webnovel

7

KABANATA 7: Period

THUMPING sound of chops woke me up. I let out a small groan and opened my eyes. The light from the window is blinding me so I immediately looked away and rolled to the shaded side.

Nakahinga ako ng maluwag ng mapansing maayos na ang pakiramdam ko, muli na namang sinunog ang aking pisngi nang maalala ang nangyari kagabi. He warmed with, should I thank him? No, of course not. Hindi parin niyon mababago ang mga ginawa niya sa pamilya ko.

Napansin kong may suot na akong jacket at balot na balot ng kumot, ginawa niya akong turon.

Tinanggal ko ang nakabalot na kumot sa akin at bumangon, bahagya pa akong nahilo ngunit agad naman akong nakabawi makalipas ang ilang segundo. My body is aching, ganoon din ang aking puson, nangatog ang tuhod ko ng tangkain kong maglakad.

"Don't move. Bumili ako ng gamot."

Napahinto ako ng marinig ang kaniyang tinig at biglang naupo. Why do I still fear his presence? Pumasok siya sa loob ng silid na may dalang tray ng tasa, gamot at baso.

Inabot niya ang isang basong tubig at paracetamol. Is this real? This bad guy is giving me medicine? Hindi ako magtataka kung pababayaan niya lang ako dahil alam kong gawain niya iyon, ngunit ang tulungan ako ng ganito'y malaking katanungan sa akin. I should be thankful because he's helping me out, I am indeed thankful ngunit hindi ko rin maiwasang mapaisip. Sa kabilang bahagi ay natatakot rin akong baka sa huli'y hingan niya ako ng kapalit na hindi ko maibibigay. At kapag hindi ko iyon naibigay, of course I would end up dead.

Pinigilan ko ang mga kamay kong manginig habang inaabot ang gamot, baka mag hysterical na naman siya at magalit na para bang isang malaking kasalanan ang panginginig ng anumang bahagi ng aking katawan.

Napaatras ako ng abutin niya ang aking noo. Naghuramentado ang aking puso ng magtama ang aming balat, agad akong umiwas samantalang siya'y nangunot ang noo pagkakuwa'y tinaasan ako ng kilay.

"Sakitin ka ba?"

I stared at him. I almost forgot to answer his question when I remembered how he became mad last time, baka tutukan niya na naman ako ng baril kapag hindi ko siya nasagot.

"N-no, kung wala namang rason para magkasakit ako-"

He cut me off, "Eat."

Ibinigay niya sa akin ang tasa ng goto. Marunong rin siyang magluto? Well, of course, he's also human. Hindi nga lang makatao ang trabaho. I suddenly thought of my family again, I bit my lower lip to stop myself from crying.

Nahinto siya sa paghalo ng goto at tinitigan ako, "What's wrong? You don't like it?"

Namilog ang mga mata ko at mabilis na umiling iling. Kinuha ko ang goto at ako na mismo ang naghalo nito. Baka mamaya magbago pa ang isip niya at gutumin ako, he doesn't really care at all kung mamatay man ako sa gutom.

Hinipan ko ang goto at kinain, bahagya pa akong napaso kaya naman naibalik ko ang kutsara sa tasa. Bagong luto iyon at mabango ang amoy, iyon din siguro ang ingay na naririnig ko kanina. Nagluluto siya.

"Don't do anything stupid."

Iyon lamang ang sinabi niya at lumabas ng silid. Hindi ko mapigilang maluha habang kinakain ang niluto niya. Iniwasan ko lang ang lumikha ng ingay dahil ayaw niyang makarinig niyon. Patuloy na pumapasok sa akin isipan ang hitsura ng pamilya ko habang nakahandusay, duguan, at walang buhay sa aming mansion.

Noon, sa ganitong oras ay masaya kong binabaybay ang aming hardin. Tahimik na nag-aaral sa aking silid, maya't maya ay hihintayin ang pagdating ng aking guro upang mag aral. Homeschooling lang ako dahil nga sekreto akong anak. Kaya naman inggit ako sa mga kuya ko noon na maraming kaibigan pag-uwi galing skwelahan. Lahat kaya ng naroon nang gabing iyon ay napatay? Pati mga katulong? Lahat ng gwardiya at pulis? I remembered Elvie, she used to comb my long wavy tan hair ago. Kaya naman palaging maayos ang mahaba kong buhok noon, samantalang ngayon ay magulo, buhaghag at napapabayaan.

