webnovel

18

KABANATA 18: Beauty and the beast

"BREAKFAST ON BED!" Sigaw ko nang mapansin ang pilit niyang pagbangon.

Kanina pa siya nakikipagtalo sa akin, kesyo maayos na raw ang kaniyang pakiramdam. Gusto niya akong sundan at tulungan sa kusina but I insisted on cooking alone. All this time, it was him who served me and it's about time to do the same.

"Tigas talaga ng ulo!" Iritado kong saad at nagpamaywang matapos siyang makitang lumalabas sa kaniyang silid. "When will you ever listen to me, atleast for a moment or for the first time!"

"I'm fine,"

"I've told you to stay, dadalhin ko na nga lang itong pang umagahan sa kwarto mo eh." Maktol ko at tumalikod sa kaniya upang ayusin ang mga niluto ko. It was just a simple omelet, hotdog, scrambled egg and rice yet made carefully.

Napasinghap ako nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Pagkatapos ay deretso niyang iginapos ang kaniyang mga kamay sa aking baywang. Nanigas ako, bigla akong naging bato sa aking kinatatayuan.

Siniksik niya ang kaniyang ulo sa aking batok, at dahil matangkad siya'y malaya niya iyong nagawa.

"Does this mean we are okay now?" He asked.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

"Go away," I stuttered. Hindi ako komportable sa posisyon naming dalawa. He's back hugging me freely while I am facing the sink.

"We are fine now, hm? Seventeen?"

Hindi ako nagsalita. Ibinaba ko sa pagkain ang aking paningin. Maayos na nga ba kami? Ibig ba nitong sabihin ay pinapatawad ko na siya? Pero hindi iyon ganoon kadali, naubos ang pamilya ko at isa siya sa dahilan niyon. Kasama siya sa massacre.

I don't know now, I don't understand anything anymore.

"I'm sorry for all the troubles I made with you." he whispered. I heard sincerity. Para namang tinunaw ang aking puso nang sabihin niya iyon. Ngayon ay hindi ko na talaga alam kung ano ang aking gagawin at mararamdaman.

"But I swear, It wasn't me who killed them..."

"Lyreb,"

"I was just there to steal the black book. Hindi ko alam kung saan nakatago ang black book na iyon kaya napadpad ako sa iyong silid, and then I saw you. You were so innocent, I couldn't just get you killed."

Nanubig ang mga mata ko. Hearing him out changes my heart. Tuluyang nababago ang pagtingin ko sa kaniya, ngunit hindi niyon ibig sabihin na tanggap ko siya, na tanggap ko ang ginagawa niya, na pinapatawad ko na siya. I just don't know anymore.

"Kailangan ko pa palang manghina bago maramdaman ang alaga mo, Seventeen."

Tuluyan ko na siyang hinarap. Malakas ang aking loob, pilit na nilalabanan ang hiya. He didn't removed his hands around my waist, we stared at each other as we talked our hearts out.

"Last night, I was about to settle things in that damn organization. Matagal ko nang gustong kumalas, noon pa man. Ngunit ang kondisyon nila sa akin ay kukunin ko ang black book pagkatapos ay malaya na ako."

Ganoon na lamang lumambot ang aking puso nang makita ang luha sa kaniyang mga mata. He is sincere, I can feel it, I can see it in his eyes.

"But I failed. We failed, at dahil doon ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin ng organisasyon. Hindi na nila ako pakakawalan, after all, I'm the best night crawler for them."

"Lyreb, hush," I wiped his tears. He's making me soft.

"I don't know anymore, Seventeen. Noong una'y wala akong balak na kupkupin ka. I was about to let you go last night too, ngunit ganito ang nangyari. How I am supposed to let you go now? You can't deal with the world alone, you're in trouble. The organization is not only looking for the book, they found you out and now they're after you..."

"What?" I gasped. Hindi ako makapaniwala.

"They gave me another mission. And it was to look for you. Seventeen, I found you from the very first place. Pero hindi kita kayang ibigay sa kanila. Kaya nga balak na kitang pakawalan kagabi, hindi ko inasahang aatikihin ako ng sakit ng ulo," his voice cracked and became hoarse, "And then you took care of me. What should I do now?"

"Lyreb..."

"I am so sorry for everything, Seventeen."

"No, no, Lyreb..."

