webnovel

Soon to be Married with my Enemy (Finished)

Paano kung ang lalaking pinakaayaw mo sa buong mundo ang nakatadhana pala para pakasalan mo?

Missrxist · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
21 Chs

Six

Tumango-tango siya. "Tama 'yan, bunso! Pero kung gusto mo din, ikaw na lang ang umako sa kasunduan. Okay lang sa akin."

Umiling-iling si Pen-pen. "No thanks, it's all yours ate." Anito, akmang aalis na ito nang muli itong may sinabi. "Balita ko nga pala kina mama at papa, nakipagkita na pala sila kay Mr. Lim last week at nagkausap tungkol sa kasunduan nito at ni lolo, ang ibig sabihin no'n ay malapit na pakikipag-meet mo sa future hubby mo. Baka daw next week ay pumunta ang isa sa mga tauhan ni Mr. Lim para sunduin tayo para sa pakikipagkita natin sa pamilya Lim—kasama na ng future hubby mo—para makilala sila."

"What?" nahulog ang kanyang panga sa nalaman.

"Kaya ihanda mo na ang sarili mo, ate. Makikilala mo na ang magiging future family mo especially your future husband—future Mrs. Lim." Nakangiting sabi pa nito, bago ito tuluyang umalis sa harapan ng pintuan niya.

Bigla siyang na-suffocate sa sarili niyang kuwarto sa labis na kabang bigla na lang niyang naramdaman. Kung gano'n ay malapit na niyang makilala ang pamilya Lim—at ang lalaking ipinagkasundo maikasal sa kanya!

ABOT-ABOT ni Chyn ang kanyang hininga habang naglalakad silang pamilya papasok sa mamahaling restaurant kung saan sila dinala ng driver ni Mr. Lim. Sinundo sila nito ng sosyaling limousine. Unang beses siyang makaranas na sumakay doon at tuwang-tuwa ang buong pamilya niya dahil ang bongga-bongga!

Ngunit nang makarating sila sa restaurant ay kaba na ang mabilis na pumalit sa kasiyahang nararamdaman niya kanina. Hindi niya alam kung naiihi lang ba siya o tensyonado. Namamasa din ang mga palad niya sa labis na kaba. Bumuga siya ng hangin para kalmahin ang kanyang sarili.

Kumabog ang puso niya nang makita niyang may matandang lalaki sa 'di kalayuan ang tumayo ay kumaway sa kinaroroonan nila. Nakita niya agad ang ibang mga kasamahan nito sa mesa na mabilis ding lumingon sa kinaroroonan nila—maliban sa lalaking noon ay nakatalikod sa kanila at mukhang abala sa anumang nasa harapan nito—na sa pagkakahula niya ay ang lalaking ipinagkasundo sa kanya—dahil ito lang naman ang nag-iisang marahil kaedad niya na naroon sa mesa, maliban sa in-assume niyang mga magulang ng lalaki na nakangiti sa kanila.

"M-Mama, papa, pwede ba akong mag-CR?" kinakabahang wika niya.

"Mamaya na, halika na dito." Sabay hawak ng mama niya sa kanyang namamawis na kamay.

Nang makalapit sila sa mesa ay tuluyan nang tumayo ang in-assume niyang mga magulang ng lalaki—na mukhang pamilyar ang mga hitsura at nakipag-beso sa kanila, gano'n rin sa matandang ipinalagay niyang si Mr. Lim at ang lalaking dahan-dahang humaharap sa kanila.

At gano'n na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata na halos lumuwa pa ang kanyang mga eye balls mula sa kanyang eye socket nang mapagsino ang lalaking ngayon ay nasa kanyang harapan—mabilis niyang kinusot ang kanyang mga mata—baka kasi nananaginip lang siya, pero hindi maalis-alis ang lalaking nasa kanyang harapan—na noon ay walang kaemo-emosyong nakatitig sa kanya.

"Ate, ang guwapo niya!" narinig niyang bulong ni Pen-pen na nasa kanyang tabi.

Oo, ang guwapo ng lalaking ito na kapag itinabi siya—kahit pa nakasuot siya ng dress at naglagay ng magandang make up courtesy ng kanyang kapatid—ay magmumukha pa rin siyang chimay!

