webnovel

Seven: The Devil Who Loves Me

My world revolves around family, books, and school. Aral, bahay. Bahay, eskwela. Boring para sa iba, normal naman kung ituring ko. I'm the goody-two-shoes, prim and proper, prude. Life for me was black and white, no in-between. But it all changed when I saw him. He's handsome and alluring. His presence commands my full attention and I was drawn to him in ways I can't explain. But there's something dark and mysterious about him, I can see it in his eyes, sometimes. It's there, lurking. Gusto kong umatras, magtago kapag nagtatama ang aming mga mata pero ang tanong paano at saan? Wala akong makitang paraan lalo pa't araw-araw ko na siyang nakakasama sa isang bubong, he's my husband. We were both forced into a marriage, convenience for him and for me, payment. I am the payment. Everything around me changed because of him. He doesn't like me but that didn't stop him from making me smile. My walls now were paved with pink dandelions and butterflies because of him. Pero paano kung ang lahat ng nalalaman ko sa kanya'y pawang kasinungalingan lamang. Isang balat-kayo. That he's not some angel with a sexy and gorgeous grin but a devil in dashing Armani suit. That he is the Devil himself. I'm no angel because now I have the courage to commit sins. Which one? All of it! I want to offer my heart and my soul to the Devil- SEVEN.

royalmanunulat · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
8 Chs

Ms. Goody Two- Shoes

"SANTY!"

I quickly turned around upon hearing that chirpy voice. A small smile curved on my lips when I saw Bee, my cousin, and only best friend.

She's wearing her signature all ears smile while gracefully walking towards the table I've been sitting for forty-five minutes now. Some of the boys gave her a once-over, appreciating the 5 foot seven inches goddess who's making every girl in the library now, jealous or angry.

Lahat naman kami ay pare-pareho ang suot, cream skirt, and blazer with the school's coats of arms on the right chest, white dress shirt, and a blue silk scarf to complete the look. But it's different with Bee, she never failed to grab everyone's attention when she enters a room. Her beauty and elegance radiate when she walks, it's as if she owns the place and the world is her runway.

She's a walking supermodel, the cheerleader, goddess of confidence and beauty while I'm the exact opposite.

I'm the wallflower, the outcast. A pariah.

I'm like a ghost walking inside the campus, nararamdaman pero di pinapansin. Swerte na kung isang araw may bumati sa 'kin na isang estudyante bukod kay Bee o kung meron man iyon ay para mag tanong kung saan makikita ang book ni Homer or do we have a certain book in the library's circulation. Other than those reasons, the students avoided me like the bubonic plague.

I should be hurt but oddly, I'm relieved. At least here at school but at home, it's totally different. O matatawag ko bang tahanan iyon kung ang lagi kong kasama't kausap ay si Chinnie at ang driver na si Navarro?

I heaved a sigh.

When I was alone and confined in the elegant room, that's when I questioned why's everybody avoiding me? Ganoon ba ko ka insignificant?

My train of thoughts was cut-off by the sound made by Bee as she plopped on the stool across me and grabbed my face with both of her hands much to my surprise.

"You mad?"

"You're late," I told her matter of factly not answering her question.

She smiled knowingly.

Hindi naman ako galit sa kanya kahit may isang oras na niya akong pinaghintay dito sa library, nag sabi naman siya na maaantala ang pag punta niya kaya ayos lang.

"Sorry na, Bibi Santy. I'll make it up to you later. Treat kita ng booba, yung big," nakangiting sabi nito at binitawan ang mukha ko.

Tucking some loose hair behind her ears with her well-manicured fingers then winked at me. That's her way of making amends, bribing me with milk teas or fries.

I gave her the sweetest smile I could manage.

"Okay. What happened ba?"

"The usual. Naipit ako sa meeting sa Org. We have loads and loads of things to do now because of the big event next month."

Napatango ako. Executive committee kasi si Bee ng Student Body Organization ng University kaya napaka abala nito kapag may darating na program sa university.

"Ah, okay. Kumain ka na ba?" I softly asked her.

"Yup. Ikaw?"

"A-ah, tapos na," alanganin kong sagot. Nakalimutan ko na kasing mag lunch kanina dahil agad akong dumiretso dito after ng class ko.

Biglang nabahiran ng pag aalala ang magandang mukha ng pinsan ko. I saw guilt in her eyes.

"Naku sorry talaga, Santy. Hindi ka pa nakapag lunch. Tara na sa cafeteria. Later na natin tapusin yung research paper natin."

