webnovel

Chapter 17-Ghost Story

Kinagabihan sa Tanod's Camp, masayang nagsalo ng hapunan ang mga grade 10 students, kasama ang kanilang guro sa kani-kanilang mga Camphouse.

Pagkatapos kumain ang lahat, tsaka sila naghugas at nagligpit ng kanilang mga kinainang plato at baso tsaka nila ibinalik sa loob ng kabinet. Matapos magligpit, pumunta ang mga 10-A students sa mga kani-kanilang kuwarto upang magpahinga at makabawi ng lakas para sa susunod nilang mga gagawin bukas.

Habang mahimbing na natutulog ang karamihan sa mga Grade 10 students, hindi makatulog si Emily sa kanyang kama kung kaya't bumangon ito tsaka siya pumunta sa sala. Nang mapansin ng mga kaibigan ni Emily na wala ito sa kanyang higaan, bumaba rin sila upang hanapin ito.

Naalinpungatan naman ang Kambal nang marinig nila ang mga yabag ng mga paa mula sa kuwarto ng mga babae at naisip nilang, pagkakataon na rin nila ito upang isagawa ang kanilang masamang plano. Kung kaya't maingat na lumabas mula sa kwarto ng mga lalaki ang mga ito at nagtago sa likod ng kadiliman.

Sina Ruby at Ivy naman ay nagising mula sa pagkakatulog, matapos silang makarinig ng mga tunog na siya namang dahilan upang bumangon ang dalawa mula sa kanilang pagkakahiga at hanapin ang sanhi ng tunog na kanilang narinig.

Pagdating nila sa sala, laking gulat ni Emily ng makita niya ring lumabas mula sa kanilang kwarto ang kanyang mga kaibigan, kung kaya't tinanong niya ang mga eto.

Emily: "Guys...Anong ginagawa niyo dito?"

Nina: "Sinundan ka namin, Emily. Kasi napansin namin na wala ka sa kama mo."

Emily: "Ah ganun ba? Kasi hindi ako makatulog, kaya nagpapalipas muna ako ng oras dito."

Claire: "Okay ka lang ba, Emily?"

Emily: "Oo naman. Tsaka anong ginagawa nina Ruby at Ivy din dito?"

Althea: "Ewan ko. Wala din akong ideya kung bakit sumama yan dalawa dito?"

Ruby: "Its because I heard some sounds na galing dito. Kaya hinanap namin ni Ivy."

Ivy: "Oo nga. Tsaka yung ginawa niyong ingay ang dahilan kung bakit kami nagising?"

Althea: "Ingay? Anong ingay?"

Ruby: "Ingay ng mga paa niyo!! What else do you think?!"

Habang nag-uusap ang mga babae sa sala, nagising sina Isaac at Axel upang pumunta sa CR at sandaling sumingit ang dalawa sa kanilang usapan.

Isaac: "Oh Girls!! Anong ginagawa niyo dito?"

Axel: "Magsi-CR din ba kayo?"

Emily: "Hindi, Axel. Nandito lang kami kasi hindi kami makatulog."

Axel: "Ah ganun ba? Sige CR lang kami saglit."

At sandaling pumunta sa CR ang dalawa. Napaisip naman ng kakaiba si Althea matapos makitang sabay pumasok sa CR ang dalawang lalaki.

Althea: (Kakaiba naman ata na nagkataong pareho sina Isaac at Axel na gumamit ng CR. Total, parehas naman silang lalaki kaya okay lang. Wala namang malisya.)

Matapos gumamit ng banyo, lumabas ang dalawa at tinanong ang mga babae na nakaupo sa sala.

Isaac: "Oh Girls? Andito pa kayo?"

Axel: "Talaga bang hindi kayo makatulog?"

Althea: "Oo, bakit? Kayo din ba? Hindi rin kayo makatulog?"

Isaac: "Oo. Tsaka hindi talaga ako sanay matulog sa ibang bahay. Kaya sasamahan na lang namin kayo. Total, nandito na rin lang kayo, hayaan niyong samahan na muna namin kayo hanggang sa antukin kayo."

