webnovel

20

KABANATA 20: Under his protection

"SEVENTEEN!"

Kumaripas ako ng takbo matapos marinig ang iritadong sigaw ni Lyreb sa kaniyang kwarto. Nakarinig rin ako ng kalabog, malamang ay sinisira niya ang kaniyang higaan upang makaalis sa pagkakagapos ko. Idiot, hindi marunong mag-ingat ang kupal. Mabuti na lamang at nakauwi pa siya, paano na lamang kung nag-init siya sa gitna ng kalsada?

"MY GOD! LYREB!" Sigaw ko atsaka nagtakip ng mata matapos makitang wala na ang kumot na nagtatakip sa kaniyang hubad na katawan.

"What did you do to me?!" Bulalas niya saka patuloy na niyugyog ang mga kamay upang matanggal ang kadena ngunit hindi siya nagtagumpay, "Remove these fucking chains now! Are you planning something on me? Ikaw pala ang may pagnanasa sa akin 'eh!"

Iritado kong tinanggal ang pagkakatakip sa aking mata at pikon na lumapit sa kanya.

"Ikaw tanga ka, magpasalamat ka nalang ginapos kita diyan kung hindi ay baka nangrape ka na ng engkanto sa kakahuyan!"

"What?"

"What? Watawat? Yes, you heard it right! Ang lakas ng libog mo kagabing kupal ka," napahinto ako at nakaramdam ng pamumula matapos mapagtanto ang mga sinabi ko, "Y-you even-" how could I say it?

"What?" Kuryoso niyang tanong. "I raped you?!" Hindi niya makapaniwalang dugtong.

"No! Idiot!" Singhal ko at hinampas ang kaniyang dibdib.

Wala na akong pakialam kung nakikita ko ang kaniyang kabuuan dahil kagabi nga'y tayong-tayo iyon nang makita ko. Ngayon nga ay nakatayo na naman, kaaga-aga.

"Bwisit!"

"Look, I'm sorry. Hindi ko alam ang nangyari sa akin kagabi!"

"Yeah?" Iritado kong saad at pinagkrus ang aking mga braso sa harapan ng aking dibdib.

He sighed, "Damn, nakainom ako kagabi." aniya at umaktong sumasakit ang kaniyang ulo. Good things he's sober now, I'll let him realize what he did first before removing the chains. Masyado siyang masakit sa ulo kagabi!

"I am really sorry, Seventeen. Please remove these chains now, please!"

Umirap ako, "Do you have any idea what trouble did you do last night?"

Nanahimik siya, "I uhm," bahagya siyang nahinto at tila inalala ang lahat, "We had a party celebration at the headquarters. And then, nagkayayaang uminom. I swear I refused them but they forced me just like what they always do, and then... uhm..." pumikit pa siya at muling inalala ang nangyari, "Iba ang lasa niyong alak. Sumama ang pakiramdam ko, kakaiba iyong alak!"

"You were drugged last night, sex drug!" Diniinan ko pa ang mga huling salita upang ipa realize kung gaano siya naging halimaw kagabi.

Napangisi ako nang makita ang kaniyang pamumula. The beast knows how to blush, that's new.

"I insisted to go home. Puro babae na ang nakapalibot sa akin, hindi nila ako nilulubayan. Someone even offered me money just to have sex with her!" Bulalas niya, tila hindi makapaniwala sa naaalala.

Wow! Nakaramdam ako ng sama ng loob, bigla ay gusto kong sugurin kung sino man ang babaeng iyon at saksakin sa ulo. At kakaiba naman talaga ang lalaking ito, siya pa ang binibigyan ng offer para lang makipagtalik!

"Wow, lakas ng appeal mo ah!" Iritado kong komento.

"But I refused again, I just found her kissing me hard. Damn it!" Bumagsak ang kaniyang ulo sa kaniyang unan, "Who's that girl?"

Bigla ay nabuhay ang galit ko at malakas siyang pinagpalo. "Napakawalang hiya mo talaga. Natutuwa ka pa sa kabulastugan mong kupal ka!"