Mabilis siyang tumayo pero napigilan ko, hinila ko siya pabalik sa silya niya.

"Okay lang, Bee. Hayaan mo na."

"Hay naku! Anong hayaan? Kakain tayo, tapos."

"I had a sandwich earlier, Bee. Okay na 'yon," I smiled reassuringly and gripped her hand.

"Sure?"alanganing tanong nito sa 'kin. Pilit sinisipat kung seryoso ba ako o hindi.

"Yes. Let's finish this. I have to report to work at 2 pm. Wala kasi si Miss Madrid today kaya kailangan kong mag O.T. sa kabilang library," katwiran ko sa kanya, reminding her that I have a duty as a Library Circulation Assistant this afternoon.

"Sorry talaga Santy ha? Ang dami kasing kailangang tapusin for the school foundation week next month. Then ang sabi pa...," she trailed off. Lumingon muna ito sa paligid bago excited na nag patuloy.

"...darating daw dito ang Royal Princes. Dalawa actually, yung Rebels."

"Wow!" Nanlalaki ang matang sagot ko. I saw Bee's eyes glimmered with so much excitement at nahawa ako.

"Kaya nga eh. I'm so excited to meet Prince Lachlan. Nag presenta na talaga 'kong usherette that day. Bahala sila."

"Aww so happy for you, Bee."

"Thanks, Cous. By the way sinong kasabay mong uuwi later after your err..part-time?" tanong nito at biglang sumimangot nang banggitin ang katagang part-tiime.

She hates the place where I'm working, no scratch that. Bee hates my other work.

"Ahm, wala. Magko- commute na lang ako. Madali lang naman," mahinang sagot ko't iniwas ang mga mata sa kanya. Binalingan ko ang notebook na nasa harapan ko, kunwa'y may binabasa doon.

I heard her sigh before she speaks with a stern voice.

"No, sunduin kita."

"B-but Bee," I protested. Nahihiya akong maaabala ko pa ang pinsan. Gusto kong sabihing pwede naman akong mag commute pero di ito nag patinag. Bee's overprotective of me to a fault sometimes.

Hangga't maaari, ayaw nitong ginagabi ako ng uwi mula sa part time job ko sa Avenida. Delikado raw kasi.

"Final na iyon Santy. I'll fetch you later. Bakit ba kasi need mo pang mag part-time eh napaka–"

"Bee, please!" I grabbed her hand to cut her off. Mahirap na at nasa library kami, ayokong marinig na lang kami basta ng kung sino.

"Fine. I'll shut up. Pero susunduin kita," may pinalidad nitong saad.

I bite my lower lip.

Sa buhay kong puno ng komplikasyon tanging ang babae sa harapan ko lang ang kakampi ko. She's been my best friend since time immemorial. Madalas niyang gawing biro na zygote pa lang daw kami mag BFF na kami na sinasang ayunan ko naman. I'm grateful to have her in my life.

"Thank you pero huwag ka ng mag abala pa, Bee. Mag te-text na lang ako kay Navarro," I assure her. I felt my cousin's eyes were on me and I tried my hardest to avoid it.

"D-did he calls you?"

Kagat labing umiling ako.

"Shit! Santy anong akala n'ya sa'yo pang display na pwede n'yang iwan basta gustuhin niya?" Puno ng galit na sambit ng pinsan ko.

"B-bee, it's okay. Busy lang 'yung tao. You know how business works, right?"

Umirap ito, "Huwag mo siyang i-abogado sa 'kin pwede ba."

"S-sorry," hinging paumanhin ko't alanganing ngumiti sa kanya. "Nag text naman siya sa kin noong isang araw. Asking how's school at kumusta sa bahay."

"Totoo yan?"

Mabilis akong tumango at excited na ipinakita ang cellphone ko kay Bee. Napa buntong hininga ito matapos mabasa ang mensaheng sinasabi ko.

"Okay. Nag aalala lang ako sa'yo, Santy. Ang laki-laki ng bahay n'yo pero laging mga helpers ang kasama mo. Besides, sinong matinong tao ang lalayas sa ara—"

I cut her off, "I know, Bee. Believe me but don't worry, big girl na ko. I can handle this. Let's do our papers?"

Nang tumango ang pinsan ko'y nakahinga ako ng maluwag. Nakaligtas ako sa kung anomang mga tanong nito at galit para sa isang taong hanggang ngayon ay kontrabida pa din ang tingin ni Bee.