Axel: "Tsaka hayaan niyong kami ang magbantay sa inyo para di kayo mapahamak."

Natuwa naman si Emily matapos marinig ang mga sinabi ni Axel.

Emily: "Ah ganun ba, Axel? Maraming salamat kung babantayan mo kami hanggang sa antukin kami ng mga kaibigan ko."

Axel: "Walang anuman, Emily. Basta ikaw."

Emily: "Oo. Salamat ulit.

Nina: "Guys.....Ngayong andito na rin sina Isaac at Axel, anong gagawin natin?"

Ruby: "What if maglaro na lang tayo? Total we can't sleep naman eh?"

Althea: "Kung maglalaro naman tayo, anong lalaruin natin?"

Emily: "Ah! Alam ko na!"

Claire: "Anong naisip mo, Emily?"

Emily: "Maglaro na lang tayo ng Spin-the-bottle!"

Isaac: " Puwede naman yun, Emily. Kaso boring laruin ang Spin-the-bottle."

Althea: "Bakit Isaac? May naiisip ka bang magandang laruin?"

Isaac: "Ang gusto ko kasi ay magkwentuhan na lang tayo ng nakakatakot. Para mas exciting!"

Ruby: "Mukhang much better ang magkwentuhan ng "Ghost Stories" kaysa sa unang sinuggest ni Emily."

Ivy: "Ako din sang-ayon ako sa suggestion mo, Isaac."

Nina: "Ghost stories? Gusto ko yan! Kasi mukhang maraming ako maikukuwento sa inyo!"

Althea: "Talaga Nina? Maraming kang maikukuwento sa amin?"

Nina: "Oo naman, Alt. Pero sino ang mauunang magkukuwento dito?"

Isaac: "Ako na lang, Nina. Total, ako naman ang nag-suggest nito."

Nina: "Sige Isaac. Galingan mo sa pagkukuwento, ha?"

Axel: "Ang sa akin lang, makikinig na lang ako. Wala naman kasi akong alam sa mga ganyan."

Althea: "Ah! Teka! May naisip pa akong magandang ideya!"

Claire: "Ano naman yun, Alt.?"

Mula sa kinauupuan ni Althea, naglakad ito papunta sa dingding at pinatay ang ilaw. Tsaka siya bumalik sa kanyang upuan. Nagbukas naman ng ilaw ng kanyang flashlight si Ruby.

Althea: "Oh yan! Di ba mas exciting?! Mas kikilabutan tayo sa kwento ni Isaac kapag madilim ang paligid."

Ruby: "Yeah.....right. Ang problema sobrang dilim ng paligid dahil sa ginawa mo, Althea."

Nina: "Bakit Ruby? Takot ka ba sa dilim? Kaya ba, ayaw mong patayin yung ilaw ng iyong Flashlight?"

Ruby: "I-I'm not scared of dark! It's just that...., its so madilim."

Ivy: "Ruby, patayin mo na nga yung ilaw mo nang makapagsimula na si Isaac sa kanyang kwento. Tsaka excited na ako sa mga mangyayari mamaya."

Emily: "Anong ibig mong sabihin diyan, Ivy?"

Ruby: "Let's start na nga! Nang matapos na!"

Umupo ang lahat ng nakapaikot sa sala ang mga tagapakinig ni Isaac at sinimulan nya ang kanyang kwento. Taimtin namang nakikinig ang kanyang mga kasama sa kanyang kwento.

Isaac: "Guys....Alam niyo ba? May multo daw dito sa Tanod's Camp?"

Althea: "Ha?! Totoo ba yan?"

Emily: "Sino naman ang multo na yan, Isaac?"

Isaac: "Ang sabi sa napagtanungan ko kanina, may white lady daw na pagala-gala dito. At ang sabi pa nila, nagpaparamdam ang multong ito tuwing gabi."

Althea: "Weh? Di nga?"

Nina: "Althea, totoo daw ang sabi nung Caretaker na napagtanungan ni Isaac kanina. Mayroon daw talagang white lady na pagala-gala dito."

Ruby: "So, if the white lady is real? Then how in the world siya magpaparamdam?"

