webnovel

Chapter 11- Third Attempt (BF)

Pagkagaling mula sa Canteen, sabay na nagpunta pabalik sa Soccer Field sina Emily at Edward.

Kung saan, gusto din malaman ni Edward kung sino ang Team na nanalo sa Soccer.

Pero pagdating nang dalawa sa Soccer Field, sakto namang tapos na din ang laro at napansin nila ang pananahimik ng ilan sa mga nagsisi-alisang mga manonood mula sa kanilang mga upuan.

Kung kaya't pumunta ang dalawa sa Bench Area ng Team nina Daniel at Axel kung saan nadatnan nila ang mga kaibigan ni Emily at mula doon, kinausap ni Emily ang kanyang mga kaibigan.

Edward: "Kamusta ang team player natin pala sa Soccer? Nanalo ba sila o hindi?"

Lahat (sad): "....."

Emily: "Ahhh....Guys? Bakit ang lungkot ninyong lahat? Anong nangyari sa laro kanina?"

Edward: "Oo nga. Puwede niyo bang sabihin sa amin ni Emily kung ano ang nangyari kanina?"

Althea: "Actually, natalo ang mga pambato natin sa Soccer kanina."

Emily (shocked): "Ano?! Natalo ang Team nina Daniel at Axel?! Pero bakit?"

Althea: "Paano ba naman kasi. Ehh....Nakipag-away na naman etong si Daniel sa kalaban niya ulit! Kaya tinanggal siya ng Referee."

Daniel: "Oi....Huwag niyo naman ako sisihin sa mga nangyari kanina! Hindi naman namin ginusto ang pagkatalo namin, di ba Axel?"

Axel: "Oo nga naman, Althea. Kaya huwag mo kami sisihin sa nangyari."

Althea (irrirated): "Anong hindi sisisihin ka diyan?! Daniel, kung hindi ka na lang sana nakipagaway sa kalaban mo kanina. Eh di sana kayo ng Team mo ang nanalo!"

Daniel (feeling hurt): "Grabe ka naman, Althea. Parang ako pa yung may kasalanan sa nangyari kanina! Tsaka ibinigay din namin ang best para maipanalo yung Team! Kaso hindi lang kami siniswerte!"

Althea: "Daniel, hindi talaga kayo sweswertihin, kasi nga nakipag-away ka nga, hindi ba?!"

Axel (calm tone): "Okay, Guys. Tama na yan. Chill lang kayo. Tsaka huwag na kayong magtalo pa sa nangyari kanina. Kaya ang mabuti pa ay umuwi na lang tayong lahat."

Bago pa ituloy ni Axel ang kanyang sasabihin, biglang sumingit sa usapan si Emily.

Emily: "Huwag pa muna tayong umuwi. Masyado pang maaga. Kung mamasyal muna kaya tayo?"

Claire: "Mamasyal? Saan naman tayo mamasyal, Emily?"

Nina: "Oo nga, Emily. Saan naman tayo mamasyal? Tsaka may naiisip ka bang puntahan na lugar?"

Emily: "Ano kasi.....Gusto ko pang manood ng iba pang sports eh?"

Edward: "Oo nga noh. Tama si Emily. Manood naman tayo sa ibang Team at ibigay din natin ang suporta natin sa iba. Tsaka para mabawasan naman yung sisihan nung dalawa diyan, di ba guys?"

Axel: "Kung sabagay mukhang tama ka diyan Edward sa sinasabi mo. Sige sumasang-ayon ako sa gusto mo Edward."

Nina: "Sasama na din ako para naman makapagcheer ako sa iba pang players ng mga Batch natin."

Althea: "Mukhang may point ka, Nina. Para naman makalimutan ko yung pagkatalo ng Soccer Team natin ng dahil sa pakikipag-away ni Daniel kanina sa Soccer Field."

Daniel: "Oi! Hindi ko naman yung sinadya!"

Althea: "Tumahimik ka nga! Puwede?!"

Nina: "Ayan na naman kayo. Mag-aaway na naman kayo. Parang kayong magjowa sa pag-aaway niyo."

Althea & Daniel (denial tone): "Oy! Hindi ah!"

Claire: "Wow! Sabay pa kayo ha?"

Dahil sa sinabi ni Claire, kung saan, nagkataong nagsabay sa pagsagot sina Althea at Daniel, biglang nanahimik ang dalawa at hindi nagpansinan.

Nagpatuloy naman sa pag-uusap ang ilan sa kanilang mga kasama.

Emily: "Ikaw, Claire? Sasama ka rin ba sa amin?"

Claire: "Wala naman ako magagawa kung kokontra pa ako sa inyo. Kaya sasama na rin ako sa lakad niyo."