Kahit anong gawin kong paliwanag ay naroon pa din ang galit ng pinsan para sa dalawang taong sa tingin niya ay siyang dahilan kung bakit ako nasadlak sa sitwasyon ko.

Aaminin kong noong una ay ganoon din ang nararamdaman ko pero nang lumaon, na-realize ko na mas okay ng ganito ang set up. Mas panatag ako't di kinakabahan. Isa pa, malaki ang pasalamat ko dahil hindi ko na problema ang pag aaral ko at iyon ang lagi kong ipinapa alala kay Bee.

Balibaliktarin man, malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya lalo na sa kanya.

"Look who's here, girls!"

Natigil ang pag susulat namin ni Bee nang marinig ang matinis na boses na 'yon iyon ni Jessica.

I sighed.

I saw Bee's flushed, infuriated face. Kulang na lang ay umikot ang eye balls ng pinsan ko dahil sa dalawang kaklase namin.

Hindi ko maintindihan, I'm no Cinderella pero bakit ba parang ang daming wicked bitches, gaya ng tawag ni Bee sa kanila, na may pagkadisgusto sa 'kin. Wala naman akong ginagawa sa kanila.

"OMG! It's Santy the nerdy. Hello!" Anang kaibigan nitong si Regina.

Kilalang bully ang dalawa sa Kent Manila International School. Palibhasa'y mga anak ng mga prominentemg tao ng bansa bukod pa sa talagang magaganda ang mga ito.

"Girls, lower your voice. Can't you see we're inside the library?" mataray na saway ni Bee sa dalawa na nagpalitan ng mga titig bago tumawa.

"So? May mag papalayas ba sa 'min?" Jessica asked arching one perfectly shaped brows. "Miss Castro, I didn't expect to find you here. Hindi ko maintindihan sayo, kung bakit ka dikit nang dikit kay Santy. Nag mumukha ka tuloy katawa-tawa."

"Kesa naman sa inyo ako mag di-didikit, mas mag mumukha akong pathetic! Stop bothering us and go somewhere else. Ang luwag-luwag ng campus, bakit ba trip n'yong dito mang gulo?"

"Airish, my gosh! At sa isang gaya mo pa talaga nanggaling 'yon? I'm scared! Kung 'di lang dahil sa member ang papa mo ng board, matagal ka ng natanggal sa school na 'to. Bagay kayong mag samang dalawa, mga losers."

"Ako ba talaga iniinis mo ha?" biglang tumayo si Bee at agad akong umawat dahil susugurin nito si Jessica.

"Bee, calm down. Lagot tayo kay Tito kapag napunta ka na naman sa disciplinary's office."

"Hindi eh. Sasampolan ko lang 'yang babaeng 'yan Santy..."

"By all means, please do. Nanginginig ako. Oh by the way, did you know that Santy's good moral will be questioned by the board? Narinig kong binanggit ng Papa." Nakangising ani Jessica.

Namutla ako dahil sa sinabi niya, nagkatitigan kami ni Bee.

"I bet they're trying to figure out how do you manage to pay in full the tuition fee for this school year. Given that you've been kicked out of the program last sem." It was Regina.

"Tell me Santy, did you met some dirty old man who's willing to pay your...," Jessica trailed off. Pinasadahan ako nito ng nang uuyam na tingin. "...boring and ugly body?"

"Jessica, don't make me laugh, please. Sinong tanga ang papatol sa kanya! Like ewww."

"Sumusobra na kayo ah!"

"Bee, please. Tara na. Alis na lang tayo," mabilis kong nahawakan si Bee na biglang tumayo at akmang susuntukin si Jessica.

"But Santy–"

"Please," sabay lingon ko sa paligid namin.

Unti-unti na kaming pinag titinginan ng mga tao at napansin din iyon ni Bee. Walang imik na sumunod ito sa 'kin at tahimik kaming lumabas ng library.

"Santy, papayag ka na lang ba ng ganon parati? Simula first year tayo hindi ka na lumaban sa mga abnormal na 'yon. Okay maging mabait pero dapat alam mo kung kailan lalaban at tatahimik," galit na saad ng pinsan ko nang makalabas kami sa library.

"Ayoko lang ng gulo Bee. Isa pa alam naman nating hindi ako mananalo sa kanila especially kay Jess di ba?"

