webnovel

SOON TO BE DELETED 2

Date started: September 2,2018 Date finished: May 29,2019 --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
80 Chs

♥ CHAPTER 64 ♥

♡ Syden's POV ♡

Sa bawat paghakbang ko, pinipilit kong hindi makagawa ng kahit na anumang tunog. Dahil sa sobrang dilim na ng paligid, hindi ko alam kung saan at anong building na ang napuntahan ko. Basta isa lang ang alam ko, hinahabol niya pa rin ako at sigurado akong hindi siya titigil hangga't hindi niya ako nahahanap. Hindi ko pa rin mapigilan ang maiyak dahil sa nakita ko kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat.

Sa pagtakbo ko, napunta ako sa isang classroom kaya ni-lock ko ang pinto para hindi niya ako makita, pero hindi pwedeng magtagal ako dito. Naghintay muna ako ng ilang minuto at minabuti kong buksan ng paunti-unti ang pinto para tignan kung nasa labas pa ba siya. Sumilip ako ng bahagya at wala siya kaya nagmadali akong lumabas at tumakbo ng mabilis. Nang makita kong papaliko na ang direksyon ko, tumingin ako sa likuran at nakita ko siya. Pero bago pa man siya makatingin sa direksyon ko, nakapagtago na ako kaya hindi niya ako nakita. Balak ko sanang umakyat sa hagdanan pero kapag humakbang ako, siguradong maririnig niya ako kaya minabuti kong mag-stay na lang sa lugar na pinagtataguan ko habang hinihintay ko siyang makaalis at tuluyang makalayo. 

Papatagal ng papatagal ang oras, naririnig kong papalapit ang mga hakbang niya sa direksyon ko kaya tinakpan ko ulit ang bibig ko para hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Habang papalapit siya sa akin, tuluy-tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko dahil  natatakot na ako sa kung ano ang pwedeng mangyari sa akin kapag nakita niya ako. Inihanda ko na ang sarili ko kapag nakita niya ako, kailangan kong lumaban para matakasan ko siya. Bigla na lang akong nakaramdam ng panlalamig ng katawan ko ng biglang mawala ang mga hakbang na naririnig ko kanina kaya nilakasan ko na ang loob kong tignan siya. Pero pagkatingin ko sa hallway, wala na siya. Bumuntong hininga muna ako bago ko ginawa ang binabalak ko.

I took that opportunity para tuluyan ng tumakas kaya tumakbo ako ng mabilis. Ang habulan na inakala kong tapos na ay hindi pa pala. Biglang may humablot sa akin sa pagtakbo ko at sapilitan akong ipinasok sa isang laboratory. Isinara niya ang pinto at tinakpan ang bibig ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Oliver sa mismong harapan ko. Ibang-iba na ang itsura niya kumpara noong una at nanginig na ako ng makita ko ang isang kamay niyang may hawak na kutsilyo, tumutulo pa rin ang dugo mula rito. Hindi siya yung Oliver na nakilala ko. 

Unti-unti niyang tinanggal ang kamay niya mula sa bibig ko pero ang mga mata niya, ibang-iba kumpara sa dati, hindi pa rin natanggal ang pagkakatingin nito mula sa akin na parang tine-threaten niya ako gamit ang mga matang iyon, "Hindi na ikaw yung kaibigang nakilala ko" sambit ko habang nakatingin din sa kanya. Hindi ko rin alam kung anong klasing pakiramdam ang nararamdaman ko dahil nalilito ako kung bakit nagkaganito siya. 

"Syden, bakit ganyan ang mga tingin mo sa akin? Kung tignan mo ako para akong isang demonyo?" tanong nito. Wala ba siya sa sarili niya? Bakit tinatanong niya pa ang mga bagay na obvious naman?

Kailangan kong gumawa ng paraan at maghintay ng tamang oras para takasan siya. Hindi ako pwedeng magtagal dito. 

