webnovel

Chapter 7

Nakatulala siya ngayon sa taong nasa pintuan niya. Alas sais pa lang ng umaga pero nagising siya sa paulit-ulit na pagpindot sa doorbell niya. Without fixing herself, dire-diretso siya sa pintuan and voila, nasa harapan na niya ang taong antagal niyang hindi nakita. Gosh, I miss you.

Jake is standing at her door, holding a bouquet of white roses in his hands. He looks so dashing, so handsome and so bango. Kamusta naman itsura niya di ba?

"Anong ginagawa mo dito?"

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Nag-uusap na tayo, di ba?"

"Beb naman e..."

Beb. Wow, it feels like home. Okay, Ari, maghulus dili ka. Hiwag kang papahalata na gusto mo na siyang yakapin dito.

"I am sorry, Ari. Pede bang mag-usap tayo? Kaso pwede bang magpalit ka muna ng damit?" sabi nito na hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"Mag-uusap lang tayo e bakit kailangan pang..." her words left hanging on the air. Shocks! Bigla niyang naalala kung ano ang itsura niya. Bagong gising, di pa nagtu-toothbrush baka may laway pa nga sa gilid ng mga labi niya and worse, WALA SIYANG BRA! Bigla niyang naisara ng wala sa oras ang pinto dahil doon.

"Diyan ka muna sa labas ha! Wait lang! Aayusin ko lang sarili ko!" sigaw niya kay Jake habang nagmamadali siyang umakyat sa kwarto niya.

--

JAKE'S POV

Andito ako ngayon sa harap ng pintuan ng bahay nina Ari. It is now or never, naisip niya. Buti na lang at nakausap niya ang kaibigan niya kagabi kung kaya't nagising siya sa katotohanan na hindi niya kayang mawala sa kanya si Ari ng hindi siya lumalaban. Kung hindi siya mahal nito, tatanggapin niya ng maluwag sa kanyang loob na hanggang magkaibigan lang sila pero kung pareho sila ng nararamdaman, "man, I am the luckiest guy alive" at mas jackpot pa siya sa mananalo ng 1 billion pesos na premyo ngayon sa lotto.

Kabado man, pinindot niya na ang doorbell at kahit nakakailang pindot na siya ay hindi pa rin siya tumigil. Alam niya kasing deep sleeper si Ari at kung magiging pabebe siya sa pagpindot, baka tirik na ang araw ay hindi pa din ito lumalabas.

"Heto na!" dinig niyang sigaw nito sa likod ng pinto. "Ayan na! Kakainis naman oh! Umagang umaga oh!"

Napatawa siya sa narinig mula dito at hindi niya ito masisisi kung mabadtrip man ito. Alas sais pa lang kasi ng umaga at kahit alam niyang puyat ito, hindi niya naman na mapigilan ang sarili na hindi ito makita agad agad.

"Bakit ba ---" naputol ang sasabihin nito ng makita siya nito. Kahit siya ay napatigil ng makita ang itsura nito.

Pupungas, magulo ang buhok, may laway sa gilid ng mga labi pero maganda pa rin at --- wala itong bra. Napalunok siya sa nakita at kahit ayaw niyang mapunta ang atensyon niya doon ay sandali siyang napatingin doon.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa kanya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" sagot naman niya.

"Nag-uusap na tayo, di ba?" mataray nitong sabi. Ang cute lang talaga.

"Beb naman e..." Sana gumana.

"I am sorry, Ari. Pede bang mag-usap tayo? Kaso pwede bang magpalit ka muna ng damit?" pagpapatuloy niya na hindi tumitingin dito. May iba na kasi siyang nararamdaman at ayaw niyang magkasala. Nasabi ba niyang napakaganda ni Ari? Mahabang buhok na straight na straight na hindi dumaan sa pagpaparebond, 5'2" ang taas at masasabi niyang malaman ito. All the curves in the right places.

"Mag-uusap lang tayo e bakit kailangan pang..." sinabi nito pero napahinto ng marealize siguro ang itsura nito. Tanging pagbagsak na lang ng pinto ang sunod niyang narinig dahil umakyat na ito sa itaas.

----

"Kumain ka na ba?" tanong niya kay Jake ngayong magkaharap na sila sa sala. Act cool lang siya at kunwari ay walang nangyari kanina.

"Hindi pa. Pero okay lang ako. Nakita na kita e."