Emily: "Eh ikaw, Daniel? Sasama ka rin ba sa amin?"

Daniel: "Kung sasama si Axel, ganun din ako."

Edward: "Kung sasama si Axel? Bakit nakadepende ka sa desisyon ni Axel?"

Daniel: "Wala lang. Tsaka wala naman akong ibang papasyalan kung mag-isa lang akong mamasyal. Kaya sasama na lang ako sa inyo."

Matapos mag-usap, agad din umalis ang lahat upang manonood at supportahan ang iba pa nilang mga kaklase na naglalaro din ng ibang sports.

Ngunit pag-alis nila Emily, nakabantay mula sa malayo si Ruby at inis na inis sa kanyang nakikita.

Ruby: (How dare you! Mga Losers! Sumaglit lang akong bumili ng kwek-kwek sa Canteen, biglang kasama na ang mga ito ang mga Prince Charmings ko?! I won't allow na makasama nila ang mga Prince Charmings ko!)

Tatakbo na sana si Ruby upang pigilan ang grupo ni Emily sa pamamasyal.

Nang sa hindi inaashan, biglang may dumaan na grupo ng mga Tupa mula sa limang Truck na papunta sa Soccer field at humarang sa kanyang dadaanan.

Lalo pang nagalit si Ruby ng matsambahan ang pagdaan ng mga Tupa.

Ruby: "What the heck is this?! Why are there so mababahong Tupa ang humarang sa daan?!"

Truck Driver1: "Iha! Kung gusto mong tumawid sa kabila, umikot ka na lang."

Ruby: "What?! I'm not going to ikot!! I have to follow those Loser! Tsaka why are there mababahong Tupas sa Field?!"

Truck Driver1: "Iha. Inutos ng Principal ninyo na pakawalan ang mga Tupa dito sa Field para tabasin yung mga damo sa gitna. Tsaka napagkasunduan ng Principal ninyo at ng Boss ko na hayaang pakawalan ang mga Tupa sa Field. Kaya pinakawalan na namin."

Ruby: "What?! Inutos ni Mister Principal?!"

Pilit mang sinubukang tumawid ni Ruby ay wala na din siyang nagawa dahil sa dami ng mga Tupang dumadaan.

Kung kaya't nainis na lang siya at nagdabog sa tabi.

Sa sobrang inis niya, may nasipa siyang isang Tupa kung saan, natsambahan niya ang Tupang na may makapal at paikot na sungay.

Sa galit din ng Tupa, hinabol nito si Ruby at naghabulan sila sa Field.

Nagmamakaawa si Ruby sa Truck Driver na patigilin ang Tupa ngunit takot din ang Driver dahil sa natsambahan nito ang pinakamabagsik na lalaking Tupa.

Kung kaya't napangiwe na lang ang Truck Driver sa kinatatayuan nito.

Samantala, pinuntahan naman ng grupo ang Badminton court upang manood ng laro.

Ngunit umalis naman sina Daniel at Edward upang bumili ng pagkain sa Canteen.

Habang wala ang dalawa, napansin ng mga kaibigan ni Emily ang hindi maipaliwanag na kinikilos nito.

Althea: "Emily? Anong ginagawa mo? Hindi ka ata mapakali diyan sa pwesto mo. May problema ka ba?"

Claire: "Oo nga, Emily. Okay ka lang ba?"

Emily: "What if kausapin ko muna si Axel? Kasi mag-isa lang siya sa kinauupuan niya."

Nina: "Don't tell me na itutuloy mo pa rin yung plano mong panliligaw?"

Emily: "Oo, Nina. Itutuloy ko pa rin ang panliligaw kay Axel. Sige! Samahan ko muna siya sa kanyang pwesto."

Sandaling iniwan ni Emily ang tatlong niyang mga kaibigan upang kausapin si Axel.

Ito na rin ang kanyang pagkakataon para lapitan ang kanyang "Ultimate Crush" at ayaw na rin niyang palagpasin ang magandang pagkakataon na ito upang mahikayat si Axel na kanyang maging Boyfriend.

Emily: "Axel. Pwede ba akong tumabi sayo?"

Axel: "Oo naman, Emily."

Emily: "Puwede din ba akong magtanong sayo?"

Axel: "Bakit, Emily? Anong gusto mong itanong?"

Emily: "Axel, puwede ba tayong magusap sa mini garden? Kasi ayaw kong makipagusap dito. Kung okay lang ba sayo?"

Axel: "Uhhh.....Sige." (Ano naman kaya ang pag-uusapan namin ni Emily? Hindi kaya uutang siya ng pera sa akin?)

