webnovel

KABANATA 8

CHAPTER 8

Ercyl's point of view....

Tulad ng inaasahan ko sa lugar na ito. Malawak ito na parang syudad pero hindi manila o ano pa dahil nasa gitna ito ng gubat.

Sa gitna ng kawalan.

Walang sasakyan pero may maayos na daan.

Mga tindahan at mga bahay.

Naagaw pansin ko ang isang mukhang antik pero uniqure na tindahan na kahoy ang desenyo.

Pumasok ako sa isang souvineir shop ata to

Tumunog ang bell sa loob .

napatingin ako sa taas

"isang magandang umaga ineng halika tumuloy ka, matagal na din noong may huling bumisita dito"

Nalipat sa magandang matandang dalaga ang tingin ko. Nakaupo sya pero tumayo at lumapit sa akin.

May takip ang bibig nya at may mahaba syang kasuotan

Wala sa sariling napa bow ako. Ay hala hindi naman ako koreana o ano pa, Kaya napaayos ako ng tayo.

"nakakatuwa naman may gumagalang padin pala sa amin nakakapagtaka , pumili ka iha ng kahit anong gusto mo"

At tinuro nya ang mga nag-gagandahang alahas at mga nakadisplay.

Napalunok naman ako. Anong may gumagalang?bakit walang hiya ba mga tao dito? O sadyang ako lang nakakakita ng kagandahan dito?

"ahm wala po akong pera"

Nahihiya kong sabi. Pero nagulat sya sa akin pero tumango.

"baguhan ka dito tama ba Nakakapagtakang may bago dito at napaka amo pa ng ugali nya parte ba ito sa laro ninyo? Ayoko madamay Alam mo dapat ka nang lumayas dito dahil sasaktan mo lang din ako!"

Napa atras ako sa takot ng makita ang galit nyang mata at boses nya na sinisinggahan ako.

Wala naman akong ginawa sa kanya ah. Napalunok ako sa takot . Ganun ba talaga kasama ang mga tao dito?kung anong ginawa ng isa ginawa ng lahat

"alis!"

ng itulak nya ako may nasagi sya at malalaglagan na sya nito pero agad ko syang tinulak.

At sa isang iglap nakaramdam ako ng hilo at nawalan ako ng malay ng may tumama sa bandang likudan ko.

--

--

(Andrea Point of view)

"Zajid ano ba wag kang makulit"

Tinutulak ko ang kamay ni zajid na ginugulo ako habang nagbabasa.

" sige na hanapin mo na si Ercyl may meeting kasi kami ,tignan mo oh inaantay na ako ni xenon at aries "

At nginuso ng patong to sina Aries at Xenon

"hoy impakta papaalisin mo ba yan o baka gusto mo sumama sa kanya?"

Napa ismid ako ng wala sa oras.

Nakakainis kasi si prestine. Okay sabihin na nating mas mataray at mas malakas sya sa akin.

Tinignan ko lang sya ng weird at umirap

"yes! Sige bye!"

Sigaw ni zajid at nakipag apir kina aries

At parang tangang umalis na nakangisi si zajid.

"oh?"

tinaasan ko ng kilay si prestine na nakatitig na parang mangangain sa akin may nagbago ba?

"The Satan Desciples, kompleto na sila bakit hindi mo pa sila mapatay?"

Mas lalo ko syang pinaningkitan ng mata.

"ano bang pinagsasabi mo?" pagtataray ko.

"hahaha kunyare wala kang alam kunyare din hindi ko alam just watch and mesmerize andrea you know you who are"

Matalim nya akong tinitigan bago nya ako iwanan.

Napahilot nalang ako sa sintido ko.

Madami pa akong oras hindi ko yun nakakalimutan .

Sakit sa ulo talaga yang prestine na yan alam nya ang kaya Kong gawin pero nakakapagtaka na dinya  pa winakasan ang buhay ko.

At kung ano man ang nasa isip nang isang yun Alam kong walang makakabasa. Si Prestine Comiso na napakahirap unawain pero hindi ko dapat ipagsawalang bahala ang galaw nya.

Kaya ayokong lumapit dun e.

Inayos ko ang leather jacket ko at nag cloak . Lahat ng dinadaanan ko yumuyuko at tumatabi.

Bobo ba sila? Di ako pumapatay pag umaga, Napairap nalang ako sa ere.

"Andrea! Wait"

Nilingon ko ang babaeng naka maikling shorts pero naka jacket abnormal lang?

inikot ko ang mata ko sa ere.

"what now?"

