webnovel

Chapter 20

Izumi Pov

Maliwanag at mainit na umaga ang nag pagising sa akin, kaya napamulat ako ng mga mata at kasabay nun ang pag tingin ko sa paligid.

"Umaga na pala..." bulong ko. Dahan dahan akong bumangon mula sa higaan ngunit umupo muna ako sandali.

"Panibagong araw, panibagong kalbaryo. Hay anu ba yan, nakakasawa na..." anas ko. Tuluyan na akong bumangon sa aking higaan at pag katapos ay humakbang ako papunta sa bintana.

Ilang sandali lang ay humakbang naman ako papunta sa kinalalagyan ng aking mga kasuotan. Kinuha ko ang kulay puting kasuotan na ang kanyang tela ay gawa sa sutla na may simpleng disenyo sa pinakababa nito na may kulay itim na guhit.

At mayroon din itong kulay itim din na pinantatali sa gitna upang hindi ito mag hiwalay. Nang makuha ko na ay inilapag ko muna ito sa ibaba ng aking higaan.

Sinimulan ko na ang pag aalis ng aking mga suot sa katawan. Inalis ko mula sa pag kakatali ang aking suot at pag katapos saka ko naman itong dahan na dahan na hinubad. Nang mahubad ko na ay inilagay ko ito sa may upuan katabi ko at pag katapos ay kinuha ko na ang susuotin kong damit.

Sinimulan ko na sya suotin ngunit napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin sa may pinto ng bigla itong bumukas at bumungad si hirushima na napatigil din sa pag tangkang pag pasok sana.

"H-heneral..." bulong ko. Naramdaman ko agad ang pag init ng mga pisngi ko.

"Haaaaa! Bastos! Lumabas ka!!!" sigaw ko. Nanlaki sandali ang mga mata nya at pag katapos ay agad nya itong isinara. Habang ako naman ay napapikit dahil sa pagkapahiya.

"P-pasensya na, hindi ko alam na gising ka na pala"

"A-ano po bang kailangan nyo heneral?" tanong ko. Minadali ko na ang pag susuot sa aking damit at saka ko ito tinali ng maayos. Pag katapos ay kinuha ko mula sa aking lamesa ang suklay at saka ko naman ito ginamit sa aking magulong buhok.

"Gusto ko sanang sabay tayong mag agahan. Kanina pa kita inaantay ngunit tulog ka pa" sagot nya. Napabuntong hininga ako.

"Ganun po ba, pero sana kumatok po kayo" anas ko.

"Alam ko, pasensya. Tsk dalian mo na dyan, babalik na ako. Hintayin na lang kita doon sa aking kwarto"

"Masusunod po heneral" sabi ko. Narinig ko ang mga yabag ng paa nya palayo kaya napahinga ako ng malalim.

"Nakakainis, mukhang nakita pa nya ata" bulong ko.

Matapos kong mag ayos ay humakbang na ako papunta sa may pinto. Binuksan ko ito at saka ako lumabas, pag katapos ay isinara ko naman ito.

Tinahak ko ang daan papunta sa silid ni heneral, at ilang sandaling ay nandito na rin ako. Kumatok muna ako.

"Ahh heneral. Nandito na po ako" tawag ko.

"Pumasok ka!" Sigaw nya. Huminga muna ako ng malalim at saka ko ito pinakawalan.

Pag kapasok ko sa loob ay agad ko itong isinara at pag katapos humakbang papunta sa kanya. Nakita ko syang nakatanaw sa may bintana habang may hawak na tasa ng tsaa sa kanyang kamay.

Yumuko ako sa kanya at sya naman ay lumingon na sa akin. Nauna na sya umupo sa lamesa at saka inilapag ang tasa sa may lamesa. Tiningnan ko lang sya

"Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Mag simula na tayo..." sabi nya. Tumango ako sa kanya at pag katapos ay umupo na din ako tapat sa kanya.

