webnovel

Chapter 17

"Anong oras lakad mo?" si Kae. Nandito kami sa St. Luke hospital dahil nag su-survery kami ng mga pasyente. "Baka matagalan tayo dito, sige na lumakad ka na. Kami na bahala ni Achilles dito, diba Achi?" Siniko niya pa si Achilles para sang ayunan ang sinabi niya. Tumango naman ito at ngumiti sa'kin.

Ngumiti lang ako pabalik at umiling.

"Mamaya pa naman yun kaya mamaya nalang ako aalis."

"Sure ka?" paninigurado ni Kae. Tumawa lang ako at tumango.

"Dito lang kayo punta lang akong banyo." Agad akong tumalikod at tinahak ang daan patungong banyo. Kanina pa ako ihing ihi at panigurado na hindi na maipinta ang mukha ko sa mga pasyenteng nakakasalubong ko kanina. Agad akong umupo sa bowl at umihi.

Pag kalabas ko ng banyo ay s'yang pag bukas ng pintuan nito. Parehas kaming nagulat nang makita namin ang isa't isa. Unti unting sumilay sa kan'yang labi ang maganda niyang ngiti, kumaway siya sa'kin kaya naman kinawayan ko din siya pabalik.

"Hi Ruth, it's nice to see you again." I gave Razel a smile and looked myself in the mirror. "You're here because?"

"School works. Survey," i answered. Tumango tango lang siya sa sagot ko. Nag babalak na sana akong buksan ang pinto para umalis pero napahinto ako sa tanong niya.

"Are you two together?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya.Tumingin ako sa kan'ya at abala parin siya sa pag lalagay ng make up sa mukha niya. Tumingin siya sa'kin at tumawa ng mahina. "You and Migo. Are you two together?" Mas lalong kumunot ang noo ko, ano bang klaseng tanong yan? Kami ni Migo? Malabo! Hay naku naalala ko nanaman yung lalakeng yun simula nung huli naming pag kikikita hindi na ako makatingin ng diretsho sa kan'ya! Mas lalo lang gumulo ang isip ko sa sinabi niya.

"No, we're not." 

"Hmm can you do my favor?" she slowly asked.

"Favor?"

"Yeah...you know that we're ex couple right? Like what i said earlier, babalikan ko siya. Pwede mo bang tulungan ako?" Hindi ako makapaniwala sa pabor na sinabi niya.Bakit siya sa'kin mag papatulong? Pwede naman kay Kio o kung kaninong tao na malapit sa ex niya, hindi naman kami close! So bakit ako pa? "Is that okay to you?" Matagal tagal pa akong tumitig sa kan'ya, hindi ko alam ang isasagot ko. Bakit kailangan niya pa ng tulong ko? Pwede naman siya ang gumawa! "Or unless, you like him kaya nag da-dalawang isip ka." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya? Hindi kaya! Never!

"Hindi ah! Hindi ko siya gusto!" pag tatanggi ko, totoo naman kase na hindi!

"Then help me Ruth ....please," pag mamakaawa niya.

"Pasensya na Razel pero.."

"You don't want to help me?" she asked. I walks towards her and gently tapped her shoulder and gave her an apologetic looks, she just sighed and gave me a smile. Gusto ko man pero marami talaga akong ginagawa at saka ayoko din namang mang himasok sa buhay ng iba.

Hinila niya nalang ako palabas at nag simula kaming mag lakad. Naiilang ako sa inaakto niya ngayon pero sinabayan ko nalang. Ilang minuto nalang at kailangan ko na ding umalis tutal kailangan na din umuwi ni Kae at Achilles. Natigilan sa pag lalakad si Razel kaya naman tumingin ako sa kan'ya. Nakatingin lang siya sa unahan kaya naman inosente akong tumingin kung saan siya nakatingin. Nasa unahan namin si Achilles at doon nawala ang ngiti sa mga labi niya at unti unting kumunot ang noo niya. Diretsho lang siyang nakatingin kay Razel, parehas silang nakatingin sa isa't isa. Mag kakilala ba sila?

"Ruth!" malakas na pag sigaw ni Kae. Lumapit siya sa'kin at agad akong inagaw kay Razel, nakakahiya naman. "Kailangan mo ng umalis diba?" Tumango ako. "Ipapasabay na kita kay Doc Martin! Nandito siya hinahanap ka," mahinang pag kasabi niya. Nanlaki ang mga mata ko, bakit nandito siya? "Sorry Miss kailangan ko munang hiramin tong kaibigan ko," pag papaalam niya kay Razel. Nakatingin parin ito sa unahan at hindi pinansin ang sinabi ni Kae. "Tara na Ruth!" Nag pahila ako kay Kae. Nandito nanaman ang pakiramdam kong nanlalamig at kabado, bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko. Nakita ko si Doc Martin at totoo ngang hinihintay niya kami...ako. Ngumiti siya sa'kin kaya naman ngumiti din ako sa kan'ya.

"Pasensya na Doc Martin si Ruth kase kung saan saan pumupunta. Aalis na ako Doc! Kayo na bahala kay Ruth!" Pipigilan ko sana siya pero ngumiti lang siya sa'kin at mabilis na umalis.