"Good evening, I'm Christopher John Lim." Malamig na pagpapakilala ng binata sa kanila, saka ito magalang na nakipagkamay sa kanyang mga magulang at kapatid. Hindi pa sana niya iaabot ang kamay sa binata kung hindi pa siya tinapik ng kanyang kapatid.

Yes, ang lalaking ipinagkasundo ng kani-kanilang mga lolo ay walang iba kundi ang lalaking sobrang kinaiinisan niya—si Toffer! What a fate! Sa dinami-dami ng Lim sa mundo—talagang natapat pa siya sa Toffer Lim na ito—bakit hindi na lang kay Emir Lim?!

Grabe sa akin ang mundo! Naiiling na wika niya sa sarili.

Nagpakilala sila sa bawat isa saka sabay-sabay na naupo sa kanilang mga upuan sa harap ng malaking mesa—na noon ay napapalibutan na ng maraming mga pagkain. Ang mommy na daw ni Toffer ang siyang nag-order ng pagkain para sa kanila at puro mga specialty ng restaurant ang in-order nito.

Habang abala siya sa kinakain niya ay panaka-naka siyang tumitingin kay Toffer na kanyang katapat—na abala sa kinakain nitong cake. Cake addict ang isang 'to! Buti hindi yata uso ang word na "taba" sa lalaking ito, dahil sa ganda ng katawan nito!

Napailing-iling siya. Hindi pa rin siya makapaniwala na si Toffer talaga ang lalaking mapapangasawa niya. Grabe ang rebelasyong ito! Mabuti na lang at hindi ito alam ng mga kaibigan niya—dahil kung hindi, magpapakain na lang siya sa lupa!

Pero ang weird din e, hindi man lang niya makitaan ang lalaki ng anumang pagtutol o violent reaction sa kasunduang 'yon—manhid ba talaga ito o sadyang wala lang pakialam sa mundo? Napailing-iling siya. Iniisip pa lang niya ang future na kasama ito, mukhang sumasakit na ang ulo niya! Emegerd!

"Ate, ang guwapo niya. Jackpot ka!" bulong sa kanya ni Pen-pen na nasa kaliwang bahagi niya, sa kanan nakaupo ang mama niya.

"Ano'ng jackpot doon? Kung gusto mo ikaw na lang ang ipagkasundo sa kanya." Pabulong ding sagot niya.

"Bata pa ako para dyan, pero ate, ang bongga mo! Ingatan mo siyang mabuti ah, baka puro stress lang ang ibigay mo sa kanya, sayang naman ang fresh at young looking face niya." natatawang sabi ni Pen-pen, kaya napailing-iling na lang siya.

Nagkaroon ng sariling mundo ang mga matatanda sa pag-uusap ng mga ito ng tungkol sa nakaraan—ang lolo Quejaro ni Toffer ay marahil kaedad ng yumao niyang lolo Luisito na nasa lagpas seventy na, ang mga magulang naman nito na sina Mrs. Glory at Mr. Arnel Lim ay marahil kaedad rin ng mga magulang niya na nasa late forties.

"Ate look, nakakalula!" mayamaya ay may ipinabasa si Pen-pen sa kanya sa phone nito—ni-research nito ang tungkol 'yon sa karangyaan ng pamilya Lim—na kilala bilang one of the richest billionaire in the country; may real estate business, liquor, fastfood, pastryshop and supermarts. Marami ding mga charitable institutions ang ipinatayo ng pamilya at libreng mga pakain twice a week sa mga mahihirap.

"Look at them aren't they the cutest couple?" narinig niyang sabi ng mommy ni Toffer kaya mabilis siyang nag-angat ng tingin. Nakita niyang nakangiti ang lahat sa kanila ng binata—na noon ay wala man lang anumang reaksyon sa panunukso ng mommy nito.

"Sana maisagawa na agad natin ang engagement party, two weeks from now, balita ko sa secretary ko e, magka-schoolmate lang din silang dalawa—at masaya akong malaman na madali na lang na makilala nila ang isa't isa. This is fate!" masayang wika ng lolo ni Toffer.

"Next next week po ang engagement party?" gulat na wika niya. Naagaw tuloy niya ang atensyon ng iba pang mayayamang guests sa restaurant na 'yon.

Mabilis siyang bumaling kay Toffer para samahan siyang kumontra sa desisyon ng matanda—ngunit ang magaling na lalaki ay abala lang sa kinakain nitong cake!