webnovel

SHE'S A VAMPIRE CHAPTER 12

Atoz's POV

PAUWI NA ako ng bahay galing school nang maalalang may pinabibili pala si Hillary sa akin sa palengke para raw sa projects nito. Si Hillary ay kapatid ko sa ama at isa siyang junior high school sa paaralan kung saan din ako nag-aaral.

Nang mabili ko na ang mga gamit na kailangan ay naisipan ko munang mag-ikot-ikot. Habang naglalakad ay napatingin ako sa babaeng nakapula ang damit na may hawak na bisikleta at naglalakad papunta sa direksiyon ko.

Parang si Ran iyon, ah!

Hindi ko man sigurado pero naglakad na ako papunta sa direksyon niya at tinawag siya.

"Ran!" tawag ko ulit sa kanya at sa pagkakataon na ito ay niyakap ko na siya. "Sabi ko na nga ba't ikaw iyan, eh!" sabi ko at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kaniya.

Agad naman niya akong tinulak palayo.

"Kumusta ka na?" bati ko sa kaniya at nginitian siya. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako habang nasa harap ko siya.

Hindi ito nagsalita at tinitigan niya lamang ako at mayamaya pa, kinuha na ang bisikleta at naglakad na palayo sa akin.

Tiningnan ko lang siya palayo sa akin.

Akala ko ba mag-sosorry ka sa kaniya, Atoz kapag bumalik na siya?

"Ran," tawag ko sa kaniya habang humahabol. Nang maabutan ay agad kong hinawakan siya sa pulsuan. "P'wede ba tayong mag-usap?"

Nagulat man ako, hindi ko pa rin pinahalata.

Hinarap niya ako.

"Para saan, Atoz?" tanong niya. "Para ipamukha sa akin na nakakadiri ako? Salot? Umiinom ng dugo? Mamamatay tao? Ano pa?!" mariin niyang sabi at binawi ang kamay na hawak ko.

"H-hindi," sabi ko at inabot ang kaniyang kamay pero iniwas lamang niya ito.

Tumayo naman ako nang mabuti bago ako nagsalita, "Gusto ko lang humingi sa'yo ng tawad. Alam kong nasaktan kita sa mga nasabi ko nang araw na iyon. Hindi ko naman sinasadya, eh," sabi ko at tumingin sa mga mata niya. "Nadala lang ako sa emosyon ko dahil naalala ko ang mama ko."

Hindi ito umiimik kaya nagpatuloy lang ako sa aking sinasabi ko.

"Nasabi ko lang naman ang mga bagay na iyon kasi mula nang bata ako nilagay ko na sa kokote ko na hindi ako magagaya sa mama ko na nagmahal ng isang bampira dahil isang kahihiyan lamang iyon sa pamilya namin. Pero mapaglaro ang tadhana at nakilala kita, Ran," sabi ko at lumapit sa kanya. "Ran, mahal kita at tanggap ko kung sino at ano ka pa." Pag-amin ko.

Kapwa kami nagulat nanng biglang tumunog ang cellphone ko at nang silipin ko, si Hillary pala.

Wrong timing naman nito.

"Excuse me," wika ko saka lumayo muna saglit kay Ran at sinagot ang tawag ni Hillary.

"Kuya!" Nailayo ko naman agad ang telepono sa aking tainga dahil sa pagsigaw nito. "Nasaan ka na? Nabili mo ba `yong pinapabili ko sa'yong mga gamit?" tanong nito.

"Oo," sabi ko. "Sige na, ibababa ko na't may gagawin pa ako," wika ko at tuluyan na ngang pinatay ang tawag.

Pumihit ako paharap kung saan ko iniwan si Ran ngunit wala na siya roon. Luminga ako sa kapaligiran. Wala na nga siya. Napabuga na lamang ako ng hangin.

Parang nangyari na ito dati. Iyong araw na binalik sa akin ni Ran ang box na iyon na naglalaman ng hair clip na bigay ko sa kanya. Doon naglakad siya palayo sa akin at ilang araw hanggang sa maging buwan siyang hindi nagpakita.

Akala ko siya na ang babaeng makakasama ko pero nagkamali ako. Nagkamali ako kasi nagkagusto ako sa isang bampira.

Wala rin akong pinagkaiba kay mama.

Sana, hindi ko na lang binigay sa kaniya iyong ipit na iyon o hindi naman sana ay tinapon ko na lang at hindi pinaniwalaan ang mga sinabi sa akin ni Mama noon.

Iyong hair clip na iyon. Iyon din ang hair clip ng Mama ko na binigay nito sa akin bago ako iwanan. Binilin at sinabi nitong ibibigay ko lamang iyon sa babaeng makakasama ko habambuhay.

