webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
205 Chs

La Vie En Rose Hotel 15

~Umaga~

"Mayroon ka na bang nakuhang bagong impormasyon patungkol sa kinaroroonan ng dalagang iyon?"

Tanong ni Dalis kay Edward habang nakaupo ito sa sofa sa loob ng silid na kanilang kinaroroonan at nakatingin sa Bampira na nakaupo naman sa sofa na kaniyang kaharap. Napa nguso lamang ang Bampira sa matandang babae at saka nagkibit balikat bilang tugon nito sa tanong nito sakaniya.

"Kung mayroon man akong nakuhang bagong impormasyon patungkol sa dalagang iyong tinutukoy ay kanina ko pa sinabi saiyo iyon."

Nakangising sabi ni Edward kay Dalis habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae sakaniyang harapan. Tumango na lamang ang matandang babae bilang pag sang-ayon nito sa sinabi sakaniya ng Bampira at saka kinuha na ang baso ng tsaa mula sa coffee table at saka ininom na iyon.

"Ano ba ang mayroon sa dalagang iyon? Bakit ba hinahanap niyo siya?"

Takang tanong ni Edward kay Dalis sabay kuha na rin nito ng baso ng tsaa mula sa coffee table at saka ininom na rin iyon habang hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang tingin sa matandang babae. Seryoso nang tinignan ng matandang babae ang Bampira habang hawak pa rin nito ang baso ng tsaa.

"Mayroong nagsabi saakin na ang dalagang iyon ang siyang tinutukoy sa propesiya ng mga salamangkero't mangkukulam. Siya raw ang nagtataglay ng walang hanggang kapangyarihan, kahit pa na pagsama-samahin pa ang mga pinaka malalakas na salamangkero't mangkukulam."

Seryosong sagot ni Dalis sa tanong sakaniya ni Edward sabay lapag na ng kaniyang baso ng tsaa sa coffee table. Tumango na lamang ang Bampira bilang tugon nito sa matandang babae at saka inilapag na rin ang kaniyang baso ng tsaa sa coffee table.

"Maaari mo ba akong ipakilala saiyong matalik na kaibigan na nagmamay-ari ng tuluyang ito?"

Tanong ni Dalis kay Edward habang tinitignan pa rin nito ang Bampira sakaniyang harapan. Napataas ng kilay ang Bampira at napangisi nanamang muli sa matandang babae.

"At ano naman ang iyong dahilan? Balak mo bang hikayatin siya na gumawa ng masama tulad ng iyong ginawa saakin?"

Natatawang tanong ni Edward kay Dalis habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang matandang babae. Bahagyang natawa rin ang matandang babae dahil sa sinabi sakaniya ng Bampira at saka tumayo na mula sakaniyang pagkakaupo sa sofa.

"Ipapakilala mo ba ako sakanya o hindi?"

Tanong pabalik ni Dalis kay Edward habang naglalakad na ito patungo sa pintuan nang biglang pumasok ang kaniyang apo na si Daisy. Bahagyang nagulat ang matandang babae nang makita ang kaniyang apo na naliligo sa pawis at hinahabol ang kaniyang hininga.

"Lola…"

Mahinang tawag ni Daisy kay Dalis habang nakahawak na ito sa sariling tuhod at hinahabol pa rin ang kaniyang hininga. Nilapitan na ng matandang babae ang kaniyang apo at saka hinawakan ang balikat nito.

"Ano ang nangyari saiyo, hija? Bakit pagod na pagod ka?"

Marahang tanong ni Dalis kay Daisy habang hawak pa rin nito ang balikat ng kaniyang apo. Lumapit na rin si Edward sa dalaga at saka tinignan lamang ito.

"Nakita… nakita ko… si… Yvonne… kasama… si Jay… sa… sa… Emporium… Union…"

Paputol-putol na sagot ni Daisy sa tanong sakaniya ni Dalis habang tinitignan na nito ang kaniyang lola.

"Anong ginagawa niyong dalawa kaninang madaling araw bago ako pumasok sa room niyo?"

Tanong ni Jay kila Yvonne at Jervin habang nakatingin lamang ito ng diretso at naglalakad silang tatlo sa Emporium Union kasabay ang iba pang mga nilalang na namimili roon. Hindi sinagot ng dalaga ang kababata sapagkat nakabusangot lamang ito at naka cross arms habang napapagitnaan ng dalawang binata.

"Matutulog."

Simpleng sagot ni Jervin kay Jay habang hindi nito tinitignan ang kababata. Nagsalubong na ang kilay ng kababata dahil sa inis nito at tinignan na ng masama ng binata.

"Magkatabi kayong natutulog?"

Tanong nanamang muli ni Jay kila Jervin at Yvonne habang patuloy pa rin silang naglalakad na tatlo. Hindi pa rin pinapansin ng dalaga ang kababata at binilisan na ang kaniyang paglalakad. Napatigil pareho ang dalawang binata sakanilang paglalakad at nanlaki na ang mga mata ng kababata nang iwan silang dalawa ng dalaga.

"Yvonne! Hintayin mo ako!"

Sabi ni Jay kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga at akma na sanang susundan ito nang…

"Yvonne."

Tawag ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin lamang ito sa dalaga at naka pamulsa na sakaniyang pantalon. Nang marinig ng dalaga ang binata'y mabilis siyang umikot at binalikan ito habang nakatingin na rin sa binata, naka cross arms at nakanguso. Nanlaki nanamang muli ang mga mata ni Jay nang sinunod ng dalaga ang binata at hindi man lang siya tinignan nito.

"Bakit?"

Simpleng tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata at nakanguso pa rin. Bahagyang natawa ang binata dahil sa dalaga at saka ginulo na ang buhok nito gamit ang kaniyang kanang kamay. Mabilis na napalitan ang pag nguso ng dalaga ng ngiti at tinanggal na rin nito ang kaniyang pagkaka cross arms.

"O-oh?!"

"Bat ka pa nagugulat? E, matagal mo naman nang alam na may gusto ako kay Jervin, ah."

Sabi ni Yvonne kay Jay habang nakatingin na ito sa kababata, nakatayo pa rin sa harapan ni Jervin at nakanguso nanamang muli. Napataas ng parehong kilay ang binata habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga sakaniyang harapan, samantalang ang kababata naman nila'y iniwas na ang tingin sa dalaga at bahagyang yumuko.

"Puntahan na natin sila Melanie, baka naghihintay na sila satin."

Tanging sabi ni Jay kay Yvonne sabay lakad nang muli habang hindi pa rin tinitignan ang dalaga at si Jervin. Sinundan ng tingin ng dalaga ang kababata gamit ang kaniyang nag-aalalang mga mata at saka mabilis na tinignan ang binata gamit pa rin ang mga matang iyon.

"B-bakit? G-gusto mong i-comfort ko siya?"

Gulat na tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nilang tinitignan ang isa't isa. Tumango na lamang ang dalaga bilang tugon nito sa binata sakaniyang harapan, habang ang binata nama'y napabuntong hininga na lamang, tinignan na si Jay at nasilayan ito na nakatingin sakanilang dalawa sa di kalayuan nang mayroong bakas ng lungkot sa mukha nito. Mabilis na hinawakan ng binata ang pulso ng dalaga at saka mabilis nilang sinundan ang kababata.

"Jay."

"Bakit?"

"May mahahanap ka pang ibang babae na mamahalin ka pabalik."

"What the f*c|{ Jervin."

~ Moving on is not unloving someone, it’s the acceptance of the pain and letting it go. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

Brace yourselves kasi malapit na pong matapos ang story na ‘to huhuhu T-T Love you all~!

iboni007creators' thoughts