webnovel

Chapter 1

Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nang paa niya. Kanina pa siya palakad lakad sa gilid nang kalsada, nag hahanap kasi siya nang trabaho sa Maynila. Halos mag iisang araw na siyang nag aaply sa mga kompanya pero hindi talaga sya natatanggap, kung hindi college gradute ang hanap ay dapat atleast 2 years dw sa koliheyo. Eh anong magagawa niya kung high school lang natapos niya?

Sa Probinsya kasi sya galing at dalawang linggo na sya sa manila. Kung hindi ba naman sya tanga e naniwala syang pag aabroad ang aaplayan niya dito, yon kasi ang sabi nang kumuha sa kanya. Ang siste ay pag bibenta pala nang aliw ang magiging trabaho niya dito, buti nalang nakatakas sya don sa mahaderang babaeng nagdala sa kanya dito.

Kaya pala pagdating nila ay binigyan sya agad nang mga sexy at halos kita ang kaluluwa na mga damit. At pinag practise pa syang maglakad na nka heels, akala niya model ang trabaho niya sa ibang bansa at nagsasanay sila. Model pala talaga! Model nang mga pokpok!  Nyetaa ..

Kaya heto sya bitbit ang mga gamit niya, at pawis na pawis na kakahanap nang mapapasukan, yong stay in sana para hindi na niya kelangan maghanap nang matutulugan. Kelangan na talaga niya makahanap ngayon at baka sa kalsada siya matutulog ngayong gabi. Kahit anong trabaho payan.

Kumislap ang mga mata niya nang makakita sa harap nang Plakada.

Wanted diswasher/Serbidora

Dali2 syang pumasok sa isang medyo hindi kalakihang kainan na pinangalanang Sally Eatery.

"Ate? Hiring padin kayo? Baka pwedeng mag apply?". Tanong niya agad sa babaeng nagbabantay sa labas nang karenderya na may hawak na pamagpag nang langaw.

Nakataas ang kilaw itong tumingin sa kanya pababa.

"Sure ka na dishwasher ang aaplayan mo neng? Wala kaming etra service dito." Sabi pa nito sa kanya.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Hindi din lingid sa kanya na may itsura talaga sya. Maputi ang balat at walang gasgas. Maliit ang mukha at cute ang matangos na ilong. Thanks sa kanyang amang dayuhan na binuntis ang nanay niya at iniwan. Kaya akala siguro nito ay iba ang trabahong gusto niya.

"Ay opo naghahanap po kasi ako nang trabaho kahit ano po kahit ilang plato ang huhugasan kayang kaya yan." Lihim syang nagdasal na sana matanggap na sya dito.

"San biodata mo?

"Ito po oh" sabay lahad niya sa papel na naglalaman nang pangalan niya. Binasa at bumalik ang tingin sa kanya.

"O siya sige pumasok kana don at maghugas.Mukhang hindi ka naman masamang tao. Maraming costumer ngayon, ayoko nang makupad ha! Bawal landiin ang mga customer. Magserbidora karin kung kinakailangan." Mahabang litanya nito sa kanya.

Halos mapatalon siya sa labis na tuwa! May trabaho na sya ! Sa wakas.

" Opo ! Maraming salamat po. "

"Ate Sally. Yan ang tawag sakin dito. sabihin mo sa kasamahan mo dyan sa loob na ngayon ka magsisimula. May mga kwrto jan sa likod dun kayo matutulog, masikip pero libre kaya pagtiisan mona"

"Sige po ate Sally.

Walang pagsidlan ang tuwa niya dahil may trabaho na sya. Hindi na sya magugutom at May matutulugan pa sya. Naisip niyang tawagan ang pamilya niya sa probinya pagkatapos nang trabaho para hindi ang mga ito mag alala. Ang kailangan lang niyang gawin ay maging masipag para hindi sya paalisin ni ate Sally.

Pagod at masakit ang likod niya habang nakahiga sa kanyang katre. Alas 8 na nang gabi at kakasara lang nang karenderya. Halos 1 buwan narin pala simula nang magtrabaho sya dito at nasasanay na sya. Luminga sya sa baba at nakita nya ang kasamahang c ate jelay na tulog Na tulog at naghihilik pa.

Marami syang iniisip tulad nalang nang paano sya makakaahon sa hirap at makakabalik sa pag aaral. 24 na sya at high school lang ang natapos, wala kasi silang pera at hindi kakayanin nang nanay at lola niya na pag aralin siya sa kolehiyo.

Mananahi ang lola niya sa probinya at nagtitinda sa palengke ang nanay niya. Ka kanila din nakapisan ang mga anak nang tiyahin niya na parang biik lang dahil iniwan at hindi na binalikan. Tumutulong sya sa nanay niya sa palengke noon at sapat lang ang kinikita nila para sa pagkain araw araw at bills sa bahay. Kaya nga desidido syang sumama sa kakilala niyang nag alok nang trabaho sa ibang bansa kuno. Yon pala magiging mariposa sya nang mga parokyano sa isang strip club.

Nagpasya siyang ipikit ang mata at baka kahit sa panaginip ay yumaman sya. Walang masamang mangarap diba? Iginupo na sya nang antok at nakatulog agad.

Kinabukasan ay maraming customer ang karenderya ni ate sally kaya sobrang busy nila. Hindi na sila magkamayaw sa pag kuha nang orders at pag serve. Okopado lahat nang mesa at medyo mainit sa loob dahil dalawang wall fan lang nakasabit sa dingding.

"2 kanin, isang kaldereta at dalawang tortang talong. " inulit niya ang inorder nang customer sa harap niya.  Nakakunot ang noo nito na parang hindi makapaniwala sa kanya.

"Yes. and please make it quick, Im really starving miss." May inis din nitong sambit. Napatingin sya dito at napataas ang kilay.

Umiinglesh pa tong isang to ha. Pero in feirnes hindi mukhang pilit.

Hindi kita masyado ang mukha nang lalaki dahil may suot itong kap. Tiningnan niya ang damit nito. Kupas na pantalon at T shirt na hapit sa katawan. Naglabasan ang mga muscles nito sa braso dahil sa suot. Malapad din ang balikat mabango kahit pawis. Alam niyang matangkad ito dahil agaw pansin ito kanina nang pumasok sa karenderya nila.

Kahit simple lang ang suot nito ay para parin itong modelo kanina. Ang lakas nang dating. Lahat nga nang kumakain ay napatingin dito. Sayang at hindi ito mayaman at baka ma target lock ito sa kanya dahil aakitin niya ito hehe charoot lang!.

Bumalik sya sa kamalayan nang may pumitik na daliri sa harap niya.

"Alam kong gwapo ako miss. Pero gutom na talaga ako kaya mamaya mo na ako pagnasaan. ". May kayabangang sambit nito sa kanya.

Napataas na talaga ang kilay niya. Gwapo nga mayabang naman!

Medyo nahiya sya konti. Pero hindi sya papayag na mapahiya. Binigyan niya ito nang pang Ms. Universe na ngiti at ito naman ang napatigil.

Sige makuha ka sa ngiti !

"Sorry sir, yon lang po ba order niyo? Kukunin ko lang po ha." Tumalikod na sya at umirap sa lalaki .

Nakita nita itong umiling iling habang nakataas ang sulok nang labi.

Hmp! Antipatiko ! Tipaklong ! At Sumipol pa talaga ito habang naka tingin sa pang upo niya.

Nilingon niya uli ito sabay sabing

"Bastos!"