Isaac: " Ayon sa narinig ko, bubukas daw ng mag-isa ang pinto kapag nasa malapit ang White lady. "

Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang bumukas ang pinto ng kusina kung saan wala naman ni isang tao ang dumaan sa kanilang harapan. Matapos nilang masaksihan ang isa sa sinasabing pagpaparamdam sa kwento ni Isaac, nagsimula nang kilabutan ang kanyang mga tagapakinig.

Axel: "T-Teka?! Nakita niyo ba yun?!"

Emily: "Oo, Axel! Nakita ng dalawang mata ko."

Nina: "Isaac, inutusan mo ba si Daniel o kaya si Edward na buksan ang pinto?"

Isaac: "Hindi! Tulog lahat ng Boys sa kuwarto namin! Kaya imposibleng sila ang magbubukas niyan!"

Althea: "Para makasiguro, sisilipin ko kung kumpleto ang lahat ng Boys sa kwarto ninyo. Ruby pahiram ng Flashlight mo."

Ruby: "What?! Why would I....."

Ivy: "Ibigay mo na nga kay Amazona yan! Nang makita natin kung pinaglalaruan tayo ni Isaac at ng mga kasabwat niya!"

Ibinigay naman ni Ruby ang kanyang flashlight at agad pumunta sa kuwarto ng mga lalaki si Althea upang silipin kung kumpleto ang mga ito.

Pagbukas niya sa pinto, inilawan ni Althea mga tulog na lalaki sa kanilang kwarto at napansin naman niyang kumpleto ang mga ito sa kanilang higaan. Kung kaya't bumalik si Althea sa sala.

Ngunit, lingid sa kaalaman ni Althea, tatlo sa higaan na kanyang nakita ay naglalaman lamang ng isang hotdog pilow na nababalutan lamang ng kumot. Kung kaya't, isa sa tatlong lalaking ito ang gumagawa ng kababalaghan sa kwento ni Isaac.

Althea: "Guys....Totoo nga ang sinasabi ni Isaac. Kumpleto ang mga Boys sa loob ng kanilang kuwarto."

Isaac: "Oh? Sabi ko naman sa inyo. Nagsasabi ako ng totoo."

Nina: "So sinasabi mo na posibleng totoo ang kwento ng White lady sa Tanod's Camp?"

Isaac: "Hindi ah. Kwento lang yan nung Caretaker ng Camp. Kaya posible din na hindi totoo."

Emily: "Guys...Nagkataon lang siguro yung pagbukas ng pinto kanina. Kaya kung okay lang, hayaan na natin si Isaac na ipagpatuloy yung kanyang kwento."

Muling ipinagpatuloy ni Isaac ang kanyang kwento matapos mahimasmasan ang lahat ng kanyang mga kasama sa nangyaring mag-isang pagbukas ng pinto.

Isaac: "Ayon daw kay Manong Caretaker, ang White Lady ay isang magandang babae na nakatira noon dito sa Camp bago pa ito ginawang Tanod's Camp. Pero ang sabi pa sa kwento, pinatay ang magandang babae at itinapon ang kanyang bangkay sa kalsada."

Emily: "Kung ga-ganun, bakit nandito siya at nagpaparamdam sa atin ngayon?"

Isaac: "Kasi Emily, ayaw umalis ng White lady at gusto niyang maghanap ng hustisya. Kung kaya't nagpaparamdam pa rin siya."

Makalipas ang ilang minuto, bigla na namang nagsara ang pinto ng kusina at namatay ang flashlight na hawak ni Ruby. Kung kaya't biglang niyakap ni Emily si Axel, habang ang ilan sa kanilang mga kaibigan ay natatakot sa pagpaparamdam ng White lady.

Althea: "Pambihira! Bakit namatay ang flashlight mo, Ruby?!"

Ruby: "I don't know!! Kaya huwag mo akong tanungin!"

Axel: "Guys! Wala ba kayong extra battery? Medyo kinikilabutan na rin kasi ako."

Claire: "Sorry, Axel. Wala kaming dala."

