I'll take you home." At hindi ko na maalala kung nakasagot ako ng oo o hindi sa kanya basta alam ko nakarating ako sa bahay ni Tito at halos four am na ay hindi pa rin ako makatulog.
"Thiara? Earth calling Thiara?" Napatingin ako kay Keira at napabuntung-hininga, sasabihin ko ba sa kanila yung tungkol kay K-
"Oh my gosh, hindi ako makahinga… Tama ba ang nakikita ko ha girls?" At natigilan ako sa pagmumuni-muni ko at napatingin sa tinuturo ni Keira at nanlaki yung mata ko.
Oh my gosh hindi ko eto napaghandaan!
Bumilis ng bumilis yung tibok ng puso ko lalo na at papalapit na siya sa amin!
"Oh hindi nga ako nag-iilusyon totoo eto at oh my gulay papalapit na ata ang prince charming ko!"
At hindi mapigilan ni Keira na kiligin ng todo at halos masakal na niya ako.
"Hi Keira…"
"Oh my God... Kilala niya ako…" Halos matinis at nakakarinding bulong ni Keira sa amin ni Nancy.
"Oo na kilala ka na niya at tumigil ka na nga diyan para kang kiti-kiti na hindi mapakali sa sobrang kilig…"
"Hi Nancy…"
Napatigil bigla si Keira sa kakakembot at napatingin bigla kay Nancy na mukhang nagulat.
"Bakit kilala ka din niya?"
Nakigbit-balikat si Nancy at mahinang sumagot kay Keira na, "Ewan ko."
Oh my sasakit na ata yung ulo ko! Lagot na ako…
Napatingin ako kay Keanne na ang laki ng ngiti kina Keira at Nancy. Please lang wag kang gumawa ng kalokohan… Naiiyak na ako!
Napatingin siya bigla sa akin. "Hindi mo pa ata ako napapakilala sa mga friends mo, Thiam?"
Nagkatinginan sina Keira at Nancy at sabay na napatingin sa akin at…
"Thiam?"
"Please naman maniwala naman kayo na sasabihin ko talaga sa inyo yun pero kasi…"
"Naunahan ka ng takot mo?"
Napakagat ako sa labi ko. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari naku! Pahamak ka talaga parati Keanne!
"I'm sorry na Nancy… Keira…"
Lumapit sa akin si Nancy at niyakap ako. "Sa susunod ha wala ng secret!" At nag-wink siya sa akin sabay yakap. "I am happy that you know your secret admirer and he is so cute!"
Napatingin naman ako kay Keira at kahit na alam kong nagagalit-galitan lang siya ay napangiti ako sa kanya.
"Oo na sige na papayag na ako, sa iyo ni Prince Charming este si Keanne pala!"
Lumapit ako kay Keira at niyakap namin siya ni Nancy. "Salamat..."
Break time na namin at sumabay sa amin sina Kendrick at Keanne, ewan ko nga ba pero naging close na sila agad. Ganun siguro ang mga lalaki pag may napag-usapan agad basta tungkol sa sports o kahit anong related sa hobby nila nagkakasundo sila agad.
Napaupo sa tabi ko si Keanne at ngumiti siya sa akin. Ano ba etong lalaking eto hindi mawawala-wala yung ngiti kanina pang umaga! Ano bang nakain nito?
"Hon, what do you want to eat?"
"Hmmm… Pancake will be fine."
Ngumiti si Kendrick at hinalikan niya sa pisngi si Nancy. Bahagyang namula yung pisngi ni Nancy at halos hindi na siya makatingin sa amin.
"Ikaw Thiam, anong gusto mo?"
Napatingin ako kay Keanne at hindi ako makapaniwala na tinatanong niya ako? "Ha?"
Napatingin ako kina Keira at Nancy at parang sinasabi nila na, ano ka ba Thiara, tinatanong niya kung ano yung gusto mong kainin! Go na girl chance mo na eto!
"Ah… Bahala ka na…"
Tumango si Keanne at nagtungo na sila ni Kendrick sa may canteen.
"Sandali... Andaya bakit walang nagtanong sa akin?"
Natawa kami ni Nancy kay Keira na parang bata. "Hoy kayong dalawa bumalik kayo dito! Ang daya talaga, wala bang magtatanong sa akin kung anong gusto kong kainin?"
"Keira…"
Napatingin kami sa taong nasa likuran ni Keira at napangiti.
Unti-unti namang napatingin si Keira sa likuran niya. Yes mukhang moment niya na eto!
"Meinard?"
"Do you want chocolate?"
Hindi namin napigilan ni Nancy na matawa at kiligin.
Si Keira naman halatang gulat na gulat at mukhang hindi niya alam ko ano yung gagawin niya.
"Kunin mo na Keira…"
Napatingin sa amin si Keira at humihingi ng tulong. Napatingin siya kay Meinard at kahit na alam namin na napipilitan lang siya ay kinuha yung chocolate.
"Salamat…"
Uwian na, sa wakas tapos na rin ang first day na kaklase namin si Keanne. At hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kaklase ko siya.
Papalabas na sana ako ng classroom ng biglang may humawak sa braso ko.
"Keanne..."
"Are you angry with me?"
Napatingin ako sa kanya at bakas sa mukha niya na malungkot siya. Ha? Bakit?
"Keanne… I still couldn't believe this is true."
"So you need explanations?"
Tumango ako at bago pa ako makapagsalita ay ngumiti siya sa akin sabay hatak.
"Let's go somewhere else, we need to talk privately."
"Teka saan?"
"Just trust me." At hinigpitan niya yung hawak sa braso ko at mabilis kaming tumakbo.
Saan niya ako dadalhin?
Giant steps are what you take
Walking on the moon
I hope my legs don't break
Walking on the moon
We could walk forever
Walking on the moon
We could live together
Walking on, walking on the moon
-The Police
"Wait... What we will do here?"
Napangiti sa akin si Keanne at nagkibit-balikat. Napasimangot ako sa kanya at bahagyang nag-pout ng lips ko.
Sa pagkakaalala ko ay sinabi niya na we need to talk privately! Kailan pa naging private place ang park?
Nasa Burnham Park kasi kami at hindi ko nga alam ko bakit sa madaming lugar dito sa Baguio ay dito pa niya ako dinala kong saan ang daming tao.
Parang nabasa ni Keanne yung nasa utak ko at nagkibit balikat siya at magsasalita na sana ako ng biglang may nagsalita...
"A little announcement: Please leave this park now because will be closing it in a few minutes…"
After nung announcement na yun ay nainis man ay nagsitayuan yung mga tao at nag-umpisa ng maglakad papalabas ng park, ako naman napatingin kay Keanne na parang walang pakielam sa nangyayari sa paligid.
"I'm sorry for the inconvenient but we really need to close it for a special shooting…"
Special shooting? Kaya naman pala isasarado etong park pero teka nga lang bakit ba hindi pa kami umalis ni Keanne?
Tatanungin ko na sana si Keanne kaso may biglang lumapit na lalaki.
"Sir Coast is clear na po, wala na pong tao kayo na lang po." At pagkatapos nun ay may binigay siyang susi kay Keanne at mabilis na umalis.
"Tara na…" Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Sandali nga Keanne ano bang nangyayari?"
"I'll explain to you all you want as long as we start our walk."
Napatingin ako sa kanya, ewan ko pero nahihiwagahan na talaga ako sa kaharap ko na Keanne ngayon. Hindi na nga siya yung mayabang, masungit at reklamador na monster na kilala ko pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nagbago siya.