Emily: "Uhm...Axel, may problema ka ba?"

Axel: "Wala naman, Emily."

Emily: "Eh bakit napakatahimik mo bigla?"

Axel: "Ehh...Nagulat lang ako sa sinabi mo kanina. Kaya medyo napaisip lang ako."

Emily: "Uhh....ganun ba? So, pumapayag ka na ba sa sinabi ko?"

Axel: "Sige. Payag ako sa sinabi mo."

Kaya matapos mag-usap ng dalawa, agad din silang umalis mula sa Badminton court at pumunta sa Mini garden.

Pagdating nina Axel at Emily sa mini garden, agad tinanong ni Emily si Axel upang aminin nito ang kanyang nararamdaman.

Axel: "Hay.....Sa wakas. Nakarating din tayo sa mini garden ngayon."

Emily: "Oo nga. Ngayon lang pala ako nakarating sa mini garden eh."

Axel: "So, ano pala ang pag-uusapan natin dito?"

Emily (feeling nervous): "Ano kasi....Uhm....Ganito pala ang pakiramdam na makipagusap sa lalake hinagangaan ko."

Axel: (Ha? Hinahangaan niya? So, may gusto siya sa akin? Hindi ko din inakala na magkakagusto din pala siya sa akin.) "Emily, kung ano man ang gusto mong sabihin sa akin, huwag kang mataranta. Makikinig ako sa anumang sasabihin mo."

Emily: "T-Talaga ba Axel? Makikinig ka sa akin?"

Axel (smirk): "Oo naman! Mukha ba akong nagbibiro sayo?"

Emily: "Sige, pero huwag mo sana akong pagtatawanan sa sasabihin ko ha?"

Axel: "Okay promise!"

Emily: "A-Axel, puwede ba kitang ligawan?"

Axel (shocked): "AAANNNNOO??"

Nang marinig ni Axel ang sinabi ni Emily, hindi siya makapaniwala na si Emily na mismo ang manliligaw sa kanya.

Kaya upang makasigurado na hindi nagbibiro si Emily tinanong niya muli ito.

Axel: "Matanong nga kita, Emily? Ano bang nagustuhan mo sa akin ha?"

Emily: "Ang nagustuhan ko kasi sayo is mabait ka at matulungin ka sa ibang tao. Tsaka totoo lahat ng sinasabi ko sayo. Kasi matagal na kitang gusto simula pa noong Grade 9."

Axel: "Hindi!"

Emily: "Ah bakit hindi ang sinasabi mo dyan?"

Axel: "Hindi! Kasi gusto ko, ako dapat ang nanliligaw sayo Emily. Hindi naman ata tama na ligawan mo ako diba?"

Emily: "Kaya ba ayaw mo akong sagutin dahil gusto mong ikaw mismo ang manligaw sa akin?"

Axel: "Oo, Emily. Para naman hindi sabihin ng ibang lalake sayo na mukha kang desparada sa panliligaw mo sa aming mga lalake."

Napatahimik si Emily sa mga sinasabi ni Axel sa kanya at mayroon naman siyang punto.

Kaya napagdesisyonan niyang hayaan si Axel na manligaw eto sa kanya.

Emily (sad): "Mukhang tama ka, Axel sa mga sinasabi mo sa akin. Sige, sang-ayon ako sa sinabi mo."

Axel: "Okay. So aalis na ba tayo? Baka hinahanap na tayo ng mga kaibigan natin? At magtanong sila kung nasaan na tayo?"

Emily: "Oo, Axel."

At umalis ang dalawa mula sa mini garden tsaka sila bumalik sa Badminton court. Pagdating nila sa Badminton court, nakita nilang naghahanap sa kanila ang kanilang mga kaibigan at naghihintay sa kanilang dalawa.

Nina (teasing): "Ayieee! Magkasama silang dalawaaa!"

Althea: "Oo nga, Emily. Mukhang may naamoy ako sa inyong dalawa ah?"

Emily (defensive tone): "At ano naman ang naamoy mo sa aming dalawa?"

Nina: "Sus! Denial ka pa Emily! Aminin mo na kasi sa amin di ba, Althea?!"

Althea: "Oo nga naman, Emily. Kaya sabihin mo na sa amin!"

Emily: "Ano ba kasi yun ha?! Hindi ko kayo maiintidihan dalawa!"

Nina: "Emily, alam namin na nililigawan mo si Axel kanina."

Emily: "Alam niyo guys, hindi ko naman niligawan si Axel."

Althea: "So hindi mo siya nililigawan?"

Emily: "Hindi naman talaga! Tsaka nagusap kaming dalawa lang kanina."