Ivy: "So, anong gagawin natin ngayon? Wala tayong pang-ilaw sa paligid."

Habang nakaupo sa sala, may naramdamang kung anong bagay na humawak sa binti ni Claire at sakto namang biglang gumana ang hawak na Flashlight ni Ruby at laking gulat ng lahat nang mailawan ang mga ito.

Claire: "EEEEEEKKKK!"

Ruby: "OMG!!! Are those hands?!"

Althea: "Guys! Hilain niyo si Claire!"

Agad hinila ng mga kaibigan nito si Claire. Tatadyakan na sana ni Althea ang mga kamay na kanyang nakita nang bigla itong nawala matapos pumailalim ang mga ito sa ilalim ng sofa.

Ruby: "OMG Guys! Ayoko na! Those hands are creepy! What if nahila nila si Claire?! Saan siya dadalhin ng mga iyon?!!"

Axel: "Guys! Alam kong natakot ang lahat sa ating nakita. Pero kalma lang kayo."

Althea: "Anong kalma ka diyan?! Hindi mo ba nakita?! Kukunin si Claire nung White lady na ikinikwento ni Isaac!! Paano kung totoo yung White lady?!"

Claire: "G-Guys.... May napansin lang ako."

Nina: "Isaac!! Saan mo ba napulot yan kwento na iyan?! Mukhang totoo ang kwento mo!"

Isaac: "Eh hindi ko naman akalain na magkakatotoo yung kwento sa akin nung Caretaker!"

Habang natataranta ang karamihan sa mga magkakaibigan, nagpatuloy pa rin sa pagpaparamdam ang multo. Nang biglang may malakas na lagabog ng kabinet mula sa kusina, kung saan natigilan ang lahat sa kanilang narinig. Ilang sandali pa, isang mabigat na yapak na papunta sa pinto ng kusina ang naririnig ng mga magkakaibigan, hanggang sa biglang nagbukas ng malakas ang pinto at isang imaheng maputi ang kanilang nakita.

Maputing Imahe: "....Guys..... Tulong....."

Nagsigawan ang lahat nang makita ang sinasabing White lady.

Lahat (screaming): "AAAAAAAAHHHHHHHH!"

Axel: "AAAAHHHHHH!"

Isaac: "AAAHHH!"

Althea: "TAKBOOOO!"

Emily & Nina: "EEEEEEEEKKKK!"

Claire: "WHITE LADYYYYYY!"

Hindi pa rin bumibitaw si Emily sa pagkakayakap kay Axel, habang si Ruby naman ay takot na takot sa kanyang nakita. Nang bahagyang lumapit ang Puting nilalang, nagkalat at kumaripas ng takbo na parang mga langgam ang mga babae kasama sina Isaac at Axel tsaka nagtago sa iba't ibang sulok ng sala ang mga ito.

Sa sobrang takot, nagtago sina Emily at Claire sa loob ng malaking kahoy na kabinet sa Sala. Sina Althea at Nina naman, nagtago sa loob ng kuwarto ng mga babae. Nagtago naman sa likod ng sofa si Ruby kasama sina Ivy at Isaac. Samantalang, nagtago naman sa likod ng kurtina si Axel. Habang nagtatago, sinilip nila Ruby, Ivy at Isaac ang sinasabing multo at nagulat ang mga ito nang makitang papalapit ito sa kanila. Kung kaya't nang mapadaan ito sa kurtina kung saan nagtatago si Axel, dahan-dahang inabot ni Axel ang isang bakal na Krus na nakasabit sa kabinet ng Sala at kung saan, nagtatago sa loob nito sila Emily at Claire.

Pagka-abot ni Axel, saktong nagsigawan sina Ruby at Ivy nang makalapit ang sinasabing multo sa likod ng sofa. Kaya kinuha ni Axel ang atensyon nito.

Ruby: "AAAAHHHH!"

Ivy: "Lumayo ka sa amin!"

Maputing Imahe: "....Patulooooong...."

Axel: "Oy! White Lady!! Nandito ako!"

