webnovel

Half Sister

*****

(Thinking) "Tsk! Ano bang nagyayari dito?! Kailangan ko ipaalam kay Dad pero bago yun ay kailangan ko muna makatakas dito.

"Sumama ka sa amin kung ayaw mong madamay ang mga inosenteng ito." Sambit ng isa sa mga naka hood.

*shaking* "Anong kailangan nyo sa akin?! Wag kang lalapit sa akin!" Sambit ko

Sa aking hindi pagsunod sa utos ng naka hood ay bigla nalang nawala at napunta ang isa sa likod ko at hinawakan ang leeg ko at nanghina ako. Bumagsak ako at ang nakikita ko nalang ay nagliliwanag ang paligid ko. Nawalan na ako ng malay pero bago ako mawalan ng malay ay alam kong may nakatayo sa harap ko at tila sinusubukan akong iligtas sa mga naka hood.

******

"Mmmm.... *shock* Haah! Nasan na ako?! Bakit ang dilim....? Wala akong makita! Aarrrgghhh!!! Hindi ako makakilos ng maayos!! Tulooooooong!!!" Sigaw ko..

[Unknown] "Wag ka ngang mag sisigaw dyan!"

[Sotíra] "Sino ka?! Anong kailangan mo sa akin?!"

[Unknown] "Relax! Tumahimik ka muna! Pwede?! Napaka ingay mo eh. Binabawi ko pa ang lakas ko. Hindi ako makapag concentrate dahil sayo eh.

[Sotíra] "Ano ba kasing kailangan mo sa akin? Kung may gusto kang kunin sa akin. Kunin nyo na! Gusto ko nang umuwi!"

[Unknown] "Tatahimik ka o itatapon kita sa mga asong lobo? Mamili ka!"

[Sotíra] "WAAAAAH!!!! *Panick* Gusto ko pang mabuhay!!!! Pakiusap! Lubayan nyo na ako!!! Wala pa akong nagiging syota!!! (Crying)

[Unkown] "Lintek na!! *smack* Tumahimik ka pwede?!"

[Sotíra] "Boohoo..."

*Untie*

Matapos syang makawala sa sako ay agad agad syang tumakbo ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla syang napahinto dahil sa nakita nya. Ang kasunod na dadaanan nya ay bangin na at walang kasiguraduhan na mabubuhay sya kung sakaling tumalon sya dito. Dahil sa sobrang takot ay napaluhod nalang si Sotíra.

[Unknown] *Black* "Ow?! Sayang naman... Bakit hindi ka pa tumalon, batang iyakin? HA HA HA HA!" Tanong nya.

[Sotíra] "Anong kailangan mo sa akin?! *Sob* Wala naman akong atraso sa inyo ah!"

[Unknown] *Black* "Wag ka ngang madrama dyan! *walking* (Lightened by the moon) Masyado kang iyakin Sotíra. Hindi ka na bata para matakot pa. *smiling* "

Napatulala si Sotíra sa kanyang nakita. Hindi nya akalain na ang nasa harap nya ay parang isang anghel na namumuhay sa kadiliman.

[Sotíra] "S-sino ka?"

[Unknown] "Hindi mo na kailangang malaman pa; nakalayo layo na rin tayo at mukhang napuruhan ko naman yun. Kaya halika na at ibabalik na kita sa bahay mo."

[Sotíra] "Ikaw ang nag ligtas sa akin sa mga mukhang kulto na yun? Maraming salamat! *Nod*"

[Unknown] "Wag ka munang magpasalamat. Hindi ka pa rin ligtas sa ngayon. Uugghh!!! Cough! Cough! *kneel* Pesteng yun! *Grit*"

[Sotíra] "Oyy miss, ayos ka lang ba? *Kneel* Nagdudugo ang ilong mo oh. Teka may panyo ako dito, gamitin mo munang pamunas. Kasalanan ko to eh, dahil sa akin kaya may nadadamay."

[Unknown] "Ang drama mo.... Haha. Wag ka mag alala. Hindi ako gaanong napuruhan. Nagamit ko lang ang lahat ng lakas ko sa pagligtas sayo. Dumito muna tayo ng ilang minuto. Babawiin ko lang ang lakas ko. Bantayan mo ako dahil maraming halimaw ang pwedeng kumain sa atin habang nag memeditate ako.

[Sotíra] "Ayos lang sa akin. Mag aantay ako kahit gaano pa katagal. Lumakas ka lang ulit. Atsaka hindi ko rin gustong mamatay dito sa lugar na to."

