webnovel

Chapter 8- First Attempt (BF)

Matapos ang laro ng Basketball team kung saan kabilang si Isaac.

Hindi mapigilan ni Emily ang kiligin sa kanyang sarili habang tinitigan ang isa sa kanyang mga crush.

Naintriga namang ang tatlong kaibigan ni Emily dahil sa ikinikilos nito.

Claire: "Emily. Mukhang kinikilig ka?"

Nina: "Oo nga. Dont tell me na may plano ka nang ligawan si Isaac?"

Emily (blushes little): "Ehhhh, pinagmamasdan ko lang naman siya. Wala namang problema kung tititigan ko lang siya, hindi ba?"

Althea (defensive tone): "Weh! Di nga! Sa nakikita ko, may plano kang ligawan siya. Kaya naman, kapag linigawan mo si Isaac, siguraduhin mo na mapapasagot mo siya. Baka mamaya, ikaw pa ang umiyak kapag hindi ka niya sinagot!"

Emily (feeling hurt): "Grabe ka naman sa akin Alt. Hindi ba puwede na suportahan mo na lang ako sa mga plano ko?"

Claire: "Oo nga Althea, suportahan mo na lang siya sa plano niya."

Nina: "Tama si Claire. Kaya hayaan mo na lang si Bestie!"

Althea (sigh): "Oo na. Kung sabagay, tama naman kayong dalawa na dapat hayaan si Emily. So, anong plano mo ngayon?"

Emily: "Sa ngayon, ako muna ang lalapit sa kanya. Para hindi niya mapansin ang mga plano ko sa kanya."

Claire (supportive): "Okay, goodluck sayo Emily! Balitaan mo na lang kami kung napasagot mo na siya."

Emily (nod): "Okay!"

Nina: "Aalis muna kami. Punta lang kami nina Alt at Claire sa Canteen."

Emily: "Okay! Ingat kayo. Baka mabiktima na naman kayo nung kambal."

Althea: "Huwag kang mag-alala sa amin, Emily. Akong bahala sa dalawang yun kapag pinagtangkaan nila kaming silipan."

Nina: "Oo nga. Si Alt ang bahala sa kanila."

Emily: "Sige. Basta huwag kayong mapapagulo ha?"

Althea, Nina & Claire: "Okay!"

Umalis ang tatlong kaibigan ni Emily upang pumunta sa Canteen. Pagkaalis nila, lumapit si Emily kay Isaac.

Emily: "Hi! Isaac!"

Isaac: "Hello din! May kailangan ka ba?"

Emily (feeling nervous): "Uhhhh..... Isaac, pwede ba kitang makausap?"

Isaac: "Oo naman! Tungkol saan ba pag-uusapan natin?"

Emily: "Gusto sana kitang kausapin sa library, kung okay lang ba sayo?"

Isaac: "Bakit dito? Ayaw mo bang makipagusap?"

Emily: "Gusto ko kasi sa tahimik na lugar kung saan wala makakarinig sa ating dalawa."

Isaac: "Okay sige."

Kaya umalis ang dalawa upang pumunta sa Library building. Nang makarating sila sa loob, umupo ang dalawa sa bakanteng upuan upang mag-usap.

Hindi pa rin mapakali si Emily sa kanyang kinauupuan. Nang mapansin ito ni Isaac, kinausap niya eto.

Isaac: "May problema ka ba Emily?"

Emily (feeling nervous): "Ano.... kasi kinakabahan ako ngayon?"

Isaac: "Bakit ka naman kinakabahan, Emily?"

Emily (deep thought): (Kaya ko kayang sabihin sa kanya na may gusto ako sa kanya? Baka mamaya, ireject niya ako kapag nalaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya!)

Isaac (teasing): "Emily? Relax ka lang, okay? Kung ano man ang gusto mong sabihin sa akin, huwag kang mataranta kasi hindi naman ako kumakain ng tao. Kaya huwag kang kabahan."

