webnovel

Pagtuklas

Si Lunox ay isang babae na napakasipag magaral ng mahika (Magic). Siya ay nagaaral sa National Magic School. Si Lunox ang pinaka matalino sa buong paaralan dahil sa angking galing sa pagmamahika. Araw araw na pumupunta si Lunox sa Silid Aklatan upang magbasa at magensayo ng mga mahika. Ngunit may isang libro ito na nakita na tila pa nito nakikita sa tuwing pumupunta ito sa Silid Aklatan.Si Lunox ay napaisip at tinanong sa sarili kung matagal nabang nandoon ang libro na inyon.Sa kanyang pagtataka kinuha nya ito at nagulat ito sa nangyari na tila ba ay itinadhana ang libro at siya.Tila ba parang may connection ang librong iyon sa kanya.Pagbukas nito ay biglaang nagkaroon ng Lindol at napunta si Lunox sa ibang deminsyon kung saan nakahati ang mundo sa Liwanag at Dilim.Namangha si Lunox sa kanya nakita, tila para bang natupad ang matagal na nitong hinihiling na mapunta sa ibang dimension kung saan punong puno ng iba't ibang mahika.