Naalala ko rin ang sulat na nakaipit sa kahon na sinoli niya sa akin.

Atoz,

Una sa lahat, sorry. Sorry kung naglihim ako sa'yo na bampira ako. Ayaw ko lang naman na katakutan mo ako kapag umamin ako sa'yo kung ano talaga ako. At iyon nga natakot kita noong umamin ako. Hindi ko sinasadya. Ang buong akala ko kasi ay matatanggap mo ako kung sino talaga ako pero hindi pala.

Hindi ko alam kung bakit sobrang galit ka sa amin pero naiintindihan naman kita. Kaya, binabalik ko na itong ipit na ito. Alam kong ikaw ang nagbigay sa akin nito dahil agad kitang sinundan nung araw na iyon pagkalabas mo ng locker room ng mga babae. Ibinabalik ko na ito dahil wala na akong karapatan pa para dito. Para lamang sa mga kagaya mong tao ang bagay na ito.

Bago ang lahat, bago mo ako kalimutan, gusto ko lang sabihin sa'yo na gusto rin kita Abcde Xyz Jerusalem.

Ranya

NAGLAKAD NA lamang ako pauwi dahil malapit lang naman sao.nbahay ang palengke. Habang nilalandas ko ang daan ay aking naalala ang mga sinabi ni Ran sa akin kanina.

Napailing ako.

Tama nga si mama. Hindi ko inisip ang pakiramdam ni Ran nang sinabi ko sa kaniya ang mga masasakit na salitang iyon dahil sarili ko lamang ang iniisip ko...

"Mabuti naman at bumisita ka. Ilang taon na rin ang nakalipas simula noong huli tayong magkita," sabi ni mama pagkabukas nito sa pinto ng kanilang bahay.

Naisipan ko lang pasyalan si Mama rito sa abhay nila ng kinakasama nitong bampira. Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito. Basta ang alam ko lang ay dinala ako ng mga paa ko sa lugar na ito..

"Bakit ka pala nandito?" tanong ni Mama.

Simula kasi noong umalis si Mama ay hindi na ito bumalik pa. May iniwan lamang itong isang kapirasong papel kung saan nakasulat doon ang address nito. Grade school ako nang huli kong makita ang mama ko. Hindi rin ako nakakapunta sa address na bigay nito dahil ayaw ng papa ko.

Napatingin naman ako sa kaniya. "Bakit ka sumama sa kaniya? Bakit mo ako iniwan?" Hindi ko na napigilan pa at iyon agad ang lumabas sa bibig ko.

Ibinaba naman ni Mama ang hawak niyang tasa at tumingin sa akin bago nagsalita.

"Abe, hindi kita iniwan. Kung iniisip mong iniwan man kita, nagkakamali ka. Simula nang umalis ako sa bahay ay palagi akong bumabalik para tingnan ka at kunin pero lagi akong tinataboy ng papa mo," aniya. "Ni minsan, Abe hindi ka nawaglit sa isipan at puso ko. Tuwing may program kayo sa school ninyo no'ng bata ka, nandoon ako. Lagi kitang pinapanood at pinapalakpakan. Gusto kitang yakapin at sabihing ang galing-galing mo pero natatakot ako sa papa mo na baka ilayo ka niya sa akin kapag nalaman niyang nagpupunta ako sa school mo para panoorin ka at gustong makita ka," sabi niya habang nakayuko.

"Pero sumama ka pa rin sa bampirang iyon!" sigaw ko. "Kulang pa ba kami ni Papa na nagmamahal sa'yo?" tanong ko sa kaniya.

"Mahal ko si Angelo."

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Kalokohan."

"Maniwala ka man o sa hindi. Mas una kong minahal si Angelo kaysa sa papa mo."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan na tanong ko.

"No'ng collage ako, doon sa paaralan kung saan ako nag-aral ay nakilala ko roon si Angelo. Lagi kaming magkasama, nagkwekwentuhan at hanggang sa dumating kami sa puntong nahulog kami sa isa't isa. Akala ko noon, normal siya kagaya natin pero, hindi pala," ani Mama at napatingin sa bintana. "No'ng araw na umamin kami sa isa't isa ay iyon din ang araw kung saan nagtapat siya sa akin kung ano talaga siya. Nang malaman ko kung ano talaga siya ay natakot ako kaya tumakbo ako palayo sa kaniya. Mahal na mahal ko si Angelo pero kinalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kaniya at doon ko nakilala ang papa mo," mahabang sabi niya at tiningnan ako. "Pinakasalan ko ang papa mo para makalimutan ko si Angelo. Akala ko tama ang ginawa ko pero nagkamali ako. Nang magkita muli kami ni Angelo ay bumalik lahat ng nararamdaman ko para sa kaniya."