Paglingon ng maputing imahe kay Axel, agad ibinato ni Axel ang bakal na Krus diretso sa mukha ng maputing imahe. Ngunit inaasahan ni Axel na tatagos lamang ito, hanggang sa nagulat na lamang siya nang tumama sa mukha ng maputing nilalang ang naturang Krus.

Maputing Imahe: "AAAAARAAAAAY!"

Isaac: "A-Ano?! Aray daw?!"

Ruby: "Wait.....WHAT?!!"

Ivy: "Teka?! Nasasaktan ang multo ng Krus na bakal?!"

Axel: "Hindi! Imposible yun! Dapat tumatagos sa multo ang kahit na anung bagay na tatama dito?!"

Isaac: "Kung ganun, kung tumama ang bakal na Krus sa nilalang na ito? Ibig sabihin....."

Maputing Imahe (angry): "IBIG SABIHIN, HINDI AKO MULTO! MGA SIRA! AKO ETO SI ALLEN!"

Tila nakahinga ng maluwag ang lahat nang marinig nilang si Allen ang imahe na kanilang nakita. Ngunit nagalit naman ang mga ito dahil sa pananakot na ginawa ni Allen sa mga magkakaibigan. Nang marinig nina Althea at Nina na si Allen ang Puting imahe, agad lumabas ang dalawa mula sa kuwarto ng mga babae na kanilang pinagtataguan at agad binugbog si Allen. Matapos mabugbog, agad tinanong ng lahat si Allen kung bakit ganun na lang ang naging itsura nito.

Nina: "Allen, ano bang ginawa mo at ganyan ang itsura mo?! Mukha kang multo!"

Althea: "Oo nga, Allen! Tsaka, dahil diyan sa itsura mo, tinakot mo kaming lahat!"

Ivy: "Nakakabilib na nagawa mo kaming mapagtago lahat dahil sa inakala naming isa kang tunay na White Lady. Pero ano bang nangyari at nagkaganyan ka?!"

Ruby: "Yes! She's right! We need an explanation now! Why you are so puno ng harina sa iyong buong katawan?! Kaya magsalita ka!"

Axel: "Girls... Easy lang kayo. Hayaan niyo siyang magsalita. Para malaman natin ang tunay na dahilan sa mga nangyari. Di ba, Allen?"

Allen: "Oo, pare. So, ganito kasi ang nangyari. Habang nagkakasiyahan kayo diyan sa sala kanina, naisip namin ni Utol na sabayan ang kinekwentong Horror Story ni Isaac kanina. Nang sa ganun, magawa naming silipan si Claire habang siya ay takot."

Althea: "Ibig sabihin, kagagawan niyo na ito ng Utol mo magmula pa kanina?!"

Nina: "At para silipan si Claire?!bTalagang napakadesperado talaga kayo sa kanya!"

Ivy: "So ibig sabihin, kayo yung mga kamay na nakita namin kanina?!"

Allen: Oo. Kaya nga lang, pumalpak ang plano naming silipan siya kanina. Kaya nag-Plan B kami."

Ruby: "And what is that Plan B na tinutukoy niyo?!"

Allen: "Yung Plan B namin? Siyempre! Magpanggap na White lady at takutin kayong lahat. Ang kaso, bumagsak yung malaking kabinet ng Harina sa Kusina habang hinihila namin yung bukasan ng kabinet. Kaya natapon sa amin yung balde-baldeng Harina na laman ng Kabinet kasama na rin yung mismong Kabinet."

Allan: "At yan ang nakakainis sayo, Tol! Iniwan mo lang akong walang malay sa sahig!"

Napalingon ang lahat matapos marinig at makita ang galit na si Allan mula sa pinto ng kusina at galit ito lumapit kay Allen. Gaya ni Allen, punong-puno din ng Harina sa buong katawan ang kapatid ni Allen.

Allen: "Tol! Patawarin mo na ako! Nagawa ko lang yun kasi naghanap ako ng tulong sa mga kaklase natin."

Allan: "Naghanap ng tulong?! Eh mukhang inabandona mo pa nga ako sa kinahihigaan ko!"

Althea: "Kayong dalawa! Tumigil kayo kung ayaw niyong bugbugin ko kayo pareho!"

