webnovel

Chapter 47- Activities

Kinabukasan, maagang umalis sila Mark, Lucile at Amelia matapos nilang mag-agahan at pagka-alis ng pulang Ford, nagluto ng pagkain para sa tanghalian sila Lola Delia, Emily at ang kanyang mga kaibigan.

Agad nilang sinimulan ang unang araw ng kanilang Outing sa pagpunta sa isang Beach Resort, di kalayuan mula sa kanilang tinutuluyan na Vacation house.

Pagdating sa naturang Beach Resort, agad binayaran ni Lola Delia ang renta sa Cottage, Swimming fee sa Swimming Pool, at mga inorder na mga inumin, tsaka sila nagpunta sa kanilang Cottage para ibaba ang kanilang mga dalang gamit.

Emily: "Lola Delia, ang lawak naman po ng Cottage na nirentahan niyo."

Nina: "Oo nga po."

Lola Delia: "Para kasi sa ating lahat ang Cottage na ito. Tsaka hindi tayo magkakasya sa upuan pagdating ng pananghalian kapag maliit lang ang kinuha kong Cottage. Kaya itong malaki na lang ang pinili ko."

Daniel: "Ngayong nandito na tayo sa Cottage, ano ang plano nating gawin?"

Allen: "Eh di kumain agad!"

Allan: "Oo nga!"

Ruby: "Anong nangyari sa dalawang to? Ba't parang nagkapalit ng papel sa buhay ang magkapatid na ito?"

Claire: "Ba't mo naman nasabi, Ruby?"

Ruby: "I just observed na panay ang sagot ni Allan ng "Oo nga" imbes na si Allen."

Allen: "Ay...Oo nga noh? Bakit kaya?"

Allan: "Oo nga!"

Althea: "Kung anuman ang naging dahilan, wala na kaming pake!"

Axel: "Anyway, Ba't di natin tanungin si Kit kung ano ang gusto niyang gawin? Total siya ang nag-imbita sa atin sa Outing natin ngayon."

Napatingin ang mga magkakaibigan kay Kit at naghihintay ang mga ito sa kung ano ang kanyang sasabihin.

Pero kahit din si Kit ay wala din ideya sa kung ano ang dapat nilang gawin para sa kanilang Outing.

Kit: "Kung gusto niyong maligo, maligo na kayo sa pool."

Isaac: "Ano?! Yan lang ang naisip mong plano?"

Nina: "Inimbitahan mo kami para mag-outing tapos yan lang ang gagawin natin?"

Kit: "Hindi naman sa ganon. Pero ayoko naman na lagi kayong sumusunod sa kung ano ang gusto kong gawin sa araw na ito."

Emily: "Bakit? Ano ba ang gusto mong gawin, Kit?"

Sandaling nanahimik si Kit dahil nag-iisip pa ito sa kung ano talaga ang nais niyang gawin sa kanilang Outing.

Hanggang sa sumali sa usapan si Lola Delia at naisip na ipakita ang Brochure na kanyang nakuha kaninang nagbabayad ito ng renta sa Cottage.

Lola Delia: "Mga Iho't Iha, ano kaya kung tingnan niyo na lang dito sa Brochure ang gusto niyong gawin sa araw na ito? Para naman makapagdesisyon kayo sa kung ano ang plano ninyong gawin."

Allan: "That's a Shiny idea, Lola!"

Allen: "Oo nga!"

Kit: "Mabuti pa nga kung tumingin tayo ng Services offered na nakalagay dito sa Brochure. Salamat po sa tulong, Lola."

Lola Delia: "Walang anuman, Apo. Ayoko naman kasi na wala kayong pagkaka-abalahan sa araw na ito."

Althea: "Oo nga po pala, Lola. May naisip na po ba kayong pagkaka-abalahan ngayong araw?"

Lola Delia: "Kung ako ang tatanungin, siguro hihilata muna ako dito sa cottage tapos magswiswimming, tsaka ako pupunta sa Massage area para magrelax."

Allan: "Massage area?"

Allen: "Kit, pakitignan sa Brochure kung mayroon yan dyan?"

Daniel: "Kung sinabi ni Lola Delia na magpapamasahe siya, ibig sabihin mayroon yan dito sa Resort!"

Para maniwala ang Kambal sa sinabi ni Lola Delia, tinignan pa rin ni Kit sa Brochure ang sinasabing Massage area at mayroon nga ito. Tsaka niya ipinakita sa dalawang Kambal.

Kit: "Ayan. Nag-eexist nga dito sa resort ang Massage area. Ayon sa Brochure, ang services na mayroon sila ay Accupuncture, Thai Massage, Full-body massage at Accupressure Foot Massage. Tsaka, bawat isa sa atin kanina sa Front desk, binigyan tayo ng tiglimang 50% discount coupon sa lahat ng Services. Kaya mabuti na rin na gamitin ninyo ang inyong mga coupon."

Allan: "Kung ganun, pupunta kami ni Utol sa Massage area! Susubukan namin lahat!"

Allen: "Oo nga! Kaya mauuna na kami sa inyo!"

Kumaripas ng takbo ang kambal papunta sa Massage Area para kanilang subukan ang lahat ng uri ng massage.

Naiintriga naman si Daniel na subukan ang Thai Massage kaya sinundan din ito ang Kambal.

Daniel: "Mukhang susunod na rin ako sa dalawang iyon."

Claire: "Daniel? Gusto mo din magpamasahe?"

Daniel: "Ngayon ko lang kasi nakita itong Thai massage na nakalagay dito sa Brochure. Gusto kong malaman kung anong uri ng masahe ang ginagawa dito."

Lola Delia: "Oooh? Curiousity kills a Cat."

Ruby: "Lola Delia? Ano pong ibig niyong sabihin sa sinabi po ninyo?"

Lola Delia: "Hayaan mo na, Iha. Salawikain lang iyon. Anyway, enjoy sa pagpapamasahe niyo ha, Iho?"

Daniel: "Opo, Lola. Tutuloy na po ako." (At hinala ko, mamboboso ng mga babaeng Customer yung dalawang kambal. Kaya mabuti na rin kung may magbabantay sa kanila.)

Umalis si Daniel para sundan ang kambal at nang sa ganun ay masubukan din niya ang Thai massage na ngayon lang niya narinig.

Pagka-alis nung tatlo, muling ibinalik ni Kit ang topic na kung ano ang pagkaka-abalahan ng kanyang mga kasama.

Kit: "Guys. Umalis na yung tatlo. Ano na ang napupusuan niyong gawin sa araw na ito?"

Nina: "Kung ako ang tatanungin, sasamantalahin ko na ang pagkakataon na magswimming sa pool habang wala yung dalawang kambal."

Claire: "Ah..Oo! Magandang ideya yan, Nina."

Kit: "Bakit naman?"

Emily: "Ano pa ba sa tingin mo, Kit? Alam mo namang mamboboso yung dalawang yun. Tsaka panatag ang kalooban naming mga babae na lumangoy at magbabad sa Pool dahil wala na yung dalawang umaaligid na mga bastos."

Althea: "Tsaka hindi naman kami mahilig magsuot ng bikini at mga seksi na damit panligo. Mga normal na damit panligo lang ang aming dala."

Kit: "Tulad ng Swimming shorts na pambabae at silk T-Shirt?"

Emily: "Oo, Kit. Bakit? Dismayado ka ba na hindi kami magsusuot ng bikini?"

Kit: "Hindi. Pero sina Isaac at Axel, mukhang dismayado."

Isaac: "Oy! Walang kaming sinasabi ni Axel na dismayado kami."

Axel: "Oo. Tsaka mamayang hapon pa kami magswiswimming ni Isaac sa Pool."

Ruby: "Mamayang hapon pa kayo maswiswimming sa Pool? Why?"

Axel: "Gusto namin ni Isaac na magpapawis muna bago kami maligo sa Pool. Kaya sa ngayon, may iba kaming plano at pinag-iisipan pa namin ang gagawin."

Althea: "Warm-up muna bago tumalon sa Pool? Kung sabagay, okay din yan plano niyo."

Nina: "Well, goodluck na lang sa kung ano ang pinaplano niyo ngayon. Basta kami, maliligo na kami agad sa Pool."

Kit: "Girls. Isang bagay pa bago kayo tumalon sa pool."

Emily: "Ano naman yun, Kit?"

Kit: "Maliligo ba si Nina sa Pool nang walang salamin?"