Emily (irrirated): "Isaac, kinakabahan na nga ako! tapos bibiruin mo pa ako!"

Isaac: "Oo na. Sige, sabihin mo na lang sa akin kung ano gusto mong sabihin."

Sandaling hindi kumibo si Emily, upang mahimasmasan ang kanyang sarili. Hanggang sa nakakuha ng siya ng buwelo at sinabi kay Isaac ang gusto nyang sabihin.

Emily: "I-Isaac?! P-pwede ba kitang ligawan?"

Isaac (shocked): "AAAANOOO?!"

Nagulat si Isaac nang marinig ang sinabi ni Emily. Naguluhan siya sa tanong ni Emily. Kaya para makasigurado, tinanong niya ulit si Emily.

Isaac (confused): "Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Emily? Baka nagbibiro ka lang sa tanong mo?!"

Emily: "H-Hindi, Isaac. At hindi ako nagbibiro. Tsaka, sinusubukan ko lang naman sabihin etong nararamdaman ko kasi matagal kitang gusto."

Isaac: "Parang ang bilis mo naman ata sa mga desisyon mo. Tsaka, dapat ang pwedeng manligaw ay ang mga lalake at hindi mga babae, Hindi ba?"

Emily: "Alam kong medyo biglaan at nabigla ka din pagdating sa bagay na eto. Pero gusto kita, Isaac."

Dahil sa pagkabigla at naguguluhan din si Isaac sa mga sinabi ni Emily. Napagdesisyonan na rin ni Isaac na sabihin ang kanyang nararamdaman para kay Emily.

Isaac: "Pasensya ka na, Emily. Pero hindi ako yung tao na puwedeng mong mahalin."

Emily (confused): "Anong ibig mong sabihin, Isaac? Hindi kita maiintidihan?"

Isaac: "Mayroon na kasi akong nagugustuhan na babae."

Emily (sad): "Ahh...G-ganun ba?"

Isaac: "Oo."

Tila nagulat at nadismaya si Emily nang marinig niyang may gustong babae si Isaac.

Ngunit, bilang respeto kay Isaac, minabuti na lang niyang huwag alamin ang pagkakakilanlan ng babaeng ito at tinanong na lang ni Emily kung ano ang nagustuhan ni Isaac rito.

Emily: "Isaac? Maaari ko bang malaman kung ano ang nagustuhan mo sa babaeng ito?"

Isaac (hesitant words): "Ehhh... Ano... Simula pa noong grade 9 pa tayo, naging crush ko na ang babaeng ito kasi napakatalino niya at lagi siyang handang sumuporta sa mga kaibigan niya kapag kailangan nila ng kanyang tulong. Tsaka alam mo ba? Dito rin sa library na ito kaming unang nagkita. Mahilig din siyang magbasa ng libro at seryoso siya kapag may binabasa siyang libro. Nagustuhan ko siya noong tinulungan niya ako sa mga assignments ko kapag nandito ako sa library. Kaya balak ko sanang siyang ligawan kapag malapit na yung JS PROM. Kung ako sayo Emily, mag-antay ka na lang ng lalakeng handang tumulong at dumamay sayo. At sigurado akong hindi ka niya iiwan sa oras na mahanap mo ang lalaking para sayo."

Emily (disappointed): "Okay lang, at least nasabi ko rin yung totoong feelings ko para sayo."

Isaac: "Okay lang. Pero pasensya ka na kung hindi ako yung lalaki para sayo. Pero kung gusto mo, maging friends na lang tayo, okay ba yun sayo?"

Emily: "Oo! Friends!"

Tsaka inabot ni Isaac ang kanyang kamay kay Emily at nagkamayan ang dalawa bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan.

Matapos magkamayan, nagpasalamat si Isaac kay Emily dahil sa pag intindi nito sa kanyang nararamdaman.