Natawa na lang ako bago siya sinagot, "Tinatanong pa ba 'yan Oliver? Huwag ka ng magsinungaling. Kitang-kita ko ang lahat!" kahit anong pigil ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya ang mga bagay na gusto kong sabihin dahil hindi ko inexpect na magiging ganito siya at ito pala ang totoong pagkatao niya. 

Tinignan niya ako na para bang litong-lito siya sa mga sinasabi ko, "Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi kita maintindihan?" ang mga mata niya, bumalik sa normal na parang hindi niya alam ang ibig kong sabihin. Ngayon ko lang napagtanto, na pa-inosente pala siyang tao. Ang galing niyang magpanggap. Kaya pala naloko niya ako sa isang kasinungalingan na akala kong mabait siya. Pero mali pala ako.

"Huwag ka ng magsinungaling. Acting infront of all na isa kang mabuting kaibigan pero ang totoo...mamamatay tao ka!" lalo siyang nagtaka sa sinabi ko and I can't believe na magaling pala talaga siyang magpanggap, "Alam ko na ang lahat. Kaya huwag ka ng magpanggap. I can't believe this, napakasinungaling mo!" tinignan ko siya ng masama dahil kailanman, hindi ko naisip na ganito pala siya. 

Nakita kong itinaas niya ang hawak niyang kutsilyo at tinignan niya ito. Muli nanamang nag-iba ang aura ng mukha niya kaya napaatras na ako, "Nakita mo nga ang lahat. Pero wala kang alam" sambit nito habang nakatingin pa rin sa kutsilyong hawak niya, at mula rito ay may tumutulo pa ring dugo. Tatakbo na sana ako pero ng buksan ko ang pintuan, naka-lock ito. Tinignan ko ulit siya at nagulat na lang ako ng nasa harapan ko na siya kaya wala akong nagawa kundi ang tignan na lang siya. 

"Hindi na mahalaga kung may alam ako o wala. Isa lang ang nasisiguro ko, ikaw ang pumatay sa mga kaibigan mo. Alam mo ba kung gaano sila nag-aalala sa'yo dahil sa nangyari sa inyo ng ex mo? Bakit umabot lahat sa ganito Oliver?" tanong ko habang nanlalamig na nakatingin sa kanya na noo'y nakatitig pa rin sa kutsilyong hawak niya. Nababaliw na siya. 

Nang dahil sa sinabi ko, natigilan siya at napatingin sa akin, "Bakit nga ba? Bakit nga ba sa tingin mo, umabot sa ganito ang lahat?" nakita ko sa mga mata niya ang magkahalu-halong emosyon kaya hindi ko rin alam kung dapat ba akong matakot o maawa sa kalagayan niya. 

"Lungkot. Yan ang nakikita ko sa mga mata mo, pero hindi ko aakalain na ibang-iba pala ang totoo mong pagkatao. Ang galing mong magpaikot ng tao" patayin niya man ako, pero handa akong labanan siya. 

"Oo, iba ako sa inaakala mo. Hindi lahat ng bagay na nakikita mo lang ay totoo- " hindi ko na siya pinapatapos at nagsalita ako, "Alin ang hindi totoo?! Hindi totoong pinatay mo sila? Kitang-kita ko kung gaano ka-brutal ang pagkamatay nila at ikaw lang ang nandon! Kung nagkakaganyan ka dahil sa nangyari sa inyo ng ex mo, huwag kang mandamay ng iba! Nababaliw ka na Oliver!" hindi man magandang sabihin pero dapat sabihin sa kanya ito kahit pa magalit siya sa akin. 

Aalis na sana ako dahil hindi ko na kayang makita pa siya pero hinawakan niya ako sa braso at tinulak ako kaya napaatras ako, "Sandali lang" sambit nito. Seryoso siya habang nakatingin sa akin. 