Nina: "Ay...Kit, nag-aalala ka sa akin? Nakakatuwa naman."

Emily: (Nag-aalala si Kit kay Nina? Teka? Alam na ba ni Kit na boyfriend ni Nina si Isaac? Tsaka, ba't parang feeling ko may mali sa pinag-uusapan nila?)

Nina: "Kit, huwag kang mag-alala. May dala akong Goggles na may Grado sa mata. Kaya makakakita pa rin ako at hindi magiging problema sa akin ang paglangoy sa Pool."

Kit: "Mabuti naman."

Ruby: "Girls! Larga na! Pumunta na tayo sa pool!"

Emily: "Oo, Ruby. Kit, mauuna na muna kami sa Pool ha?"

Kit: "Sige."

Lola Delia: "Mag-enjoy lang kayo mga iha."

Althea: "Opo. Kayo din po, Lola. Tara na! Girls!"

Matapos makapagpaalam, agad naglakad ang kasama nilang mga babae papunta sa Comfort room ng Resort para isuot ang kanilang mga damit-panligo.

Tsaka pumunta sa Pool ang mga ito para maligo.

Habang tuwang-tuwa sa paliligo ang mga babae, naiwan sila Kit, Isaac at Axel sa Cottage kasama ang umiiglip na si Lola Delia, at pinag-iisipan pa rin kung ano ang kanilang gagawin.

Isaac: "Axel, ano ang plano?"

Axel: "Hmmm.... May Zip line sa Resort na ito? Pero wala naman akong nakikitang bundok."

Kit: "Wala nga. Pero pero may mataas na gusali dun sa likod ng Resort at tanaw ko pa dito sa kinatatayuan natin. Siguro, doon isinasagawa ang yung Zip Line."

Axel: "Parang gusto kong subukan at magpalabas ng Adrenaline sa katawan. Ano sa tingin mo, Isaac?"

Isaac: "Sige! Subukan natin, Axel!"

Kit: "Sige. Enjoy lang kayo."

Axel: "Teka? Kit, ayaw mo bang sumama sa amin?"

Isaac: "Oo nga naman, Kit. Sumama ka na. Para ma-experience mo naman ang mag-Zip Line."

Kit: "Salamat sa panghihikayat. Pero may iba akong plano."

Axel: "May iba kang plano?" (Magsosolo na naman ba itong si Kit? Ano pang silbi na nag-iimbita pa siya ng mga kasama sa Outing kung magsosolo lang siya?)

Isaac: "So, anong plano mo? Puwede ka namin samahan kung gusto mo."

Kit: "Huwag na. Di na kailangan." (Puwede ba? Umalis na kayo at mag-enjoy na lang kayo sa plano niyong gawin!)

Axel: "Pero anong plano mong gawin, Kit?"

Kit: "Mag-iikot sa paligid."

Isaac: "Mag-iikot lang?"

Kit: "Oo. Isaac. Kaya huwag niyo na akong alalahanin sa kung ano ang gagawin ko sa araw na ito. Kaya pumunta na kayo sa Zip line area at baka maabutan pa kayo ng mahaba ang pila."

Nanahimik sina Isaac at Axel nang mapansin nilang parang tinataboy sila Kit, base sa kanyang sinabi.

Dahil dito, naisip na lang nung dalawa na pakisamahan na lang ang sinabi ni Kit at tumuloy sa Zip line area.

Isaac: "Kung ganun, tutuloy na kami ni Axel sa Zip line Area."

Kit: "Sige. Enjoy."

Axel: "Oo, Kit. Ikaw din."

At umalis ang dalawang lalaki papunta sa Zip line area. Muli na namang naiwan si Kit sa Cottage at mabusising tinitignan ang Brochure na kanyang binabasa. Maya't maya, muli siyang kinausap ni Lola Delia.

Lola Delia: "Apo, nagtawag ka ba ng mga kaibigan para sama-sama kayong mag-enjoy sa Outing? O para ipakita sa kanila kung gaano ka kayaman?"

Kit: "Hindi naman po sa ganun, Lola."

Lola Delia: "Eh di ano? Apo? Ano bang inaalala mo at ayaw mong makasama ang mga kaibigan mo sa pag-eenjoy?"

Kit: "Wala naman po."

Lola Delia: "Sigurado ka bang wala? O Nag-aalala ka na baka makita nila kung saan ka mahina? Lalo na sa paglusong sa Pool?"

Nanahimik si Kit sa sinabi ng kanyang Lola dahil alam nito na hindi siya marunong lumangoy at nag-aalala na baka kutyain siya ng kanyang mga kasama sa oras malaman nila ang kanyang kahinaan.

Lola Delia: "Apo, huwag mo sanang masamain pero mamayang hapon, sigurado ako na magsisitalunan sa Pool ang mga kaibigan mo at mapapansin nila na hindi ka nakikisama sa kanilang paliligo. At kapag nangyari yun, malalaman din nila na takot kang maligo sa Pool. Kaya ang maipapayo ko na lang sayo, habang maaga pa, kailangan mo nang sabihin sa mga kasama mo ang totoo na hindi ka marunong lumangoy."

Muli na namang nanahimik at pinag-isipan ni Kit ang sinabi ng kanyang Lola.

Pero dahil sa hindi makapagdesisyon na tama si Kit, ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang naisip na plano.

Kit: "Lola, mahaba pa naman po ang oras para makapag-isip. Siguro, mag-iikot na lang po muna ako sa buong resort."

Lola Delia: "Hay..... Oo na, Apo. Basta pag-isipan mo ang sinabi ko."

Matapos mag-usap ang maglola, naglakad at umalis si Kit mula sa Cottage, dala ang Brochure na nakuha ng kanyang Lola sa Front desk ng Resort.

Habang naglalakad, sandaling napadaan si Kit sa Pool Area at nakita ang kanyang mga kasamang babae na nag-eenjoy sa paliligo sa 7th feet na parte ng Pool.

Tila nagkaroon ng konting inggit si Kit sa kanyang mga kasama ngunit inaalala pa rin na baka kutyain siya ng mga ito dahil hindi siya marunong lumangoy.

Kaya binalewala na lang niya ang mga ito at naisipan na lang niyang pumunta sa Massage area para tignan ang dalawang Kambal at si Daniel.

Pagdating sa Massage area, agad tinanong ni Kit sa babaeng Front Desk ng naturang lugar kung dumating ba ang kanyang mga kasama na sila Daniel at ang dalawang kambal.

Ngunit hindi siya pinayagang pumasok ng front desk dahil para lamang sa mga customer na gustong magpamasahe ang maaring pumasok sa mga kwarto at ang pagsilip ay hindi nila pinapayagan.

Maya't maya nakarinig ng pamilyar na sigaw si Kit mula sa kanyang kinatatayuan at tinanong muli ang babaeng Front desk.

Daniel: "ARAAAAY! AW! SANDALI! MANONG! HUWAG MONG BABALIIN ANG LIKOD KO! ARAAAAAAY!"

Kit: (Aba? Nasa Room 1 lang pala si Daniel. Pero asan naman kaya yung dalawang kambal?) "Ma'am, matanong ko lang po? Normal po ba na sumigaw sa sakit ang inyo pong mga Customer?"

Babaeng Front Desk Assisstant: "Opo, Sir. Normal lang po iyan sa mga First-timer na mga customers. Lalo na po kung susubukan po nila ang Thai massage service na ino-offer po namin. Tsaka kung interisado po kayo, kung maari lang po, pakilista lang po ang inyo pong pangalan sa log-book at yung massage service na inyo pong nais."

Kit: "Uhmm...Pag-isipan ko na lang po muna. Bababalik na lang po ako kapag naisipan ko na pong magpamasahe."

Babaeng Front Desk Assisstant: "Kung ganun, salamat po, Sir sa inyong pagdating. Come again."

Umalis si Kit mula sa Massage area dahil natukoy naman niyang abala sa pagpapamasahe si Daniel.

Kahit na hindi natagpuan ni Kit ang kambal, sigurado naman siya na nakatulog ang mga ito sa pagpapamasahe.

Gayun pa man, nagpatuloy sa pag-iikot si Kit

hanggang sa napadaan si Kit sa isang maliit na butterfly garden sa di kalayuan at naisip na lang niyang tignan kung ano ang iba't ibang uri ng mga paro-paro na inaalagaan sa lugar na ito.

Habang nagliliwaliw si Kit sa loob ng Butterfly Garden, abala pa rin sa paliligo ang mga babae at kasalukuyang nakaupo sa gilid ng Pool sila Emily, Nina at Claire.