Para akong batang umiiyak dahil hindi nagustuhan ang luto ng kaniyang ina. The food was really good but the memories I had were not. Hindi ko na nakalahati pa ang luto, ininom ko na ang gamot at tubig pagkatapos ay tumitig sa kawalan habang tahimik na umiiyak. Hindi ganoon kadaling kalimutan ang lahat lalo pa't nasaksihan

ko ang mga pangyayari, ang nakakatawa pa'y nasa puder ako ng taong pumatay sa aking pamilya. Could this be worse?

Mabagal akong tumayo upang ibalik sa kusina ang tray kasama na ang aking kinainan. Hindi parin nawawala sa akin ang takot ngunit sadyang makulit ang sistema ko at gusto kong lumabas sa silid na iyon.

I saw him sitting at the window behind the transparent white curtain. Mukhang malalim ang kaniyang iniisip. Inihip ng hangin ang kurtina ngunit tila 'di niya iyon alintana. He's thinking something really deep, he didn't even noticed my presence when I walked passed through him.

Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip rin ng malalim. Ni minsan ba'y dumako sa isip niyang magbagong buhay? Maghanap ng matinong trabaho? Lahat naman ng trabaho ay mahirap, mas mahirap nga ang ginagawa niya, it's between death and life. If he won't take life, then his would be taken. Ang kaibahan lang ay kung gaano kabilis pumasok ng pera. Sa trabaho niya'y may pera kaagad pagkatapos, samantalang ang pera ng matinong trabaho ay hihintayin mo ng matagal.

I was about to put the bowl in the table when It slipped off my hands and broke as it fell on the ground. I freaked out when it created a blasting sound, "Damn!" I cursed and immediately swift to his direction. Ganoon na lamang ang pag-atras ko ng nasa likuran ko na siya, bakas ang gulat at galit sa kaniyang hitsura.

I became hysterical, "No, no, look, I'm sorry I-"

"Move away," he commanded.

Sandali akong natigilan ngunit agad naman akong bumawi, "I didn't mean to, uhm, I'll just... clean it!"

"I said move." He said in a deep tone, he's trying to calm himself, tila iniiwasan akong masigawan.

Lumuhod ako upang pulutin ang nabasag na bowl.

"Kapag ikaw nasugatan!" He yelled.

Ganoon na lamang ako kabilis na umatras dahil sa bigla niyang pagsigaw. Just as what he commanded, I moved away. I crawled away and watched him clean my mess. Natutop ko ang aking bibig ng makitang dumugo ang kaniyang daliri, nasugatan siya! Sinipsip niya ang dugong lumabas doon at nagpatuloy sa pagpulot ng mga nabasag.

Muling namuo ang mga luha sa aking mata ng maalala ang kaniyang isinigaw. Kapag ako nasugatan? What does he mean? He's confusing me, really.

Tumakbo ako pabalik sa aking silid, tahimik na nagsisising lumabas pa ako roon. Hindi pa ako nakakapasok ng muli siyang sumigaw.

"What the heck did you do again?"

Nanginginig akong lumingon sa kaniya, hindi ko maunawaan ang kaniyang ibig sabihin. Tila nagkarera ang aking puso ng lumapit siya sa akin habang nakatingin sa aking puwetan. What the heck is this moron up to? Why the hell is he looking at my butt?

"Ano'ng katangahan na naman ba ang ginawa mo? Kaaga-aga, saang impyerno ka galing?"

Hindi ko na napigilan ang aking sarili, "What?"

"I told you, stop doing stupid things!"

"I don't understand what you're talking about!"

I gasped when he oppressively grabbed my arm, "Wag mo akong binubuwisit, kaaga-aga! What the fuck did you do, Seventeen?"

Kumurap kurap ako habang nilalabanan ang matalim niyang pagtitig. Hindi ko talaga siya maunawaan, "I-I'm sorry, nabasag ko iyong-"

"I'm not referring to that damn bowl!"

Binawi ko ang aking kamay at maluha-luha siyang sinagot, "Then what? Hindi kita maintindihan!"

I screamed when he grabbed my dress and pointed the blood stains in it. Nagulat ako sa biglaan niyang paghila niyon, ngunit mas nagulat ako sa dugong naroroon. Iyon ba ang dahilan ng ikinagagalit niya? Akala niya ba'y may ginawa na naman akong hindi maganda dahil lang may dugo ako doon?

"What the heck is this?" He yelled.

Nasapo ko ang aking noo at binawi ang puting bistida dahil nakikita na ang panty ko.

Damn this guy. Kaya pala sumasakit ang puson ko kanina, mukhang hindi ko na rin maiiwasang magsungit ngayon dahil ganoon talaga ako kapag may buwanang dalaw. Nagagalit siya sa tagos ko. Have he ever heard about monthly period?

I'm having my monthly period, damn it.