"Are you going to kill me then? Nagkamali ako ng pagtitiwala sa'yo. Sila nga na matagal mo ng kaibigan napatay mo, ako pa kaya?!" bigla na lang siyang napayuko at napansin kong parang unti-unti siyang nawawala sa sarili niya. Aalis na sana ako ng bigla siyang magsalita.

"If I could just sacrifice my own life para mabuhay sila" sambit nito. Tumingala siya at nanghina ako ng makita kong umiiyak siya at namumula. 

Siguro kailangan ko muna siyang pakinggan, pero hindi ako nakakasiguro kung totoo ba talaga ang mga luha niya o nagpapanggap lang siya. Ang hirap niyang basahin. Ano ba talaga ang totoo?

"Gusto mo palang mabuhay sila? Then why did you do it?" kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang totoo sa mga emosyong ipinapakita niya. 

"Ako ang rason kung bakit namatay sila" sambit nito. Napatingin ako sa mga kamay niyang puno ng dugo at nanginginig ang mga ito. Dapat ba akong maawa?

Nakita kong napaupo siya habang umiiyak pa rin, "Ang sakit! Ang sakit pala!" sambit nito bago niya nabitawan ang hawak niyang kutsilyo. 

Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko alam. Nagdadalawang-isip pa rin ako dahil baka nagpapanggap lang siya. Baka patibong niya lang ito para mahulog ako sa bitag niya. 

Nakatingin pa rin ako sa kanya kaya napatingin din siya sa akin, "Ano sa tingin mo ang mas masakit? Yung bigla ka na lang ipagpalit ng taong mahal mo sa iba o yung makitang wala ng buhay ang mga taong malapit sayo at pinapahalagahan mo?" tanong nito sa akin. 

Nagdadalawang-isip man ako, pero nilakasan ko ang loob kong lapitan siya. Kung nagkukunwari man siya, handa akong labanan siya. Kung totoong nasasaktan siya, tutulungan ko siya. 

Tinapatan ko siya at nakuha kong makita ng husto ang mga mata niyang lumuluha. At base sa mga matang 'yon...alam ko kung ano ang totoo.

Mata na malungkot, nagdadalamhati, nawawasak at nakakaranas ng sobrang sakit, "Sabihin mo nga sa akin kung bakit nagkakaganyan ka? You look messed up" tanong ko. Hindi ko man mabasa ang nasa isip niya, pero makikita sa mata ng isang tao, kung ano talaga ang nararamdaman niya, sapat na para kaawaan ko siya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. I wanted to save them but I was too late...." sagot niya habang lumuluha.

.................................

Flashback

Pumunta ako sa isang napaka-special na lugar dahil doon kami magkikita ng girlfriend ko. Minabuti kong pumunta ng maaga dahil ayaw na ayaw kong pinaghihintay siya at isa pa, nag-effort talaga ako para sa araw na ito. Two years na kaming magkasama at kahit nakakulong kami sa eskwelang ito, masaya kaming dalawa.

                                                                                                       -Oliver

.....................................

"Dumating siya sa lugar na 'yon kaya napangiti ako, pero noong makita ko pa lang siya...alam kong may problema na" sambit niya. Nanatili lang akong nakikinig sa kanya.

................

"Happy 2 years anniversary babe!" bati ko kasabay ng pag-abot ko sa kanya ng mga regalo na matagal ko ng pinaghandaan. Hindi ko nakita ang inaasam-asam kong ngiti mula sa kanyang labi kaya kinabahan na ako.

"Oliver, I'm sorry"

Napangiti na lang ako dahil naguluhan ako sa sinabi niya, "Why are you saying that? Wala ka namang ginawang mali" sagot ko.

"Wala nga. Pero ngayon, meron na. I'm so sorry but I'm breaking up with you."

............

"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noong mga oras na sinabi niya 'yon. Tila namanhid ang buong katawan ko at litung-lito ako kung bakit biglang nagkaganon" 

............