Ibig sabihin, ginamit niya lang si Papa para makalimutan ang bampira na iyon?

"Sabihin ninyo nga sa akin, minahal mo ba ang papa ko?" tanong ko. Hindi na maitago ang galit.

"Anak," tawag niya sa akin. "Mahal ko ang papa mo pero mas mahal ko si Angelo," sabi niya.

"Mas pinili ko si Angelo kaysa sa papa mo dahil gusto kong makasama ang taong mahal ko sa simula't simula pa lang. Gusto kong iparamdam sa kaniya na nagkamali ako nang araw na iyon na tinakbuhan ko siya. Gusto kong ipakita at iparamdam sa kaniya na kahit bampira siya ay may nagmamahal din sa kaniya," saad ni Mama habang tumutulo ang luha sa kaniyang mukha.

"Alam kong nasaktan kita pero sana mapatawad mo ako, anak," aniya at lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

Wala akong karapatan para hindi ko siya patawarin lalo ngayong nalaman ko na ang katotohanan. Nagmahal lang si Mama kaya nagawa niya iyon.

Nang matapos ang pag-dadrama namin ni Mama ay sinabi ko sa kaiya ang lahat-lahat tungkol kay Ran.

"Alam mo, anak. Ang mga bampira ay parang tao lang din iyang mga iyan. Marunong din silang masaktan at sumuko," saad niya. "Bago mo sana binitiwan ang mga salitang iyon ay inisip mo rin sana kung anong p'wedeng maging epekto nito sa kaniya. Kasi alam mo, anak inisip mo lang ang kapakanan mo. Hindi mo inisip ang sitwasyon niya."

"Anong gagawin ko, mama? Nasaktan ko na siya."

"Ang dapat mo lang gawin sa ngayon ay humingi ka ng tawad at sabihin mo sa kaniya kung ano ba talaga ang sinasabi nito," ani Mama habang nakaturo ang daliri niya sa aking dibdib kung saan nakalagay ang puso...

SIMULA NOON ay palagi ko na lang dala-dala ang kahon na ibinalik sa akin ni Ran kasama ang sulat niya. Sinabi ko sa aking sarili na ibibigay ko muli sa kaniya ito kapag nagkita kami. Ngunit napaka-wrong timing na tumawag ang kapatid ko at hindi ko naibigay kay Ran ang kahon.

Pumasok na ako agad sa loob ng aming bahay at sakto naman na sinalubong ako ni Hillary. "Kuya, nasaan na ang pinabili ko?" tanong nito.

"Hanapin mo." Inis na ibinato ko sa kaniya ang backpack ko.

"Salamat, kuya!" nakangiting sambit nito.

Naiinis talaga ako kay Hillary dahil kung hindi sana siya tumawag, sana ay naibigay ko na ang kahon kay Ran kanina.

Ran's POV

"NASAAN NA kaya iyon?" tukoy ko kay Perzeus. Ang sabi niya kasi ay susunduin niya ako para sabay na kaming papasok sa eskuwelahan.

Tumunog bigla ang aking cellphone kaya kinuha ko iyon sa bag. Isang mensahe ang pinadala ni Perzeus sa akin.

From: Perzeus

Sorry. Hindi kita masusundo ngayon.

"Hindi na naman siguro siya papasok," bulong ko. Kinuha ko na sa garahe ang aking bike para gamitin papuntang school.

Nang makarating ako sa paaralan ay walang pinagbago. Ganoon pa rin. Kun ano ang itsura nito noong umalis ako ay ganoon pa rin hanggang ngayon.

May mga estudyanteng nagtatawanan, nakangiti at nagkwekwentuhan sa hallway.

Habang naglalakad naman ako sa hallway ay biglang may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko ito.

"Uy, kailan ka pa bumalik? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin na aalis ka nang dalawang buwan?" tila nagtatampo na saad ni Keith at niyakap ako.

Napangiti naman ako.

Naaalala pa pala ako nito.

"Bakit ka ngumingiti?" tanong nito habang nakakunot ang noo.

"Ang laki na ng pinagbago mo. Ang ingay-ingay mo na," sabi ko rito at inakbayan ito.

Kinurot naman nito ako sa aking tagiliran. "Ikaw ah! Bakit mo ako iniiwasan noon?" tanong nito at hinarap ako kaya napahinto kami sa paglalakad. "Dahil ba iyon sa nalaman ko na bampira ka? Sa tingin mo ba ipagkakalat ko iyon kaya mo ako iniwasan?"

