webnovel

Scent of Scorching Retaliation

Polaris Nable, anak ni Heneral Arcturus Nable na pinatay ang tatay niya para sa kapangyarihan. Itinago para ilayo sa kapahamakan. Sa pagkawala ng tatay niya, humina ang pwersa ng bansa nila dahilan para sakupin ito ng ibang nayon.

Richheee_Villegas · Derivados de obras
Sin suficientes valoraciones
1 Chs

P r o l o g u e

• Polaris •

"Tito, hindi ako pwedeng magtago dito." Pilit ko mang pigilan pero ayaw huminto. Patuloy lang ang pagtulo ng aking mga luha.

Lumingon ako kay Rigel, para bang humuhingi ng tulong pero umiwas siya ng tingin bago lumabas.

"Alam mo ba kung anong pwedeng mangyari kung hahayaan kita?! Maaaring malaman ng lahat ang pagkatao mo!" Sagot ni Tito.

"Pinatay nila ang tatay ko! Hindi tama na hinahayaan kong ganito!"

"Anong plano mo? Papatayin mo ang Presidente?!" Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Binigyan niya lang ako ng ideya sa mga maaari kong gawin para ipaghiganti si Papa.

Ngumisi si Tito Lejandro, "Paano mo gagawin yon? Lalapain mo sa leeg? Baka hindi ka pa nakakalapit sa kaniya patay ka na!" Sigaw niya. Umiwas ako ng tingin at hindi ako nakasagot.

"Heneral Anson, oras na ho." Sabi ng taga-sunod ni Tito Lejandro. Hindi siya maaaring magtagal.

"Ris, kung ano man yang binabalak mo? Itigil mo na. Wala kang mapapala." Lumuhod siya sa harap ko at tinapik ang balikat ko. Napatakip ako ng mukha at lalo lang akong humagulgol.

"Tandaan mo, Heneral ang tatay mo. Namatay Ng may dangal at prinsipyo." Pinutol ko ang mga salita niya.

"Pinatay ng may dangal at prinsipyo." Pagtama ko. Dahil magkaibang bagay iyon.

"Ris, Heneral din ako. Pero kahit kami ng tatay mo, nahirapan lumikha ng pagbabago. Mahirap pagbuklurin ang bansang walang pang-unawa." Tumayo ito at paalis na. "Rigel, mauuna na ako. Wag mong pababayaan ang pinsan mo." Sabi ni Tito bago tuluyang umalis. Napayuko ako at sa pagmulat ng mata ko, nasa harap ko na si Rigel na may hawak nang baso ng tubig.

Kinuha ko ang tubig mula sa kamay niya at tinitigan iyon ng maigi. "Rigel," Matalim ang tingin ko sa baso at mababasag na sa higpit ng hawak ko.

"Ayos ka lang? Tumahan ka na." Bulong nito.

"Papatayin ko si Presidente Garzai."

"Ano?!"

"Papatayin ko si Presidente Javino Garzai at ang anak niya, si Jiela." Sumpa ko.