"Ano bang pagkakamali ang nagawa ko para sabihin mo sa akin yan? Kung may nagawa man ako I'm sorry" 

............

"Yung kahit na wala naman akong ginawang mali, humingi pa rin ako ng tawad para lang hindi niya ako iwanan"

............

"May mali ba sa akin? May kulang ba? Kung ganon, babaguhin ko ang sarili ko- "

"Stop it Oliver. Ang alam ko lang..." noong mga oras na 'yon, nakita ko sa mga mata niya na parang wala na lang ako sa paningin niya. 

"Hindi na kita mahal. At hindi na ako masaya sa kung ano man ang meron tayo-"

"No, I can't. I love you more than anything" pagpupumilit ko.

"But your love wasn't enough. That's why I'm breaking up with you" 

..............

"Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya at niyakap"

...........

"Huwag mong gawin sa akin 'to. Alam mo naman kung gaano kita kamahal dba? Handa akong gawin ang lahat para sa'yo, huwag mo lang akong iwan" sagot ko pero wala pa ring talab.

"I know. Pero buo na ang desisyon ko. Tanggapin mo na lang ang lahat at kalimutan ang mga bagay at alaala na meron tayo" 

..........

"Tapos tuluyan na siyang umalis. Kahit anong gawin ko, hindi ko siya kayang makalimutan ng ganun-ganon na lang at alam kong ganoon rin siya sa akin. Napakababaw ng dahilan para hiwalayan niya ako ng ganun-ganon na lang, kaya hindi ako sumuko. Sinubukan ko siyang puntahan sa lugar kung saan kami madalas magkita. Pero imbis na siya lang ang makita ko, dalawa silang natanaw ko. Magkayakap at naghahalikan. Ang pinakamasakit sa lahat, Phantom Sinner ang kahalikan niya"

Ang galit na nararamdaman ko sa kanya kanina ay napalitan ng pagka-awa dahil sa sinabi niya. Napatingin siya sa akin habang lumuluha pa rin, "Yon ang pinakaunang bagay na unti-unting dumurog dito" sabay turo niya sa dibdib niya, "Binigay ko lahat, pero hindi pa rin sapat"

 "Naiintindihan kita. Naiintindihan ko kung gaano kasakit...pero yung tungkol sa mga kaibigan mo-" tinignan niya ako ng masama kaya natigilan ako, "Nakita mo lang ng natapos na ang lahat, pero hindi mo nasimulan. Kaya sisimulan ko"

................

"Ano bang kailangan niyo sa amin?" sigaw ng mga kaibigan ko. 

 Nagkayayaan ang barkada na uminom para magpalipas ng oras at makalimutan ang problema. Pero biglang may humablot sa amin at dinala kami sa isang liblib na lugar. Itinulak kami at sapilitang pinaluhod sa harapan ng leader nila. Ng makita ko ang member ni Clyde, namukhaan ko ito, siya lang naman ang ipinalit sa akin ng ex ko kaya tinignan ko siya ng masama, "Isa lang naman ang kailangan ko sa inyong apat?" Tinapatan kami ni Clyde habang tinitignan namin siya ng masama, "To join my group. Easy right?" tanong nito habang nakangisi. 

 Simula una, hindi na namin binalak na mag-join sa mga grupo dahil magkakasama naman kami. Kaya naming lumaban ng magkakasama, "Kahit anong mangyari, hindi ako papayag sa gusto nila" sambit ko sa mga kaibigan ko.

Binigyan kami ng palugit ni Clyde para pag-isipan ng mabuti ang desisyon namin, pero dahil sa galit ko sa member niya, hindi nagbago ang desisyon ko. Kahit ikamatay ko pa, hinding-hindi ako sasali sa kanila lalo na't nandoon ang kaisa-isang dahilan kaya iniwan ako ng pinakamamahal ko. 

"Kung anong desisyon mo, ganun rin kami" sambit ng mga kaibigan ko.