Abala naman sina Althea at Ruby sa kanilang one-on-one Volleyball sa gitna mismo ng Pool, nang dumating sina Axel at Isaac na kagagaling din lang mag-zip line at tila dismayado ang kanilang mukha nang makita nung tatlong babae.

Nina: "Oh? Isaac, Axel? Tapos na kayong mag Zip-line?"

Isaac: "Oo."

Axel: "Ang bilis nga eh."

Emily: "Ba't nakasimangot kayo? Hindi ba kayo nag-enjoy?"

Axel: "Sisimangot pa ba kami ng ganito kung hindi nakaka-enjoy yung sinakyan naming zip-line."

Isaac: "Oo nga."

Claire: "Bakit? Ano bang nangyari sa inyo kanina?"

Isaac: "Ganito kasi ang nagyari. Pinili namin ni Axel yung pinakamataas na level. Akala namin, mahaba yung nilagay na lubid."

Axel: "At dahil hindi mahaba ang tali, segundo lang ang itinagal namin sa Zip-line."

Nina: "Segundo? Ilang metro ba ang haba ng tali na sinakyan niyo?"

Axel: "50 meters lang naman."

Claire: "Grabe... Ang ikli!"

Isaac: "Oo, Claire! Talagang napakaikli! Para kang nag-zip line mula sa bahay ni Emily papunta sa bahay ni Kit! Ganon kaikli yung sinakyan namin kanina!"

Emily: "Kung ganon kaikli yung sinakyan niyo, eh di sana naghanap na lang kayo ng ibang masasakyan."

Nina: "Oo nga. Marami pa naman diyan, hindi ba?"

Isaac: "Oo. Marami pa nga diyan, Nina. Pero nawalan na kami ng gana."

Axel: "Kaya naisip na lang naming bumalik sa Cottage at maligo na lang sa Pool."

Emily: "Oo. Mabuti pa nga."

Matapos mag-usap, agad tumalon sa Pool ang dalawang lalaki para maligo.

Habang naliligo ang dalawang, naalala ni Emily ang iba nilang mga kasama.

Emily: "Hmmm....siguro nag-eenjoy sila Daniel, Kit at ang dalawang kambal sa kanilang mga ginagawa."

Nina: "Sa tingin mo? Baka mamaya, mga reklamo ang maririnig mo mula sa mga yun. Gaya nina Axel at Isaac."

Claire: "O kaya, baka pagdating nila, pupupugin tayo ng samu't saring mga reklamo mula sa ibang tao dahil sa nagawa nilang mga kalokohan."

Emily: "Claire, anong ibig mong sabihin sa sinabi mo?"

Claire: "Guys! Alam niyo naman kung anong pag-uugali mayroon yung dalawang kambal, hindi ba? Isama mo pa yung maaring pagdadala ni Daniel ng mga kakaibang nilalang mula sa kung saang lugar, at yung hindi inaasahang gulo na dadalhin ni Kit kapag may nakaaway siyang ibang customer dito sa Resort na kanyang kinuryente gamit ang dala niyang Taser."

Sandaling nanahimik at pinag-isipan nina Emily at Nina ang sinabi ni Claire, at napangiwe na lang sila sa maaari ngang mangyari kapag dumating ang apat nilang kasama.

Emily: "O-Oo nga, Claire. Maaring tama ka. Katapusan na nga ng mundo."

Nina: "For short, sila ang Apat na kabalyero na tagapaghatid ng katapusan ng mundo. At sa oras na dumating ang apat na yun, katapusan na rin ng maliligayang araw natin dito sa Resort."

Emily: "Pero sana man lang, hindi sila gumawa ng gulo sa ibang tao. Lalo na kila Kit at dun sa dalawang Kambal."

Claire: "Oo. Sana nga."

Nina: "Speaking of Kit, ano kaya sa tingin niyo ang pinakaka-abalahan niya?"

Claire: "Hindi ko din alam. Pero sigurado akong ka-weirduhan ang kanyang ginagawa sa mga oras na ito."

Emily: "Pero Claire, sa tingin ko malabo siyang makagawa ng kaweirduhan dito sa resort. Kasi nasa labas siya ng kanyang Comfort Zone."

Nina: "Comfort zone? Tulad ng bahay, kabinet at School?

Emily: "Oo, Nina."

Claire: "Kung nasa labas si Kit ng kanyang Comfort Zone, ano kaya ang ginagawa niya sa mga oras na ito?"

Nina: "Tsaka napansin ko kanina habang tinatanong natin siya sa kung ano ang plano niyang gawin sa ating Outing, hindi siya makapagsalita at hindi rin siya makapag-isip ng gagawin."

Emily: "Hmmm....Sana man lang hindi siya naglalagi sa isang sulok at naghihintay ng pananghalian."

Napansin nina Claire at Nina ang konting pag-aalala ni Emily sa kanyang mukha na tila nagiging malapit na ito kay Kit.

Personal sanang tatanungin nung dalawa si Emily, nang biglang dumating si Daniel at naiinis nitong tinawag ang kanyang mga kaibigan na nasa Pool para mananghalian.

Daniel (annoyed): "HOY! TANGHALI NA! KUMAIN NA NGA KAYO!"

Sabay alis pabalik sa kanilang Cottage. Dahil sa galit na pagtatawag ni Daniel, nabaling ang topic nila Nina, Claire at Emily sa galit na lalaki.

Agad namang umahon sa tubig sila Althea, Ruby, Axel at Isaac matapos marinig ang pasigaw na pagtatawag ni Daniel.

Nina: "Okay lang ba si Daniel? Ba't para siyang galit?"

Emily: "Hindi ko din alam. May nangyari kaya sa kanya ba kanina?"

Axel: "Halatang bad-trip si Daniel ah. Siguro may ginawa na naman sa kanya yung Kambal."

Claire: "O kaya si Kit."

Althea: "Claire, imposibleng makaalitan niya si Kit. Ang ganda nga ng pag-uusap nila kanina tungkol sa massage services na nakalagay sa Brochure."

Ruby: "That leaves yung Kambal ang pinag-iinitan niya ng ulo."

Isaac: "Mabuti pa bumalik na tayo sa Cottage at baka sigawan na naman tayo ni Daniel."

At minabuti na lang ng magkakaibigan na bumalik sa Cottage nang sa ganun ay hindi sila sigawan ulit ni Daniel dahil nakakahiya na rin sa ibang tao kapag ito ay sumisigaw at nagtatawag ng mga pangalan.

Pagdating sa cottage, nadatnan nila Emily ang kambal na abala sa pagkain ng kinuha nilang pananghalian at tahimik namang kumakain si Daniel katabi ang mga ito.

Ilang sandali pa, dumating na rin si Kit at agad kumuha ng pananghalian.

Matapos makakuha ng sariling plato at pananghalian, tinanong ng grupo nila Emily si Daniel kung bakit ito nanahimik.

Althea: "Daniel, anong nangyari sayo? Ba't sobrang tahimik mo ata ngayon?"

Nina: "Oo nga. May nakain ka bang hindi maganda kaninang umaga?"

Sa unang pagkakataon, hindi sumagot si Daniel sa tanong ni Althea.

Ngunit sinagot ng dalawang kambal ang tanong ni Althea at ipinaliwanag kung ano ang nangyari kay Daniel sa Massage Area.

Allan: "Guys! Para sabihin ko sa inyo, pinagbali-bali nung baklang Masahista na malaki ang katawan yung mga buto ni Daniel kanina."

Allen: "Oo nga! Tsaka nakita ng dalawang mata namin ni Utol na ginamitan ng Rolling pin at minasa ang kanyang likod na parang dough ng tinapay!"

Daniel: "Tumahimik nga kayo! Porket, minasahe kayo ng tama kanina sa kabilang kuwarto, ipagkakalat niyo na sa iba yung kamalasang nangyari sa akin kanina!"

Allan: "Daniel, hind namin kasalanan ni Utol kung minalas ka ngayong araw!"

Allen: "Oo nga! Tsaka minalas din kaya kami! Akala namin mga magagandang babae ang magmamasahe sa amin. Pero mga lalaking bulag ang mga naging masahista namin!"

Daniel: "Pasalamat nga kayo at hindi kayo binugbog ng mga nagmasahe sa inyo! Di gaya ko na para akong ginawang masa ng tinapay!!"

