webnovel

CHAPTER TWO

INILAGAY ni Rachelle ang isang kopya ng picture nila ni Carlo na in-enhance ni Danny sa isang magandang frame na binili pa niya sa Boracay. Saka niya ipinatong iyon sa ibabaw ng kanyang side table.

She could not help but smile while looking at the product of a harmless fantasy. Siya raw ang girlfriend ni Carlo,ang babaeng nakatakdang pakasalan nito.

Unang gabi pa lang ng picture na iyon sa bedside table niya ay nanaginip na siya. Na-trap daw sila sa isang gumuhong building katulad ng napanood niya sa TV. Naging very close daw sila,nagtulungan for their survival. And eventually ay may na-develop na magandang pagtitinginan sa kanilang dalawa.

Nagising siya nang nakangiti.

Alam niyang napapaligiran ang binata ng naggagandahang babae from all walks of life ---mga artista,ramp and commercial models,socialites,beauty queens,at ng naggagandahang colleagues nito sa mundo ng broadcasting.

Of course,hindi naman niya gustong maliitin ang kanyang sarili ngunit alam niya ang hangganan ng ilusyon at realidad. Lalo na at malamang na may girlfriend na ito.

HALOS magiba ang pinto ng kanyang kwarto sa lakas ng katok ni Nancy kinabukasan ng umaga.

''Ano ka ba naman? Natutulog pa ang Presidente ng Pilipinas,nambubulahaw ka na. Saan ba ang sunog?'' wika niya rito.

''Gaga! Walang sunog. Tingnan mo 'tong nasa tabloid.'' Halos ingudngod nito sa kanyang mukha ang hawak nitong tabloid.

''Si Christopher Reeves,patay na? Dios ko,idol ko pa naman yan since bata pa ako.''

''Hindi yan. 'Eto,'' sabi nito,itinuro ang isang picture.

Nanlaki ang kanyang mga mata. Pamilyar sa kanya ang picture. ''Oh,my God!''

Ang picture na in-enhance lamang ni Danny para magmukhang magkasama sila ni Carlo.

''Dios ko,bakit na-publish ito?'' tanong kaagad niya.

''Yan ang malaking ewan. At tingnan mo ang title ng news article. 'THE LUCKY LADY WHO CAPTURED CARLO DELA CRUZ HEART.''

Rachelle Marcelo,a neophyte journalist,isa the subject of envy of many women today. Women who dream of capturing the heart of the nation's most-admired and sought-after bachelor of Philippine television---Carlo Dela Cruz,tagged as the new ''crush ng bayan'' is always seen with his twenty-three-year-old chinita lass. Dela Cruz is very quiet about his private life. More so about his love life . Although we cannot expect admittance from the handsome broadcaster because he is very silent when it comes ti his personal life ,the picture will speak for itself. And the sparkle in his eyes is proof enough that his beautiful journalist is his souce of inspiration. So,eat your hearts ,ladies . Carlo's heart is already taken, sabi sa news item na nasa ibaba ng picture nila ng binata.

''Paanong lumabas ang picture na ito sa diyaryo?''

''Malamang na nagkaroon ng leak,'' sabi ng kanyang kaibigan. ''May isang makating kamay na nagkalat ng picture na 'yan at nakita ng isang super resourceful na gossip writer. Naisip siguro niyang magandang material,pampataas nga naman ng circulation . Kaya kahit hindi kumuha ng confirmation, hayan ginawan ng kwento. Alam nga naman nilang maraming interesado sa lovelife ni Carlo Dela Cruz.''

Natampal niya ang kanyang noo. ''Nakakahiya kay Carlo. Ano na lang ang sasabihin niya?''

TINAWAGAN niya kaagad ang editor ng tabloid ngunit naka-off ang cellphone nito. Hindi tuloy niya makuha ang number ng writer na sumulat mismo ng artikulo.

Ang naisip niya ay harapin si Danny,ang photographer na gumawa ng enhanced picture nila ni Carlo.

''Hindi ba, sabi ko naman sa iyo, huwag mong ipapakita sa iba ang picture na yon ?'' sumbat niya rito.

''Sa girlfriend ko lang naman pinakita 'yon, eh. Hindi ko pa nga sinasadyang makita niya,'' sabi nito. ''May crush din kasi siya kay Carlo Dela Cruz kaya nang makita niya ang picture ni Carlo, hayu, kinupit yata.''