"Pero alam niyo ang mangyayari kapag hindi kayo sumunod sa gusto niya. Handa akong mamatay, pero ayaw kong madamay kayo sa desisyon ko" pagpupumilit ko sa kanila.

"Wala kaming pakialam sa gagawin nila sa amin, ang mahalaga sama-sama tayong lalaban"

Magmula noon, ipinangako namin na hindi kami sasali at once na umatake ang Phantoms, lalaban kami ng sama-sama hanggang sa huling hininga. 

 Dumating ang ilang araw at weeks, walang nanggulong Phantoms sa amin kaya naging kampante ako. Pero dumating ang araw na ito, nabalitaan kong hawak nila ang mga kaibigan ko, nagmadali akong pumunta sa lugar na 'iyon kung saan mo kami nakita. Nakita ko na lang ang mga kaibigan ko na nakatali, nakaluhod at duguan kaya tumakbo ako mula sa napakalayong distansya para iligtas sila, pero sa pagtakbo ko, nagunaw ang mundo ko ng makita ko silang dalawa na napahiga na lang at naliligo na sa sariling dugo. Balak kong iligtas rin si Al, ang pinakabata sa amin, kaya ng makakita ako ng kutsilyo habang tumatakbo papalapit sa kanila, pinulot ko agad yon at kinalaban ang mga Phantoms na nakapalibot sa mga kaibigan ko.

 

Pero habang kinakalaban ko ang iba para iligtas si Al, "Tignan mo kung paano malagutan ng hininga ang kaibigan mo" lalo pa akong nainis ng hawakan nila si Al pati na rin ako. Ang humahawak kay Al ay ang walang hiyang bf lang naman ng ex ko. At muli kong naramdaman ang pagkamanhid ng katawan ko ng saksakin nila siya at unti-unti siyang bumagsak sa sahig. Nagpumiglas ako para lapitan ang mga kaibigan ko kayat nakawala ako sa kamay ng mga Phantoms. Agad kong nilapitan ang mga kaibigan ko na noo'y naghihingalo na hanggang sa makita ko kung paano sila nalagutan ng hininga.

.................................

 "Nang tignan ko kung sino ang sumaksak kay Al, biglang napalitan ang pagmamahal ng galit at pagkamuhi. Dahil mismong ang pinakamamahal kong babae ang pumatay sa mga kaibigan ko. Huli na ng malaman kong siya pala ang sumaksak sa kanilang tatlo para patunayang loyal siya sa Phantoms at Redblades. At 'yon ang pinakamasakit na bagay na unti unting wumawasak ng pagkatao ko" pahayag ni Oliver. At noong mga oras na yon, hindi na ako nagdalawang-isip kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi niya. Dahil ramdam kong totoo ang lahat. 

Alam kong nagkamali ako na pinagbintangan ko siya. At nagkamali ako na hindi muna ako nakinig sa kanya. Now, I feel so guilty.

"I-i'm sorry kung pinagbintangan kita" -S

Napatingin siya sa akin at mula sa mga matang iyon ay may mga luha pa rin, "It's okay. Kasalanan ko naman talaga kung bakit sila namatay, kung hindi ako naging makasarili, malamang ngayon buhay pa sila at hindi sila nadamay sa desisyon ko" habang nagsasalita siya, napatingin ako sa kamay niya at nakikita ko pa ang duguan niyang kamay, 

"Sana mapatawad mo ako dahil sa mga masakit na salitang binitawan ko. Kung kailangan mo ng makakausap sa tuwing nagkakaganyan ka, nandito naman ako. Huwag mong sirain ang sarili mo, lumaban ka para sa mga kaibigan mo" pahayag ko. Sandali kaming natahimik at napayuko siya. Ngunit hindi rin nagtagal iyon dahil tumingala ulit siya para tignan ako.

"Can I ask a favor?" tanong nito kaya tumango ako. 

"I want to avenge my friends. I want to join Black Vipers"

To be continued...