Axel: "Guys! Tama na nga iyan! Pare-pareho lang tayong minalas sa mga pinuntahan natin. Kami nga ni Isaac, bitin yung nasakyan naming Zip-line."

Isaac: "Tsaka nawala ko sa daan yung 100 pesos ko sa bulsa, habang naglalakad kami ni Axel papunta sa Pool. Kaya huwag ka ng high blood dyan, Daniel."

Emily: "Kung gusto niyo magvolley ball na lang ulit tayo sa Pool mamaya. Para naman mabawi ninyo ang pag-eenjoy niyo kaninang umaga."

Ruby: "And it was more fun kapag marami ang maglalaro."

Nina: "Ano sa tingin niyo? Girls vs Boys ba ang magiging laro mamaya?"

Daniel: "Maganda ang naisip niyo. Sige! Sali ako!"

Allan & Allen: "Kami din!"

Althea: "Then settled na! Sisiguraduhin namin na mananalo kami."

Isaac: "Huwag kayong pakasiguro. Pero sa ngayon, enjoyin muna natin ang ating pananghalian."

Matapos mapagkasunduan ng grupo ang kanilang gagawin para sa hapon, ipinagpatuloy ng mga ito ang kanilang pananghalian.

Habang kumakain, nabaling naman ang atensyon ng mga babae kay Kit nang maalala nilang alamin ang kanyang ginawa kaninang umaga.

Claire: "Kit, masama din ba ang araw mo? Napansin ko, kanina ka pa dyan nanahimik."

Habang ngumunguya ng Spagetti, nakasimangot na tinitigan ni Kit si Claire na para bang mali sa kanyang nasabing tanong.

Althea: "Uhmm...Claire? Huwag mo sanang masamain, pero matagal ng ginagawa ni Kit yan pananahimik niya kapag nakikisabay siyang kumain sa atin ng pananghalian."

Nina: "Claire, Sang-ayon ako kay Alt. Hindi ka na nasanay kay Kit."

Claire: "Guys.. Pasensya na. Nadala lang kasi ako sa kamalasang na-experience ng mga boys sa kanilang lakad."

Ruby: "Well, speaking of lakad, kamusta naman ang naging lakad mo kanina dito sa Resort, Mr. Weird?"

Sandaling nginuya ni Kit ang kanyang kinakain at sinagot ang tanong ni Ruby.

Kit: "Okay naman."

Ruby: "Okay naman? Are you sure?"

Kit: "Oo."

Emily: "Kit, ano pala ang pinagka-abalahan mo kaninang umaga?"

Kit: "Nag-iikot sa paligid."

Maging si Althea ay napasimangot na rin, matapos marinig ang isinagot ni Kit sa tanong nina Ruby at Emily.

Althea: "Wow.. Nakaka-enjoy.. Nag-iikot ka lang sa buong Resort. Buti naman, hindi ka minalas, gaya nila Daniel at yung magkapatid na engot."

Kit: "Oo. Maayos at payapa ang lahat kanina."

Bagamat, kalmadong sinagot ni Kit ang tanong ng kanyang mga kasama, habang siya ay umiinom ng orange juice bilang panulak sa kanyang kinain, walang ideya ang mga ito na aksidente pala niyang nasilaban ang buong Butterfly Garden house matapos i-switch On ang isang palyadong ilaw.

Dahil gawa sa kahoy at wala man lang Fire Extiguisher sa paligid para apulahin ang apoy, agad itong kumalat sa kisame.

At dahil wala naman magawa si Kit para patayin ang apoy, naglakad na lang ito palabas ng Butterfly Garden house na para bang walang nangyari, matapos kumalat ang apoy sa kisame.

Nang makalayo si Kit, tsaka lang nagtakbuhan at nagsigawan palabas ng gusali ang mga taong nasa loob ng Butterfly Garden house.

Kabilang na ang mga empleyado at staff sa mga lumabas, nang makita nilang nasusunog ang buong kisame.

Agad namang naapula ang apoy matapos dumating sa likod ng Resort ang truck ng Bumbero at pinatay ang naglalagablab na kisame.

Wala namang nasaktan sa naturang insidente dahil na rin sa agarang pagtakbo palabas ng mga tao at sa agarang pagtawag ng mga Staff sa mga Bumbero.

At dahil nag-aalala si Kit na baka pagalitan siya ng kanyang lola dahil sa nagawang kapalpakan na hindi naman niya sinasadya, inilihim na lang niya ang nangyaring insidente sa kanyang sarili.

Matapos mananghalian ang buong grupo, excited at naghahanda na ang mga ito sa gagawin nilang Beach Volley ball.

Kaya agad nagpunta ang lahat ng mga kaibigan ni Emily sa tabi ng Pool para maglaro.

Pagdating sa Pool, napansin ng mga lalaki na tanging si Kit lang ang hindi pa rin nagpapalit ng damit panligo. Kaya kinausap na naman nila ito.

Daniel: "Oy! Kit! Ba't hindi ka pa naghahanda?"

Kit: "Ako na lang ang Scorer."

Isaac: "Kit, hindi puwede! Kukulangin tayo sa tao kapag ginawa mo yan!"

Allen: "Oo nga, Kit! Kakapusin tayo ng mga waterboy kapag ipinilit mo pa ang sarili mo na maging Scorer!"

Kit: "Hindi ako marunong maglaro. Kaya ako na lang ang Scorer."

Axel: "Nagbibiro ka ba? Hindi ka marunong maglaro ng Volleyball?"

Kit: "Gusto niyo sample? Allan, ibato mo ang bola."

Allan: "Okay! Eto na!"

Sabay bato ni Allan ng bola kay Kit. Pinatamaan naman ng malakas ni Kit ng pinagdikit nitong mga kamay ang bola, tsaka ito tumalsik diretso sa mukha ni Daniel.

Kit: "Ooops. Sorry."

Axel: "Pare, okay ka lang?"

Daniel: "Oo, Tol. Okay na okay. Nagising ako dun sa ginawa ni Kit."

Isaac: "Sigurado ka, Pre? Ehh...dumudugo yung ilong mo."

Daniel: "Okay lang iyan. Atleast, pogi pa rin ako."

Axel: "Oo na. Pogi na kung pogi. Bahala ka diyan."

Isaac: "Anyway, nagsasabi nga ng totoo si Kit at hindi nga siya marunong maglaro ng Volleyball. Kaya down to 5 na lang ang maglalaro sa ating mga lalaki."

Allan: "So, Ano ang mangyayari?"

Allen: "Oo nga!"

Axel: "Ganito ang mangyayari. Dahil 3 on 3 ang laban at pantay ang bilang nung mga Girls sa atin, sigurado akong agad nilang ipapasok yung mga magagaling."

Allan: "Magagaling? Sino ba magagaling maglaro sa kanila?"

Allen: "Oo nga!"

Daniel: "Hay...Sino pa ba? Eh di sila Ruby, Althea at Emily."

Allen: "Si Emily kasama sa magagaling?"

Allan: "Pero kinulang naman siya sa height! Kaya paano siya makakapag-Spike?"

Isaac: "Kung ako sa inyo, huwag niyo siyang i-under estimate. Dahil kung sa defensive role ang pag-uusapan, si Emily ang pinakamagaling."

Axel: "Tapos idagdag mo pa si Althea na magaling sa Offensive role at si Ruby na kayang maglaro sa parehong role. Kaya naman, ang agad nating ipapasok sa laro ay sila Daniel, Allan at Allen."

Allan: "Ano? Kaming tatlo? Bakit naman?"

Allen: "Oo nga!"

Axel: "Dahil sa ating lahat, kayo ang pinakamagagaling. Kaya, umaasa kami ni Isaac na ipapanalo niyo ang laro."

Daniel: "Haha! Sinasabi ko na nga ba! Kami talaga ang pag-asa niyo para manalo! Sige! Ipapanalo namin ang laro at hindi namin kayo bibiguin! Hahaha!"

Tuwang-tuwa na naglakad papunta sa Play area, malapit sa Pool ang tatlo at mukhang handa nang maglaro ang mga ito.

Ang hindi nila alam, wala talagang pag-asa na manalo ang boys dahil alam ni Axel ang mangyayari sa laro.

Isaac: ("Axel, naniwala sila sa sinabi mo na sila ang magagaling.")

Axel: ("Oo. Pero sa totoo lang, talo talaga tayo. Dahil Spike pa lang ni Althea, siguradong may isa sa kanila ang matutulog kapag natamaan ng bola sa mukha.")

