webnovel

Seven Flowers For You (Filipino)

The Meeting of Kiara and Miah When Kiara and Miah first meet, the moment is filled with shock and disbelief—like staring into a mirror that reflects a life so similar yet worlds apart. They marvel at each other’s uncanny resemblance, a connection that feels almost destined. Despite their differences, a bond forms between them, deepened by the mysteries that surround Kiara’s family. Miah, who once worked for a renowned detective before his untimely death, senses that something darker lurks behind the polished facade of the Zhi family, particularly concerning Vrix. A Temporary Life Swap for a Hidden Mission Desperate to uncover the truth about her half-brother Vrix and unravel the secrets her family keeps hidden, Kiara proposes a temporary life swap with Miah. Kiara knows that her family, particularly her father, will never trust her if she appears openly interested in exposing any family secrets. Meanwhile, Miah’s background as a detective’s apprentice makes her perfect for this covert mission. She can navigate hidden agendas and uncover secrets without arousing suspicion. Their plan is simple: Miah will take Kiara’s place in the Zhi mansion, observing Vrix and digging for answers. Kiara, in return, will live Miah’s life, experiencing a rare sense of freedom and anonymity. Each woman steps into the other’s shoes with a mixture of thrill and trepidation, ready to face the dangers that come with their deception.

MissKc_21 · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
10 Chs

UNWANTED ARRANGEMENT

Gabi na nang magkatipun-tipon ang mga Zhi sa kanilang mansyon. Ang mansyon ay matatagpuan sa dulo ng isang mahabang daanan na napapaligiran ng mga puno at iba't ibang halaman. Matatanaw ang matatayog na pader nito dahil sa kumikislap na liwanag dulo't ng mga ilaw na nakapalibot rito.

Dalawang marmol na haligi ang sumusuporta sa malawak na portiko sa harap, kung saan naroon ang mabigat na pinto na kahoy na may mga ukit na masalimuot.

"Good evening po Mr. Sebastian" bungad ng sampung mga katulong sa kanya. Siya na lang ang hinihintay sa loob kasi andoon na si Ynah (mommy ni Kiara), Vrix, Aga at si Kiara Louie. 

Binaybay ng matanda ang loob kung saan bumungad ang isang marangyang bulwagan na may makintab na marmol na sahig na sumasalamin sa liwanag mula sa malaking chandelier na kristal na nakasabit sa itaas. Isang hagdanang paikot naman ang marahang pumapaakyat patungo sa mga itaas na palapag habang ang mga railings nito ay pinalamutian ng mga gintong detalye. Sa mga sahig ay nakalatag ang makakapal na alpombra na may kulay pulang malalim at bughaw, na nagpapalambot ng mga yapak at nagbibigay-init sa buong engrandeng espasyo. Sa magkabilang panig ng bulwagan, may mga malalaking silid na may matataas na kisame at malalaking bintanang nagpapapasok ng liwanag sa buong lugar tuwing umaga. Sa loob naman ng salas, nakalagay ang mga malalambot na sopang balot ng pelus sa paligid ng isang malaking fireplace na napapaligiran ng madilim at makinis na kahoy. Sa itaas ng fireplace, nakasabit ang larawan ng isang ninuno na nakatingin pababa, nagbibigay ng kasaysayan at dignidad sa silid. 

Bawat detalye, mula sa maseselang ukit sa mga dingding hanggang sa mga antigong muwebles, ay nagpapakita ng karangyaan at klasikong kagandahan.

"Dad" agad na lumapit ang paboritong anak ng matanda at bumeso sa kanya.

"Buti at nakauwi ka na, kanina pa kami naghihintay sa iyo dito" sabi ng mommy ni Kiara.

"I just got a call from Rex, nalaman na niya ang location ng bastardo kong anak." may gigil pa rin sa boses niya nang sabihin iyon. 

Naupo muna ang matanda sa harap ng hapag kainan bago nagsalita ulit…

"Nagawa pa talaga niyang umalis ng bansa huh.."

"Where is he dad?" curious namang tanong ni Aga.

"Nasa Japan. Humanda talaga sa akin ang isang iyon. I'm gonna restrict all his cards para di na niya iyon magamit. Tingnan natin kung hindi pa siya umuwi ng Pilipinas." the old man murmured.

"Then what's your plan Honey, after niyang makauwi dito?" Ynah asked.

"I'm gonna smack him in his face!" Every movement, from his abrupt gestures to the tapping of his cane against the ground, speaks of barely contained impatience. Lagi talagang sumasakit ang ulo ng matanda pagdating sa pangatlo niyang anak sa ibang babae.

