webnovel

SOON TO BE DELETED 2

Date started: September 2,2018 Date finished: May 29,2019 --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---

3IE · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
80 Chs

♥ CHAPTER 107:2 ♥

"F*CK YOU CLAUDE! HINDI KO PALALAMPASIN 'TO! I'M TELLING YOU!" napatingin na lang ako kay Dean ng marinig kong nagsalita siya. Kahit na nahihirapan ito at nanghihina ay masama niyang tinignan si Claude. Napansin ko na rin na unti-unting tumingala ang mga members na nag-aalalang tinignan ako at masamang tinignan si Claude, "Good to know na makitang ganyan ang mga itsura niyo Vipers. Let's see kung saan aabot ang pagiging matapang niyo. Nash, come in!" saad ni Claude habang masamang nakangiti at tinitignan ang Vipers isa-isa.

Napatingin kaming lahat sa pintuan at nakitang pumasok si Nash na mas ikinagulat ko pa. So talagang kakampi niya ang lalaking 'to?! Napansin kong wala rin si Zorren sa mga Vipers na nakatali kaya sigurado akong silang dalawa ni Nash ang tinutukoy ni Claude kaya sinamaan ko na lang ng tingin si Nash. Hinila niya ako papatayo at sapilitang ipinaupo. Nag-umpisa na lang akong kilabutan ng makita ang isang bagay na pamilyar sa akin. Ipinaupo niya ako sa isang electric chair kaya't pumalag ako pero wala pa rin akong laban sa kanya. Nag-umpisa siyang itali ang mga kamay at paa ko sa kinauupuan ko kaya't hinawakan ako ng iba pang members ni Claude, "YOU D*MN TRAITOR! HINTAYIN MO LANG NA MAKAWALA AKO DITO! AKO MISMO ANG PAPATAY SA'YO!" sigaw ko kay Nash habang itinatali niya ako pero seryoso niya lang akong tinignan.

"F*CK CLAUDE! JUST KILL US KUNG GUSTO MO NA KAMING TAPUSIN! HUWAG MO NA SIYANG IDAMAY DITO!" galit na sigaw ni Dean dito kaya't hinawakan din siya ng ilan sa mga Venom dahil pinipilit niyang kumawala.

"AND YOU! I TRUSTED YOU! TAPOS GANITO LANG ANG GAGAWIN MO! F*CK FOR THE BOTH OF YOU!" saad pa niya habang sobrang sama nitong nakatingin kay Nash.

"YOU. WON'T. GET. AWAY. FROM. THIS!" dinig naman namin na pagsasalita ni Dave habang masama rin ang tingin kay Nash.

"Stop threatening me Vipers dahil kahit anong gawin niyo, hindi na kayo makakatakas dahil dito ko na tatapusin ang mga buhay niyo" pahayag naman ni Claude.

"JUST DO IT! HANGGA'T KAYA MO PA CLAUDE! DAHIL HINDI MO GUGUSTUHIN ANG MANGYAYARI SA'YO KAPAG NAKATAKAS PA KAMI DITO!" pahayag ni Dean.

"Oh really? Tinatakot mo ba ako, Dean Carson? Pwes, hindi ako natatakot sa'yo. Oo papatayin ko na kayo ngayong araw na 'to, pero hindi sa madaling paraan. I want you to feel the pain and this girl!" pagkasabi niya doon ay mahigpit niyang hinawakan ang buhok ko kaya't alam kong gusto siyang lusubin ni Dean pero hindi niya magawa dahil maraming nakahawak sa kanya, "DON'T TOUCH HER!" sigaw nito habang tuwang-tuwa naman si Claude.

"THIS GIRL WILL SLOWLY FEEL THE PAIN AND WILL SLOWLY KILL YOU VIPERS" saad pa niya at mas lalo niya pang inilapit ang bibig niya sa tainga ko habang nasa likuran ko siya, "Siya, ang magiging dahilan ng pagkamatay niyo" sambit nito kaya't mas lalo pa akong naiyak.

"I WILL KILL YOU, JACKSON CLAUDE!" dinig kong galit na sabi ni Raven kaya pinilit kong tignan siya na halatang galit na galit.

"But I will kill you first!" sagot nito. Naramdaman kong may kinuha ito sa bulsa niya at natakot na lang ako ng muli siyang maglabas ng injection ngunit wala itong laman. Maayos niyang ipinakita 'yon sa akin kaya't mas naiyak pa ako, "We'll do everything. Just don't hurt her" sambit pa ni Raven kaya napatingin sa kanya si Claude.

"Kahit pa anong gawin niyo, hindi na magbabago ang isip ko, Vipers. Papahirapan ko ang babaeng nasa harapan niyo at gusto ko siya mismo ang makakita kung paano ko tatapusin ang buhay niyo" sambit nito.

"Ano ba talagang kailangan mo? Itigil mo na 'to!" saad ko sa kanya habang umiiyak ako.