''Eh,paano lumabas iyon sa tabloid?''

Sandaling tumahimik ito. Parang may kumislap sa isip nito. ''Oo nga pala. May kaibigan nga palang nagtatrabaho sa tabloid na 'yan ang girlfriend ko,'' anito.

''That's it!'' sabi niya. ''Malamang na ibinigay niya sa kaibigan niyang iyon ang picture na ipinakita mo sa kanya. At dahil Carlo Dela Cruz iyon,ginawan na ng story. Nakakahiya kay Carlo.''

''Pasensya na,Rachelle,'' sabi nito. ''Hindi ko sinasadya.Ayaw mo 'yon,biglang sikat ka? The lady who finally captured the heart of Carlo Dela Cruz,'' natatawang panunukso nito.

''IS IT true that you are seeing Rachelle, Carlo?'' galit na tanong ng kanyang girlfriend nang tawagan siya nito. Nakita raw nito ang picture niya at ni Rachelle sa isang widely circulated tabloid,at nabasa ang tungkol sa balita.

''Of course not!'' bulalas niya.

''Do you know that Rachelle?''

''Yes,I do. Pero once lang kaming nagkita. Noong interview-hin nya ako fo You magazine. After that ay hindi na kami nagkita ulit.''

''Saan nanggaling ang balitang ito? At ang picture n'yo?''

''I don't know,'' sabi niya.

''Nakikita raw kayong magkasama ng babaeng ito.Baka naman kasama mo s'ya sa Bangkok nang mag-taping kayo roon?''

''Hon,don't you trust me? Puro taga-production lang ang kasama namin nang mag-tape kami ng isang episode for Exposed sa Bangkok three months ago. Kailan ko lang nakilala ang Rachelle Marcelo na 'yan.

''Kailangan mo pa ring i-explain sa akin ang picture na 'yan. Alam kong maraming babaeng nagpi-flirt sa'yo at baka nate-tempt ka nang patulan sila.''

Sa kabila ng kanyang denial ay ramdam pa rin niya ang pagdududa at pagseselos nito. Possessive pa naman ito kaya hindi niya gustong binibigyan ito ng dahilan para magselos dahil iyon ang pinagmumulan ng kanilang petty quarrels.

That gossip in the tabloid is giving him a headache.

Hindi pa niya nakikita ang picture nila sa nasabing tabloid nang tawagan siya ng kanyang girlfriend kaya hindi pa niya maipaliwanag dito kung paano nagkaroon ng ganoon.

Ngunit nang makita niya iyon,naisip niya kaagad na maaaring hindi authenticated ang picture at posibleng enhanced lamang iyon through digital camera.

Maging ang background ay computer-enhanced dahil nadala sila nito sa Bangkok. Yes,he had been to Bangkok several times pero hindi niya kasama si Rachelle Marcelo. Paano sila magkakaroon ng picture na magkasama roon ? Kahit sinong makakita ay magdududang authenticated ang picture at iisipin ngang may relasyon sila ni Rachelle Marcelo.

Iyon mismo ang dahilan kaya hanggang maari ay gusto pa rin niyang panatilihin ang kanyang privacy sa kabila ng pagiging TV personality niya. Ayaw niyang maging laman ng mga tsismis na katulad niyon. Ngunit parang kahit ano ang gawin niya ay hindi na maiiwasan iyon. That was the price of being well-known. Naiinis lang siya dahil pati ang relasyon nila ni Margaux ay apektado.

Tuloy ay hindi niya maiwasang mainis sa iresponsableng writer na sumulat ng tsismis. They had to explain that to him. Gusto nyang malaman kung sino ang may pakana niyon kahit pa enhanced lamang ang picture. Tinawagan kaagad niya ang entertainment editor ng tabloid nang araw ding iyon.

''Sabi ng writer naming sumulat tungkol doon,Mr. Dela Cruz,ibinigay raw sa kanya ng kaibigan niyang close friend ni Rachelle Marcelo ang picture na 'yan. At si Rachelle daw mismo ang nagsabi sa kanya na kayo na ngang dalawa. Nag-propose ka na nga raw ng marriage kay Rachelle.''

''Hell! That's not true. I want to talk to the writer.''