Nina: "Oo nga! Tsaka sobra na din ang perwisyong ginawa niyo sa aming lahat!"

Ruby: "Yeah! Right!"

Axel: "Tsaka, dahil sa pananakot niyo, hanggang ngayon, hindi pa rin lumalabas sina Emily at Claire sa pinagtataguan nila! Kaya tulungan niyo kami sa paghahanap sa kanila!"

Isaac: "Huh? Hindi pa rin lumalabas sina Emily at Claire?"

Axel: "Oo pare. At nag-aalala na ako kung na paano na yung dalawang yun."

Ivy: "Hmmm.....Sa pagkaka-alala ko, parang nagtago ata yung dalawang yun sa....."

Nang sasabihin na sana ni Ivy kung saan nagtago sina Emily at Claire, bilang nakarinig ng malakas na tili mula sa loob ng Kabinet sa sala ang mga magkakaklase.

Emily: "AAAAAAAAHHHH!"

Claire: "EEEEEEEKKK!"

Emily: "EEEEEEEEEKKK! Palabasin niyo kami!"

Claire: "Please! White Lady! Huwag kang magpakita sa amin!"

Axel: "Emily?! Claire?! Ba't kayo nandyan sa loob ng Kabinet?!"

Emily: "Axel! Tulungan mo kami! Ilayo mo kami sa White Lady!"

Claire: "Kasama namin siya dito!! Please buksan niyo ang pinto!!"

Althea: "Guys! Buksan natin ang Kabinet! Ilabas natin sila sa loob!"

Sa sobrang takot at taranta nina Emily at Claire dahil sa kasama nila mismo sa loob ng Kabinet ang sinasabing multo, agad binuksan nila Axel, Althea at Isaac ang Kabinet sa sala at agad lumundag palabas ng Kabinet sila Emily at Claire. Napayakap ng husto si Emily kay Axel matapos siyang makalabas. Agad naman napayakap si Claire sa kaibigan niyang sina Althea at Nina.

Ngunit matapos lumabas ang dalawa mula sa Kabinet, kasabay din nilang lumabas ang isang nilalang na maputi at balot ng puting Facial Mask ang mukha, nababalutan ng puting kumot ang katawan at nakasimangot na nakatitig sa mga taong kanyang nakikita.

Ruby: "OMG! That's the real White Lady!"

Allan & Allen: "Ano?!! WHITE LADY?!!"

Althea: "Guys! Tumakbo na tayo!"

Isaac: "Nina! I'm so sorry! Hindi ko naman akalain na magkakatotoo ang kwento sa akin ng Caretaker! Wala  akong intensyon na takutin ka pero..... Mukhang totoo itong nakikita natin!!"

Nina: "Okay lang, Isaac. Basta anumang mangyari dito lang ako sa tabi mo."

Labis na takot ang naramdaman ng mga magkakaklase at natatakot din sila sa kung anu ang susunod na gagawin ng sinasabing multo. Hanggang sa kumilos ito at lumapit sa dingding at binuksan ang ilaw. Pagbukas ng ilaw, nagulat ang lahat ng makita nila nang aktwal kung sino ang taong naka-kumot.

Axel: "Teka?! Sandali?! Parang pamilyar ang pagmumukhang yan?!"

Allan: "Pambihira! Kit! Ikaw ba yan?! Bakit ganyan ang itsura mo?!"

Emily: "ANO?! Si Kit?!"

Gaya ng una, nahimasmasan ang lahat ng malaman nilang si Kit ang nilalang na may puting Facial Mask at nababalutan ng kumot ang katawan. Ngunit nagalit din ang lahat dahil sa ginawa nitong pananakot sa kanila na hindi naman niya sinasadya.

Axel: "Kit! Ano bang naisip mo at ganyan ang itsura mo?!! Kasabwat ka ba nitong Kambal?!"

Umiling si Kit sabay turo ng kanyang mukha na balot ng Facial mask.

Kit: ".....Facial Mask..."

Althea: "Okay. Para saan naman ang Facial mask?! Itensyon mo bang ilagay yan para takutin kami?!"