"Shall we go na?" Tumango lang ako kaya naman nanguna na siyang pumunta sa parking lot. Pinag buksan niya ako ng pinto na naging dahilan ng pag init ng aking pisnge. Hiyang hiya akong pumasok sa loob at hindi makatingin sa kan'ya. "How are you? Napapansin ko na lagi kang nasa programs and activities ko mabuti naman at hindi ka napapagod."

"Ah ayos lang naman ako Doc Martin at saka sabi ng Daddy ko kailangan kong matutuhan ang mga gawain ng mag do-doctor." Yun nalang ang dinahilan ko kahit na ang totoo ay gusto ko lang talaga siyang makasama. 

"Ganon ba? Ayus yan atleast may natututunan ka araw araw! Nakaka proud ka." Ang kaswal ng pag kasabi niya kaya naman hindi ko mapigilang ngumiti. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan pero may mga pag kakataon na nag ku-kwento siya tungkol sa araw niya.

"Hi sweetie! Mabuti naman safe kayong nakarating." Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Tita Judy. Ngumiti lang ako sa kan'ya nang kumawala siya sa'kin. Pinag masdan ko ang maliit na cover court dito sa Quezon, maraming taong nag aabang. Nag handa na ang team namin para sa Red Cross Blood Program. 

"Mainit Ruth ito oh ipunas mo sa noo mo." Inilahad sa'kin ni Doc Martin ang panyo niya. Hindi ko parin ito tinatanggap dahil hindi ako maka kilos, hindi parin pumo-proseso sa'king utak ang ginagawa niya. Mas tumindi ang bilis ng tibok ng puso ko nang dahan dahan niyang ipunas ito sa noo ko. Agad ko namang inagaw sa kan'ya ang panyo niya at pinunasan ang parte ng katawan kong may pawis. Alam na alam kong pulang pula na ako at ayokong makita yun ni Doc Martin! "Ikukuha lang kitang tubig...dyan ka lang." Agad siyang tumayo at umalis. Hinawakan ko ang pisngi ko at ang dibdib ko. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa kilig. 

"Alam mo ba nakita daw nung guard natin si Doc Martin na sinusundo si Doc Judy. Totoo kaya yun?"

"Malay mo as a friend lang!"

"Oo nga! malay natin diba? Bagay naman sila at saka balita ko mag kaibigan sila noong highschool palang. Malay mo nag kadevelopan!"

"Oo nga bagay sila noh! Nakakainggit naman."

"Hay naku! Sana nga totoo ang sinabi nung guard na hinalikan ni Doc Martin si Doc Judy! Nakakakilig naman!"

Unti unting nawala ang ngiti ko nang may nag salita sa likuran ko tungkol sa Tita ko at kay Doc Martin. Tinignan ko naman sila at mukhang seryoso sila sa pinag uusapan nila. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nila, may kung anong kaba ang naramdaman ko. Tinignan ko naman si Doc Martin at Tita Judy at mukha naman silang maayos pero may bumabagabag parin sa'kin. Paano kung totoo nga?

Tahimik lang ako sa ginagawa ko at iimik kung kakausapin. Malalim ang iniisip ko, mabigat parin ang pakiramdam at hindi na alam ang gagawin.

"Ako din! Paturok ako Avery!" Hindi ko namalayang nandito na pala si Yvo sa harapan ko. Nandito kami sa isang tent nag papahinga. Itinigil niya ang pag sasalita niya at tinignan akong mabuti." Woy Avery may problema ba? Anong mukha yan? Napagod ka ba? Gutom ka ba? Gusto mong kumain?" Tumingin ako sa kan'ya at unti unting napalitan ang mukha niya ng pag aalala. "Anong nangyare? May nangyare ba?" Umiling ako sa kaniya at ngumiti lang ng tipid. " Sige na sabihin mo na."

"Wala!"

"Kilala kita! Ano nga yun Avery?"

"Kanina may tatlong doctor na nag uusap." Itinigil ko muna ang pag ku-kwento sa kan'ya.

"Go on Avery." I was about to cry but i bit my lower lip to stop it.

"Sabi nila, si Tita Judy na daw at Doc Martin." Ibinaba ko ang tingin ko. Hindi ko inaasahan na mang yayari ito, ni hindi ko inalam kung anong past ni Doc Martin. Paano kung sila nga?

"Woy huwag kang iiyak dito Avery." Hinawakan niya ang mag kabilang pisnge ko at pilit na pinunasan ang luha na kumawala sa mata ko. Ngayon lang akong naka iyak ulit at dahil pa yun kay Doc Martin. Nasasaktan ako, sobra. Bakit ba kailangan ko pang masaktan kapag nag kagusto ako sa isang tao?

"Sila ba?" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Inabala niya lang ang sarili niya sa pag punas ng luha ko kaya naman umiwas ako ng tanong sa kaniya. "Sila ba Yvo?"

"Avery."

"Sabihin mo lang ang totoo Yvo. Sila ba?" Hininaan ko ang boses ko dahil baka may makarinig sa'min. Pinatuyo ko na din ang mga luha ko dahil baka may makakita pang iba. "Nasasaktan ako Yvo."

"Mag kaibigan lang sila Avery. Kung baga bestfriend lang. Wala kang dapat ikabahala kaya huwag ka ng umiyak. Ayaw kong umiiyak ka."