Unti-unti nang nagiging malinaw sa akin ang lahat. He was totally innocent. At siya ang naiipit sa sitwasyon, pati ako'y naguluhan sa maaari o pwede niyang gawin.

"W-what about, we run away?" Hindi siguradong tanong ko.

Mas lalong bumuhos ang kaniyang mga luha. Hindi ko iyon inaasahan. Noon pa man, hindi ko inisip na may puso ang halimaw na ito. Ngayon ay ako na ang nasasaktan habang nakikita siyang naguguluhan at naiipit sa gulo. Sobrang hirap makakita ng lalaking umiiyak, we expected them to be strong, I expected him to be tough and I was not ready to see his soft side, ngayon ay natutunaw akong naaawa habang nakikitang bumubuhos ang kaniyang mga luha.

"We can't," he whispered.

"But why? Of course we can!" I insisted.

"No. They're tracking you, hindi lang nila alam na nakuha na kita. Hindi sila hihinto hanggang sa mahanap ka. At kapag nalaman nilang nasa puder kita, pareho tayong malalagot."

"Isumbong natin sa pulis! Please Lyreb..."

"We can't. They'll attack for sure, at hindi lang tayo ang masasaktan. Maraming tao ang madadamay," he cupped my face, "Remember the massacre? As far as I know, nagsumbong ang mga magulang mo sa pulis. Kaya nang gabing iyon na naroon ang lahat umatake ang organisasyon."

"Oh my poor beast," bulong ko at muling pinahid ang kaniyang mga luha. "Can you tell me the person behind this?"

Umiling siya, "I can't tell because I don't know. I'm such a fool to work for someone I have not seen yet. But I worked for him to live, that's all, I just wanted to live."

"Lyreb..."

"I'll always find a way out. I'll find out."

How foolish of me to judge him that easy. Ni hindi ko inalam ang buong kwento. Hinayaan kong madala ako ng galit at poot sa akin, hindi ko man lamang napansin ang kaniyang ginagawang kabutihan sa akin. All this time, the beast was just securing my protection.

Mali ang lahat ng akala ko sa kaniya. From that night, until days happened. Mali ang pagkakakilala ko sa kaniya, at hindi ko alam kung paano babawi.

"Seventeen, I am really sorry,"

"No, wala kang kasalanan."

"Your family,"

Parehas kaming natigilan. Pati ang mga luha ko'y namuo at mabilis na pumatak. Ang aking pamilya, muli ko na namang naalala ang aking pamilya. Alam niya ang nangyari sa pamilya ko, ngunit hindi ko alam ang nangyari sa kaniya.

What hell have you been through, Lyreb? I wanna know.

"I'm not mad at you anymore." Bulong ko sa kaniya, "But I can't promise to be a better damsel, Lyreb. I am also hurt, and you were there. The pain is still here," turo ko sa aking puso, "Hindi na ako galit. Pero nalilito pa ako, hindi ko alam kung magagawa ko nang magpatawad ng buo ngayon. Hindi madaling kalimutan ang lahat."

"Shh, I'm not forcing you to forgive me right now at this moment. My deeds are unforgivable. Knowing you ain't mad anymore is enough."

"I'm sorry too, for judging you."

Tuluyan niya na akong niyakap. His warm embrace was solemn and I can feel his sincerity, his unfeigned apology.

"It always happen. Sanay na ako." He chuckled.

"Atleast, we are good now." I answered.

Kumawala ako sa kaniyang yakap atsaka ngumiti. This is already too much for an early morning. Kinuha ko ang mga niluto ko at nakangiting ibinigay sa kaniya.

"Let's eat, beast." Ngisi ko.

Umirap siya, "Nagagawa mo na akong kalabanin ah. Hindi ka na takot?"

"Tss,"

"Parang noon lang iyak ka ng iyak sa akin!"

"You are bullying me, stop it."

He chuckled and cupped my face. "You were so cute sobbing infront of me, I can't help but to threaten you more."

Tinampal ko ang kaniyang braso, "Halimaw ka talaga!"

Sabay kaming kumain sa kaniyang mesa. Hindi na katulad noong nakaraang umaga, tahimik na kami, walang galit o anumang poot na nararamdaman. Tanging katahimikan lamang, tila sa wakas ay nagkasundo na ang halimaw at ang dalaga.