Ibinigay naman ng kanyang kausap ang cellphone number ng writer ngunit naka-off iyon nang tawagan niya ito. hindi niya alam kung umiiwas lang talaga ito. Naisip niyang puntahan na lamang si Rachelle. She had to explain herself to him.

NAGLILIGPIT na si Rachelle ng kanyang mga gamit sa opisina dahil siya na lamang ang tao roon nang gabing iyon dahil may tinapos pa siya nang bigla siyang magulat sa pagsungaw ng isang pamilyar na bulto sa pinto.

Si Carlo Dela Cruz!

At mukhang galit ito,may hawak na diyaryo sa isang kamay.

Kokomprontahin yata siya nito dahil sa lumabas na tsismis sa tabloid.

Matagal siyang hindi nakakilos at nakapagsalita.'' M-Mr. Dela Cruz---Hi!''

''What do you know about this?'' tanong nito sa kanya. Itinaas nito ang dyaryo habang palapit ito sa kanya.

''I tried to call you up this morning pero hindi ko ma-contact si Andy. Naka-off yata ang cellphone niya.''

''Nakausap ko ang writer at sinabi niyang ikaw raw ang nagsabing mag-on tayo.''

''No!'' maagap na kaila niya. ''Hindi ko nga alam kung pa'no lumabas ang tsismis na 'yan.''

''But how can you explain the picture?''

Umurong ang kanyang dila. Paano ba sya mag-e-explain dito na hindi magiging obvious ditong big crush niya ito? Nakakahiya talaga. Pakiramdam niya ay kakainin siya nito ng buo.

Habang nakatayo sila ay sinabi niya ritong ang photographer ng You ang may pakana ng enhanced picture na iyon.

''At bakit naman niya naisip gawin iyon? Who gave him the idea?'' Kunot pa rin ang noo nito.

Sabi na nga ba niya na ikagagalit nito ang paglabas ng picture na iyon. Masungit pala ito, sa loob-loob niya. Mula ngayon ay kalilimutan na niyang crush niya ito. ''Nakatuwan lang niya Mr. Dela Cruz.''

''Kung hindi dahil sa picture na iyan,walang lalabas na tsismis tungkol sa atin. Alam mo ba na inaway ako ng girlfriend ko dahil diyan/''

Natigilan siya. So,inaamin na nito ngayon na may girlfriend na ito. At bagama't mas nakapagtataka kung wala, lumaylay pa rin ang kanyang balikat sa kanyang narinig. ''I'm sorry, Mr. Dela Cruz. Pero iningatan naman namin na hindi mag-leak ang picture na 'yan.'' sabi niyang halos tumiklop na siya sa harap nito.

''Baka naman kumalat na 'yan sa internet?'' anito.

''Hindi, Mr. Dela Cruz. Don't worry. And I really am sorry...Kung gusto mo ako na ang mag-e-explain sa girlfriend mo.''

''Don't bother'' sabi nito. ''Gusto ko na lang sanang mamatay ang tsismis tungkol satin. Hindi ako showbiz personality kaya ayokong nagiging laman ng mga rumors na ganyan,'' sinlamig ng yelo ang tonong sabi nito.

At pagkatapos nitong magpaalam ay tumalikod na ito.

Dismayadong naibagsak na lamang niya sa upuan ang kanyang sarili. ''Pagalitan ba naman ako?'' himutok niya. ''Wala naman akong kasalanan ah! Nagpunta pa rito para sermunan ako.''

Padabog na kinuha niya ang kanyang mga gamit. Imagine,ang biggest crush pa niya ang nagalit sa kanya?

Halos wala nang tao sa buong building paglabas niya sa kanyang opisina. Naglakad na siya patungo sa hintayan ng sasakyan.

Nang biglang may sasakyang lumabas mula sa parking area.

Hindi niya inaasahang hihinto iyon sa tapat niya at bababa ang salaming bintana. Si Carlo Dela Cruz ang nasa driver's seat.

''Mukhang mahihirapan kang kumuha ng taxi rito dahil late na,'' anito nang sumungaw ang ulo nito sa bintana.

Pakialam mo? Problema ko na `yon,sasabihin sana niya.

''Saan ba ang uwi mo?''

''Sa Multinational Village,'' sagot niya.

''Sa Makati ako,pero ihahatid na kita. Delikado sa babae ang umuwing nag-iisa.''

Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Pagkatapos siyang puntahan nito at sitahin ay ihahatid siya nito ngayon? Sino ang may sabing babae lang ang unpredictable?

