webnovel

World of Our Own

Ari's POV

10:55 p.m./September 18, 2002

Dear Diary,

Kamusta Diary? Ang hirap ng mga subjects kanina. Nakakaloookaaaaa! Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang kompetisyon ng buhay... Charooot! Pero okay lang kahit mahirap kasi andiyan si Jake. Tinuturuan niya ako sa mga subjects na di ko alam tapos ang bait-bait niya pa. Sana maging bestfriend ko siya. Kapag nangyari yun, for sure magiging masaya ako. Nasabi ko ba sa'yong ang guwapo guwapo niya. Singkit ang mga mata niya, matangkad, maputi, payatot nga lang pero keri na din. Gustong gusto ko magkaroon ng bestfriend na lalaki e. Wala kasi silang arte. Osya, good night na. Maaga pa pasok ko bukas.

----

August 22, 2018

Kanina pa ko naghihintay dito sa Jollibee. Gutom na ang katawang lupa ko at di ko alam kung anong magagawa ko kapag dumating na siya.

"Bebbbbbbb!" sigaw ng isang humahangos na lalaki. Napakaguwapong humahangos na lalaki, sabi ng mahaderang utak niya.

"Beb ka jan! Anong oras na?"

Tumingin sa relos niya ang lalaki sabay sabing, "2:45"

"2:45! 1:30 ang usapan natin di ba?"

"I know and I am sorry, Beb. Bati na tayo, please? Pretty please?" sagot nito sa kanya sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

"Ewan ko sa'yo!" Sabi niya rito habang umiirap ang mata nito. "Dear Lord, ayaw ko pong magkasala... Marupok po ako" lihim na panalangin niya sa isip.

"Beb ..."

"Oo na! Bati na tayo! Bitawan mo na ako! Nakakahiya sa ibang tao oh! Pinagtitinginan na tayo!" sabi niya sabay bitaw niya sa mga yakap nito.

"Weh.. Kung alam ko lang ayaw mong bitawan kita." sabi nito habang tinititigan siya ng mga mata nito.

"Huwag mo sabi akong titigan e. Naku Lord, are You really tempting me? Marupok po ako, baka magahasa ko ito dito.", napakaactive naman ng utak niya ngayon.

"Uy, natahimik ka na diyan! Siguro, talagang gusto mong niyayakap kita Beb no? Pwede naman, halika, yakapin kita ulit." sabi nito sabay akmang yayakapin siya ulit ng mga mamuscle nitong mga braso.

"Hep! Tigilan mo nga ako, Jake! Feeling ka din e!" sagot niya dito sabay suntok sa mga braso nito.

"Aray naman! Ito naman di mabiro! Sige na, di na kita yayakapin!

"Ay, di na?" sayang naman."

"Talaga! As if naman gusto kong niyayakap mo ko! Di kaya ako makahinga! Baho pa ng kilikili mo!" sabi niya sabay belat dito.

"Anong sabi mo?! Mabaho kilikili ko? Uy, kahit dito ka pa tumira!" sabi nito sabay kulong sa kanya upang ipaamoy ang kilikili nito sa kanya.

"Ano ba, Jake! Bitiwan mo ko!" pagpupumiglas niya dito.

"Ano ba yan! Dito pa naglandian! Humanap nga kayo ng kuwarto!" narinig nilang sabi ng isang matandang babae.

Dali-dali nilang pinaglayo ang sarili ng marinig nila anv sinabi ng matanda. Masyado ata silang nag enjoy sa kaharutan nilang dalawa at nakalimutan nilang nasa public place sila. Umalis na lang silang dalawa na hiyang hiya at halos itago na ang kanilang mga mukha.

Matapos ng eksena nila Jollibee, kumain na lang sila sa ibang fast food chain. Tawa sila ng tawa habang pinag-uusapan nila ang kalokohan nila kanina. They are always like that, doing and making silly things together.

After being classmates in second year, they became the best of friends. Jake became her tutor in Math and she became Jake's tutor in English. A give and take relationship, di ba? After that year, never na silang naghiwalay. They graduated together, even go to the same college. They are inseparable. They are always together, and sana forever na lang silang magkasama.

---