"Salamat sa pag kain!" sabay sabi naming dalawa. Kinuha nya ang chopstick na malapit sa kanya at nag simula na syang kumain. Habang ako naman ay nag salin sa tasa ng tsaa at tsaka ko ito ininom habang nakatanaw sa may bintana.

Nakakaasiwa naman itong kasabay kumain. Mas gaganahan pa siguro ako kung sila ama at ina ang kasabay kong mag agahan. Kaso kailangan mag tiis...mag tiis...tsk tsk

Napapikit na lang ako habang bumubuntong hininga at pag katapos ay uminom ulit ako ng tsaa.

"Anong problema? Bakit hindi ka pa nag sisimulang kumain?" tanong nya. Napalingon ako sa kanya.

"Wala naman heneral..." sagot ko. Nag buntong hininga na lang siya at saka nya tinuloy ang kinakain nya.

Kinuha ko din ang chopstick na katabi lang ng aking mangkok ay saka ako nag simulang kumain. Wala sa aming dalawa ang nag salita dahil tuloy tuloy lang kami sa aming ginagawa.

"Oo nga pala..." napatingin ako sa kanya ng biglang siyang mag salita. "Bukas ng maaga ay may mahalaga akong kailangan puntahan sa kanluran kasama ang aking mga kawal. Isa yung utos mula sa emperador" sabi nya.

"Ganun po ba, mag iingat na lang kayo" sabi ko.

"Tsk, gusto ko sanang dito ka lang sa emperyo. Hindi ka maaaring umalis hangga't wala ang permiso ko. Kung may pupuntahan ka mag sabi ka hangga't maaga pa. Ngunit ang gusto ko ay dito ka lamang hanggang sa ako ay makabalik" saad nya.

"Iyon na nga po heneral, may pupuntahan din sana ako bukas. Kailangan kong puntahan ang dati naming tirahan dahil wala ng nag titingin doon. Kailangan kong maasikaso dahil baka maangkin yun ng iba ng hindi ko alam" paliwanag ko.

"Wala ba kayong kamag anak na mag titingin doon?"

"Sa kasamaang palad wala na po. Tanging ako na lamang ang nabubuhay sa aming angkan" sagot ko. Hindi na muna sya nakapag salita at uminom muna sandali ng tsaa.

"Kung ganun, sige pinapayagan kita. Ngunit kailangan kong ipasama sa iyo ang iyong alalay upang mabantayan ka"

"Kayo po ang bahala heneral..." sabi ko. Tumango sya.

"Mabuti ng malinaw..." anas nya. Itinuloy na namin ang kinakain namin.

Ilang sandali lang ay natapos na din kami sa aming agahan, kaya naman tumayo na ako at sya naman tumayo na din at saka nag tungo sa may bintana.

"Iligpit nyo na ang mga ito" utos nya. Napatingin ako sa pinto ng buksan ito at pumasok ang tatlong babae na mag liligpit sa aming kinainan. Yumuko muna sila sa amin at pag katapos ay nag simula na silang mag ligpit.

"Ahh, heneral babalik na ako sa aking silid. Salamat sa pag kain" sabi ko. Tumango na lang sya at saka nya ikumpas ang isang kamay nya.

Yumuko ako sa kanya at pag katapos nun ay humakbang ako papunta sa may pinto. Binuksan ko ito at saka lumabas, pag katapos ay isinara ko na ulit nung makalabas na ako.

"Magandang umaga po lady izumi" napatingin ako sa aking likod na may nag salita. At pag lingon ko ay nakita ko si shin na nakatayo habang nakatingin din sa akin.

"Magandang umaga din. Kamusta ka?"

"Maayos lang naman po" sagot nya.

"Samahan mo ako sa aking silid, may nais akong sabihin sayo" sabi ko.

"Sige po..." pag payag nya. Ngumiti ako sa kanya.

"Tara na?" Nauna na akong mag lakad sa kanya habang siya naman ay nakasunod lang sa aking likuran.

To be continued.