Claire: "Ano naman ang pinagusapan niyong dalawa?"

Emily: "Tungkol lang naman sa buhay niya at walang ng iba."

Nina: "Sigurado ka ba, Emily?"

Emily: "Oo, Bakit? Mayroon pa ba kaming pag-uusapan pang iba?"

Althea: "Ah...wala naman, Emily."

Habang nag-uusap ang apat, nag-usap naman ang magkaibigang sina Daniel at Axel.

Daniel: "Tol, balita ko, nawala daw kayong dalawa ni Emily kanina?"

Axel: "Oo, Pre. Bakit mo pala naitanong?"

Daniel: "Kasi napansin ko, ang tagal niyong nawala! Saan ba kayo nagpunta ha?"

Axel: "Sa mini garden lang kami nagusap, Tol."

Daniel: "Ano naman ang pinagusapan ninyong dalawa ha?"

Axel: "Tol, nililigawan ako ni Emily."

Daniel (surprised): "Ano niligawan ka ni Emily? Hindi ka ba nagbibiro sa mga sinasabi mo?"

Axel: "Hindi, Tol. At hindi ako nagbibiro."

Daniel: "Grabe na yan, Tol. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng nanliligaw sa lalake. Ibang klase din ang babaeng iyan."

Axel: "Ako nga din nagulat eh. Hindi nga ako makapaniwala sa kanya."

Daniel: "So? Anong plano mo?"

Axel: "E-Ewan ko kung ano ang tamang sabihin kay Emily? Baka sumama ang loob niya kapag tinanggihan ko siya."

Daniel: "Tol, subukan mo kaya siyang ligawan? Malay mo kung siya na ang karapat-dapat para sayo."

Axel: "Tol, yun ba ang dapat kong gawin? Ang ligawan ko siya?"

Daniel: "Oo, Tol. Mukhang mabait naman si Emily. Tsaka mukhang hindi ka rin niya sasaktan."

Axel: "Ganun ba ang sa tingin mo? Sige, subukan ko siyang ligawan"

Daniel: "Oo, Tol. At goodluck din sayo."

Axel: "Salamat Tol."

Habang nag-uusap sina Axel at Daniel, lumapit ang dalawang magkaibigan na sina Claire at Emily upang kamustahin ang dalawang lalaki. Nang biglang nagsalita si Axel sa kanila.

Axel: "Emily, may gusto akong sabihin sayo?"

Emily: "Ano yun, Axel?"

Axel: "Puwede ba kitang ligawan, Emily?"

Emily: "Sigurado ka ba sa sinabi mo, Axel? Hindi ka ba nagbibiro?"

Claire (surprised): (Ano?! Si Axel mang-liligaw kay Emily?!!)

Axel: "Oo, Emily. Hindi ako nagbibiro. Kaya pumapayag ka ba sa alok ko sayo?"

Emily: "Oo naman! Mukhang wala na akong magagawa pa desisyon mo. Tsaka gusto din naman kita."

Claire: (Axel...)

Matapos sabihin ni Axel ang kanyang desisyon na maging Girlfriend si Emily, agad ipinaalam Emily sa iba pa nilang mga kaibigan ang naging desisyon ni Axel.

Nina (happy): "Wow naman, Emily! Congrats sayo! Kasi natupad na yung dream mong magkaboyfriend!"

Althea: "Oo nga, Bestie! Hindi ko akalain na mayroon magkakagusto sayo at si Axel pa talaga ang nagkagusto sayo."

Edward (Sweat smile): "Aba! Magjowa na kayo ni Axel? Congrats Emily!" (Wow! parang ang bilis naman niyang maghanap ng Boyfriend. Kanina nagtatanong lang siya kung pwede akong maging Boyfriend niya, ngayon may Boyfriend na siya.)

Emily: "Guys! Sa-Salamat sa inyo."

Daniel: "Hmmm...Claire? Wala ka ata imik dyan? Okay ka lang ba?"

Claire: "Okay lang ako, Daniel."

Daniel: "Sure ka?"

Claire: "Oo. Tsaka congrats sayo, Emily."

Emily: "Salamat."

Axel: "Ano na Guys?! Halina kayo at umuwi na tayo! Mukha kasing pagod na ang lahat sa buong araw na ito!"

Daniel: "Oo! Mas mabuti pa nga!"

Matapos manood at mag-usap ang mga magkakaibigan, agad din silang umalis at tuwang tuwa naman si Emily dahil nagkakaroon na din siya ng jowa para sa darating nilang JS Prom.

Ngunit, tila may namumuong inis at pagkadismaya ang isa sa mga kaibigan ni Emily.