"YOU WANT TO BE THE MOST POWERFUL GROUP?! I WILL GIVE THAT F*CKING TITLE TO YOU AT SA GRUPO MO, JUST KILL US NOW AND LET MY GIRL GO!!" sigaw ni Dean.

Nakaramdam na lang ako ng sakit ng maramdaman kong itinusok ni Claude ang injection na hawak niya sa leeg ko na dahilan para mas magalit pa ang mga kasama ko at wala akong magawa kundi ang tiisin ang sakit ng mapansin ko rin na unti-unting hinihigop ng injection na 'yon ang dugo ko kaya't nanghihina na rin ako, "STOP IT! ANO PA BANG GUSTO MO?! NAKUHA MO NA KAMI DBA?! HUWAG MO NA SIYANG IDAMAY DITO!!" pagwawala ni Dean kaya't mas marami pang humawak sa kanya habang nakatusok pa rin sa akin ang injection, "AKO NA LANG ANG PAHIRAPAN MO! J-JUST PLEASE....DON'T HURT HER!" sambit nito at nagkatinginan kami. Mas naiyak na lang ako when I saw my man again, crying just because of me.

"CLAUDE!...STOP IT!!! YOU'RE KILLING HER!!!" sigaw naman ni Dave ng mapansin nilang napapapikit na rin ako dahil sa panghihina. Bigla niyang inialis ang injection na itinusok niya sa akin at nakita kong malaki ang injection na 'yon at punung-puno ng dugo ko.

"Do you know what's the advantage of being saved against our poison?" tanong nito habang nakatingin sa injection na hawak niya at tinignan ako.

"You are now immune to all kinds of poisons...but there will always be a disadvantage" pahayag niya habang galit kaming lahat na nakatingin sa kanya.

"This blood of yours, if mix with other poisons will surely kill its victim faster and more painful" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay biglang may pumasok na isa sa mga members niya na may hawak na isang tray na naglalaman ng mga maliliit na bote. Dinala niya 'yon kay Claude at tinignan muna niya kaming lahat isa-isa habang nakangiti ng masama.

Nakabukas rin ang mga boteng nasa harapan niya at nakita namin na pinatakan niya ng dugo ko lahat ng boteng 'yon at habang ginagawa niya 'yon ay nagsasalita siya, "I just want to show you now, kung anong mangyayari at mararamdaman niyo kapag naitusok ko na sa inyong lahat ang laman ng boteng 'to" matapos niyang malagyan ng dugo ko ang mga bote ay inilagay niya ang injection sa tray at kumuha ng isang bote. Maigi niyang kinulog ang bote at maayos itong tinignan, "All I want is power, Vipers. And this girl will be the witness at siya ang magsasabi sa lahat kung paano ko kayo pinatay, slowly and painfully. Sa ganoong paraan, ako na ang kakatakutan ng lahat right?" tinignan ako ni Claude habang nakangiti kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.

Mas nilapitan pa ako nito at nakita kong nawala ang ngiti niya, "Kapag kinakausap kita, sumagot ka!" galit na sabi nito at napasigaw na lang ako ng may pindutin siya sa kinauupuan ko kaya nakuryente ako pero hindi ako makagalaw dahil nakatali ako.

"STOPPPP ITT!!!" dinig kong sigaw ni Dean na galit na galit habang nakatingin dito at ganon na rin ang ibang members kaya muli niyang pinindot 'yon at nawala ang pagkakakuryente sa akin, "Don't worry, I will just hurt her but I won't kill her" sambit ni Claude.

"If you will kill them patayin mo na rin ako! Dahil hindi ko gugustuhing makita pa ang pagmumukha mo!" sigaw ko dito kaya't mahigpit niyang pinisil ang magkabilang pisngi ko, "Magdahan-dahan ka sa pananalita dahil baka putulin ko 'yang dila mo!"

"Claude, if you want to kill us gawin mo na! Huwag mo ng patagalin 'to!" saad ni Dustin habang nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Hindi niyo ba ako naiintindihan? I'm killing you slowly and painfully, Vipers. At sa tuwing magsasalita kayo, this girl will receive your punishment" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay muli kong naramdaman ang pagkahapdi ng pisngi ko ng sampalin niya ako ng malakas.

"PWEDE BA?! TIGILAN MO NA ANG KAPATID KO! KAMI NA LANG ANG PAHIRAPAN MO, HUWAG SIYA!!" sigaw naman ni Raven. Alam kong sinusubukan nilang kumawala sa pagkakatali sa kanila pero maraming Venom ang humahawak sa kanila.