"Aww, that hurts!" Reklamo niya.

Bigla ay nakaramdam na naman ako ng pamumula. He used to said that when he was drunk, and now he's sober, it kinda feel weird and awkward for me dahil patuloy lamang na pumapasok sa aking utak ang lahat-lahat.

"But Rupert helped me, that damn old man. Gusto niya lang ng babae!" Iritado niyang saad ngunit mas sumobra ang iritasyon na naramdaman ko, kaunti na lamang ay sasabog na ang inis ko, "So, I went home, and then nakaramdam ako ng init. What the fuck happened to this house last night? Bakit ang init? You were here!"

"SHUT UP!" Hindi ko na siya hinayaan pang magpatuloy.

Masyadong malakas ang pagkabog ng dibdib ko, at kapag nagpatuloy pa siya'y mas lalo lamang akong mahihiya. Akala ko'y siya ang mapapahiya kapag naalala niya ang lahat, pero bakit tila wala siyang hiya? He's not awkward with me at all. Samantalang ako'y hindi sa kaniya makatingin ng deretso dahil sa mga nangyari.

Inis kong tinanggal ang kaniyang mga tali. Malaya siyang umupo sa kaniyang kama nang hindi man lamang tinatakpan ang kaniyang hubad na damit.

Ilang minutong namayani ang katahimikan sa loob ng silid habang inaayos ko ang kadenang ginamit ko na pang gapos sa kanya. Kinailangan kong magmadali dahil hindi ko na kinakaya pa ang awkwardness na aking nararamdaman.

Hindi ko alam kung patuloy niyang inaalala iyong mga nangyari kagabi dahil nanahimik siya o umaatake na naman ang kaniyang amnesia. Nang lingunin ko siya'y nakahawak siya sa kaniyang ulo.

"Damn!"

Halos mapalundag ako at matumba sa gulat nang bigla siyang magmura. Kumalabog ang puso ko, dali dali kong pinulot ang kadena atsaka tumayo pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng silid.

"Seventeen," pigil niya.

Napahinto ako at napapalunok na lumingon sa kaniya, "Oh-oh, ano?"

"Did we kissed last night?" Seryoso niyang tanong.

Ganoon na lamang nanlaki ang aking mga mata. Muli na namang naghuramentado ang puso ko dahil sa walang preno niyang bibig. Sinasabi niya kung ano ang gusto niyang sabihin, walang nakakapigil sa kaniya.

"I kissed you last night," naniningkit ang kaniyang mga mata habang matiim akong tinititigan.

Umirap ako at dali-daling lumabas, "Damuho ka!"

The day went good, iyon nga lang ay naging mailap ako sa kaniya. Nilamon ako ng hiya, kaya naman kapag naglalambing siya'y pahirapan muna dahil hindi talaga ako sumusunod.

I am shy and ashamed with the fact that I nearly gave up last night. Paano na lamang kung hindi ko iyon napigilan? At paano kung mangyari ulit iyon at hindi na siya lasing?

I really hate my mind.

Maghapon siyang nanatili sa kaniyang silid. Hindi madaling naalis ang sakit ng kaniyang ulo, kinailangan ko pa siyang pagsilbihan na hindi niya naman ginagawa sa akin noon. Yes he do the cooking, but he never served me food. Hindi naman ako nagrereklamo, I am even grateful that I have the chance to show him my care. Sana ay hindi bulag ang isang 'to na may pag-aalala ako sa kaniya.

"Bumangon ka diyan at kumain," mahina kong saad pagkapasok ko sa kaniyang silid.

"Your birthday is near? Hm?"

Napahinto ako. "Kain na," sa halip ay sagot ko. Mukhang naramdaman niyang ayaw ko iyong pag-usapan kaya mabilis siyang bumangon at pinagmasdan ang mga niluto ko.

"Baka masanay ako, Seventeen."

"You should be para mamatay ka kapag wala ako," masungit kong bulong.

"What?"

