webnovel

Chapter 14

Izumi Pov

Nag lalakad ako pabalik sa aking silid ng madatnan ko ang mahal na prinsipe na nakatayo sa gitna habang nakatingala at nakapikit pa, kaya naman maingat akong nag punta sa may likod ng bulwagan at saka ako nag tago. Sumilip ako konti pero pag tingin ko ay agad na natigilan ako ng makita kong nakatingin din sya sa akin. Agad akong umalis sa pagkakasilip at sumandal sa may pader habang nakalapat ang palad sa aking dibdib ngunit nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang tunog na mga paang papunta sa gawi ko. Dahil sa sobrang kaba ay napapikit na lang ako.

"Anong ginagawa mo dito? bakit ka nag tatago?" napamulat ako ng mata at saka tumingin sa kanya.

"M-may dinaanan lang po kamahalan" kinakabahang sagot ko.

"Dinaanan? masyado ng malalim ang gabi para lumabas ka pa at sabihing may dinaanan lang. Sigurado ka?" nag tatakang tanong nya. Umiwas ako ng tingin sa kanya at saka pumikit sandali pag katapos ay agad akong nag mulat.

"Iyon po ang totoo kamahalan" sagot ko. Nakatingin lang siya sa akin na parang hindi kumbinsido habang nakatingin sa akin ng mariin.

"Sandaling lang, nang galing ka ba sa may bulwagan?" tanong nya. At dahil nakaiwas ang tingin ko sa kanya ay nanlaki muli ang mga mata mo dahil sa direkta nyang tanong. Hindi kaagad ako nakapag salita at napapikit na lang.

"Mukhang tama nga ako" napatingin ako sa kanya ng bigla nyang hablutin ang braso ko at madiin itong hinawakan " anong ginagawa mo doon? nakikinig ka ba ng hindi namin alam?" mariin nyang tanong. Napangiwi na ako ng mas lalong nyang diinan ang pagkakahawak nya.

"P-patawad po kamahalan, hinahanap ko po ang heneral dito kanina dahil sinabi sa akin na nakabalik na sya kaya agad kong siyang hinanap pero wala siya dito. Kaya sunod kong pinuntahan ang bulwagan, bubuksan ko na sana ang pinto ngunit hindi ko sinasadya na marinig ang inyong pinag uusapan. Patawad   po" paliwanag ko.

"Hindi ka ba makapag hintay na dumating siya sa iyong silid kaya kinailangan mo pa siyang hanapin? ibang klase ka" napatungo na lang ako at hindi nakapag salita.

"Hindi mo dapat pinakinggan ang mga pinag uusapan namin kanina dahil bawal iyon! wala kang karapatan para gawin yun. Kung gusto mo pang mabuhay matuto kang lumugar" sambit nya. Napaangat ako ng tingin ng bitawan na nya ang braso ko.

"Umalis ka na sa harapan ko at sa susunod ay matuto kang mag ingat sa mga ginagawa mo. Baka sa susunod na maling hakbang mo ay mapahamak ka" babala nya. Matapos nyang sabihin iyon ay tumalikod na sya paalis habang ako naman ay nakatingin pa din sa kanya.

tch nakakainis!

Maya maya lang ay tumalikod na rin ako upang bumalik sa aking silid. Nang makabalik ay agad akong nahiga sa aking higaan.

Hindi nga ako nag kamali dahil mayroon pala siyang alam, ngunit bakit hindi man lang nya pinigilan sa una palang kung alam nyang masama iyon.

Ano lang ba ang mga ginawa nya ng mga sandali na iyon upang hindi matuloy sa masamang balak ng kanyang ama?

Napahilamos ako ng mukha dahil sa inis kaya naman tumalikod ako pahiga at saka ipinikit ang mga mata.

Bukas ko na lang siguro ito pag iisipan...

To be continued.