(Thinking) Totoo kaya na may halimaw dito? Hindi bale, malamang tinatakot nya lang ako. Sa isang banda, maganda sya. Para syang model. Bakit di kaya sya mag artista? Madaming lalake magkakandarapa panigurado sa kanya.

Lumipas ang ilang oras na pag aantay ay nakatulog si Sotíra. Nabawing muli ng babaeng misteryoso ang kanyang lakas at ginising nya na si Sotíra upang umalis sa bangin.

[Unknown] (Thinking) (Ang sabi ko bantayan ako hindi tulugan! Nakakainis talaga to! Ang lakas ng loob mong matulog sa oras na kailangan kita ah.)"Psst!! Gumising ka na dyan. Maraming halimaw sa paligid. Dalian mo!"

[Sotíra] *wake up fast* "Saan?! *look left* Saan?! *look right* "

[Unknown] "Pffft!!! Bwuhahaha! Ang panget mo pag natatakot! Hahaha! Saan?! Saan?! (Continuously laughing)

[Sotíra] *blushing* "Grrr!! Tumigil ka! Halos atakihin na ako sa puso dahil sa takot tapos ikaw tawa ka parin ng tawa dyan! Anong nakakatawa dun hah?!

*smack* (headshot)

[Sotíra] "Aray ko!! Bakit?!" (crybaby)

[Unknown] "Sinisigawan mo ang nagligtas ng buhay mo? Diba sabi ko sayo bantayan mo ako dahil babawiin ko lang ang lakas ko dahil mahina ako dahil sayo! Anong ginawa mo?! Natulog ka! Paano kung may umatake sa akin? Anong gagawin mo?

[Sotíra] "..... Sorry"

[Unknown] "hmmmp! Lumapit ka sa akin. Iuuwi na kita."

[Sotíra] "okay...."

*wind blowing*

Sa isang iglap lang ay nakarating agad sila sa bahay ni Sotíra ngunit biglang tumalikod at umalis rin kaagad ang babaeng misteryoso. Sa isang banda, hindi parin makapaniwala si Sotíra sa nangyari ngayong araw sa kanya.

"Haaays... Ano ba ang nangyayari sa mundong ito? Sa mga movies at animé ko lang nakikita to pero nangyayari sa na mismo sa akin. Haaays..." sambit ko

Kinabukasan... Nakaramdam ng pagkalakas lakas na lindol at tila tunog ng tumamang kidlat sa lupa ang kanyang narinig. Patuloy itong nangyayari. Habang patuloy itong nangyayari ay biglang lumitaw sa kanyang harapan ang kanyang ama.

*Wush* "Ajax; kumapit ka sa akin. Umalis na tayo dito sa apartment mo." Natatarantang sambi ng kanyang ama.

"Bakit Dad?! Ano bang nangyayari?!" Tanong ko.

"Wag nang maraming tanong, basta kumapit ka na sa akin. Hindi na rito ligtas pa." Sambit ng kanyang ama.

"Paano yung mga nakatira dito sa lugar na to?! Paano si Bell? Hindi ba natin sya isasama?" Sambit ko

"Wag ka mag alala sa kanila. Hindi sila maaaring pakialaman. *grab* Sumama ka na sa akin." Sambit nya.

Nakaalis agad sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang ama. Sa kanilang pagdating ay sinalubong sila ng babaeng misteryoso.

[Sotíra] *Surprised* "D-diba ikaw yung babae kahapon?! Anong ginagawa mo dito?! Dad! Siya yung nagligtas sa akin dun sa mga mukhang kulto. Miss, maraming salamat nga pala at lalo kang gumanda. (Smiling)"

[Dad] "Bakit miss ang tawag mo sa kapatid mo? Hindi pa ba sya nagpapakilala sayo? (Stare)"

[Sotíra] "Opo Dad, hindi pa sya nagpapakilala sa akin. Atsaka, paano ko naging kapatid si ms.suplada?"

[Dad] "Mahabang kwento. Pupuntahan natin ang bago mong titirhan. Siguradong safe dun at walang sino mang makakaalam na kalaban na narito ka."

(Poking his Father)

[Dad] "bakit?! Aaah. Sya si Stella. Half sister mo sya. Nagkakilala na kayo pero hindi mo manlang sya kinilala. Haays anak, tatanda ka talagang single pag ganyan ka kahina. Biruin mo kapatid mo nalang hindi mo pa matanong ang pangalan."

[Stella] "Bakit ko pa kailangan ibigay ang pangalan ko dyan sa lampa na yan?"