Umingos ito,"Dati oo, but now I doubt it. Once na malaman nila kung sino ang poncio pilato na nag bayad ng tuition fee mo, baka buong campus lumuhod pa sa harapan mo."

I panicked. Ayokong may makarinig kay Bee pihado malaking gulo 'yon. Hindi ako ang tipo ng tao na gusto ng atensiyon.

"Bee keep your voice down. May makarinig sayo n'yan eh!"

"Why? What's with the secretive attitude ba ha?"

"Bee naman. Of all people ikaw lang ang nakaka intindi sa sitwasyon ko di ba?"

"Here you go again with your guilty tactics. Fine, fine. Pero isang-isa na lang talaga Santy ha? Malapit ng mapatid ang pisi ko and you know me very well."

"Yes. Thanks Bee."

"OH NO! MALE-LATE NA KO SA SHIFT KO!"

"Don't worry Santy ako na mag papasa nito sa fourth floor," ani Mercury, isa sa mga close ko at kaklase sa Philo.

"Thanks, Miko," nakangiting tawag ko sa nickname niya. "Bawi ako next time. Have to go na. Bye."

"No problem, Santy. Ingat."

Lakad takbo ang ginawa ko para makalabas ng gate ng campus. Sa lawak ng KMIS pasalamat ako't malapit sa gate 4 ang building kung saan ang klase ko ng araw na 'yon dahil kung nagkataon na sa south wing na assign ang room ko, sisante ang abot ko sa boss ko.

I have a part-time job at a restaurant/ OTB that was a fifteen-minute ride from the university. Ilang buwan na din ako doon at kahit may kasungitan ang may ari, maayos naman itong makitungo at mag pasahod. In fact, nang oras na kailangan ko ng pera para makapag bayad sa miscellaneous ko sa school last semester, agad akong pinahiram nito. Kaya siguro kahit tutol si Bee sa pag ta-trabaho ko doon ay sige pa din ako. I want to pay for the kindness Mrs. Lim showed me.

Tutol si Bee sa pag pasok ko doon. Una, dahil nang minsan na sunduin niya ko tumambad sa kanya ang ayos ng lugar at ng ilang parokyanong di pa lumulubog ang araw may hawak ng bote ng beer.

Filthy and gross. Those were the words that my cousin uttered.

Pangalawa at pinaka importante n'yang sinasaksak sa kukute ko, ang katotohanang 'di ko na kailangan pang mag trabaho sa library man or sa restaurant.

Bee emphasized that my status changed–from being broke to nearly owning everything in this country–thanks to the event that transpired two weeks ago. It may be full of sham rather than bliss, nonetheless, I'm grateful to it.

But being the little hard-headed that I am, I reasoned out to her that I want to have my own income. Isa pa kahit abot langit ang gawing pagtutol ng best friend ko, hindi ko bibitawan ang trabaho ko as librarian sa school. I found comfort whenever I enter that place besides I've made friends, great friends with my supervisor, Miss Madrid, and my other co-part-timers.

Marahil kung malalaman ng mga classmates ko sa school ang mga ginagawa ko, pagtatawanan ako ng mga ito at mawi-wirduhan.

Bakit? Dahil kilalang negosyante ang papa ko bukod pa sa dati itong Mayor sa isang bayan sa Bicol. But my relationship with my family is atypical, kinda estranged. It's as if, we're all living under the same roof- Papa and my two siblings- for the sole purpose of practicality. Other than that, wala na. Para kaming mga borders sa isang malaking bahay na kung mag kita man ay swerte na.

My mom, well she's been out of the country lately with her new husband. They've been tirelessly trotting the globe, one continent after another. Kung sibil ang papa ko sa akin, kay mama ibang usapan. Sa mata niya, matagal na kong patay. And I understand her reason. It's valid.

So yes, my life..well sucks. Masakit man sa loob pero 'yon ang toto. I was thrown from one miserable life to a tragic one and that happened two weeks ago.

I flinched when I heard the sound of the bus approaching the shed where I'm standing. Napangiti ako nang mabilis na makasakay ng bus at dahil wala pang rush hour, maluwag pa ang mga daan patungong Avenida.

Ilang saglit pa'y papasok na ko sa loob ng El Concha's. Masigla akong binati ng kahera na si Matet, pamangkin ito ng may ari at asawa ni Mrs. Zenaida Lim, na si Sir Renato.

"Santy akala ko male late ka. Kumusta ang school?"

"Ayos naman. Buti nga't 'di traffic. Saglit lang, magpapalit lang ako ng uniform."