"Hindi ba talaga kayo nakakaintindi? Bawat salita niyo, masasaktan ang babaeng 'to!" galit na sabi ni Claude kaya muli niyang pinindot yung electric chair na kinauupuan ko. Nakalagay ang kanan niyang kamay sa isang arm rest na kinauupuan ko habang kaliwang kamay naman niya ay nakalagay sa kabilang arm rest kaya't mas diretso niya pa akong tinignan. Muli akong nakaramdam ng sakit kaya't mas lalo pa akong napaiyak pero pinigilan kong sumigaw dahil ayaw kong manghina ang loob ng mga kasama ko. I can now see them, all crying habang nananahimik at hindi alam ang gagawin. I know they desperately want to save me but I also want to save them. I can see them being hurt, kaya mas nasasaktan ako na makitang nagkakaganon sila dahil lang sa akin.

Napapikit na lang ako at hindi ko na maiwasang sumigaw ng mas pindutin pa ni Claude ito habang nakaharap at nakatingin siya sa akin. Tila maglalabas na rin ako ng dugo mula sa bibig ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, "Tell them! Tell them kung gaano kasakit! Pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman nila na makitang nahihirapan ka at wala silang magawa kundi ang panoorin ka!!" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinanggal niya ang kamay niya sa kinauupuan ko at muling pinindot 'yon kaya't tumigil ang paghihirap ko at napayuko na lang ako habang mabilis na humihinga dahil sa nararamdaman kong sakit at pagod. Hindi ko na rin maigalaw ng maayos ang katawan ko.

"S-sorry...sorry" dinig kong pagsasalita ni Dean kaya pinilit kong tumingala para tignan siya. Maraming nakahawak sa kanya at nakaluhod siya. Nakita kong umiiyak siya habang nakatingin sa akin kaya't nagtama ang mga mata namin, "I'm sorry...sweetie. You shouldn't be there" saad nito kaya't mas lalo pa akong naiyak pero pinilit kong ngumiti, "I-it's okay...muffin. I-i can take it" sagot ko sa kanya. Habang nakatingin ako sa kanya ay mas napatingala na lang ako ng may itutok na injection sa akin si Claude. Idinikit niya ang dulo noon sa pisngi ko kaya hindi ako nakagalaw. Tinignan ko siya habang umiiyak pa rin ako, "Just kill us! Pagod na kami. Please, just kill us!" pahayag ko sa kanya dahil nahihirapan na kaming lahat.

"So you're already tired?" sarcastic na tanong nito sa akin.

Nakita kong tinignan niya ang paligid na parang may hinahanap siya. Sinenyasan niya ang member niya at may itinurong direksyon kaya pumunta doon ang member niya. Lumapit ito kay Claude at nakita kong may iniabot na medyo malaking bote sa kanya. Maayos na tinignan ni Claude ang boteng 'yon habang nakangiti ng masama at nilapitan niya ako. Binuksan niya ang babasaging bote at nagsalita, "Then have a drink" pagkasabi niya doon ay astang ipapainom niya sa akin ang laman ng bote ay pumalag ako at mas natakot pa ako ng makitang dugo ang laman ng boteng 'yon.

"NOOO!!! STOP IT!" hinawakan ako ng mga members niya at pilit na binuksan ang bibig ko at dahan-dahan niya ring ipinainom sa akin ang laman ng bote pero inilalabas ko din 'yon.

"Claude!! We're begging you to stop! Please, just please stop it!!!!" pinilit kong tignan si Dean na halos halikan na ang sahig dahil parang nakikiusap ito habang nakikita ko ang iba na parang hindi na kayang tignan ako.

"S-stop it please!!!" sigaw ko kaya tumigil na rin sila sa ginagawa nila at binitawan ako. Napayuko na lang ako at isinuka lahat ng ipinainom sa akin habang punung-puno na ng dugo ang bibig ko at tumutulo pa 'yon sa leeg ko. Napaubo na lang ako at mas naiyak pa dahil sa nangyari.

"Sige, madali lang naman akong kausap" nakita kong ibinaba ni Claude sa gilid ng kinauupuan ko ang hawak niyang bote at ngumiti, "Tapusin na natin ang paghihirap mo" saad nito. Nilapitan niya si Dave at sapilitan itong hinila at ipinaluhod sa harapan ko kaya nag-aalala kaming nakatingin sa isa't-isa, "Good to know na tumalab ang inirecommend na pampakalma ng member niyo. That mysterious guy I like aside from Nash kaya nga hindi rin kayo basta-basta makagalaw dahil nasaktan kayo at lubusang nanghina ng iinject niya sa inyo ang mismong gawa niya. I really want to know him" pahayag nito. Kaya pala parang nanghihina ang Vipers dahil bago sila dalhin dito, nainject sila.

Nakita kong hinarapan niya ang member niya na may hawak na tray. Kumuha siya ng panibagong injection mula sa tray na 'yon at dahil walang takip ang mga bote ay inilagay niya doon ang injection at nilagyan ito ng laman. Lumapit siya sa likod ni Dave habang tinignan ng maayos ang injection na 'yon at tinignan niya ako, "You will be the witness kung paano ko papatayin ang bawat isa sa mga Vipers, sa mga kamay ko at sa mismong harapan mo"

Next...