Biglang nawala ang kanyang tampo rito.Hindi na siya nagpakipot pa kahit parang gusto niyang gawin iyon. Sumakay na siya sa kotse nito.

''Bakit hindi ka sinusundo ng boyfriend mo? It`s almost ten.Delikado na para sa`yo ang mag-isang umuwi.''

''Wala akong boyfriend, Mr. Dela Cruz, sabi niya.''

''Oh, I see. Pero napakasipag mo naman. Ikaw na lang ang tao sa opisina n`yo.''

''Ayoko kasi na mag-iwan pa ng unfinished work. Kaya kahit abutin pa ako ng midnight,okay lang.''

''Ang mga ganyang klaseng tao ang gusto kong katrabaho. Wala ka bang balak na magtrabaho sa TV?''

''Actually, isa sa dreams ko `yan. Gusto ko sana maging isang Korina Sanchez in the future.''

''MassCom graduate ka ba?''

''Oo''

''Bakit hindi ka mag-audition sa station namin? Malay mo, mabigyan ka ng break bilang isang Korina Sanchez? Kahit magsimula ka as a field reporter.'' Hindi na galit ang tono nito.

''Kanino kaya ako pwedeng lumapit?'' tanong niya.

''Kung talagang interesado ka,,magpunta ka sa station namin. Look for me at kakausapin natin ang head ng news and current affairs department to give you an audition. Baka matulungan ka niyang matupad ang pangarap mo na maging isang TV journalist.''

''Talaga?'' Hindi siya makapaniwala na ito pa ang mag-aalok ng tulong sa kaniya. Hindi naman pala talaga suplado ito, sa loob-loob niya. Nang makarating sila sa kanila ay muling binanggit niya rito ang tungkol sa issue sa tabloid.

''Sorry na kung inaway ka pala ng girlfriend mo tungkol sa tsismis na `yan. Hindi ko pa rin naco-confront `yong iresponsableng writer na sumulat niyton.''

''Let`s just forget about it. My apologies kung medyo nagtaas ako ng boses kanina. Hindi naman talaga ako actually galit.''

''Kung gusto mo, ako ang mag-e-explain sa girlfriend mo.''

''Never mind. Ako na ang magsasabi sa kanya ng ipinaliwanag mo kanina,'' sabi nito.

Inimbita niya itong pumasok muna sa loob ng bahay ng kanyang tita kung saan siya nag-i-stay.

''Nakakahiya naman. Si Carlo Dela Cruz pa ang naghatid sakin, hindi ko man lang napainom kahit coffee.''

''Hindi ko kasi matiis na iwan kang mag-isa ro`n. Madalang na ang tao roon at babae ka pa naman.''

''Are you sure, kahit juice, ayaw mo?''

''Don`t bother. nagmamadali na rin ako, eh.''

''Sige. Thanks uli,'' sabi niya at inihatid pa niya ito ng tanaw habang palayo na ito.

This is my night. Inihatid pa ako ni Carlo Dela Cruz! Kinikilig na sabi niya habang papasok sa loob ng gate nila.

TWO DAYS later ay nagpunta siya sa TV station kung saan nagtatrabaho si Carlo Dela Cruz. Gaya ng ipinangako nito sa kanya ay ipinakilala siya nito kay Jake, ang head ng news and current affairs division. Binigyan siya nito ng auditionupang makita nito kung pwede siyang isabak bilang isang field reporter.

Nanginginig ang kanyang kamay at boses habang hawak niya ang babasahin niyang news item. Iyon ang kanyang material for audition.

Ngunit mukhang palpak ang dating niya dahil obvious na nanginginig siya. Paano namang hindi siya manginginig,pinapanood siya ni Carlo?

''Hindi pwedeng ganyan,Rachelle,'' sabi nito. ''When you deliver news, you have to be lively,energetic. It`s news, hindi ka nagde-deliver ng dialogue sa isang soap opera.''

Sinubukan uli niya ngunit nagkakanda-buckle-buckle siya.

''It`s okay,'' sabi ni Carlo. ''Lahat naman ng nagsisimula,dumaraan sa ganyan. All you need is practice kung talagang gusto mong maging isang nescaster. Kung okay lang sa iyo, mag start ka muna as PA or nes writer. Malaki ang maitutulong niyon para unti-unting matutuhan mo ang mga dapat mong malaman. nakitaan ka naman namin ng potential, kahit kaunti.At `yong kaunti na `y`on ang palalakihin mo para maabot mo ang gusto mo,okay?''