Isaac: "Emily, salamat pala sa pag-intindi mo sa akin. Pero pasensya ka na talaga kung nasabi ko sayo na may nagugustuhan akong ibang babae."

Emily: "Okay lang, Isaac. Wala naman problema sa akin yun." (Oo. Walang problema kahit na nadismaya ako sa sinabi mo. Pero kung gusto mo ang babaeng ito, wala naman ako magagawa para pigilan ka. Ang hinihiling ko na lang, maging masaya ka sana sa piling niya.)

Isaac: "Kung ganun, kailangan na nating umalis. Baka hinahanap na rin ako ng mga ka-Team ko sa Basketball.

Emily: "Okay! Tsaka, Good luck sa panliligaw mo sa babaeng gusto mo."

Isaac: "Oo, Emily. Salamat ulit."

Emily: "Walang anuman."

Matapos mag-usap nina Isaac at Emily, sabay na lumabas ang dalawa sa library. Sakto namang dumating ang mga kaibigan ni Emily pagdating nila sa labas.

Isaac: "Ah! Emily! Mauuna na ako sa inyo! Babalik pa ako sa Basketball Court."

Emily: "Okay! Mag-ingat ka sa pagbalik mo!"

Pagkaalis ni Isaac, agad nagtanong ang tatlong niyang kaibigan si Emily.

Nina: "Kamusta naman kayong dalawa ni Isaac?"

Emily: "Okay lang naman kami."

Claire: "Ano sinagot ka ba niya tungkol sa pangliligaw mo sa kanya?"

Emily (sad): "Hindi eh."

Althea: "Bakit naman?! Hindi mo ba sinabi sa kanya ang totoong feelings mo para sa kanya?"

Emily: "Sinabi ko sa kanya. Kaso tinanggihan niya ang offer ko kasi may gusto siyang ibang babae."

Nagulat ang tatlong kaibigan ni Emily at napansin nila na malungkot ito. Kaya inakbayan sya ng mga ito.

Nina: "Okay lang yan. Huwag mo na isipin yung sinabi ni Isaac sayo kanina. Baka hindi nga talaga kayo para sa isat isa."

Claire: "Oo nga naman, Emily. Ang mabuti pa, maghanap na lang tayong ibang lalake. Malay mo, baka sila Edward, Daniel at Axel ang mapasagot mo."

Emily: "Oo na. Siguro tama kayong dalawa. Dapat hindi ako mawalan ng pagasa sa paghahanap ko ng Man of my dreams!"

Nina: "Okay ka na ba, Emily?"

Emily: "Oo naman. Okay lang ako! Tsaka huwag kayo mag-aalala kasi walang kaso sa akin yun kanina kay Isaac!"

Althea: "Tama na nga yan! Baka umiyak ka pa, Emily! Pumunta na lang tayo sa Soccer field ngayon."

Nina (teasing): "Ayyyyieee... Si Althea nagblu-blush!!! Kasi mapapanood nyang maglaro sina Daniel at Axel."

Claire: "Oo nga. Mukhang mas na-eexcite pa siyang makita sina Daniel at Axel kaysa kay Emily."

Althea: "Puwede ba?! Tigilan niyo nga ako!"

Emily: "Alt kanina ka pa namin napapansin na nagblu-blush sa upuan. May gusto ka ba kila Daniel at Axel?"

Althea (irritated): "EWAN KO SA INYONG TATLO!"

Emily: "Huwag ka na magalit dyan. Binibiro ka lang naman namin."

Nina: "Oo nga naman!"

Althea: "Sige na nga! Papatawarin ko na kayong tatlo! Basta huwag niyo na uulitin yun sinasabi niyo sa akin kanina ha?!!"

Claire, Nina at Emily: "Okay!"

Matapos mag-usap at magbiruan ang magkakaibigan, umalis ang apat upang manood ng laro nina Daniel at Axel sa Soccer field.