Hindi na rin ako nagreklamo nang magpaalam siya sa akin. Nagsisimula ko na siyang maintindihan. Bumabalik siya sa headquarters nila upang magbigay ng update. I don't know what update is he giving, sa tingin ko'y nagsisinungaling lang naman siya dahil ang babaeng pinapahanap sa kaniya ay matagal nang nakakulong sa loob ng kaniyang tagong bahay.

He's really good. I didn't see any of this coming.

Nagpatuloy ang ganoong eksena hanggang sa lumipas ang ilang araw. Umuuwi siyang may dalang grocery, at may cyclings na rin. Hindi lang ako ang hindi komportable, pati rin siya at naiintindihan ko iyon. Boys will be boys, men will be always men whatever happens.

"WHAT on earth did I do good to deserve a food like this?" Maluha luha niyang saad matapos ko siyang ipagluto ng iba't-ibang putahe.

"Adobo, Afritada, egg, hotdog, omelet, just chose."

"Wala bang ikaw?"

Natahimik ako. Naghuramentado na naman ang puso ko, bagay na hindi ko parin nauunawaan hanggang ngayon. My heart skips a beat whenever he's near, or even away. At kapag walang tabas ang kaniyang dila at nagsasabi ng kung ano-ano, bigla-bigla na lamang nagkakarera ang puso ko.

"Ba't ka nabato diyan?"

"Shut up and eat." Saad ko at umupo sa kaniyang tabi.

"Wow, as far as I remember it was me who used to say those words to you. What on earth happened now?" Hindi niya makapaniwalang saad, "So it's true. Women with powers are scary and dangerous. It grows bigger and bigger, baka sa susunod ay i-under mo na ako."

Natawa ako at nilagyan ng pagkain ang kaniyang plato. Madilim ang kusina, tanging ang magandang design lamang ng kandila ang ilaw. Nagmukha tuloy kaming nagdedate kahit na kumakain lang kami ng dinner.

I felt the night romantic with him beside me. Para siyang batang naghihintay malagyan ng pagkain ang kaniyang plato. Pinapanuod niya lamang ako habang ginagawa ko iyon.

"When did you learn to cook?"

I smirked, "Tss. I am the cook in our house," malungkot kong wika.

"Oh"

"Marami akong alam na luto. Pwede rin kitang lutuin kung gusto mo." Natatawa kong saad.

"You are scary," he chuckled. "I think I abducted the wrong girl."

"Psh."

It's funny. Noon ay natatakot at naiiyak ako habang iniisip na kinuha niya ako, ngayon naman ay natatawa ako at nagpapasalamat dahil kinuha niya ako. What on earth has Lyreb did to me?

Pinanuod ko siyang tikman ang aking luto. Ganoon na lamang kasayang tumalon talon ang aking puso nang magustuhan niya ito. Halos magkulang pa nga ang niluto ko, hindi ko iyon inaasahan.

Magaling siyang kumain. I wonder if how does he eat something more than this. I fucking hate my mind!

"How are you here, Seventeen?"

I pouted. Hindi parin nababali ang pagtawag niya sa akin ng Seventeen. Papaano na lamang kapag nag birthday na ako, malapit na rin pala ang aking kaarawan. Eighteen na rin ang itatawag niya sa akin?

"How are you, beast?" Pikon kong tanong.

"What?"

"You call me Seventeen, I call you beast. Quits lang tayo."

"You're crazy."

"As well as you."

Pinasadahan niya ng tingin ang aking katawan, "You've grown well in my house."

"You pervert," saad ko at inirapan siya matapos mahuling nakatingin siya sa aking dibdib.

"Shall I buy a bigger bra? What do you think?"

"Pastidyo ka talaga e' 'no! 'Wag mo nga yang pansinin!"

"Aren't you feeling uncomfortable with a baby bra?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinapok ko ang kaniyang ulo. Nagiging harsh na ako ngayon, at ang lahat ng ito'y natutunan ko sa kaniya! He should blame himself!

"Pervert! Idiot! Just eat!"

He just laughed. But his laughter sounded like a melody in my ears. I wish to hear those laughs again, and I wish to be the reason behind it again.

Just what did you to me, Lyreb? I couldn't stop myself from beating more as time goes by whenever I'm with you.

"I'm glad, you are safe here." He said and stared at me with Felicity and beatitude in his eyes.

"Am I really safe here with you, beast?" I chuckled. I stopped eating and embraced his stares with my sedated look.

He smirked, and that made my heartbeat moved faster than usual. "Yes, you are safest when you are with me, beauty."