''Thanks,Mr. Dela Cruz.'' Masayang masaya siya sa ipinapakita nitong suporta. And that made her smile even more. ''Willing naman akong mag start kahit PA lang muna.''

''Good. Kung okay lang sa iyong mag-start as PA, pwede kitang isama sa staff ng Exposed. Tutal ako ang producer ng program. Kailangan talaga namin ng additional staff. Magsimula ka muna bilang staff. It will help you a lot,'' sabi nito. ''Malalaman mo ang pasikot-sikot kung paano gumagalaw ang mga tao sa newsroom.''

Noon ay hindi naman siya ganoon ka-enthusiastic na mapasok sa television. mas gusto niyang magtayo ng isang advertising agency. Pero kung may opportunity na kakatok, why not? Kaya nagtataka siya sa kanyang sarili dahil biglang nagabgo pati ang kanyang mga plano tungkol sa kanyang career. Ganoon ba ang epekto ni Carlo sa kanya?

EXCITED siya sa pagsisimula niya bilang PA sa Exposed. Nagpaalam siya sa mga kasama niya sa You at tinapos niya ang mga dapat tapusin na trabaho bago siya nagsimula sa Exposed.

Unang sabak niya sa trabaho sa program ni Carlo ay nag-location kaagad sila sa isang lalawigan sa norte para mag-tae ng isang episode doon.

Inimbita sila ng mayor na doon na mag-stay sa mansiyon nito habang on-location sila.

Second night nila sa lugar na iyon nang lumabas siya ng kuwarto. Past twelve midnight na ngunit hindi siya makatulog kaya naisipan niyang magpahangin sa terrace.

Nasa terrace siya nang mapansin niya si Carlo na nag-iisa sa gazebo.

Nagtaka siya. Midnight na bakit nando'n pa siya?

Naisipan niyang bumaba upang lapitan ito. ''Mr. Dela Cruz....

Nilingo siya nito. "O, Rachelle, bakit gising ka pa ?'' anito.

Noon niya naansin ang bote ng Chivas Regal na nasa harap nito, kasama ng ice bucket at isang wineglass.

Hindi ako makatulog, eh,'' sabi niya. Naupo siya mga isang dipa ang layo sa kinauupuan nito. " Bakit nag-iisa kang umiinom ?"

"Tulog na lahat ng staff at crew. Besides,mas gusto kong uminom nang mag-isa."

nag-alangan siyang magtanong kung bakit umiinom ito. Pakiramdam niya ay may mabigat na dalahin ito. "Malalim na ang gabi at dapat ay nagapahinga ka na," sabi niya rito.

"Salamat sa concern. Pero mas mabuti kung ikaw ang matutulog na."

Medyo nainis siya sa sinabit nito. Siya na nga ang pinakikitaan ng concern, parang galit pa, sa loob-loob niya. "I can give you company. Kukuha rin ako ng glass ko. Kahit pampaantok lang."

"Salamat sa pag-o-offer mo ng company. But this time, mas gusto kong mag-isa para makapag-isip."

Nalungkot siya sa pagtanggi nito sa kaniya. " Eh, di, sige. Kung ayaw mo ng kausap, iiwan na kita."

Umahon na siya mula sa kaniyang kinauupuan. Nakakadalwang hakbang pa lamang siya nang marinig uli niya ang tinig nito.

"Rachelle, wait----

Pumihit siya pabalik dito.

"Kailangan ko nga ng kausap. If you're willing to listen..."

"Willing akong makinig. Hindi ko lang alam kung willing kang mag-open up sa akin," sabi niya. "Just a minute, kukuha lang ako ng baso sa bar."

Social drinker lang naman siya ngunit gusto niyang maramdaman ng lalaki na nandoon siya para bigyan ito ng company, na handa siyang makinig sa anumang dahilan kung bakit umiinom ito.

Sinalinan niya ng kaunting-kaunti lang na wine ang kanyang baso.

"Masama lang ang loob ko sa girlfriend ko," sabi nito nang siirin nito ang laman ng baso nito.

"B-bakit, Sir?"