"Asus, paandaran mo na naman ako ng mga ganyan mo Jake. Anyway, bakit ka nga nandito?"

"Namimiss na kita. Bakit ako ba hindi mo namimiss? Dahil ba kay Sam?"

Kinilig siya sa sinabi nito pero pinigilan niya ang sarili na magbigay ng kahit anong reaksyon. Siya? Hindi ito namimiss? Kung alam mo lang Jake, halos mamatay ako sa lungkot na di ka nakikita.

"Hindi kita namimiss at hindi dahil kay Sam kung bakit hindi kita namimiss. Huwag mong idamay yung tao dito."

"Ang sabihin mo, masaya ka na sa kanya kaya hindi mo na ako kailangan."

"Pinuntahan mo lang ba ako dito para awayin? Me pabulaklak ka pa diyan tapos gaganituhin mo lang ako? Bahala ka sa buhay mo!" mahabang litanya niya sabay tungo sa kuwarto niya.

Ngunit bago pa man siya makailang hakbang, may mga braso ng nakayakap sa kanya ng buong higpit.

"A-a-nong ginagawa mo?" halos pabulong na tanong niya rito habang kinakalas ang mga braso nito sa kanya.

"Sandali lang Ari. Kahit ilang minuto lang. Hayaan mo na akong gawin ito." sagot nito sa may tenga niya.

Parang may kung anong apoy sa tenga niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung dahil ba sa mga brasong nakapalibot sa kanya o dahil sa hininga nitong damang dama niya ang bawat hibla. Hinayaan niya lang na yakapin siya nito dahil ang tagal na niyang hindi nadarama ito. Sa ilang beses na niyakap siya nito, ito yung yakap na parang iba sa lahat.

"Ari ...." tawag sa kanya nito.

"Hmmm?"

"Kayo na ba ni Sam?"

"Hindi pa, bakit? Gusto mo ba sagutin ko na siya?"

"Ayoko. Paano kita maagaw sa kanya kung sasagutin mo siya?"

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya dito. Hindi siya makatingin ng diretso dito dahil naguguluhan na siya. Ano ba'tong paandar mo, Jake? Don't do this to me. Marupok ako.

"Tingnan mo ako sa mata, Ari." sabi nito sanay angat sa mukha niya. Halos matunaw na siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Feeling niya sasabog na ang puso niya anytime.

"Ano bang trip mo? May dumi ba ko sa muka?"

"Wala. Pero kahit kailan hindi ako magsasawang tignan ang mukha mo. Never kong pagsasawaang titigan ang mga mata mo. Hindi ako magsasawang mahalin ka, Ari. Kaya mo rin ba akong mahalin?"

She holds her breath when she heard him those words. Hindi niya kasi alam kung tama ba ang pagkakarinig niya o baka imagination niya lang ang mga iyon. Baka kasi nasobrahan lang siya sa pagbabasa ng romance novels kung kaya iba iba na ang naririnig niya.

"A-anong sinasabi mo?"

"Beb, I am asking you kung kaya mo rin ba akong mahalin katulad ng pagmamahal ko sa'yo."

"Pero ... Di ba nangako tayo? Nakalimutan mo na ba?"

"That was few years ago pa, Ari. Hindi ba pwedeng maging tayo? Hanggang doon lang ba tayo?Aren't we too old enough to stay true for that foolish promise? O baka naman wala ka talagang nararamdaman sa akin kaya ginagawa mong reason yan?"

Napatingin siya sa mga mata nito. Kitang kita niya sa mukha nito ang takot sa magiging sagot niya. She knew him as a strong person na hindi takot sa rejection pero iba ito ngayon, kitang kita niya ang paghihirap sa mata nito. Ano pa ba ang pumipigil sa kanya? Ito na oh, umaamin na ito sa kanya. Mahal niya din naman ito di ba?

"Paano kung hindi mag work?"

"Magwo-work Ari. I will do my best to make you happy. I -- Wait, ibig sabihin ba niyan--?"

Tumango lang siya ng tumango habang nakatingin sa mukha nito. Bakit ba niya pipigilan ang sarili niya? Mahal niya ito at mahal din siya nito, siguro they can make it work naman di ba?

"YESSSSSS!" Sigaw nito sabay halik sa mga labi niya. Nanigas siya, literally, dahil ito ang first kiss niya.

"I love you, Ari."

"I love you too, Jake."

"To infinity and beyond?"

"To infinity and beyond."

------