Isaac: ("Teka? Ganun ba kalakas mag-Spike si Althea?")

Axel: ("Oo. Balita ko noong try-outs ng Volleyball team sa School, may napatulog na estudyante si Althea, matapos niyang mag-spike at aksidenteng matamaan sa ulo yung minalas na estudyante. Kaya mula noon hindi na nila isinali si Althea.")

Isaac: ("Eh di kung ganun, goodluck na lang dun sa tatlo.")

Pagdating sa gitnang espasyo malapit sa Pool kung saan maglalaro ang grupo ng mga babae at lalaki, sandali munang nagyabang si Daniel sa kanilang makakalaban.

Daniel: "Girls! Mabuti pa, sumuko na kayo dahil nandito na ang Most Valuable Pogi ng aming team!"

Allan: "For short, MVP!"

Allen: "Oo nga!"

Ruby: "Huwag ka muna magyabang, Daniel. Hindi pa tayo nagsisimulang maglaro."

Althea: "Baka kayo ang sumuko sa oras na makita niyo kung paano ako mag-spike ng bola.

Allan: "Ha! Hindi gagana ang Spike mo sa amin, Alt!"

Allen: "Oo nga."

Althea: "Talaga? Mamaya, makikita niyo rin ang hinahanap niyo."

Emily: "Guys! Sino pala ang magiging Referee natin?"

Althea: "Si Lola Delia. Tapos si Kit yung Scorer. Tapos sina Nina at Claire ang nasa bangko.

Emily: "Alam kong reserve natin sina Claire at Nina. Pero Ba't naging Scorer si Kit?"

Althea: "Hindi daw siya marunong maglaro. Pero okay na rin yun para mabawasan naman ang magaling maglaro sa kanilang grupo."

Emily: "Ha? Magaling maglaro si Kit?"

Ruby: "Oo, Emily. Balita ko sa dati niyang mga kaklase, muntik mag-Champion yung Elementary School kung saan siya noon nag-aaral. Bigla na lang daw siyang umalis bago magsimula ang second half ng kanilang laro at hindi na bumalik. Kaya umabot lang sa second place ang dati niyang School."

Emily: (Bigla siyang umalis? Baka siguro inatake siya ng Asthma noong mga panahon na iyon. Kaya hindi niya naipanalo ang kanyang School.)

Althea: "Anyway, andito na si Lola. Pumosisyon na kayo."

Emily: "Okay!"

Pagdating ni Lola Delia, agad itong pumunta sa gilid ng itinayo nilang Net at agad sinumulan ang laro.

Lola Delia: "Boys and Girls, simulan na natin ang laro! Unang mag-seserve ng bola ang mga Boys dahil nanalo sila sa Jack n' Poy kanina. Girls, pumosisyon na kayo."

Ruby: (Dapat serve pa lang, panalo na sana kami. Kung hindi lang sana nakialam itong si Amazona at sinabihan ako na itira ang papel!)

Althea: (Iniisip siguro ni Ruby na ako ang dahilan kung bakit siya natalo sa jack en poy kanina. Malay ko bang gagamit ng gunting si Isaac.)

Emily: (Kung jack en poy ang pag-uusapan, magaling manghula ng iniisip ni Isaac pero mas malala naman kalaban itong si Kit dahil hindi mo mabasa kung ano ang tumatakbo sa kayang utak. Out of 3 points, one point lang ang score namin kung hindi dahil kay Alt.)

Hanggang sa nag-serve ng bola si Daniel na agad naman dinepensahan ni Emily.

Mabilis namang kumilos ang dalawang kambal at inaabangan ang susunod na gagawin ng kabilang grupo.

Pagkadipensa ni Emily, agad niyang ipinasa ang bola kay Ruby at nang makuha nito ang bola, nagsagawa ito ng Set sabay lundag ni Althea para tumira ng Spike.

Althea: "Etong bagay sa inyo!! SUPER SONIC SPIKE!!"

Pagkatira ng spike ni Althea, bumulusok na parang bala ng baril ang bola at dumiretso sa mukha ni Daniel.

Sa sobrang lakas ng itinirang Spike ni Althea, tumilapon at nagpagulong-gulong sa lupa palabas ng kanilang Play Area si Daniel.

Ilang metro naman ang kanyang iginulong bago siya huminto at humandusay sa lupa.

Nagulat ang lahat matapos makita ang napakadelikadong pagtira ng bola ni Althea at nagsisimula nang kilabutan sila Axel, Isaac at ang kambal na ngayo'y nag-iisip na ng paraan kung pano sila mananalo o iiwasan ang malakas nitong pagtira.

Agad tumawag ng Time-out ang grupo ng mga lalaki, tsaka nila binuhat papunta sa tabi ng Play Area si Daniel.

Tuwang-tuwa naman sa panig ng mga babae sina Nina at Claire dahil naka-one point ang kanilang team.

Allan: "Oy!! Axel! Buhay pa ba si Daniel?"

Allen: "Oo nga!"

Axel: "Buhay pa naman siya. Pero wala din siyang malay. Tsaka pakibigyan niyo nga ako ng salamin na ilalagay sa tapat ng kanyang mukha. Para makita niyang pogi pa rin siya kahit na may marka ng bola sa kanyang mukha."

Isaac: "Axel, ano na ang iniisip mong plano? Ayokong matamaan ng malahalimaw na pag-Spike ni Althea sa mukha."

Allen: "Ako din, Axel! Ayokong matulad kay Daniel na natamaan din sa mukha."

Allan: "Oo nga! O kaya mag-surrender na lang kaya tayo?"

Axel: "Surrender? Hindi tayo pwedeng magsurrender! Kahihiyan sa dignidad nating mga lalaki kapag sumuko tayo sa laro!

Allan: "Kung ganun, anong plano mo?! Dahil kapag hindi ka gumawa ng paraan kung paano natin sila maiisahan, mauuna pa tayong mamamatay bago pa tayo mawalan ng dignidad!!"

Dahil ayaw nang maglaro ni Isaac at wala ding maisip na paraan si Axel kung paano nila ipapanalo ang laro.

Pinili na lang niyang palitan si Daniel, tsaka sinabihan si Isaac na kapag kapag natamaan siya ng bola mula sa spike ni Althea ay dapat na nitong isuko ang kanilang laro.

Axel: "Isaac, kapag natamaan ako ng bola, isuko mo na ang laro."

Isaac: "Sige. Total, talo na rin lang tayo kahit na maglaro ka pa ngayon."

Allan: "Guys! Paano kung kami ni Utol ang natamaan ng bola?"

Axel: "Tinatanong pa ba yan? Eh di surrender na sa laro!"

Allan: "Okay! Makaka-asa kayo!"

Allen: "Oo nga! Na matatalo tayo sa laro!"

Axel: (Hay....Ewan ko sa inyo.)

Muling bumalik sa Play Area ang tatlong lalaki at pumosisyon ng depensa ang mga ito.

Dahil naka-score kanina ang mga babae, sila naman ang magse-serve ng bola.

Althea: "Hehe! Ang malas naman nila, ako pa yung magse-serve ng bola."

Emily: "Alt, ipanalo mo na ang laro. Spike mo na agad yung pag-serve mo sa bola."

Althea: "Oo. Kasi nakakabagot na ang larong ito. Akala ko pa naman, bibigyan tayo ng challenge nitong mga boys."

Pagkakuha ni Althea sa bola, agad siyang nag-Spike rito at kasing lakas din ito ng kanyang pagtira na dahilan para matamaan sa mukha si Daniel.

Imbis na harangan o i-block nang tatlong lalaki ang bumubulusok na bola ay inilagan pa nila ito na siyang dahilan para dumiretso palabas sa pinaglalaruan nilang Play Area.

Ngunit, dumiretso ang bumubulusok na bola papunta sa Scorer at tumama ito sa mukha ni Kit na siyang dahilan para mawalan ito ng balase at mahulog sa tubig ng Pool.

Nang makita ito ni Lola Delia, agad nitong pinagsabihan ang kanilang mga kasama.

Althea: "Naku! Sorry, Kit! Hindi ko sinasadya!"

Allan: "Hala ka! Althea. Nasapul mo sa mukha si Kit!"

Allen: "Oo nga!"

Althea: "Eh bakit niyo kasi inilagan?! Dapat kasi sinalag niyo yung bola!"

