sa pagbalewala sa kanya ng kapatid niya.

Pinigilan siya ni Thyago sa braso. "Liyah, slow down!"

"Bakit ka ba sunud nang sunod?" asik niya.

"Natural. Dahil ako ang kasama mo. Saan ka ba pupunta?"

"Uuwi na ako. Wala na ako sa mood na manood ng concert. Sa palagay ko naman walang dahilan si Kuya na ma-guilty sa di ko pagpunta. He is obviously having fun with his girlfriend." Ni di niya matawag ang pangalan ni Eyna.

"Now you are acting like a kid. Nalaman mo lang na may girlfriend ang kapatid mo, nasisintir ka na."

"Ikaw ba hindi naiinis? Girlfriend ni Kuya ang ex-girlfriend mo!"

Nagkibit-balikat ito. "We went out once and I stopped seeing her when your brother told me that he likes Eyna. And I am happy for them."

Umawang ang labi niya. "Alam mo na girlfriend niya ang babaeng iyon. At kaya ayaw mong pumunta sa restaurant dahil alam mong nandoon sila. You are conniving against me!"

"See? Kaya di agad masabi ng Kuya Elvin mo sa iyo na may girlfriend na siya dahil magagalit ka sa kanya."

"Paanong hindi ako magagalit? You made me look stupid! At sa dinami-dami ng babae, doon pa siya sa flirt na iyon napunta. Nangako siya sa akin na kailangan gusto ko rin ang babaeng magiging girlfriend niya. alam naman niya na ayaw ko sa Eyna na iyon. She's a major flirt."

"He doesn't need your consent, Liyah. Sa ayaw mo man o hindi sa babaeng mahal niya, wala ka nang magagawa. Labas ka na sa relasyon nila."

"Paano mong nasasabi na wala akong karapatan sa relasyon nila? Ako ang kapatid ni Kuya. Anuman ang mangyari sa kanya, maaapektuhan ako."

Paano kung saktan at lokohin lang ng babaeng iyon ang kapatid niya? Siya rin ang unang masasaktan. At ayaw niyang may mananakit sa kapatid niya.

"Your brother looks happy. So be happy for him."

"He deserves someone better."

"Magiging masaya ba siya sa someone better na sinasabi mo? Sa babaeng di naman niya mahal?" Napipilan siya saglit subalit nanatiling di maipinta ang mukha niya. "Your brother loves Eyna. Dadating ang panahon na magmamahal ka rin at wala ka na ring pakialam sa opinion ng ibang taong mahalaga sa iyo."

Nangilid ang luha sa mata niya. "Kahit kailan di ko babalewalain ang nararamdaman ni Kuya para lang sa isang lalaki. Tapos babalewalain lang niya ako dahil sa babaeng iyon. Mahalaga pa ba ako sa kanya?"

Bumuntong-hininga si Thyago. "Liyah, di buong buhay ng kapatid mo iikot na lang sa iyo. He has a life. Di pwedeng lahat ng emosyon niya ibuhos niya sa iyo. Pangarap din naman niya na magkaroon ng asawa at anak."

Tuluyan nang pumatak ang luha sa mga mata niya. Pakiramdam kasi niya ay tuluyan nang mawawala sa kanya ang Kuya Elvin niya. Tuluyan na itong ilalayo ni Eyna sa kanya. Paano na siya?

"Ayokong mawala sa akin si Kuya Elvin, Thyago. He's all I've got. Siya na lang ang natitirang pamilya ko. I don't know how to live without him." Ang kapatid niya ang pinakamahalagang tao sa buhay niya.

Kinabig siya nito at hinaplos ang buhok. "Silly! Hindi mawawala sa iyo ang kapatid mo. Magkaka-girlfriend siya, mag-aasawa at magkakapamilya pero ikaw pa rin ang little sister niya. Nobody can replace that place."

Nabawasan ang lungkot na nararamdaman niya. With Thyago's arms around her, she felt safe and warm. And she liked the feeling. Noon lang siya nakadama ng comfort kahit naman hindi kapatid niya ang  may yakap sa kanya.

"Thanks, Thyago. I feel better now. Susubukan kong pakisamahan si Eyna para kay Kuya Elvin. Magiging considerate ako sa relasyon nila."

"Good." Hinigpitan pa nito ang yakap sa kanya. Parang kontento na itong yakapin na lang siya maghapitan.

Saka lang niya napuna na nasa gilid sila ng kalsada at maraming tao na tumitingin sa kanila. "Thyago, I'm okay now. Pwede mo na akong pakawalan."

"No, you're not yet okay." Hinaplos nito ang buhok niya at kinintalan siya ng halik sa noo. "Okay lang. Mag-share ka lang sa akin ng hinanakit mo."

Kumunot ang noo niya. Mukhang hindi na ito basta nakikiramay lang. Parang kakaiba na ang gusto nitong ipahiwatig. Malakas niya itong itinulak sa dibdib. "Tama na, Thyago! Mukhang pinagsasamantalahan mo na ako, eh!"

"Ako? Of course not! Concern lang naman ako sa iyo," inosente nitong sabi.

Umingos siya. "Mabuti pa bumalik na lang tayo sa restaurant."

Habang naglalakad ay dumistansiya na siya dito. Nailang na siya kay Thyago. Di niya inaalala ang motibo nito sa pagyakap sa kanya. Mas natatakot siya sa epekto nito sa kanya. The sensation was so great, she almost didn't want him to let her go.

Feel free to follow me here:

Facebook: Sofia PHR Page

Twitter: sofia_jade

Instagram: @sofiaphr

Youtube: Sofia's Haven

Patreon Filipino Stories: www.patreon.com/filipinonovelist

Patreon English Stories www.patreon.com/romantictraveler

Sofia_PHRcreators' thoughts