"May usapan na kaming magpapakasal before the end of this year. Pero aalis pa rin siya. Magtuturo daw siya ng ballet sa London. She's leaving tomorrow. Tinanong ko siya kung bakit nagdesisyon siya nang hindi sinasabi sa akin."

"A-anong sabi niya ?"

"Nagtatampo raw siya because she had been trying to convince me na iwan ko ang trabaho ko rito. Sa States or Canada na raw kami maninirahan. Doon ko na lang daw ituloy ang broadcasting career ko. Hindi niya naiintindihan ang ginagawa ko. Hindi ko raw siya mahal dahil pinili ko pang ilagay sa panganib ang sarili ko samantalang puwede naman akong magkaroon ng magandang career abroad. Kung talaga raw mahal ko siya, pagbibigyan ko siya." Muling sinalinan nito ang baso nito. "Bakit hindi niya ako maintindihan ? Na ito ang gusto kong gawin? Bakit kailangan siyang maglatag ng kondisyon? If she loves me enough, bakit kailangang makipagmatigasan siya sa akin?"

"Siguro, iyon ang character niya. Sanay siyang nasusunod ang gusto niya," sabi niya. " Pero kung mahal ka talaga niya, mare-realize din niya later na dapat ay unawain ka niya at hindi ka niya dapat papiliin between her and your career."

"Kung ikaw si Marga, will you do the same, Rachelle? Lalayo ka rin ba para ma-pressure akong pagbigyan siya, iwan ang career ko dito at sundin kung ano ang gusto niyang mangyari sa buhay namin?"

Matagal gabo siya nakasagot . Kung sasabihin n iyang siya si Marga ay ibibigay niya rito ang lahat ng kanyang pang-unawa ay baka naman lalong sumama ang loob nito sa girlfriend nito at makadagdag pa iyon sa misunderstanding ng mga ito.

"Rachelle, I'm asking you..." untag nito.

Uminom muna siya ng kaunting wine. "Magkaiba siguro kami ng prinsipyo ni Marga, kung ako siguro siya, uunawain kita. Hindi ako magiging sagabal sa pag-unlad ng career mo. Magiging supportive ako bilang girlfriend mo."

May nagkahugis na ngiti sa mga labi nit.

"Pero mahal ka n'on. Susubukan lang siguro niya kung ikaw ang susuko. O worried lang siya sa iyo. Ikaw na rin ang nagsabi na may mga death threats ka nang natatanggap. Pero kapag na-realize niyang maligaya ka naman talaga sa ginagawa mo, maiisip din niyang mag-give way. And eventually, maiintindihan ka na rin niya. Ganoon lang naman kaming mga babae. Makikipag-matigasan. Sa bandang huli, kapag naramdaman naming igigiit pa rin ng guy ang kanyang prinsipyo o ang gustong gawin niya as long as hindi makakasira sa relationship namin, lalambot din kami."

Tinitigan siya nito sa malamlam na mga mata nito. Kung kanina ay hindi maipinta ang mga mata nito, ngayon ay biglang nagliwanag iyon dahil sa ngiti.

Pakiramdam niya nang mga sandling iyon ay tumalon ang kanyang puso. Oh, my, huwag kang ngingiti nang ganyan. Wala akong karapatang ma-inlove sa iyo dahil may girlfriend ka na .... sabi ng kanyang isip.

"Sana, lahat ng babae katulad mong mag-isip," sabi nito habang tinatakpan na nito ang bote ng Chivas Regal.

Masarap sa kanyang pandinig ang simpleng papuri nito.

"Matagal na ba kayo ni Marga?" tanong niyang hindi na nakatiis.

"A year and a half. Close na ang mga pamilya namin. At inuudyukan na nila kaming magpakasal."

Wala siyang karapatang masaktan pero pakiramdam niya ay may sumasakal sa kanya. "Saan kayo nagkakilala?"

"Sa London. Noong pareho kaming nag-aaral doon. She comes from a prominent family from Batangas. Wala naman kaming mga problema before. Lately na lang, nang sabihin niya sa aking i-give up ko ang career ko rito at magpakasal na raw kami sa States at doon kami manirahan."

Taken na pala ito at wala nang pag-asa ang kahit sinong babae sa puso nito. Tuloy, pakiramdam niya ay bigla siyang nag-low batt. Bagama't expected niyang may girlfriend na ito, nalungkot pa rin ang kanyang puso.