webnovel

SOMEONE'S SPECIAL

'Family should love each other' pero paano kung isa sa pinakamamahal mo ang sisira sa salitang 'pamilya'. May darating at meron ding aalis. Ano kaya ang mangyayari sa buhay ni amira? Lalaban ba siya o hahayaan silang abusuhin siya?

Deeeeym7 · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
71 Chs

CHAPTER 6

AMIRA'S POV

Nandito kaming dalawa ni bea sa bathroom ng kwarto ko habang naga-ayos. Naliligo na sa pool ang mga inimbitahan namin.

Hindi sana ako maliligo kaso hindi pala sumama si mr.linc kina ate na umalis. Buong akala ko kami lang ang nandito. Lahat sila umalis at may pinuntahang importanteng bagay.

"Wooow bestfriend!!!"

"Wala yun" nakangiting sabi ko nang umikot siya sa akin. Naka-two piece lang ako habang siya one piece.

"Gandaa~" hindi ko na siya pinansin at sinuklay lang ang buhok. Papansinin na ako ni Mr.linc nito sa ganda ko.

"Tara na" lumabas na kami at tinungo agad ang pool area. Napangiti ako nang makita si Mr.linc na nakatayo paharap sa pool.

"Uy yan na ba yun?" tumango lang ako sa tanong ni bea at inayos ulit ang buhok ko.

Hindi niya nakita si Mr.linc dahil sa bintana siya dumaan kanina. Ang aga kasi dumating kaya naabutan pa niya sina ate hahaha umiiwas sa fliptop.

"Tignan mo anong reaction niya ha kapag dumaan tayo sa tabi, siguraduhin mo na titingin siya sa akin" sinadya naming dumaan mas malapit sa kanya para makita niya talaga ako. Yiiieee ano kaya reaction niya?? Gusto ko lumingon!! Gusto ko lumingon--napatigil ako nang tumigil si bea at parang nawala sa sarili.

"Bea?" lumingon din ako kay Mr.linc na nakatingin pala sa amin--wag niyang sabihin gusto na rin niya??

"What took you so long?" tanong ng mga kaibigan namin, babae lang ang inaallowed ni papá.

"Nag-ayos lang kami" hinila ko si bea at pinaupo sa bench tsaka inabutan ng makakain "Uy ayos ka lang? Baka nagkagusto ka na din kay Mr.linc pagkatapos mong lumingon"

"Huh? Hindi ah" sabi niya at parang natauhan na. Tumayo siya kaya lumingon ako saglit kay Mr.linc na nakatingin pa rin pala dito!

"Let's go amira!" yaya nila kaya hinila ako nung isa papunta sa pool.

BEA'S POV

Sa dinamidami ng tao bakit si kuya pa?!! Bakit nandito siya?!!! Kinuha ko ang pagkakataon na to habang nasa pool pa ang atensyon nilang lahat.

"Kuya bakit ka nandito?" mahinang tanong ko nang mahila na siya sa hallway ng kwarto nina bestfriend.

"I'm should the one asking you that! What are you doing here?! Saan si mama???" napadabog ako dahil tanong din ang sinagot niyaaaahh!

"Kanina ka pa nakatayo dun! Umalis ka na kuya!"

"Inutusan nila ako. Huwag ka nga tumakas sa tanong ko! Anong ginagawa niyo dito?!" huminga ako ng malalim.

"Mukhang wala ngang may alam na nagtatrabaho ka pala dito. Sa ate pa ni amira!" nagulat ako nang hilahin niya ako palayo.

"Leave this place, isama mo si mama, umalis kayo humanap kayo ng ibang trabaho" tinabig ko ang kamay niya dahil malapit na kami sa hagdan.

"Kuya hindi! Matagal na kami dito kaya baka ikaw na lang ang umalis, sobrang tagal na namin dito!"

"Ako ang bubuhay sa inyo kaya huwag niyo na isipin yung pera, umalis na kayo dito. Ako na ang bahala sa kanila"

"Ano ba kuya! Mas lalo hindi na ako papayag kasi nandito ka tsaka sasabihan ko si mama tungkol dito para masabihan ka din"

"Then leave that girl wag na wag kang magpakita sa kanya!" hinila niya ulit ako kaya tumakbo ako palayo.

"Kuya naman! Magkasama na kami simula pagkabata. Hindi ako papayag at dito ako matutulog ngayon! Sasamahan ko si mama tsaka huwag na huwag mong sabihin kay amira na magkapatid tayo, may gusto sayo yung tao"

"Stop it bea! Makinig ka sa akin! Umalis ka na! Delikado dito!" kumunot naman ang noo ko sa kanya at napakamot na lang dahil sa inis.

"Ano ba yang pinagsasabi mo?? Bahala ka dyan babalik na ako!" iniwan ko na siya kaya narinig ko pang tinawag niya ako.

"Beatrice!"

"Beatrice!" hindi naman kasi siya pwede sumigaw dahil baka mapalayas pa kami.

"Bestfriend saan ka galing???" sinalubong ako ni amira kaya hinila ko siya papunta sa pool. Hindi niya alam sa kuya ko pala siya nagkagusto! Nangako kami walang talo sa mga kapatid namin eh!

AMIRA'S POV

"Sino yung poging yun?" tinignan ko ang kaibigan ko na nginuso si Mr.linc sa terrace ng bahay.

