IT WAS a great morning. Sa Rider's Verandah kasi nag-breakfast si Yuan. Pero nasira ang araw ni Quincy nang may naki-share ng mesa rito. Isa sa mga babaeng guest sa club. "Tingnan mo ang babaeng iyan. Kanina pa iyan nagpapa-cute kay Sir Yuan," sabi sa kanya ni Miles.
"Ang sabihin mo, tuwang-tuwa naman ang Yuan na iyan sa pagpapa-cute ng babae. Look at them. That girl keeps on touching his arm but he never budges. Parang okay lang sa kanya. Taksil!"
Humagikgik si Miles. "Aminin mo na kasing nagseselos ka."
Umingos siya. "Magsama silang dalawa."
Bumalik na sa sariling mesa ang babaeng kausap ni Yuan nang balikan niya ito. "Quincy, mag-dinner naman tayo mamaya sa bahay," yaya nito sa kanya nang ibigay ng Stallion card na ginagamit nito sa pagpo-purchase sa Rider's Verandah at sa iba pang amenities na nasa loob ng club.
"Huwag na. Iyong babaeng kausap mo na lang kanina ang yayain mong mag-dinner," walang kangiti-ngiting sabi niya.
"Sino? Si Mitch? May ikino-consult lang siyang business plan sa akin."
"Nagko-consult lang ba siya sa iyo? Kulang na lang ay kainin ka niya nang buo. Sa ibang lalaki, bawal akong makipagngitian. Sa iyo, okay lang."
"Sandali. Nagseselos ka ba?"
"No, I am not."
"When I dissuaded other men from flirting with you, it is because I consider you as mine. Natural na maging possessive ako dahil nagseselos ako. How about you? Do you like me, that's why you are jealous?"
Inirapan niya ito. "Ano ka, sinusuwerte? Hindi kita pagseselosan. Magsama pa kayo ng babaeng iyon kung gusto mo!"
"NANGHAHABA ang nguso mo. Puwedeng sabitan ng sandok," kantiyaw ni Gino kay Quincy habang nag-aayos sila sa restaurant. Pasara na kasi.
"Sir, mainit ang ulo ko! Huwag kayong mang-inis."
She couldn't get over the girl who flirted with Yuan. Ang bruhong iyon, sa halip na ito ang i-grill ay siya pa ang na-corner. Nagseselos daw siya.
"May LQ kayo ni Yuan, `no?" pangungulit pa rin nito. "Ang pag-ibig talaga. Kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang."
Nginisihan siya nito. "`Buti na lang, guwapo kayo, Sir. Corny kasi ninyo."
"Sir, I am sorry. Close na po kami," sabi ni Miles.
"No. Hihintayin ko lang na matapos ang trabaho ni Quincy," sabi nito.
"Why are you here?" tanong niya. "Hindi ba dapat ay nasa Manila ka ngayon? Masyado nang late. May importante ka bang binalikan?"
"Ikaw. Naalala ko na closing ka ngayon. Kaya bumalik ako. Ihahatid kita."
"Ha? `Andiyan lang sa likod ng restaurant ang staff house. `Tapos, bumiyahe ka pa nang ilang oras para lang ihatid ako?"
"I just want to make sure you get home safely."
"Thanks." Napaka-sweet na gesture iyon para sa kanya.
"Matagal na tayong hindi nakakapag-usap mula nang bumalik tayo rito sa Pilipinas. It is either you are busy or I am busy or you pretend to be busy so you can ignore me," sabi nito habang nakaupo sila sa wooden porch na di-kalayuan sa staff house. Mukhang gusto nitong mag-usap sila nang masinsinan.
"I thought you won't mind. You seem to enjoy other women's company. Nakikita ko na iyon dati. Sabi ko, ako ang dapat mong pakasalan pero `di ko naranasan iyon sa iyo. You can laugh with them and you are always annoyed with me. Siguro nga, hindi ka magiging masaya na kasama ako."
Hinawakan nito ang balikat niya at pinaharap siya rito. "So it means you are jealous?"
Yumuko siya at tumango. "Gusto ko lang naman na makitang masaya ka kapag kasama mo ako. Na ngingiti ka rin sa akin. Na sana, maging sweet din ako sa iyo. And that I have the liberty those women have with you."
"Liberty? What kind of liberty?"
"They could flirt with you, touch you and even kiss you if they want."
Hinawakan nito ang kamay niya at inilapat sa dibdib nito. "If that is what you want, then feel free to do so. I won't mind."
Bigla niyang binawi ang kanyang kamay. "Ha? `Di ko naman talaga kaya iyon."
He pulled her against him unceremoniously, then claimed her mouth for a fiery kiss. It melted her reasoning and the jealousy she felt. She had never seen him kiss another woman that way. And at that moment, he made her feel like she was the most desirable woman on earth. He was branding her as his.
"You have no reason to be jealous now. Dahil kahit sino pang babae ang mag-flirt sa akin, I will never give them the affection I give you."
Nag-iwas siya ng tingin dito at pinagsalikop ang mga kamay sa kandungan. "S-sabi ko, nagseselos ako, pero `di pa ako in love sa iyo. At hindi dahil nahalikan mo na naman ako, ibig sabihin, tayo na. Hindi pa ako magpapakasal sa iyo."
"It's okay. Basta ako lang ang dahilan ng pagseselos mo at hindi ang ibang lalaki. And remember that no man can kiss you and touch you except me."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Are you in love with me? Possessive ka, eh!"
"I won't lavish you with words that are alien to me. Hindi pa ako nai-in love. Wala pa akong babaeng sinasabihan ng 'I love you.' What I feel for you is a little unusual for me. Hindi pa ako bumibiyahe nang ilang oras para lang sunduin ang isang babae. And I've never felt so much intensity for a woman before. Nagiging possessive na rin ako sa iyo. But I don't want to brand it with the word 'love.'"
"So do I. Let's take our time." It was enough that she heard him confess about her power over him. Hindi pa rin naman niya masabing in love siya. Mas mabuti na iyon kaysa sa dati na bagaman alam nilang ikakasal sila balang-araw, itinatago naman nila ang nararamdaman nila sa isa't isa.
Hinawakan nito ang ilalim ng mga mata niya. "Magpahinga ka na. `Looks like you had a rough day. May pasok ka pa bukas."
"It's my off tomorrow."
"Dapat sinabi mo agad sa akin." Inilabas nito ang cellphone. "Art, please meet the Desmonds at one. I'll be off the whole day."
"O, saan ka naman pupunta bukas?"
"Off mo. Dapat din akong mag-off. Hindi natuloy ang bakasyon natin sa Europe. The least I could do is spend the whole day with you."
"You cancelled your appointment just to be with me?" wika nito na walang ibang inisip kundi ang trabaho at pagpapayaman.
"Yup!" Kinintalan siya nito ng halik sa mga labi. "So it's a date."