Matapos kong magpaalam ay tumungo ako sa likod kung saan may maliit na silid para sa aming mga empleyado. Naabutan kong nag papahinga doon si Lovely ang isa sa mga waitress sa itaas ang OTB.

"Hi Santy. Mas lalo kang gumaganda ah."

"Thanks. Ikaw din," nahihiyang sagot ko at pumasok ng c.r.

Mabilis akong nagpalit ng uniform ko, itim na pants and pulang polo shirt na may naka imprentang pangalan ko sa tapat ng kanang dibdib.

Lumabas na agad ako't nagsimulamg umikot sa mga mesa. Medyo puno kasi ang restaurant ngayon dahil pahapon na at nagkataon na Friday, meaning marami ang mga parokyano sa itaas kaya alam kong maya-maya lang puno na din dito sa ibaba.

"Santy, and'yan yung gwapong regular mo. Naku bilisan mo hinahanap ka," kinikilig na bungad sa 'kin ni Irene. Single mom at isa sa nakapalagayang loob ko.

"Ha? You mean, yung gwapong 'ni hindi naman ako kinakausap kapag nandito?"

"Pak! Siya na nga. Bilis kanina pa kami kinukulit. Panay nga ang pa-pampam ko, kaso wa epek ang beauty ko. Hmp! Gusto n'ya katulad mo," sabay nguso sa 'kin.

"Irene ano ka ba? Sinong magkaka gusto sa 'kin? Eh, bukod sa 'di ako marunong mag makeup ang kapal pa ng salamin ko sa mata," I chuckled softly and I saw the sassy waitress sneer.

"Ang usapan ganda, girl. Maganda ka talaga noh? Sige na bilisan mo na. Magagalit na naman si Atchi n'yan eh," taboy nito na ang tinutukoy ay ang amo naming babae.

"Okay. Hindi ka pa naman uuwi di ba? May ibibigay kasi ako sa'yo. Para kay Lucca."

Her face beamed when I utter the name of her three-year-old son. "Aww. Sige, antayin ko 'yan Santy. Salamat talaga. Isa kang anghel."

Nahihiyang ngumiti ako kay Irene at tahimik na dinampot ang menu. Marahan akong naglakad patungo sa pinaka sulok ng restaurant kung saan alam kong naka pwesto ang isa sa mga weird na regulars namin.

I cleared my throat and the man automatically drop the call, giving me his attention.

"You're 5 minutes late."

"S-sir?" naguguluhang tanong ko sa gwapong lalake.

Quite frankly, my experience with the opposite sex is minimal or nil. At my age, 20 years old, the only encounter that I have with them or their kind was a brief kiss. And my short talk with Otto. That's all. But then, tao lang ako at alam ko kung gwapo o hindi ang kaharap.

He's tall, well built, all muscles and the kind na titilian ng mga babae kaya naman naiintidihan ko ang mga kasamahan ko kung bakit kinikilig ang mga ito sa misteryosong customer namin. Pero may kakaiba sa kanya. I can't explain it. He's handsome but in a lethal way. And his eyes look oddly familiar.

"Come on, Diez. Give her a break. Baka na-traffic lang. Hindi ba, Santy?"

Doon ko lang napansin na may kasama pala ito ngayong araw. Normally kasi mag isa lang itong nag kakape o 'di kaya ay umiinom ng fresh orange juice sa sulok for five long hours. Weird, hindi ba?

"Ahm.. good afternoon Sir. How did you know my name po?" kunot ang noong tanong ko.

I saw him eyeing the right part of my chest. Oh yes, naka print nga pala ang names namin sa suot na uniform.

"Ow. Sorry. Ano po bang order n'yo? Heto pong menu."

Mabilis na kinuha ng kasama ng weird na customer namin na may weird name din–Diez, ang inabot ko at nakangiting binasa iyon. I have the chance to study him, the younger one. They look the same, the resemblance is uncanny that's why I figured that they're siblings. Wala akong itulak kabigin sa dalawa.

"I'll have the usual," seryosong sabi sa 'kin ni Sir Diez at muling ibinalik ang atens'yon sa phone.

"I'll have a clubhouse and err- the famous awful coffee you're serving here," nakangiwing wika ng mas nakababata sa 'kin. Hula ko'y di nag lalayo ang edad namin. Habang naka dark suit ang kuya nito, siya nama'y naka jeans at white t-shirt lang but that doesn't make him less handsome.