Kanina pa yan nagbabantay dito or tinitignan niya lang talaga ako---??? Bakit ganyan siya? Baka gusto niya sumali sa amin???

"Bodyguard ni ate na nakilala niya sa italy tapos crush ko din pala" napa-aahh sila at tinulak ako ng konti.

"Picture kayo" suggest nung isa. Lumapit na si bea kaya tumingin ang iba sa kanya.

"Uy bea pahiram nung cam mo ha" paalam nung isa at siya na naghalungkat ng gamit ni bestfriend.

"Ahmmm kuya!! Pwede pakikuha kami ng juice??" tawag nung isa sa itaas. Umalis naman agad si Mr. Linc kaya kinurot nila ako.

"Yiiiee ayan papunta na dito!!"

"Kayo talaga! Kung ano iniisip hays!" natatawang sabi ni bea at umupo sa harap ng mga pagkain. Matakaw talaga!

"Uyy ayan na siya" bulong nila sa akin. Umangat agad ang tingin ko at nakita siyang naglalakad palapit sa amin.

Hinila ko si bea at kumapit sa braso niya tsaka palihim na kinurot!!! Nilagay niya sa harap ko ang pitsel ng juice kaya ngumiti ako ng napakalaki.

"Ah pwede ba daw magpapicture kami sayo?" tanong ng isa. Hindi sumagot si Mr.linc kaya isa isa na sila nagpapicture. Akala ko ba kami??!

"H-huh?" nagulat ako nang hilahin ako ni bea at itinabi kay Mr.linc. Umakto akong nagulat habang nagdidiwang na sa loob. I will really treasure that picture forever!!!

"Oh smile na!" sabi ng isa at tinapat na sa amin ang camera. Ngumiti ako at umusog ng konti kasi ang layo ko sa kanya pero nilagyan ko pa rin ng konting distansya!

"Isa pa!" nagchange pose agad ako. Ngayon nakatingin na ako kay Mr.linc. Nakaharap lang siya kaya hindi niya ata ako napapansin.

"Oh bea ikaw na!" umalis na ako at pumunta sa harap. Parang nahiya pa si bea pero tumabi pa rin. Napatigil ako nang akbayan siya ni Mr.linc at nagsmile.

"1! 2! 3!"

"Thank you Mr.linc!" umalis na siya kaya lumapit ako kay bestfriend. Gulat pa rin ako pero hindi ko yun pinapahalata sa kanya.

"Uy bestfriend maligo na tayo" yaya ko at hinila na siya palayo nang humarap na naman si Mr.linc dito. Huwag kang malungkot amira~ bestfriend mo yan. Nagseselos talaga ako! Bahala na talaga! Si bestfriend yan! Ayaw ko magselos sa kanya nuh!

"Sige sige!" pilit akong ngumiti at tumakbo sa pool.

***

Gabi na pero hindi ako makatulog. Nakahiga lang ako pero kahit ang layo na ng nabilang ko, wala pa rin. Nandito na naman kasi ang insomnia ko!

Lumingon ako sa may pinto dahil may k-katawan akong nakikita. M-multo ba yan?!!! Mariin akong pumikit at napakagat sa labi dahil sa sobrang takoy. Multo ba?! Multo ba?!!!

Dinilat ko ang isang mata at nakita siyang nakatayo pa rin sa harap ng pinto. Ito na nga bang sinasabi ko!! May multo nga dito!!! Next time ipapabukas ko na parati ang ilaw sa labas at dito sa kwarto kooo!!

*cliiick* napabalikwas ako ng bangon dahil dahan dahan niyang sinasara ang pinto. Hindi siya multo kundi si crush!

"Mr.linc! Mr.linc! Leave the door open, please" napatigil siya at gulat na humarap sa akin.

"I'm sorry miss amira. I'm just roaming around and I saw this door open" sabi niya at binuksan ulit. Lumapit ako doon at sinabit ang taling ginawa ko para hindi masara ng hangin.

"It's okay, my fault. Natatakot lang ako matulog mag-isa kaya kapag may multo takbo agad hahaha" napansin kong nilibot niya ang tingin sa loob kaya tumabi ako ng konti.

"Gising ka ba tuwing gabi? Anong oras ka natutulog? Nagigising?" ngumiti ako habang nahihiyang tumingin sa kanya. Concern na siya sa akin???

"Minsan umaga na ako natutulog pero oo minsan natutulog ako. Minsan di na nga natutulog lalo na kapag nakainom ng kape kaya never na ako nagkakape simula nung bata ako" hindi siya sumagot at naglakad lang palayo. Sumilip muna ako sa kanya hanggang sa mawala na siya.

*blag* humarap ako sa direksyon ng bintana nang may marinig akong ingay doon. Ano na naman yun?!

Lumapit ako at nanlaki ang mga mata nang makita ang dalawang lalake na umakyat sa malaking pader.

"Magnanakaw!" sigaw ko at tinapon sa kanila ang mini lamp. Gulat naman silang tumingin sa akin at mabilis na bumaba ng pader.

"Nahuli tayo! Bakit hindi niya sinabi?!" sigaw nila at tumakbo palayo. Ngayon lang ako nakakita ng magnanakaw! Hindi na talaga ako makatulog nito dahil baka bumalik ang mga magnanakaw na yun!

Sasabihin ko ba 'to kina papá?! Baka 'pag sabihin ko mas higpitan pa niya ang security at mas lalong hindi na talaga ako makakatakas!?! What to do?!!