[Sotíra] "Aba't, ang yabang naman pala talaga nito! Hindi naman bagay sayo ang pangalan mong Stella! Bagay sayo maldita!"

[Stella] "(Stare) "Talaga ba?! (Walking towards him) Sinusubukan mo ba ako? Hah?! Lampa!"

[Sotíra] *Trembling* "Wag kang lumapit! Mayabang ka purkit kaya mong kontrolin ang kapangyarihan mo!"

[Dad] ^Tremendous aura^ "Hindi kayo titigil dalawa?" (smiling)

(Both trembling)

[Stella] "heh! Maswerte ka at kapatid kita! Lampa!"

[Sotíra] "Tsss! Kala mo kung sino. Pag ako naging malakas hindi mo ako magaganyan. Hmmp!

[Dad] "ehem! Dito ka muna maninirahan anak. Hindi ka pa pwedeng bumalik duon. Naramdaman mo naman siguro kung anong meron dun kanina. Nakaalis lang tayo dahil sa tulong nila Rafaela at Jade. Pero wag ka mag alala sa kanilang dalawa. Ganun lang yun pero strategists yung dalawa na yun. Kahit ako hindi ko sila magawang talunin. Buong gabi ka nila binantayan pero kaninang umaga lang umatake ang kampon ni Elizar.

[Sotíra] "Paano yun Dad?! Ang alam ko natakasan na namin yun kagabi ah."

[Stella] "Hindi ganun kadaling takasan ang kampon ni Elizar. Maraming alagad yung panget na yun. Tsss. . ! Gustong gusto ko syang gilitan!! ^killing intent^"

[Dad] "Kahit sino naman gusto syang mapatay. Pero kahit mag tulong tulong pa tayo hindi natin sya kakayanin. Kailangan lang natin mag antay ng tamang panahon. Makakamit din natin ang kapayapaan."

[Sotíra] "Dad, matanong ko lang. Bakit gusto nila akong patayin ulit?"

[Dad] "Hmmm... Isang araw na naghahari si Elizar dahil sa kanyang walang kapantay na kapangyarihan. Isang araw, may isang sanggol na isinilang na may ikatlong mata sa nuo. Ang inakala ng karamihan ay wala lang ito. Ngunit lumipas ang araw, linggo, buwan at taon. Mabilis ang pag laki ng batang ito. Magdadalawang taon na ang batang iyon ngunit ang itsura nya ay halos 40-45 years old na sya. Walang makakapantay sa kapangyarihan ng bata na may ikatlong mata. Kaya nyang patayin si Elizar ng isang iglap lang kahit hindi pa nito itinataas ang kanyang kamay. Natakot si Elizar at hindi sya umakyat sa lupa pero makalipas ang ilang araw ay naglakas loob sya at pinuntahan ni Elizar ang batang may ikatlong mata. Kinausap nya ito at ang sabi ng bata ay isa syang propeta na may isang mensahe para kay Elizar. At ang kanyang sinabi ay, "Kailan man ay hindi maghahari ang isang mapusok at masamang hari sa mundong ito." Matapos non ay pumunta sa kailaliman ang batang may ikatlong mata upang isulat sa bato ang kanyang hula. Matapos nun hindi na nakita pang muli ang batang may ikatlong mata.

[Stella] "Wag ka nang maraming tanong pa dyan. Mauna na tayo Dad. Iwanan na natin siya dito. Balikan na natin mga kabit mo."

[Dad] *Shock* "Hindi ko sila mga kabit. Mga kaibigan ko yun at kakampi natin yun!!"

[Stella] "Tss.. babaero ka Dad. Tatanggi mo pa eh. Bumalik na tayo baka kung ano pang mangyari sa mga babae mo."

[Sotíra] *Stare* "Umalis na kayo Dad. Kaya ko na to.

[Dad] (Thinking) haaays. Palagi akong naiipit.. Dibale na nga. Kailangang balikan na yung dalawa. "Anak, ikaw na munang bahala ah."

[Sotíra] "No problem Dad" *thumbs up* (looking at his sister) "Hmmp!"

[Stella] "Tss lampa!"

[Dad] *Snap* *Woosh*

Nang makaalis silang dalawa ay pumasok agad si Sotíra sa bahay.

"Alam ko na babalik rin sila agad dito. Malalakas naman sila eh. Hindi naman nila ako kailangan. Magiging pabigat lang ako pag umepal pa ako. Magluluto nalang ako dito. Hahaha. Safe naman si Bell sa apartment nya at kasama naman nya si Darwin. Pero namimiss ko yung experience ko kay Bell. *blush* hihihi..."