Tumango naman ako.

"Grabe ka! Napaka-judgemental mo. Oo, inaamin ko nang una. Natakot ako sa'yo at gusto kong sabihin sa iba na bampira ka pero nang nalaman ko ang tungkol sa inyo dahil nag-research ako ay hindi ko na itinuloy," sabi nito at nagsimula na muli kaming maglakad. "At isa pa, ikaw kaya ang nagligtas sa akin sa aksidente kaya nagpapasalamat ako sa'yo."

Wala akong masabi sa mga nalalaman ko kay Keith. Tila naumid ang aking dila.

"Alam mo bang nag nag-research talaga ako nang todong-todo tungkol sa inyo? Simula sa pagkatao ninyo, kinakain at ginagawa. Grabe! Ang dami ninyo palang kayang gawin?" manghang saad nito.

"Talaga?"

"Talagang-talaga!" natatawang sabi nito.

"Halika na nga! Sa classroom mo na nga ituloy iyang kwento mo," sabi ko sa kaniya kaya dumiretso na kami sa classroom.

Habang nakaupo kami ni Keith sa bandang likod ng classroom at nagkwekwentuhan ay napatigil kami nang marinig namin ang pinag-uusapan ng tatlong babaeng nasa tabi namin.

"Uy! May balita ako. Alam ninyo na ba ang usap-usapan na may bampira raw na nag-aaral sa eskwelahan na ito?"

Bigla akong napayuko sa narinig ko.

"Tama ka riyan! Nabasa ko iyan sa page ng school sa Facebook kagabi at iyan ang usap-usapan doon."

Hindi ako makahinga. Nagsisikip ang dibdib ko sa aking mga naririnig.

"Anong nakalagay doon?"

"Isang confession iyon, eh! May pamagat na She's a Vampire."

"What? Ibig sabihin babae siya?"

Hindi na talaga makahinga sa mga naririnig ko. Ang katawan ko ay nanginginig na sa sobrang takot.

Paano kung malaman nilang ako ang bampirang iyon?

Napatingin naman ako kay Keith at sa kamay kong nanginginig na hinawakan nito. "Okay ka lang?" tanong nito. "Ako na ang bahala," sabi nito at tumayo.

Napatingin lang ako kay Keith habang papunta siya sa mga tatlong babaeng nag-uusap.

"Excuse me," tawag nito sa tatlong babae.

"Bakit?"

"P'wede bang tigilan ninyo na iyan," sabi ni Keith sa tatlo.

"Ang alin? Iyong tungkol sa bampirang nag-aaral dito?" sagot ng isang babae.

"Oo"

Hindi natapos ni Keith ang sasabihin nito nang may isang lalaking pumasok sa classroom.

"Guys! Tingnan ninyo `to," sigaw nito kaya lumapit sa kaniya ang mga ibang estudyante pati na rin ang tatlong babae na nilapitan ni Keith kanina. "Nag-post na naman iyong nag-confess doon sa page at ang sabi, "nasa klaseng ito raw ang bampira!"

Nagulat ako sa narinig ko.

Anong gagawin ko?

"Seryoso ba iyan?"

"Sino kaya ang bampira dito?"

Nagulat naman ako sa sumunod na nangyari. Iyong lalaking kararating lang ay bigla akong nilapitan at tinanong, "Bakit hindi ka umiimik? Hindi ka ba interesado sa pinag-uusapan namin?" tanong nito sa akin.

"H-huh?" nauutal na sagot.

"O, baka naman ikaw ang bampira!" biro nito at tumawa.

Bigla naman akong kinabahan. Nagbulungan naman ang mga kaklase ko.

"O. M.G! Paano kung si Ran nga ang bampira?"

"Bakit hindi, `di ba? Ilang buwan din siyang nawala simula nang usap-usapan ang mga bampira noon at ngayong nandito na naman siya ay bumalik na naman ang tungkol sa mga bampira na iyan."

"Oo nga at saka minsan kapag nakikita ko siya sa canteen, hindi siya kumakain. Umiinom lang siya ng palagi niyang iniinom na nasa isang pulang pakete ng juice."

Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko kaya naman sinubukan kong tumayo kahit nangangatog na ang aking mga tuhod at buong katawan ko. Hinarap ko sila at tiningnan ko sila isa-isa.

Napadako ang mga mata ko kay Keith. Umiiling ito nagsasabi gamit ang mahinang tinig ng, "Huwag Ran, huwag."

"Bampira nga ako," sabi ko sa kanila. Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkagulat at takot. "Gusto ninyo bang tikman ko ang mga dugo ninyo?"