Hindi na umimik ang apat at nagpatuloy na lang sila sa pagkain. They didn't dare to question him anymore kasi baka lalo pa itong mahighblood.

"By the way Louie, George will come here bukas. Susunduin ka niya ng umaga and please...be good to him. Kasi the last time na gusto ko kayong magmeet eh sumibat ka bigla."

"Ah…..actually, that time…I've got an emergency call." pagsisinungaling ng dalaga.

"Mukhang iyan rin ang sinabi mo sa akin when I set you a date with his younger brother." 

Napaisip bigla ang dalaga. 

She wanted to tell her dad na di naman niya type 'yung mga lalaking ipinu-push nila sa kanya. Di nga niya kilala kung sino ang mga iyon eh. She didn't even want to see them kasi nga, ayaw niya. 

Now, she's thinking kung paano siya makakatakas knowing na pupuntahan pala s'ya mismo nito sa mansion nila.

"Dapat, maaga kang matulog ngayon Sweetie para fresh and good looking ka sa date mo bukas." support naman ng mother niya.

"Do I have to meet him dad? I mean, I didn't even know him. And…..what's with those people ba? Una gusto mo akong ipakilala sa bunso…..then now, sa kuya naman. What do they think of me, option lang ba?"

Hindi nakaimik ang matanda dahil dito. Napagtanto rin nito na may point rin ang dalaga. 

"Why don't you try? Malay mo naman, magustuhan mo 'yung tao." biglang singit ni Vrix. 

Okay na sana eh. Mukhang napapaisip na ang daddy niya kaso….sumingit sa usapan ang favorite brother niya, ironically.

Gusto tuloy magsalita ng dalaga ng bad words sa harap ng bida-bida niyang kapatid kaso, parang may bumulong sa konsensya niya that time kaya nakapagpigil pa siya.

"Your brother is right Louie, just try to meet him tomorrow. Malay mo naman di ba?" then the old man wink at her.

"Aish!!!" iyon na lang ang nabanggit ng dalaga dahil labag talaga sa kalooban niya ang arrangement na iyon.

(Mabilis na lumipas ang mga oras.)

Kinaumagahan na…..

Abala sa salamin ang dalaga habang inaayos ang kanyang buhok. Nagsuot lang ang dalaga ng casual t-shirt at loose fit jean habang nakapony tail ito with brown bucket hat sa ulo.

"Huy, saan ba ang punta mo't bakit ganyan ang ayos mo? Hindi ba't may date ka ngayong araw?" tanong ng mommy niya nang makita ito sa loob ng kanyang kwarto.

"Meroon nga po mom. And ito po ang naisipan kong suotin coz I wanted to be comfortable. And besides, di ko pa kilala 'yung guy, baka bastusin niya lang ako kapag nagsuot ako ng mini skirt."  Kiara explained.

Pero sa isip-isipan niya, sisibat talaga siya sa date nila mamaya and in order to run faster, kailangan niyang magsuot ng ganon.

Hindi na nakipagtalo pa ang kanyang mommy kaya bumaba na siya mula sa kwarto niya. Sakto namang dumating na ang binata para sunduin siya. But instead na papasukin pa niya sa loob ng mansyon si George eh agad na niya itong hinila sa Audi nito.

"Hindi naman halatang excited ka noh?" natatawang tanong ng binata sa ginawa ng dalaga.

"Yes tama ka, excited na akong tumakas" mahinang sabi niya habang papasok na sa loob ng sasakyan.

"What did you say?" he asked.

"Wala…ang sabi ko, ang ganda ng balbas mo" she replied.

"Okay? Is that really a compliment?" he said nang makapasok na rin sa loob. 

She just nodded. She doesn't want to interact masyado kaya nagkaroon ng katahimikan sa loob when he started driving.

"Saan ba ang lugar na madaming tao?" bulong ng dalaga sa isipan, in order for her plan to work.

"Saan mo ba gusto?" he asked. Nagulat ang dalaga kasi tila nabasa nito ang sinsabi ng utak niya.

"Well, saan ba yung maraming tao?" tanong ng dalaga thinking na mapapadali kasi ang binabalak niya kapag crowded ang place. 

"Ayaw mo nang romantic place, like 'yung tayong dalawa lang?" him, without looking kasi abala siya sa pagdadrive.

"Ah…gusto ko kasi 'yung adventurous and entertaining na date. Para happy lang." her, trying to smile.

"Gusto mong magrides tayo? May alam akong place and sure akong maraming tao doon"

Dahil sa narinig, natuwa ng sobra ang dalaga. Perfect na perfect sa plano niyang sumibat. Napangiti na rin ang binata kasi nakita niyang masaya ang dalaga without knowing the real reason of her joy.