"Oh, ano?" Sinalubong ko ang matalim niyang tingin, mabilis niya itong binawi atsaka kinuha ang plato. "Masakit pa ba ulo mo?"

He didn't move, he just stared at me.

"Tell me, sinaktan ba kita kagabi?"

Nanahimik kaming pareho, walang nagsalita matapos niya iyong sabihin. Nagtitigan lang kami ng ilang minuto bago ko siya tuluyang nasagot.

"No, you didn't."

Bigla akong nag-alala kung ano nga ba ang sinasapit niya sa headquarters nila. Is he being tortured there? He was obviously drugged last night, aside from drugging and drowning him from alcohol, what hell does they do to him?

He started eating.

"Lyreb,"

"Hm?"

I hesitated but I ended up voicing my curiosity, "What would you do now? Ang sabi mo'y kakalas ka na. Ano na ang nangyayari?"

Huminto siya sa pagkain atsaka ibinaba ang plato. Pagkatapos ay bumaba sa kaniyang kama, he stood up at pinantayan ako. For the first time, fear showed up in his eyes. I know at that moment, he also doesn't know what to do.

"Come," he whispered and hugged me.

Ibinaon ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib. My breathing became uneven, pinipigilan ko ang aking sariling umiyak. He caressed my hair down to my back.

"You were drugged last night. Alam kong hindi lang iyon ang ginagawa nila saiyo," I whispered and hugged him back, "I am... worried."

Nahinto siya, tila hindi agad naniwala sa mga sinabi ko.

Kinurot ko ang kaniyang likod nang marinig ko pa siyang mahinang tumawa.

"I am serious," giit ko.

"Hush, you don't have to worry. Hindi ako basta-bastang naaano. I am a beast, remember?"

"Lyreb,"

"Seventeen, just trust me. Hindi ka maaano hangga't nabubuhay ako. I'll protect you with all my life, not a single bullet could touch your skin as long as I'm with you."

Tuluyan na akong napahikbi at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko lubos maisip na parehas kaming maiipit sa ganitong sitwasyon. He was supposed to kill me yet he saved me instead, and he still chose to save me until then.

"I'll find a way out. I am looking for the person behind this, nakakatulong ang pagbalik ng mga ala-ala ko. I'm slowly remembering who I was, still I am dauntless and that's for sure."

"Are you aware you have amnesia?" tanong ko.

Hindi nabago ang ganoon naming posisyon. Patuloy lang kaming magkayakap habang nag-uusap.

"Wala akong ibang nakikitang tawag sa nangyayari sa akin ngayon. I probably lost my memories, and I know Rupert is hiding something from me. I still have to figure that out,"

Kumalas ako at tiningala siya.

"Will you be okay?"

He fondled my face, "Of course. The question is, will you be alright?"

I smiled, "As long as I'm with you, I am fine."

I witnessed how his emotions changed, muli niya akong niyakap ng mahigpit. His embrace became soft and warm, it's making me feel I am under his protection and no bullet nor bomb can hurt me as long as I'm with him.

"Oh, Seventeen,"

"If your memories comes back, tell me who you are." Nakangiti kong bulong.

He caressed my back, "I will."

"I am terrified, Lyreb. What should we do now?"

Namuo ang luha sa aking mga mata, gusto kong umiyak. Ngunit ang paraan ng kaniyang paghagod ay nagbibigay lamang sa akin ng kapayapaan na tanging siya lamang ang nakakagawa. I don't know how he's able to give me solace in the midst of chaos but it feels good.

"Just remember, everything I do, I'm doing it for you. Whatever happens, I'm doing it for your protection. Okay?"

"Lyreb,"

"You are under my protection, Beauty."

My heart melted. And that moment, hindi ko na alam kung ano pa ang aking mararamdaman. The beast who was supposed to hurt me is actually the one building barriers and shield around just to protect me. I know I couldn't be moved when I'm with him, but I can't stop myself worrying because after all, my beast is a human, his algid heart has finally awakened and I can't deny that I'm the person behind it. I'm scared that one day, I'd be used against him, and I just can't afford to watch him lose himself just for my protection.