"Are you sure Sir? Pwede ko ho kayong ibili ng ibang kape sa labas—"

"1OO % Santy, don't bother to go out."

"Okay," tumango ako't inulit ang order nila. Matapos masigurong nakuha ko ang mga iyon ng tama, umalis na ko't ibinigay sa kahera namin ang order slip.

Dahil wala pa naman ang order ng magkapatid ay inasikaso ko muna ang ilang mga customers at iniligpit ang mga mesang nabakante na. Paminsan-minsan ay sinisilip ko ang dalawa at nahuhuli kong matiim na pinag mamasdan ako ng mga ito.

There's something about them that keeps on bugging me. Why does someone like them, fine men with obvious wealth, chooses to dine in a rundown restaurant? I've been working here for almost three months now, and Diez just started to appear here two weeks ago.

"Santy, heto na 'yong order ng table 12."

Nang marinig kong tinawag ako ni Matet ay agad kong kinuha ang tray at maingat na binuhat iyon. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang biglang lumapit sa 'kin ang mas batang lalake na hanggang ngayon ay di ko alam ang pangalan. Maingat na kinuha nito ang tray sa kamay ko at ito na ang nagbuhat non.

"Sir?! Trabaho ko ho 'yan."

"No. It's okay. Ayokong nakakakita ng babaeng nahihirapan," nakangising sagot nito at nauna ng nag lakad papunta sa table nila.

"You mean, lahat ng waitress sa kinakainan n'yong resto tinutulungan n'yo?" tanong ko mula sa likuran n'ya.

Tumawa ito, "No. No. Hindi lahat. Let's say you're just special."

Natigilan ako sa sinabi nito at naka tulalang tinitigan ang kapatid nitong bale walang naka upo lang at pinagmamasdan ang ginagawa ng nakababatang kapatid. Ano bang problema ng mga ito?

"Here's the tray, Santy."

Naguguluhang kinuha ko iyon sa kanya. Kanina ko pa gustong itanong ang pangalan n'ya but the shy girl in me always wins so I just brushed off the idea and walked away. I got back to work, taking orders and bussing tables in between. Hindi ko nga namalayan na gabi na pala dahil halos mapuno ang na ng mga customers galing sa itaas ang buong restaurant. Ang ilan sa mga ito'y may dalang mga alak.

"Santy, ilipat mo nga sa news iyang t.v. Hindi gumagana ang remote," utos sa 'kin ni Mrs. Lim. Mahilig kasi itong manood ng mga current events at paborito nito ang TV Patrol lalo na 'yong Star Patrol segment.

Tahimik akong sumunod at matiyagang pinindot ang t.v. hanggang sa nasa channel na ito na gusto ng amo kong babae. I continue my work and didn't even bother to glance in the direction of the two brothers who are now on their third cup of coffee.

"Magandang gabi, Kapamilya. On our latest Chika for tonight, one of the sought-after and rarely photographed noble slash casino magnate, Seven Torrevilas was seen with a date last night at an intimate charity gala in Davao. Yes, you heard it right. Seven hot casino magnate Torrevillas on a date. Maki chika po tayo.."

I hastily turn around when the sweet voice of the female broadcaster echoed around the crowded restaurant.

The hauntingly beautiful face of a man greeted me. He's wearing his signature Armani suit and crooked arrogant smile while staring at the sexy model turned actress on his side. The two are smiling at each other and after the photograph, a video clip was shown. It was short but it highlighted one event, Giulianna's whispering something that makes the man laugh.

His chocolate brown beamed when Guilianna whispered something to him. They look good together.

Hindi ko namalayang nabitawan ko ang hawak na tray, kung 'di ko pa narinig ang tunog ng mga nabasag na baso hindi pa ko matatauhan.

"Santy, ayos ka lang ba?"

"H-ha?" napatingin ako sa kanan ko at nakatayo doon ang gwapong customer ko at si Diez. They're both looking at me, concern was painted on their faces. "I'm o-okay, Sir."

Mabilis kong dinampot ang mga bubog. How can I be okay? Can someone tell me the ways to properly deal with my situation right now? Dahil sa pagkakatanda ko, walang babaeng magiging masaya kapag nalaman niya na may ibang ka-date ang asawa n'ya two weeks after their wedding.

"Your husband has lots of explaining to do. Let's go."

And that's the second surprise I got today, they're Seven's brothers.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

royalmanunulatcreators' thoughts