webnovel

Sin Mideo A La Muerte (FILIPINO)

Sin Mideo A La Muerte Babz07aziole Paranormal/Romance Carrieline Monteclaro She's define beauty and success to all women in her generation. Lahat, gusto niya'y nasa ayos. Mula umpisa hanggang katapusan. Ayaw niyang nagkakaroon ng kaunting aberya, dahil para sa kaniya, pagkatalo ang hatid niyon. She's respectable, ni isa walang makaarok sa kaniyang standard. Napapaikot niya ang lahat sa gusto niyang gawin. Pero may isang pangyayari ang never niyang maisasatupad... Iyon ay pagtagpuin sila ng taong nakatadhanang magkaroon ng malaking papel sa buhay niya. Masasagot lahat ng katanungang matagal na bumabagabag sa kaniya, mga katanungang kawangis ng isang mapait na nakaraan. Papahulog ba siya sa mahika nito, O tuluyan siyang iiwas. Kahit ang totoo bago pa man niya ito matagpuan, nahulog na siya rito. BOOK TWO OF "ANG MISTERYONG BUMABALOT SA KUPAS NA LARAWAN"

Babz07_Aziole · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
26 Chs

Kabanata 14

PINAGMASDAN nalang ng mag-asawa si Carrieline na mahimbing nang natutulog, nagwala ito pagkatapos magising. Hinahanap nito si Dexter na akala nila'y naiwala na nila sa alaala nito dahil sa pagkakatrauma nito. Akala nila'y malilimutan nito si Dexter, ngunit mukhang nagkamali sila.

Hinayaan nilang si Rosalia ang Mama ni Carrieline ang bahala munang magbantay kaya Carrieline. Inaya muna niyang lumabas ng silid si Jared, dahil may mahalaga silang pag-uusapan ng binata.

May kalapit na Coffee Shop ang ospital kung saan naka-admit ang dalaga. Doon niya piniling pumunta kasama ito, para makapag-usap sila ng maayos.

Katatapos lang humigop ng kape ni Fermin, pinasadaan pa niya ng tingin si Jared. Masusi niyang pinag-aaralan ang mga salitang sasabihin niya, baka kung ano pa ang isipin nito sa kanila sakali.

"Iho, kapag nakarecover na si Carrieline at nakalabas na siya ng hospital. Maari bang isama mo na siya pabalik uli ng Maynila?"Kababakasan ng pagkadesperado ang tinig nito.

Napatutok ang pansin nito sa ama ni Carrieline, bahagya pa siyang napaisip. Pero mayamaya'y...

"Sige po Tito, mukhang mas nakasama pa kay Carrieline ang pagbabakasyon niya rito sa inyo, "sagot ng binata.

Napabuntong-hininga naman si Fermin, kababakasan dito ang pag-aalala para sa anak.

"Salamat iho sa ngayon sa iyo ko muna ipagtitiwala ang dalaga ko. Madami na siyang pinagdaanan sa nakalipas na panahon. Kaya ayaw ko pang madagdagan iyon, k-kahit alam kong kakaunting taon na lamang ang nalalabi sa buhay ng anak ko!"Puno ng emosyon na sabi nito sa kaniya.

Pinigilan ni Jared ang sariling maiyak, matagal na niyang alam na may malubhang karamdaman ang dalaga. Mukhang lang itong walang iniinda, pero malubha na ang sakit nito. Parating nakangiti at matapang na hinaharap ang bawat araw na dumadaan sa buhay nito. Ganito ito katapang, bilib siya rito dahil kahit may pinagdadaanan itong pagsubok ay patuloy pa rin itong nabubuhay na positibo ang pag-iisip. Ngunit hindi pa rin niya maiwasan mag-alala,  lalo kapag inaatake ito ng sakit.

Kaya ingat na ingat siya rito, lalo siyang pinagsakluban ng mundo ng malaman niyang may taning na ang buhay nito. Sa tuwing maiisip niya iyon ay halo-halong damdamin ang sumasalakay sa kaniya.

Busy man siya sa pag-aasikaso ng business ng kanilang pamilya ay palaging may inilalaan siyang oras para rito. Gusto niyang matutukan ang dalaga, hanggang sa dumating ang mga sandaling babawiin na ito sa kanila ng nasa itaas. Mahal na mahal niya ito... sobra.

"Huwag po kayong mag-alala Tito, makakaasa kayong tutuparin ko ang mga utos niyo. Sisikapin kong ilayo siya at ang isip niya sa lalaking iyon."

