webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Integral
Sin suficientes valoraciones
557 Chs

Chapter 28

"ANO bang problema ng Hiro na iyon? Ni hindi man lang ako kinakausap. Kung may problema siya sa akin, kausapin niya ako nang maayos. Hindi iyong basta na lang niya akong hindi papansinin," sintir ni Jemaikha habang nakababad sa artificial hot spring. Mag-isa lang siya sa bahay ni Hiro. Nagpunta ito sa music lounge kasama ang mga taga-Fukouka International at ang mga kaibigan nito.

Kibuin-dili siya nito mula nang makita silang magkasama ni Sawada. Kaya ibinaling na lang niya sa pagbababad sa hot spring ang inis. Iyon lang ang naisip niyang paraan para mawala ang tensiyon niya. After all, Hiro was on a boy's night out. Kahit paano ay aaliwin din naman niya ang sarili niya.

"Kung ayaw niya akong kausapin, eh di huwag! Siya pa ang may ganang supladuhan ako. Ako na nga itong na-harass ng Sawada na iyon. Ako na nga itong nagtanggol sa reputasyon niya, ako pa ang masama. Pagbuhulin ko pa sila ng Sawada na iyon kung gusto niya."

Tumitig siya sa maliwanag na buwan. Ilang araw na lang ang itatagal niya at aalis na siya sa Stallion Riding Club. Maaring hindi na rin sila magkita ni Hiro. Kung maghihiwalay man sila, gusto niya sa maayos na paraan. Hindi tulad ngayon na nag-iiwasan sila at walang kibuan. Ayaw na niyang ulitin ang nangyari dati na nawala si Hiro sa buhay niya nang hindi nila naaayos ang lahat.

Naiidlip na siya nang marinig niya ang malakas na pagtawag ni Hiro sa pangalan niya. "Jemaikha! Jemaikha, let's talk!"

"Sandali, Hiro! Nandito ako sa hotspring!" Mabilis niyang hinablot ang bathrobe at ibinalot sa sarili pag-ahon ng hot spring. Nakadama siya ng pag-aalala. Ngayon lang niya narinig si Hiro na gumamit ng mataas na tono. Galit ba ito?

Nang lumabas siya sa hot spring area ay nakahalukipkip si Hiro habang pabalik-balik na naglalakad sa garden. Mukhang balisa ito.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong niya.

Madilim ang mukha siya nitong hinarap. "Magkausap kami ni Sawada kanina. He told me that you seduced him to urge him to sign the contract."

Nasapo niya ang dibdib. Parang bomba kasi ang pinasabog nito. "Excuse me, Hiro? Ako? Aakitin siya para lang sa kontrata mo?"

Sinapo nito ang noo. "Sinabi niya sa akin na huwag na daw akong umasa na pipirmahan pa niya ang kontrata. Iniisip niya na ako ang may pakana," anito sa nanginginig na boses. Malaking dagok dito ang nangyari.

Isang importanteng project para dito ang makipag-deal sa Fukouka International. And if everything fails, Hinata Technologies would be in big trouble. Maaapektuhan pati ang mga susunod pang project ng kompanya. At masisira rin ang magandang reputasyon ni Hiro bilang isang magaling na negosyante.

"Hiro, imposibleng gawin ko ang sinasabi ni Sawada. Ni hindi nga ako marunong mang-akit ng lalaki. Ikaw lang ang naging boyfriend ko. Hindi pa ako naging intimate sa kahit sinong lalaki. I don't even know how to kiss, for Pete's sake! Tapos mang-aakit pa ako ng lalaki? Give me a break!"

Kung gusto niyang papirmahin ng kontrata si Sawada, tututukan na lang niya ito ng baril para mapilitan. She would fail as a seducer.

His eyes caressed her body. He didn't conceal the passion in his eyes. "Liar! You are seducing me right now."

Saka lang niya natuklasan na robe lang ang suot niya dahil galing siya sa hot spring. Humalukipkip siya. "I am not!" tanggi niya. "Kaliligo ko lang nang dumating ka. You called me and it sounded so urgent so…"

Hinapit nito ang baywang niya bago pa niya maituloy ang pagpapaliwanag. He stared at her as if memorizing her face. Saka nito hinawi ang ilang hibla ng buhok na kumawala sa pagkakatali palayo sa mukha niya.

"You can seduce effortlessly. Just the sight of your hair was enough to drive me nuts. Sharing this house for a few days with your is sheer torture. And knowing that you are just at the other room every night is sheer hell. Kaya hindi na ako magtataka kung may ganoon ka ring epekto kay Sawada."

Napalunok siya. She didn't know that she had that effect on Hiro. Akala kasi niya ay di ito interesado sa kanya. She knew it was her turn to take a step.

Iniyakap niya ang kamay sa leeg nito. Matapang niyang sinalubong ang mga mata ni Hiro. "I don't want any other man, Hiro. You are the only one I want."

Nagulat ito sa kaprangkahan niya. "Ako lang?"

Tumango siya. "I was a fool when I left you before. Sabi ko mas gusto ko ang career ko. I couldn't admit to my self that I am missing a lot. Please show me what I am missing when I left you, Hiro. Make me regret it."

His lips swooped down and possessed her lips. Then he molded his body against hers. He was showing her what she had been missing. It was not just simply the physical contact. It was not a simple kiss. It was an act of love.

"Do you still love me, Jemaikha?"

"I always do. Hindi naman nagbago ang nararamdaman ko. Di pwedeng lumipas ang isang araw na di ko maiisip na mahal kita. No matter how hectic my work is, you never leave my mind and my heart."

"So do I. Lagi akong natatakot na sasabihin mo sa akin na may iba nang lalaki sa buhay mo." He pressed a kiss on her temple. "Kaya nga galit na galit ako nang sabihin ni Sawada na inakit mo siya."

"I will do everything for you, Hiro. But I will never tarnish your name. Parang wala na rin akong pagmamahal sa iyo kapag ginawa ko iyon. I will protect you because I know that you will protect me just the same."

"Bakit siniraan ka ni Sawada kung ganoon?"

"Iyan nga ang gusto kong ipaliwanag sa iyo kanina. Akala niya na ako ang pain mo para papirmahin siya ng kontrata. That it is my duty to seduce him."

"What? Of course I won't do that to you. Malinis kaming makipag-deal."

"That's what I told him. Nang sabihin ko sa kanya na hindi mo forte ang gumamit ng ganoong klaseng taktika, iniba naman niya ang tono niya. Wala daw siyang plano na pumirma ng kontrata sa Hinata Technologies. He also told me that he likes me. And if I will go to bed with him, he will sign the contract."

Bumakas ang matinding galit sa mukha ni Hiro at kinuyom nito ang palad. "Kisamma! Nagawa niya iyong sabihin sa iyo. He resorted to blackmailing you! Samantalang minsan ko siyang itinuring na kapatid. Mag-uusap kaming dalawa at makikita niya ang hinahanap niya."

Galit na si Hiro-sama. Lagot. Share me your thoughts on this chapter. Ano kaya ang gagawin ni Hiro sa pag-uusap nila ni Sawada? Dadanak ba ang dugo?

Sofia_PHRcreators' thoughts