Axel: "Sino naman ang may gustong sumalag sa pagtira mong iyon?! Siyempre! Wala! Dahil bago pa namin mapigilan yan mala-kometa mong pagtira ay baka mamatay na kami!!"

Althea: "Eh di sana ginawa mo na lang na panangga yung katawan nung isa sa kambal, kung ayaw mong matamaan ng bola!"

Allen: "Alt, anong akala mo sa amin ni Utol? Mga bagay?!"

Allan: "Oo nga!"

Axel: "Oo nga noh! Ba't di ko naisip na gawing Human Shield itong dalawang to?"

Lola Delia: "Pambihira! Tumigil nga kayo sa pagbabangayan!! At kunin niyo yung Apo ko doon sa tubig!"

Nina: "Ha? Bakit naman po?"

Claire: "Oo nga po, Lola. Bakit po ba?"

Lola Delia: "Dahil hindi marunong lumangoy ang Apo ko!!"

Emily (shocked): "A-Ano po?! Hindi po siya marunong lumangoy?!"

Nina: "Baka naman po, ibig niyo pong sabihin ay nahilo po si Kit matapos siyang matamaan ng bola?"

Ruby: "So that explains kung bakit hindi pa siya umaahon sa tubig."

Isaac: "Oo nga noh. Hindi pa siya umaahon."

Lola Delia (mad): "Ano pang tinutunganga niyo diyan?! Iahon niyo na ang Apo ko mula sa tubig!! Kung ayaw niyong lahat makatim ng pag-Spike sa bola na kasing lakas ng bumabagsak na bulalakaw!!"

Dahil sa sinabi ni Lola Delia na hindi marunong lumangoy si Kit at sa pagbabanta nito, nagmadaling tumalon ang mga kaibigan ni Emily sa tubig at iniahon ang walang malay na si Kit.

Lalo pang nataranta ang mga ito ng mapansing hindi gumagalaw at tila hindi din ito humihinga.

Ruby: "Oh my Gaad! Hindi siya humihinga!"

Claire: "Na-Nalunod na ata."

Axel: "Anong gagawin natin?!

Lola Delia: "Pambihira! I-CPR niyo siya!"

Emily: "Paano po ang gagawin?! Hindi pa naman po namin nagagawa ang mag-CPR?!"

Lola Delia: "Magkasama niyong ipatong ang dalawa ninyong mga kamay sa kanyang Dibdib. Tsaka niyo bombahin ng limang beses at bugahan ng hangin ang kanyang bibig! Tapos yung iba sa inyo, tumawag kayo ng Life guard!"

Nina: "Bu-Bugahan ang bibig?!"

Lola Delia: "Oo, Iha! Kailangang bugahan ng hangin ang kanyang bibig! Ngayon, kung hindi kayo makakatulong, mabuti pang tumawag na lang kayo ng Life Guard o Medic dyan sa paligid!"

Nina: "Si-Sige po! Tatawag na po! Claire! Samahan mo ako!"

Claire: "Si-Sige!"

Sandali munang umalis sina Nina at Claire para maghanap ng Life Guard, Medic o Staff ng resort para ipaalam ang nangyaring pagkalunod ni Kit.

Dahil nalalagay sa alanganin ang buhay ni Kit at nag-aalala si Emily na baka hindi na ito magising, nagdesisyon na siyang isagawa ang pag-CPR rito.

Emily: "Axel, pakidiinan ng limang beses ang dibdib ni Kit. Ako na ang bahala sa pagbubuga ng hangin sa kanyang bibig."

Ruby: "Wait.. Are you sure?!"

Althea: "Emily, huwag mo sanang masamain pero humalik ka na ba ng tao noon?"

Emily: "Hindi. Pero kung makakatulong ito para huminga si Kit, gagawin ko." (Tsaka hinalikan naman niya ako noon kaya okay lang kung ako naman ang hahalik sa kanya.)

Lola Delia: "Grabe! Ang dami pang inarte ng mga batang ito! Nasa panganib na nga yung buhay ng tao, nagtuturuan pa kayo kung sino magsi-CPR sa Apo ko! Tumabi na nga kayo diyan at ako na ang gagawa!"

Axel: "Hindi na po, Lola! Kami na po ang gagawa!" (Ang sagwa naman pong tignan kung kayo ang magsi-CPR sa Apo niyo! Kaya mabuti nang si Emily na ang gagawa!)

Nang handa na si Emily para bugahan ng hangin ang bibig ni Kit, agad binombahan ni Axel ang dibdib ni Kit.

Axel: "1001....1002....1003....1004.....1005..."

Isaac: "Teka? Ba't naging 1000 ang bilang mo kay Kit? Di ba dapat 1, 2, 3 lang?"

Ruby: "Isaac, tama ang ginagawa ni Axel! Para daw hindi matuluyan yung biktima."

Isaac: "Saan mo naman nabasa yung mga sinabi mo?"

Ruby: "Sa libro natin sa Health."

Axel: "Guyz! Tahimik nga muna! Nakalimutan ko na kung saan na ako sa binibilang ko!"

Althea: "Eh tumigil ka ata sa 1007?"

Emily: "Napasobra ka ata ng pagbilang, Axel.

Axel: "Hay.....Ulitin ko na lang para sigurado."

Muli na namang binombahan ng limang beses ni Axel ang dibdib ni Kit, ngunit sumobra na naman ito sa bilang na 1010 at inulit na naman ang pagbibilang.

Nang mabilang niya na ito ng tama, bubugahan sana ni Emily ng hangin ang bibig ni Kit, nang biglang bumuga ng tubig na parang fountain ang lalaking walang malay at nabugahan ng tubig ang kanyang mukha.

Emily: "Eeeewww! Yuck! Kit! Napakasalbahe mo!"

Allan & Allen (disgusted): "Eeeeewwww.."

Isaac: "Ang malas mo naman, Emily." (Yuck! Pumasok din sa kanyang bibig yung tubig!)

Matapos mabugahan, agad tumakbo si Emily sa shower room ng mga babae para maghugas ng mukha at magmumog na rin ng tubig.

Naiwan naman sa tabi ng Pool ang kanyang mga kasama.

Althea: "Nakakadiri naman iyon. Lalo na't pumasok din sa bibig ni Emily yung tubig na ibinuga ni Kit."

Ruby: "True. And I'm sure na kasama pati ang laway sa kanyang ibinuga."

Isaac: "Parang wala na akong ganang kumain ng meryenda."

Axel: "Pero atleast, okay na si Kit at alam nating wala na siya sa bingit ng kamatayan. Di po ba, Lola?"

Lola Delia: "Oo. Gumaan ang pakiramdam ko nang biglang huminga ang Apo ko. Kaya panatag na ang aking loob."

Nang makahinga si Kit, agad itong pinaupo nila Axel nang sa ganun ay mailabas nito ang tubig na kanyang nainom.

Maya't maya, dumating sina Nina at Claire kasama ang dalawang Life guard na kanilang tinawag.

Nina: "Sir, ayan po yung kaibigan po namin na nalunod po kanina."

Life guard1: "Sino? yung binatilyong nakaupo?"

Claire: "Opo. Siya nga po."

Agad tinignan ng mga Life guard ang kalagayan ni Kit at nirekomenda nilang dalhin na lang si Kit sa Clinic ng resort para masigurong walang naiwang tubig sa kanyang baga.

Kaya inilapag ng dalawang Life guard ang dala nilang Stretcher at pinahiga rito si Kit, tsaka nila ito dinala pabalik sa Clinic.

Sumama naman si Lola Delia sa mga Life Guard para siguruhing maayos ang kalagayan ng kanyang Apo.

Ilang minuto pagkaalis ng mga Life guard, kagagaling lang ni Emily sa Shower room at nakita ang kanyang mga kasama na tila malungkot sa nangyari.

Emily: "Guys, kinuha na ba si Kit ng mga Life guard na tinawag nina Nina at Claire?"

Axel: "Oo. Kakukuha lang sa kanya kanina."

Althea: "Dapat siguro, itigil na natin ang paglalaro ng Volleyball. Baka sa susunod may mapuruhan na namang ibang tao."

Daniel: "Bakit? Sino ang napuruhan?"

Allan: "Uy! Daniel! Gising ka na pala! Ang tibay mo din!"

Allen: "Oo nga!"

Daniel: "Siyempre! Matitibay ang mga Poging kagaya ko! Lalo na't ipinanganak ako para maging pogi!"

Axel: (Hay...Heto na naman tayo.)

Isaac: (Sigurado ako, magyayabang na naman iyan.)

