KABANATA 27: Threat
The tension was unbearable. Kung hindi lamang ako natuto kay Lyreb na maging matapang sa lahat ng aming pinagdaanan ay malamang matatakot at maghi-hysterical na naman ako. I have learned so much from my beast, kaya naman ngayon ay nahihirapan akong ipicture ang sarili ko nang wala siya. After all the storms we have been through, it will be so hard for me do what he really wants to happen. He wants me to live my life without him, while he'll go back to his old life and would try not to cross our paths again.
Naghuhuramentado ang puso ko, hindi ko alam kung saan ako titingin. Kay Lyreb na nahihirapan, o sa matandang biglang pumasok.
I gasped and stared at Lyreb when the man suddenly barged in, "Lyreb, who is he?" Bulong ko. Sa pagkakatanda ko'y Rupert din ang pangalan ng lalaking binabanggit sa akin ni Lyreb noon.
The man held his gun high and stared at the both of us, "Kaya pala ang layo mo na sa organisasyon, at palagi kang walang ibinibigay na report tungkol sa babaeng iyan dahil nasa puder mo na!" Rupert yelled and walked in towards us, "Kaya pala,"
"Touch her, I'll kill you," pagbabanta ni Lyreb kahit na nanghihina siya nang lubusan dahil sa sakit na nararamdaman.
Lyreb stood up while still gripping my waist, he's trying to conceal me at his back. Maingat akong sumunod sa gusto niya at nagtago sa kaniyang likod habang nakapulupot ang mga kamay sa kaniyang baywang. He let go of his grip from my waist and held my hand on his tummy instead while the other hand on my dress.
"Such a shame! Threatening the person who helped you?" Rupert exclaimed in annoyance, "Wala kang utang na loob!"
I felt Lyreb's hands tightened, he unknowingly squeezed my palm before he exclaimed, "You put me into this, you didn't helped me!" Lyreb rebutted, I can feel his pain even more when he almost ripped my dress while he grip it.
"I did helped you!" Sigaw ni Rupert at ibinaba ang kaniyang baril, "Just why are you still keeping this girl? Ibigay mo na siya sa organisasyon para matapos na ang paghihirap mo!"
I bit my lip and fearfully closed my eyes. I knew it, Lyreb is suffering because of me. Tama ang hinala ko noong lagi na siyang late umuwi, pinapahirapan na pala talaga siya. Ano'ng paghihirap ba ang pinagdaanan niya sa kanilang organisasyon nang dahil sa akin?
"No, never," Matigas na saad ni Lyreb at itinago ako nang tuluyan sa kaniyang likuran, "I am willing to strangle and be strangled by death just to protect her, hindi mo siya makukuha sa akin, Rupert."
"Hindi ko siya kukunin sa'yo, Lyreb. Dahil kusa mo siyang papakawalan,"
"What the fuck? Paano mo ako dito nasundan?" Mura ni Lyreb habang patuloy na nilalaban ang sakit ng kaniyang ulo. Tahimik na naglandas ang mga luha ko nang umagos ang dugo sa ilong ni Lyreb at pumatak na iyon nang tuluyan sa sahig.
"Matagal na kitang sinusubaybayan," ani Rupert at inilibot ang paningin sa lumang bagay, "Matagal na panahon na." Aniya at muling ibinalik sa amin ang paningin, "Am I too dumb, or you were just so good on hiding that girl? I didn't see this coming,"
"Damn you,"
"The organization raised a beast, what happened?" Rupert played his gun, bigla akong nangambang baka naikasa niya iyon at pumutok, "What happened to you, what happened to the best nightcrawler?"
Nangatog ako nang magsimula itong maglakad patungo sa amin.
"Stop," Lyreb warned, "Stay where you are,"
"I won't hurt you nor her," Rupert calmed his voice, "I am telling you, ikaw mismo Lyreb, iiwanan mo siya."
"That will never happen!"
"Just what happened to you? Wala kang pakialam sa mga babae! Sa mga tao! You are a beast, dapat kang katakutan! Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo?" Frustrated na saad ng matandang Rupert "Hindi ikaw yan, Lyreb. Hindi ikaw yan!"
"Urgh!" Lyreb squealed in pain and fall down on while holding his head. Naalarma ako, pati na rin si Rupert dahil sa nangyayari kay Lyreb. His memories are trying to come back, noon pa iyon. Hindi ko lang maunawaan kung bakit hindi natutuloy ang pagbabalik ng mga ala-ala ni Lyreb. What did the organization did to him? Nakakaawa naman ang lalaking ito… naaawa ako sa lalaking kinamuhian ko noon na ang tanging ginawa lamang ay iligtas ako.
"Lyreb,"
"Ikaw, Beau Monde, layuan mo ang alaga ko! Lumayas ka dito!" Sigaw ni Rupert at itinaboy ako sa pamamagitan ng kaniyang baril. Takot akong yumakap kay Lyreb at hindi na kumawala pa sa kaniya, ito na nga ba ang isa ikinakatakot ko.
But the thing is, si Rupert palang ang nandito. Papaano kung ang karamihan na sa kanilang organisasyon? Ano na lamang ang mangyayari sa amin? Sa akin... at lalo na kay Lyreb?
"Damn you, Rupert! Wag mo kaming pakialaman!" Sigaw ni Lyreb at mahigpit akong hinawakan habang nanginginig.
"Oh, the beast has fallen in love!" Rupert mocked and laughed hard, "Bravo! The beast, is no longer a beast... I see. You were simply tamed and captured by a beauty, what a shame!"
Rupert sat down right infront of Lyreb, wala akong magawa dahil isa lamang akong takot na dalagang nagtatago sa kaniyang nanghihinang tagapagligtas.
"Come with me, Lyreb, I'll help you with everything. You need to know and understand everything, then you decide what to do with that girl," bulong ni Rupert.
Nagpalitan ng matatalim na titig ang dalawang lalaki.
"Lyreb... no,"
"Hindi ko siya sasaktan. Alam mong hindi ako nananakit ng mga malapit sa'yo. Hindi ko siya papakialaman. Sumama ka sa akin ngayon din, nang magkaliwanagan tayo."
Lyreb didn't move an inch, he just stared at the man. At ang ikinakatakot ko'y baka tuluyan siyang sumama sa lalaking ito.
"You'll come with me, or..." Rupert looked at me, ganoon na lamang ako napaiwas ng tingin at takot na sumiksik kay Lyreb, "Come on Lyreb, this is for her own safety too. And for your sereneness as well."
"Lyreb..." I whispered, please don't come with him.
"Hush," Lyreb finally spoke, "You stay here," aniya, "Babalik kaagad ako."
Nagitla ako nang sabihin niya iyon, mas lalo pa akong namroblema nang tuluyan na siyang tumayo at kumapit kay Rupert. Nanghihina akong napaupo sa sahig habang pinapanuod ang dalawang humakbang palayo sa akin.
"Pagbalik niya, hindi na siya ang Lyreb na nagmamahal sa'yo," Rupert mocked and devilishly laughed again, "I assure you that!"
"RUPERT!" Lyreb yelled.
"Lyreb, no, no, please... isama mo ako," I begged and stood up weakly.
"Babalik ako, dito ka lang,"
Nang mapansin kong wala na akong magagawa sa kanilang desisyon ay matalim akong lumingon kay Rupert, "Hey you old man," matapang kong tawag at itinuro si Lyreb, "Ibalik mo siya sa akin!"
Lyreb furrowed while Rupert devilishly laughed, "He'll come back with his own feet," and his last words sent shivers down my spine, "And once he does, he'll drag you out of this place..."