Pagtataray ko pero ngumiti sya sa akin na parang baliw.

"Samahan mo naman ako sa labas. I mean outside on this place please?"

"Oh? Diba ang Disciple lang ang pwedeng lumabas? "

Pagtataray ko.

"hina mo naman e. Syempre sasakay tayo sa likod ng hindi nila alam!"

Sabi nito at may pa hand gesture pa

"So mandadaya kayo?"

Nilingon namin ang nagsalita at kasama nito ang iba pang disciple

Ang Kambal na si nicholas at Simon,Si zajid ,jethro xenon at si Aries na ngayon ay nakangisi sa amin ni Abby na girlfriend nya.

Yumakap naman si Abby sa braso nya kaya tinaasan ko sila ng kilay

"sige na sama mo na ako. Hindi naman ako tatakas e."

Gusto ko masuka sa lagay nila .

"sorry babe hindi kasi pwede eh "

At nag haplusan sila--kadiri ha

"lets go, malelate na tayo"

Masungit na sabi nung jethro

Tsk. Ke bago maka asta akala mo sya yung leader. I hope lang na bumalik na si Chance para masuplong na naman ang kademonyohan ng ama nya.

Pinanuod ko lang silang maka alis at naglakad lakad ako. Pero parang buntot padin yung abby makasunod sa akin.

"alam mo para kang si prestine kaso medyo mabait ka naman hahaha "

Complement ba yan o insulto? Sapakin ko to e. Medyo malayo layo nadin kami kasi nasa mapuno na bahagi na kami,oo 'kami' paano ba naman e nakabuntot tong abby na ito maka lapit close kami? Madami na din yang dinadada e.

"Hindi ko naman talaga mahal si aries wala kasi akong time para sa love. study first kasi ako ya know masyado akong maganda----aaaaaah!"

Sa gitna ng pag dadaldal nya bigla syang sumigaw. Sasampalin ko na sana sa ingay nya pero napatigil ako ng makita yung babaeng puno ng dugo ang katawan maputi sya at kulot ang buhok.

"omg get away from me zombie!"

At tumakbo si abby , duwag tsk tsk

Nilapitan ko ang babaeng pasuray mag lakad at natumba sa tapat ko. Napatago ako sa likod ng damo ng may yapak na papalapit sa gawi ko.

Kumabog bigla ang dibdib ko. Sino sya? Bawal pumatay ng umaga pero... Sino sya?

Dahan dahan akong sumilip sa kinaroroonan nya At nanlaki ang mga mata ko.

"Is that Ayura??"

Napakurap ako ng tapikin ako ng hinihingal na si abby

"oh bakit ka bumalik?"

"hindi ko na kasi alam ang pabalik " at ngumuso sya. Umirap nalang ako

"tulungan mo nga ako! Bwesit bagal bagal!"

Nagulat sya ng sigawan ko sya. Nawala ang kaartehan at tinulungan nya akong dalhin ang kawawang babaeng to.

"alam mo kakaiba ka nga kay prestine hahaha ngayon nalang uli ako nakahanap ng mala ayura"

At tumawa sya.

Ayura... Oo tama hindi ko sya naabutan pero alam ko ang kwento sa likod ng pagkatao nya.

"anong kakaiba?" pagtataray ko.

"kasi si prestine sa tingin at galaw matatakot ka . Ikaw naman maamo pero pag-nagsalita kikilabutan ka hahaha"

Pinabayaan ko lang sya dumada.

Hindi ko maiwasang mapaisip.

Hindi ako maaaring mag kamali sya ang nakita ko. Hindi ko na alam ang nangayayari at ito ang masama.

--

(Ercyl's point of view)

-

-

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.

"neng, salamat nga pala sa tulong mo. Pinagdudahan ko kabaitan mo kapalit nyan ay katotohanan sa lugar na ito"

Nilingon ko ang matandang babae na ngayon ay wala ng suot na pang takip sa ibang bahagi ng mukha nya.

Malalaman ko na ba ang katotohanan?

--

(Someone pov)

"unconcious pa ang isang to, Mukhang mahina din hindi nya ito kakayanin kung ituturok ito sa kanya"

Sabi ng isa sa mga nurse dito

" i know, ito nalang ang gamitin nyo. " at inabot ko ang pulang likido

"doc,ilang parte pa ba ang kulang?" sabi ng isa

" hindi mo na kailangan pang alamin basta sumunod ka nalang"

Sabi ko sa kanila at iniwan sila doon.

Mabubuhay ka. Mabubuhay ka.