webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
205 Chs

La Vie En Rose Hotel 5

~Gabi~

"Woah… First time ko lang talaga ma-witness ung nangyari kanina sa buong buhay ko."

Sabi ni Lyka sabay upo na nito sa sofa habang nanlalaki pa rin ang kaniyang mga mata. Hindi pinansin ni Jervin ang sinabi ng Bampira sapagkat derederetso lang itong naglakad tungo sakaniyang kama, habang sinundan naman ng tingin ni Yvonne ang binata nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha habang naglalakad na ito papunta sa pang-isahang upuan.

Nang mapaupo na ang binata sakaniyang kama ay napatitig ito sa sahig at hindi namalayan na tumutulo na pala ang kaniyang mga luha mula sakaniyang mga mata. Bago pa man makaupo ang dalaga sa pang-isahang upuan ay mabilis itong napatakbo papalapit sa binata nang mayroon pa ring pag-aalala sakaniyang mukha. Napalingon na lamang ang Bampira sa dalawa na magkatabi nang nakaupo sa kama ng binata at saka tumayo na ito mula sakaniyang pagkakaupo sa sofa.

"Alis muna ako saglit, Yvonne. Baka hinahanap na ako nila Mama, e."

Pagpapaalam ni Lyka kay Yvonne sabay palit na ng anyo bilang isang paniki at saka lumipad na tungo sa bukas na bintana upang doon lumabas. Hinayaan lamang ng dalaga ang kaniyang matalik na kaibigan na iwanan sila habang nakahawak ito sa balikat at saka hinihimas na nito ang likuran ng binata.

"Maniniwala ka ba na isa rin akong ampon tulad ni Jay?"

Mahinang tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak at nakatitig pa rin sa sahig. Napahinto ang dalaga sa paghimas sa likuran ni Jervin at saka tinitigan lamang ang binata habang nanlalaki ang kaniyang mga mata. Nang walang natanggap na tugon ang binata mula sa dalaga ay dahan-dahan na niyang nilingon ang dalaga habang patuloy pa rin ang pagbuhos kaniyang mga luha mula sakaniyang mga mata.

"Hindi ka rin ba makapaniwala?"

Mahinang tanong muli ni Jervin kay Yvonne habang malungkot na itong nakatingin sa mga mata ng dalaga. Nang matauhan na ang dalaga'y napabuntong hininga na lamang ito, malungkot na nginitian ang binata, pinunasan ang mga luha sa pisngi nito at saka hinaplos ang buhok nito upang pagaanin ang loob.

"Makikilala niyo rin ang tunay niyong mga magulang sa tamang panahon. Pareho kayo ni Jay."

Tugon ni Yvonne kay Jervin habang patuloy pa rin ito sa paghaplos sa malambot na buhok ng binata at saka malungkot pa ring nakangiti rito. Malungkot ding nginitian pabalik ng binata ang dalaga, dahan-dahang inabot ang kamay nito na hinahaplos ang kaniyang buhok at saka dahan-dahang inilapit ang kaniyang sarili sa dalaga upang yakapin ito. Hinayaan lamang ng dalaga ang binata at saka niyakap na rin ito pabalik.

"Alam mo ba… naiinggit ako sainyo ni Jay."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti at yakap pa rin nito ang binata. Ilang segundo pa ang lumipas ay kumawala na ang dalawa mula sakaniyang pagkakayakap sa isa't isa at saka gulong tinignan ng binata ang dalaga na maamo nang nakatingin sakaniya.

"Ba't naman?"

Takang tanong ni Jervin kay Yvonne habang magkadikit na ang kilay nito at nakatingin pa rin sa dalaga. Ngumuso ng bahagya ang dalaga at saka inilipat ang kaniyang tingin sa sahig.

"Kasi hindi niyo kilala ang totoo niyong mga magulang."

Mahinang sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin sabay yuko na nito habang nilalaro na niya ang kaniyang mga daliri. Tinignan bigla ng binata ang kamay ng dalaga at marahang hinawakan iyon, dahilan upang tumigil ang dalaga sa paglalaro sakaniyang mga daliri at saka tignan nang muli ang binata.

"Mabuti ka pa nga kilala mo tunay mong mga magulang, e."

Pagpupunto naman ni Jervin kay Yvonne habang hawak pa rin nito ang dalawang kamay ng dalaga at mataimtim na tinignan ang dalaga sa mga mata nito. Nagpakawala ng malalim na hininga ang dalaga at saka malungkot na nginitian muli ang binata habang tinitignan din ito sa mga mata nito.

"Kilala ko nga… sinasaktan naman ako, at gusto na akong mamatay at mawala sa buhay nila."

Tugon naman ni Yvonne sa sinabi sakaniya ni Jervin sabay hawak na nito sa pisngi ng binata habang nakatingin pa rin ito rito at malungkot pa ring nakangiti. Marahang hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga na hinahawakan ang kaniyang mga pisngi at saka nagpakawala ng malalim na hininga.

"Anong mas pipiliin mo? Malaman na ampon ka lang… o saktan ng tunay mong mga magulang na para bang gusto ka nang patayin?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang malungkot pa rin itong nakangiti sa binata at unti-unti nang yumuyuko. Hindi sinagot ng binata ang tanong ng dalaga sakaniya sapagkat inalis na niya ang kaniyang pagkakahawak sa parehong kamay nito at saka niyakap itong muli. Bahagyang nagulat ang dalaga sa ginawa ng binata at dahil doon ay tuluyan na itong umiyak habang nakabaon na ang kalahati ng kaniyang mukha sa balikat ng binata.

"Bakit ba nangyayari 'tong mga 'to satin?"

Tanong ni Jervin habang patuloy pa rin nitong niyayakap si Yvonne sabay iyak nanaman nitong muli. Nagpatuloy lamang sa pag-iyak ang dalawa habang yakap pa rin ng binata ang dalaga at nakabaon pa rin ang kalahati ng mukha nito sa balikat ng binata. Ilang minuto pa ang lumipas ay mayroong paniki ang pumasok sa silid na kinaroroonan ng dalawa at saka nagpalit anyo ito at naging si Lyka. Nang masilayan ang sitwasyon ng dalawang kaibigan ay napabuntong hininga na lamang ito habang malungkot na tinitigan ang dalawa mula sa kalayuan, nagpalit muli ng anyo bilang paniki at saka lumipad nang muli papalabas ng silid ng dalawa.

"Ba't ba kasi napunta sa ganung angkan si Yvonne? At saka anong klaseng pamilya ang sasaktan ang kanilang anak o kapatid? Tsk!"

Tanong ni Lyka sakaniyang sarili habang lumilipad na ito tungo sa rooftop ng kanilang hotel.

"Nailabas mo na ba lahat?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne nang akma na sana nitong pakawalan ang dalaga mula sakaniyang yakap, ngunit niyakap na ito pabalik ng dalaga, dahilan upang bahagya siyang magulantang rito.

"5 more minutes…"

Tanging sabi ni Yvonne kay Jervin sabay higpit na ng kaniyang yakap sa binata habang nakapikit na ito at nakabaon pa rin ang kalahati ng kaniyang mukha sa balikat ng binata. Napabuntong hininga ang binata nang mayroong ngiti sakaniyang mga labi sabay balik nito ng kaniyang yakap sa dalaga.

"Sige. 5 more minutes."

~ Just be yourself and let the right one fall with your beautiful flaws. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts