(Shantell POV)
Nandito ako ngayon sa library, nagulat pa nga ako dahil sobrang laki nito para sa isang library. I mean napakataas ceiling tapos lahat ng kabinet na may mahigit limampung palapag ata ay nakapalibot sa buong silid, nasa gitna naman ang mga mesa. May mahahabang hagdan para maabot ang mga libro na nasa taas.
Hindi rin ikaw ang kukuha ng mga libro dahil may mga witch na nagtatrabaho dito at sila ang kukuha ng libro para sayo.
Ngayon ay binabasa ko ang isang libro patungkol sa lugar na ito, ang kaharian ng Manta. Marami na akong nabasa, at namamangha lamang ako. Isa sa mga abilidad ko na ipinagmamalaki ko ay ang madali akong makamemory ng mga bagay bagay na nakikita at nababasa ko.
I mean, kahit isang beses ko lang nabasa or nakita ay hindi ko na ito nakakalimutan. Kaya siguro nangunguna ako sa klase lagi. Speaking of that, kamusta na kaya doon? I'm sure nagtataka sila dahil ilang araw na akong wala. Hayyys.
Ang kaharian ng manta ay ilang daang taon na at hanggang ngayon ay tinataguyod pa din ito ng mga mamamayan, maging ng hari. Ang hari na namumuno ngayon ay ang ikatatlong hari na namumuno dito, dahil may kakayahan ang mga mamamayan maging ang hari na mabuhay ng higit pa sa daang taon.
Nabasa ko din ang ilang palasyo ng mga elementalist, mayroon silang kanya kanyang teritoryo na pinapalibutan ang sentro ng kaharian. Gusto ko sanang makita ang bawat palasyo ngunit walang litrato na nakalagay dito. Hindi ata uso ang picture dito eh.
Ngunit ang pinaka tumatatak sa isip ko ay ang ikasampung palasyo na tinatawag na Holy Light Palace. Naawa ako sa reyna dahil isinumpa siyang hindi na siya magkakaanak dahil sa di malaman na dahilan. Kaya noon pa man ay tanging siyam na elementalist lamang ang naipapadala dito.
Nabasa ko din ang tungkol sa katana na hawak hawak ko ngayon o tinatawag nilang long sword. Ito ay ang katuwang ng mahal na hari sa pakikidigma noon pa man kaya nakapagtataka na binigay niya ito sa akademya. Sinuri ko itong mabuti at bumalik sa alaala ko ang nangyari kanina sa klase kung saan kinalaban ko ang wildboar.
Nangangatog ang mg tuhod ko habang nasa gitna ako ng Gym. Okay Shanty! It's now or never!
Tatakbo na sana ako ngunit biglang may nagsalita sa loob ng isipan ko! Pinapakalma ako ito, at sinabing mag-isip ako ng galaw na nakita ko sa mga kaklase ko. Natataranta ako dahil tumatakbo na ang wildboar patungo sa akin!
Biglang pumasok sa isipan ko si walking fire! Oo si Kael. Kinalma ko ang sarili ko at tumayo ng tuwid. Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang wildboar. At gaya ng ginawa ni walking fire ay winasiwas ko dinang katana ko, wala akong naramdamang pwersa dito, para lamang akong nagwasiwas sa hangin ngunit laking gulat ko ng bumagsak ang wildboar sa gilid ko na nahati na sa dalawa.
Napamulat ako ng biglang may sumundot sa pisngi ko. Si Shia nanakangiting nakatingin sa akin.
"Lunch na daw, kaya pumunta na tayo doon." Tumatalon talon itong naglalakad paalis kaya sumunod naman ako.
Naabutan ko ang mga kaklase ko na nakaupo palibot sa isang malaking hugis bilog na mesa. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.
Para lamang itong foodcourt, isang malawak na foodcourt. Naka arrange then ang mga mesa, ngunit ang nagpaganda sa lugar na ito ay ang mga chandeliers na nakasabit sa itaas, kaya nagmumukha itong mamahaling restaurant.
May nag serve din ng mga pagkain namin at geezz. Karne nanaman. Iniisip kong baka wild cat nanaman ito. Napatingin ako kay Almira na nagsisimula ng hiwain ang karne. Napansin nitong nakatingin ako sa kanya kaya napangiti siya habang nakatingin sa akin.
"It's okay, hindi yan wildcat. That is just a beef from Cow" nakahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya. So may steak din pala dito.
Pero ilang araw na ako dito ngunit may hinahanap ako sikmura ko eh. Nahihiya lang akong magtanong kaya bumulong na lamang ako kay Shia.
"Shia, wala bang kanin dito" God!! Rice is heaven guys!
"Kanin? What's that? " tumaas ang kilay ko dahil, seryoso? Kanin di niya alam?
"Kanin, as in Rice" tumango tango naman siya at hinarap ako.
"You mean that white seed? Bakit ka naghahanap nun? May alaga ka bang mgq ibon? Ano bang pinagsasabi nito? Aishh! Ang gulo niya kausap ah.
" Syempre gusto ko kumain nun"
"Pfftt!! Hahahahahaha" napalingon silang lahat kay Shia na biglang tumawa kaya napakunot ako sa aking noo.
"Guys Shanty wants to eat that white seed hahaha." Hindi ko talaga siya magets.
"Kinakain naman talaga yun eh" magkasalubong na kilay na sabi ko.
"Of course nakakain yun ng mga ibon hindi ng mga katulad natin" sabat ni Lucy, ang gulo nila kausap ah! Bahala na nga!
Nandito kami ngayon sa room para sa last subject namin ngayon araw. Ang Elementalist. Nagtataka kayo kung bakit tatlong subject lang ngayong araw? Well dahil buong araw bukas ay magfofocus kami sa Physical training!
"Magandang araw sa lahat, ako si Binibining Susan ang inyong magiging guro sa Elementalist." Pagpapakilala nito.
"Ngayong araw ay madali lamang ang inyong gagawin. Maghanap kayo ng bakanteng lugar sa loob ng silid na ito. Siguraduhing hindi kayo magambala ng kapwa niyo kaklase." Sinunod naman namin ang sinabi niya.
Pumwesto ako sa pinakalikuran samantalang ang iba ay nagkanya kanya na ng punta sa pwesto nila. Napatingin ako sa gilid ko, nandito din pala si walking fire. Mabilis na inalis ko ang tingin ko sa kanya noong lumingon siya sakin. Jeezz!
"Ngayon naman ay ilabas niyo ang mga mahika ninyo at panatilihin hanggang sa matapos ang ating klase."
Nilingon ko sila at mga nakapikit na sila, unti unti silang nababalutan ng awra sa katawan, para itong usok sa nakabalot sa kanilang buong katawan. Mapapansin din ang iba't-ibang kulay ng mga ito.
Hindi ko alam kung paano ko mapapalabas ang aking awra o kung meron man ako nito pero bahala na!
Pumikit ako ngunit makailan ang ilang segundo ay nagmukha lamang akong tanga dahil wala naman akong nararamdaman!
Napansin ni Binibining Susan na nahihirapan ako kaya lumapit ito sa pwesto ko.
"Light element ka diba? Pakinggan mo ang daloy ng iyong dugo, maging ang tibok ng iyong puso. Pakalmahin mo ang mga ito hanggang sa ito ay parang isang ilog na malumanay na umuusad, tahimik at payapa"
Pahina ng pahina ang tinig ni Binibining Susan. Nakahinga ako ng maluwag dahil nararamdaman ko ang kalmadong kapaligiran. Iniisip ko lang ang isang ilog na malumanay, tahimik at kalmadong umuusad ang tubig nito. Ansarap sa pakiramdam, nakakarelax, hindi ko din alam kung lumabas ang awra ko ngunit nagpatuloy lamang ako sa ginagawa ko.
Ngunit ilang minuto pa ay nakaramdam ako ng panghihina at pagkaubos ng lakas hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
(Bininining Susan POV)
Matapos ko siyang payuhan ay nabigla ako ng bahagya dahil hindi ko aakalain na magagawa niya ito ng ganito kabilis. Agad na lumabas ang kaunting awra sa kanyang katawan at hindi ko maiwasang maipagkumpara ang dalawang Light Master.
Si Selena ay payapa na nakatayo, makapal din ang awra nito. Napadako akong muli kay Shantell. Manipis ang inilalabas nitong awra ngunit ramdam ko ang lakas nito na parang gustong kumawala ng awra sa kanyang katawan at gustong sumabog ngunit hindi lang yun, may kakaiba din sa kulay ng awra nito. Ibang iba kaysa kay Selena.
Purong puti ang awra ni Selena ngunit ang sa kanya ay puti ngunit napapansin ang isa pang kulay, ang kulay ginto.
Maaari kayang tama ang hinala ni headmistress Mathilda? Na nanggaling siya sa Holy Light Palace!