Ruby: (Daniel, hindi ka matibay. Makapal lang talaga ang mukha mo.)

Daniel: "Anyway, what's the long face? Ba't ang hahaba ng mga mukha ninyo?"

Nina: "Daniel, hindi ka na nakakatuwa at ang pangit mong magbiro."

Daniel: "Guys! Seryoso. Ano bang nangyari?"

Allen: "Pareng Daniel, nalunod lang naman si Kit kanina sa Pool dahil aksidente siyang natamaan sa ulo ni Althea ng kanyang Super Spike."

Allan: "Oo nga!"

Daniel: "Natamaan si Kit? Tapos nahulog din siya sa Pool?"

Allan: "Oo nga! Nakakaintindi ka ba?"

Daniel: "Oo! Nakakaintindi ako! Ngayon, kamusta na siya?"

Claire: "Kasalukuyan siyang sinasamahan ni Lola Delia sa Clinic at hindi namin alam kung anung oras sila babalik."

Emily: (Sana man lang, okay lang si Kit. Kung hindi, baka hindi na talaga maging masaya ang Outing na ito.)

Sandaling nanahimik ang mga magkakaibigan dahil nag-aalala sila sa kung anu ang magiging kalagayan ni Kit.

Pero ilang sandali pa, nagulat ang mga ito ng makita nilang magkasamang naglalakad ang maglola palapit sa kanilang kinatatayuan.

Lola Delia: "Oy! Mga Iho't iha! Okay na ang Apo ko sabi nung Doktor sa Clinic."

Axel: "Te-Teka?! A-Anong?!"

Isaac: "Anong uri ng kababalaghan ang nakikita ko?!"

Ruby: "How did naka-recover siya ng ganung kabilis?!"

Nang makalapit ang maglola, agad inusisa ng mga magkakaibigan mula ulo hanggang paa si Kit dahil sa kakaibang pagkaka-recover nito mula sa kanyang pagkakalunod.

Emily: "Kit! Okay ka na ba? Anong ginawa nila sayo?! Ba't ang bilis mong naka-recover?!"

Kit: "Pinasuka ako ng pinasuka sa lababo."

Allan & Allen: "Eeeeeewwww!"

Isaac: "Walang na talaga akong ganang kumain ng hapunan mamaya."

Nina: "Bakit, Isaac? Ano bang nangyari kanina?"

Claire: "Isaac, gusto ko din malaman."

Isaac: "Huwag niyo nang alamin."

Emily: "Guys! Huwag niyo na ngang ipaalala! Parang gusto ko tuloy masuka!"

Daniel: "Ano ba kasing nangyari?"

Althea: "Daniel! Huwag mo na ngang alamin!

Axel: "Anyway, ngayong okay na si Kit, ipagpatuloy na natin ang laro natin kanina!"

Matapos marinig ng ilang mga lalaki ang sinabi ni Axel, napagkasunduan nila na huwag nang ipagpatuloy ang kanilang naudlot na laro.

Hindi dahil sa baka may maaksidente na naman sa kanilang panig, kundi dahil sa takot matamaan ng malahalimaw na Spike ni Althea ang mga ito.

Allan: "Sorry, pare. Pero hindi na kami sang-ayon sa sinabi mo."

Axel: "Bakit naman hindi?!"

Isaac: "Simple lang, ayaw na naming maglaro. Kaya naman naisip na lang namin...."

Naguguluhan si Axel sa kung ano ang binabalak ng kanyang mga kasama.

Hanggang sa bigla siyang binuhat ng mga ito at itinapon sa Pool. Naiinis namang nagpalutang sa tubig si Axel.

Axel: "Ba't niyo ginawa iyon?! Paano kung nalunod ako?!"

Daniel: "Hindi kami naniniwala sayo, Axel. Alam naming marunong kang lumangoy!"

Isaac: "At dahil alam naming marunong lumangoy ang iba sa mga kasama natin, ang bago nating laro ay "itapon sa tubig ang kasama challenge!"."

Walang anumang pasabi, agad binuhat nina Isaac at Daniel si Nina tsaka nila ito ihinagis sa tubig.

Sunod naman nilang dinampot si Althea at Ruby, at kanila ding hinagis. Tsaka nila sinipa ang kambal sa Pool.

Allan: "Hoy!! Ba't niyo naman kami sinipa?! Gawin niyo ba talaga kaming mga Torture Monkey?!"

Allen: "Oo nga!"

Daniel: "Oy! Hindi ah! Tsaka alam naming sisipain niyo rin kami ni Isaac kapag napalapit kami sa gilid ng Pool."

Isaac: "Kaya inunahan lang namin kayo."

Allan: "Ang babaw ng dahilan niyo! Makakarma din kayo!"

Allen: "Oo nga!"

Nabigla naman sina Isaac at Daniel ng bigla na lang may sumipa ng malakas sa kanilang likod at nahulog ang mga ito sa tubig, sabay lundag din sa tubig ng taong sumipa sa kanila.

Lola Delia: "Hahaha! Akala niyo apo ko ang sumipa sa inyo? Nagkakamali na naman kayo! Hahaha!"

Daniel: "Si Lola Delia pala ang sumipa sa atin."

Isaac: "Akala ko nga si Kit. Pero ang sakit din manipa ni Lola."

Claire: "Napansin ko lang, saan na naman nagpunta si Kit?"

Lola Delia: "Eh nagtago siguro. Dahil ayaw niyang malunod ulit."

Nina: "Kung sabagay, hindi natin siya masisisi kung ayaw niyang maligo na kasama natin dito sa Pool."

Althea: "Pero, saan naman nagpunta si Emily? Di ba kasama lang natin siya dito?"

Axel: "Bumalik sa Girls Shower room. Sumuka ulit. Ipinaalala niyo pa kasi yung-"

Lola Delia: "Hanggang diyan na lang ang mga sasabihin mo, Iho. At baka hindi na ako makakain mamaya ng hapunan. Tsaka enjoyin na lang natin ang paliligo dahil pupunta pa ako sa Massage Area para magpamasahe."

Allen: "Tsaka ilang oras na lang, magdadapit-hapon na rin po."

Allan: "Oo nga!"

Dahil ilang oras na lang ang nalalabi bago magdapit-hapon, nag-enjoy na lang sila Lola Delia at ang mga kaibigan ni Emily na maligo sa Pool.

Habang naliligo sa Pool ang kanilang mga kasama, kalalabas lang mula sa Girls Shower area si Emily ng makita nito si Kit sa harap ng Males Shower room at tahimik na pinapanood ang kanilang mga nagsasayang kasama sa Pool.

Emily: "Kit? Anong ginagawa mo dito?"

Kit: "Hinihintay kong matapos sa paliligo sa Pool yung mga kasama natin."

Emily: "Ba't hindi ka na lang sumabay sa kanila? Tsaka babalik pa naman ako sa Pool para maligo."

Kit: "Ayokong maligo sa Pool."

Emily: "Bakit naman? Dahil ba sa nangyari kanina?"

Kit: "Hindi sa ganun."

Emily: "Galit ka ba kay Alt?"

Kit: "Hindi. Hindi yun dahil sa bola. Walang kinalaman yung nangyari kanina."

Emily: "Eh di ano ang dahilan kung bakit ayaw mong maligo sa Pool?"

Sandaling hindi kumibo si Kit, matapos magtanong ni Emily.

Sa pagkakataong ito, kita sa kanyang mukha na may bagay siyang gustong sabihin ngunit nahihiya siyang ipagsabi kay Emily.

Emily: "Kit, kung anuman ang bagay na ikinahihiya mong sabihin, makikinig ako."

Patuloy na hindi kumibo si Kit, ngunit nakikita naman niyang desididong makinig si Emily sa bagay na kanyang ikinahihiya.

Kaya lakas loob na lang na sinabi ni Kit ang kanyang dahilan kung bakit ayaw nitong maligo sa Pool.

Kit: "Hindi ako marunong lumangoy."

Emily: "Nagbibiro ka lang, hindi ba?"

Kit: "Seryoso ako."

Lalo lang naguluhan si Emily nang sabihin ni Kit na hindi ito marunong lumangoy hanggang sa maalala nito ang araw kung kailan sila nangisda.

Emily: "Teka? Kaya ba hindi ka sumisid sa dagat noong nag-Fishing tayo ay dahil hindi ka talaga marunong lumangoy?"

Kit: "Oo."

Emily: "Pero bakit?"

