webnovel

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · Integral
Sin suficientes valoraciones
557 Chs

Chapter 19

Her heart simply wanted to burst. She should feel happy. They feel the same. Pero mas nangibabaw ang skepticism niya. "Imposible ang sinasabi mo."

"What? That I love you and I am willing to spend my whole life with you."

"Crawford, there is no such thing as forever. Lahat nagbabago. Sa ngayon siguro, ako ang nakakakuha ng atensiyon mo. Guys tend to feel that way toward the girl who doesn't run after them. Ganoon ka rin. I don't think it is love. Kapag sinabi kong mahal din kita, ilang araw lang mawawalan ka na ng interes sa akin. Then you will find another one to fancy."

Naningkit ang mata nito. "So you think I am just a stupid boy who fancies myself in love with you? Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa akin?" Inilapit nito ang mukha sa kanya. "Look into my eyes, Nicola. Sa palagay mo ba kalokohan ko lang ang lahat kaya ko ginagawa ito?"

There was so much gentleness and warmth in his eyes. Sinasabi ng puso niya na mahal nga siya nito. Pero sa loob ng mahabang panahon, di na niya hinahayaan ang puso niya na humusga para sa kanya. Saglit lang ang kaligayahan na dinadala niyon sa kanya at mas mahabang panahon siyang nasasaktan.

"Alam mo naman na kalokohan lang ito sa simula pa lang, hindi ba? At hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ginagawa mo pa rin ito. It is a waste of time."

"It is not a waste of time if I am spending it with you. I love you, Nicola."

Tumalikod siya at mariing pumikit. Nahihirapan na siyang tanggapin sa sarili na laro lang dito ang lahat. Mariin niyang kinuyom ang palad. "I told you that I don't love you, Crawford. Mag-I-insist akong huwag tapusin ang bakasyon ko kung ipipilit mo sa akin ang pagmamahal na sinasabi mo. All I want is a normal vacation. Let's just keep it that way. Matutulog na ako," aniya naglakad palayo.

Pinigilan ni Crawford ang balikat niya subalit di siya nito ihinarap pa. "What's holding you back, Nicola? Why don't you accept the inevitable? That you are in love with me and we can be happy together?"

"Goodnight, Crawford," aniya sa matabang na boses at iniwan ito sa porch. Mabuti na lang at hindi nito nakita ang mukha niya nang mga oras na iyon. It took all the strength she had to hold her feelings back. "Tama lang ang ginawa ko," bulong niya sa sarili nang makarating sa silid niya. "Ayoko nang umasa sa magagandang bagay na hindi rin naman nagiging totoo sa huli."

"NICOLA, be careful with the batter. Hindi maayos ang pagkakahalo mo," anang si Miles na pastry chef ng Rider's Verandah. May baking lessons nang araw na iyon para sa girlfriend at asawa ng mga member. She was invited the other day. Pinili niyang sumali sa baking lesson nito kaysa naman tungangaan si Crawford.

Di na sila nagkibuan ng binata nang umagang iyon. Nang magpaalam siya na dadalo sa baking class, wala siyang narinig na pagtutol dito. Subalit habang nasa baking lesson ay lumilipad naman ang isip niya kay Crawford.

"Sorry, Miles," aniya at ibinalik ulit ang atensiyon sa hinahalong batter ng cookies. Mas dapat siyang mag-concentrate doon kaysa kay Crawford. Malinaw na ang mensahe niya dito kagabi pero mabigat pa rin ang pakiramdam niya. Parang nagsinungaling siya dito kahit sinabi niya kung ano ang dapat.

"May lover's quarrel ba kayo ni Crawford?" tanong ni Quincy. "Sarapan mo ang pagkaka-bake ng cookies. Tiyak na magkakabati rin kayo kapag natikman niya ang luto mo. Hindi ka na niya aawayin kahit kailan."

"Ilang cookies ba ang kailangang kainin ni Yuan para bumait sa iyo?" tanong ni Sindy dito. "Isang drum siguro dapat." May pagkasuplado kasi ang nobyo ni Quincy. Nagkakatuwaan ang lahat nang hangos hanggang mai-bake ang cookies.

"Siguro naman hindi na magagalit ang mga boyfriend at asa-asawa ninyo kapag natikman nila ang mga luto ninyo," sabi ni Miles. "Nicola, don't worry. Maaabutan mo pa ang match nila Crawford. Baka divot stomping pa lang nila." Divot stomping ang katumbas ng half time sa larong basketball.

"Hindi naman iyon ang iniisip ko. Thanks nga pala sa lesson."

"Kung may problema kayo ni Crawford, magkakaayos din kayo. Just tell him how you really feel. Huwag mo na lang masyadong pansinin ang kadramahan ng mga lalaking iyan minsan. Intindihin mo na lang. Kasi kapag na-realize naman nilang mali sila, sila mismo ang magso-sorry."

"W-Wala naman kaming ganyang problema ni Crawford," aniya at pilit na ngumiti. Siya ang may problema. Siya ang umiiwas. Siya ang nagtatago sa galit para walang makaalam ng tunay niyang nararamdaman. But who could really blame her? Ayaw lang naman niyang masaktan.

Nang dumating sa polo field ng riding club ay nagpatuloy na ang laro nila Crawford. Makikisig tingnan ang mga players habang naglalaro. But there was a different jolt in her heart when she saw Crawford. Parang gusto niyang mag-cheer para dito subalit pinigilan niya ang sarili.

Nasa team ni Crawford ang bola. Si Yoanna na kanina pa nanonood ng laro ang nagpapaliwanag sa kanya kung ano ang nangyayari. Matagal na itong nagtatrabaho sa riding club at kabisado na rin nito halos lahat ng horse sports doon. Maya maya pa ay si Crawford na ang kumokontrol ng bola. "There, si Crawford ngayon ang offensive player dahil siya ang komokontrol sa bola."

"Pero kalaban niya si Reichen." Nakita kasi niya na sinusubukang dumepensa ni Reichen sa bola. "Hindi ba magaling siya?"

"Hindi rin naman basta-basta si Crawford. Look at that!" bulalas ni Yoanna.

Crawford gave a neck shot. He flicked the mallet with his wrist just barely under the horse's neck. Nagdiwang ang team nito.

Napatayo tuloy siya at pumalakpak. Subalit di pa tapos ang laro. Ilang chukker o rounds pa ang kailangan bago makumpleto ang laro. At may anim na chukker sa bawat laro. Tie ang dalawang team.

Nasa kalaban ang bola nang maagaw ulit iyon ni Crawford. Subalit hindi pumayag na basta-basta makalamang ang team nila Crawford. Ginitgit ito ni Reichen. It was a ferocious battle. Mukhang di basta-basta susuko si Crawford. Napasigaw siya nang bumagsak si Crawford sa lupa.

Last two chapters to go.

Salamat po sa mga masisipag mamigay ng power stones diyan. Thank you for keeping this story on the ranking.

I might post more in the future. Mag-uusap lang kami ni Webnovel. Who knows? Pati Stallion Island dito ko na rin po ilagay.

Sofia_PHRcreators' thoughts