Umiling lang si Kit at sinasabing hindi nya intensyon na manakot ng tao.

Isaac: "Kung wala kang intensyon na manakot ng tao, bakit ka nasa loob ng Kabinet?!"

Sa pagkakataong ito, hindi sumagot si Kit. Nairita naman si Althea sa naging reaksyong ni Kit, kung kaya't itinanong niya muli ang tanong ni Isaac.

Althea: "Oy! Kit! Tinatanong ka ni Isaac! Bakit ka nasa loob ng Kabinet? At anong ginagawa mo dun?!"

Kit: "....Gusto ko sa Kabinet..."

Althea: "Sinasabi mo bang, nandun ka sa loob ng Kabinet dahil sa gusto mo lang sa loob ng Kabinet?!"

Sumagot ng pagtango si Kit matapos magtanong ni Althea at matapos tumango bilang pagsang-ayon sa tanong ni Althea, naglakad pabalik sa loob ng Kabinet si Kit tsaka ito nagkulong. Napakamot at napangiwe na lang ang ilan sa mga magkakaklase dahil sa kaweirduhang pagkulong nito sa loob ng Kabinet.

Nina: "Grabe.....Kahit kailan talaga. Ang weird talaga ng lalaking yun."

Isaac: "Hay...Oo nga. Sinabi mo pa."

Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang lumabas ang kanilang guro mula sa kuwarto ng mga lalaki upang magbanyo nang madatnan nya ang kanyang gising na mga estudyante at nakita ang napakagulong paligid ng Sala. Kung kaya't nagalit ito sa kanyang mga estudyante.

Sir Joey: "Teka-! Anong-?! Bakit gising pa kayo?! At bakit napakagulo ng Sala ha?!"

Nina: ".....Sir....Kasi po nagtakbuhan po kami kanina."

Sir Joey (irritated): "Tsaka bakit nagkalat ang Harina sa buong paligid?! At BAKIT NALILIGO SA HARINA ITONG KAMBAL?!"

Emily: "Ehhh.....Sir kasi po...Nakakita po kami ng White Lady kanina at inakala naming White lady yung si Allen."

Sir Joey (angry): "White Lady?! ANONG WHITE LADY?! Walang White lady dito! Napakababaw ng inyong mga rason!"

Axel: "Sir, patawarin niyo po sana kami sa magulong Sala. Di bale po, lilinisan po nami—"

Sir Joey: "Linisin niyo na ang Salang ito, NGAYON NA MISMO! Kung ayaw niyong pauwiin ko kayo agad sa inyong mga bahay ng dis oras ng gabi!!!"

Sa sobrang galit ng kanilang guro, agad nilinisan ng mga magkakaklase ang lahat ng kalat sa buong Sala ng kanilang Camphouse kasama na ang Kusina kung saan natapon ang gabundok na Harinang tumapon sa Kambal.

Matapos maglinis, agad naligo ang Kambal at bumalik sa kanilang mga kuwarto ang mga magkakaklase alin sunod na rin sa utos ng kanilang guro. Ngunit matapos ang pangyayaring pagtatakutan ng mga ito, agad nakatulog ang mga babae pati na rin sila Isaac at Axel dahil sa sobrang pagod.

Habang natutulog ang karamihan, biglang lumabas ang lalaking nasa loob ng Kabinet (Kit) at lumabas ng Camphouse dala ang isang kandila. Pagdating sa labas, pumunta ito sa isang malapit na puno ng Acacia tsaka niya sinindihan ang kandila at taimtim na nagbigay ng konting padasal. Matapos ang kanyang ginawa, agad din itong umalis at iniwan ang kandila.

Pero bago pa man pumasok ang lalaki sa Camphouse, sandali itong lumingon at ngumiti, sabay tango sa direksyon ng Acacia. Matapos nitong tumango, tumuloy ang lalaki sa loob ng Camphouse upang makapagpahinga at natulog ng mahimbing sa loob ng Kabinet. Nang sa ganun ay makapaghanda siya sa mga gagawing Activities para bukas.