"Salamat iho, hindi nga ako nagkamali ng pagkakakilala sa iyo. Napakabait mo nga,"puno ng pasasalamat na sabi ni Fermin. Marahan pa siyang hinawakan sa balikat ng ama ni Carrieline.

Matipid namang ngumiti si Jared na hindi man lang umabot sa kaniyang mga mata. Mananatili siyang magdurusa, dahil sa wala siyang magawa para iligtas ang babaing minamahal. Dadamayan niya ito hanggang sa huling hininga nito  kung maaring ibigay na lamang niya ang puso niya para patuloy na mabuhay ito gagawin niya. Ngunit nagalit lamang ito sa kaniya, naalala pa niya ang mga salitang umukit sa utak niya.

"Jared huwag mong isakripisyo ang sarili mo para sa akin, ayaw kong pati ikaw ay nag-iisip kung paano pa ako mabubuhay ng matagal. Makakita man ako ng donor hindi na rin ako tatagal, dahil kalat na sa mga blood cells at tissues sa katawan ko ang tumor . Tama na ako na lamang ang maghirap 'wag lang kayo, saka... napapagod na rin naman ako Jared. Sana nga mas bumilis nalang ang araw para tuluyan na akong mamahinga. Pagod na pagod na ako Red..."mga katagang sumugat sa kaniyang pusong nagmamahal sa dalaga. Kung maari lang sanang hilingin na mabuhay pa ito ng matagal, kung maari lang sanang baguhin ang itinakda rito. Kung pwedi lang sana...

ILANG araw pang nanatili si Carrieline sa hospital. Ilang beses na rin niyang kinukontak ang cellphone number ni Dexter, pero parating out of reach ito. Sa loob nang nagdaang araw na nasa hospital ay hindi man lang siya nito dinalaw, nagtampo siya rito. Ngunit mas lamang pa rin ang pag-aalala niya rito.

Dumating ang araw na maari na siyang makalabas sa hospital, pero nanatili pa rin ang mabigat na pakiramdam sa dibdib niya. Iniisip na lang niyang dahil sa sakit niya iyon.

"Halika na Carrie, magpalipas muna tayo sa inyo bago tayo bumiyaheng Maynila."agaw pansin sa kaniya ni Jared. Tumango siya rito at pilit niyang pinasigla ang sarili.

Tumingin siya sa labas ng bintana kung saan patuloy na bumubuhos ang mahinang ambon. Kahit hindi na nga nagpakita sa kaniya ang binata ay tinaggap na niya, siguro nga may mga bagay na kahit anong pilit mong abutin ay hindi mo maabot. 

Ipinagpapasalamat na lang niya ang kaunting sandali na nakilala niya ito. Lalo ang mga sandaling nakakasama niya ito sa panaginip, nakakausap niya. Nahahawakan, nayayakap na tila sa mundo ng panaginip ay nagagawa nila ang imposbleng mangyari sa mundong ginagalawan nila. Ang init nang yakap nito na nagbibigay sa kaniya ng libo-libong kaligayahan ay tila totoo sa pandama niya, dahil sa tuwing magigising siya ramdam niya ang init na nagmumula sa balat nito.

"Tara!"Yakag ni Jared, sumunod siya sa binata. Marahan niyang tinapunan ang katabing si Jeyda ang kakambal nina Dexter, magmula ng ma-hospital siya. Bigla na lamang niyang nakita ito na pagala-gala sa silid niya, minsan nahuhuli pa niyang niyayakap ang kaniyang mga magulang kapag bumibisita ang mga ito. Nagtataka man binalewala niya iyon, dahil hindi siya nito kinakausap. Nanatili lamang itong nakasunod sa kaniya kaya hinahayaan na lamang niya ito.

Mabuti pa nga ito, nagpapakita sa kaniya kaysa sa kakambal niyang si Jeydi na never nagparamdam sa kaniya. Sabagay, mas okay na iyon. Dahil hindi niya kasundo ang kakambal na si Jeydi. Madali kasing uminit ang ulo nito. Sa totoo lang ito talaga ang may kasalanan bakit nagkaroon siya ng trauma noong mga bata sila.  Hanggang sa naglead na nga sa iba't-ibang kumplikasyon.

Magpahanggang ngayon ay hindi niya malubos maisip na parang mas malapit pa sila ni Jeyda dati, kaysa sa kakambal niyang si Jeydi.