Kit: "Madali akong mapagod kapag lumalangoy. Kung minsan, inaatake din ako ng Asthma kapag sinusubukan kong lumangoy. Kaya lagi akong umiiwas sa mga parte ng tubig na malalim."

Walang maisip sabihin si Emily matapos niyang marinig kay Kit na hindi ito marunong lumangoy at pinili na lang niyang manahimik para hindi siya makapagsabi ng bagay namakakapag-insulto kay Kit.

Ngunit nagtaka naman si Kit matapos niyang mapansin ang pananahimik ni Emily.

Kit: "Hindi mo ba ako kukutyain dahil sa sinabi ko?"

Emily: "Bakit naman kita kukutyain? Kung hindi ka talaga marunong lumangoy. Ano pa bang magagawa ko."

Kit: "Sabihin mo, gusto mo ng lalaki na marunong lumangoy noh?"

Emily: "Oo. Gusto ko."

Kit: "Bakit naman?"

Emily: "Eh kasi...Uhmm...Ganito, alam ko sarili ko na marunong akong lumangoy. Pero may mga oras kasi na kapag pinulikat ang aking mga paa, may posibilidad na malunod ako. Kaya gusto ko ng lalaking marunong lumangoy at ililigtas ako sa pakalunod kapag napulikat ang aking mga binti."

Muling nanahimik si Kit at nakasimangot na naman ang kanyang mukha.

Maya't maya biglang naglakad si Kit papunta sa Pool, ngunit imbes na pumunta ito sa lokasyon ng kanilang mga kasama, pumunta ito sa parte ng Pool kung saan lagpas hanggang 7 Feet ang lalim ng tubig.

Dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, sinundan at pinigilan ni Emily si Kit.

Emily: "Kit! Anong binabalak mo?"

Kit: "Susubukan kong lumangoy."

Emily: "Susubukan mong lumangoy? Eh di ba sabi mo, madali kang mapagod?"

Kit: "Oo."

Emily: "Eh bakit susubukan mo parin? Paano kung malunod ka na naman?!"

Kit: "Kailangan ko pa rin subukan."

Emily: "Bakit nga?!"

Kit: "Basta."

Sobrang naguluhan si Emily matapos biglang magdesisyon si Kit na subukang lumangoy sa Pool at sa mga oras na ito, iniisip ni Emily kung ano kaya ang kanyang nasabi para ito'y magpumilit na lumangoy sa Pool.

Hanggang sa bigla na lang tumalon si Kit at diretso itong lumubog sa tubig.

Sa sobrang taranta, tumalon na rin si Emily at sumisid sa loob ng tubig.

Habang nasa loob, nakita niyang tinatakpan ni Kit ang kanyang bibig ng pareho nitong kamay at pilit na lumalangoy papunta sa ibabaw ng tubig.

Pero imbes na lumalangoy ito papunta sa ibabaw ng tubig ay lalo lang lumulubog si Kit at nataranta na ito nang lumabas sa kanyang bibig ang inipon niyang hangin.

Kaya lumapit si Emily para pakalmahin si Kit at iahon ito papunta sa ibabaw ng tubig.

Ngunit, sa sobrang taranta ni Kit dahil nawawalan na ito ng hangin, kung ano-anong uri ng pagkilos ang kanyang ginawa para lang makaahon sa tubig.

Pero naging sanhi pa ito para mapagod at magpakawala pa ng maraming hangin mula sa kanyang bibig.

Alam ni Emily na kapag nagpatuloy si Kit sa ginagawa niyang hindi naaayon na paglangoy ay muli na naman itong malulunod.

Kaya ang ginawa ni Emily para mapakalma at mailigtas si Kit mula sa muling pagkalunod ay lumapit siya ng husto, tsaka hinawakan ng parehong niyang kamay ang ulo ni Kit at hinalikan niya ito sa labi, sabay buga ng hangin.

Matapos itong gawin ni Emily, biglang kumalma at tumigil sa pagkilos si Kit, kaya niyakap niya ito tsaka sila lumangoy papunta sa ibabaw ng tubig.

Pagkarating sa ibabaw, agad inilayo ni Emily ang kanyang mukha mula kay Kit at dinala niya ito sa gilid ng Pool at tsaka niya ito pinagalitan.

Emily: "Kit! Ano bang tumatakbo sa utak mo?! Nagpapakamatay ka ba?!"

Kit: "<huff >...<huff >..Hi..Hindi..<huff >"

Emily: "Hindi?! Eh bakit ka tumalon sa tubig?! Kasasabi mo lang kanina na hindi ka marunong lumangoy, hindi ba?!"

Kit: "..<huff >..Oo..<huff >.."

Emily: "Kung ganun, ano bang gusto mong patunayan sa sarili mo?!"

Hanggang sa huminga ng malalim si Kit at sinabi ang tunay na dahilan kung bakit siya nagdesisiyong tumalon sa tubig.

Kit: "Nainsulto ako sa sinabi mo kanina."

Emily: "Ang alin?!"

Kit: "Yung.....gusto mo yung mga lalaking marunong lumangoy."

Emily: "Ha?! Dahil lang ba dun?" (Sandali, gusto ba ni Kit na magustuhan ko siya? Kaya ba siya tumalon sa Pool?)

Kit: "Oo."

Tila hindi sinasadya na mainsulto ni Emily si Kit dahil sa kanyang sinabi na gusto niya ang mga lalaking marunong lumangoy at naisip din niyang hindi sana malalagay ulit sa panganib ang buhay ni Kit kung hindi na lang sana siya nagsalita.

Kaya humingi ng tawad si Emily dahil sa kanyang mga nasabi.

Emily: "Kit, kung masasaktan ka pala sa sinabi ko kanina, sana hindi na lang akong nagsalita. Tuloy, muntik ka na naman malunod ng dahil sa akin. Patawarin mo sana ako."

Kit: "Okay lang. Alam ko namang hindi mo sinasadya na sabihin yung tungkol sa mga lalaking gusto mo na marunong lumangoy. Tsaka kasalanan ko naman dahil nagpadala ako sa inis kanina."

Emily: "Kit, hindi yun okay. Muntik ka nang malunod dahil sa sinabi ko."

Kit: "Gaya ng sinabi ko, okay lang at huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako nalunod. Kaya huwag mo nang isipin ang nangyari kanina."

Emily: "Si-Sige. Hindi ko na iisipin ang nangyari kanina. Tsaka isang bagay pa.."

Kit: "Ano iyon?"

Emily: "Uhmm....Ku-Kung maalala mo, habang nasa ilalim tayo ng tubig..

Kit: "Kalimutan na lang natin na nangyari yun. Tama ba?"

Emily: "O-Oo."

Kit: "Okay. Noted." (Ayaw pa rin niya sa akin.)

Emily: "Sa-Salamat, Kit." (Hay...Buti na lang, patay malisya lang si Kit sa ginawa ko sa kanya kanina.)

Maya't maya, tinawag sina Emily at Kit ng kanilang mga kasama mula sa di kalayuan at sinabihan silang umahon na sa tubig para magbanlaw.

Sumunod naman sina Kit at Emily sa kanilang mga kasama, at nagbanlaw sila sa Shower area.

Pagkatapos magbanlaw, nagtungo ang mga ito sa banyo ng mga babae at lalaki, para magpalit ng tuyong damit at pagkatapos makapagpalit, bumalik sa Cottage ang mga magkakaibigan para iligpit ang kanilang mga gamit, tsaka sila naglakad pabalik sa Vacation house nila Kit.

Sandaling nagpaiwan si Lola Delia sa Resort para magpamasahe at sinabihan sila Emily na magluto ng hapunan pagkabalik ng mga ito sa kanilang tinutuluyan.

Kaya pagdating ng mga magkakaibigan sa Vacation house, agad inilabas ni Kit mula sa Refregirator ang mga lulutuing patatas, carrots at isang kilong karne ng baboy para gawing Mechado, tsaka sila nagsaing ng bigas.

Habang nagluluto, nakabalik na rin mula sa Resort si Lola Delia at tumulong na rin ito sa kanyang mga kasama.

Pagkatapos nilang makapagluto ng hapunan, agad nilang pinagsaluhan ang kanilang niluto.

Sakto namang kumagat ang dilim nang maghapunan ang mga magkakaibigan, kasama si Lola Delia.

At habang sila ay naghahapunan, hindi din nila inasahan ang biglang pagkawala ng ilaw at kuryente.