~Hapon~
"Sino naman si Madam Hong?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne. Ngumiti na lamang ang dalaga at tinanguan na lamang ang ealion.
"Kung ako sayo, hahawak na ako ng mahigpit sa batang 'to."
Sabi ni Josh kay Jervin sabay turo niya kay Yvonne. Nagtaka naman ang binata at humawak ng bahagya sa blouse ng dalaga. May ibinulong muli ang dalaga sa ealion na nilalang at kumaripas nanamang muli ito ng takbo.
"Dahan-dahan lang!"
Sigaw ni Jervin kay Yvonne dahil sa bilis ng takbo ng ealion kaya't napayakap ito sa beywang ng dalaga. Umabot hanggang langit ang ngiti ni Yvonne nang ramdam na niya ang dalawang braso ng binata na nakapaikot na sakanyang beywang.
"Feeling ko sinasadya mo' to."
Sabi ni Josh kay Yvonne habang naka cross arms ito. Tinignan saglit ng dalaga ang dwende at ibinalik muli ang kanyang tingin sa kanilang dinaraanan. Hindi na maalis ang ngiti ng dalaga at nagkibit balikat na lamang ito bilang tugon sa sinabi sakanya ng dwende. Patuloy pa rin ang pagtakbo ng ealion na nilalang habang angkas pa rin nito sina Yvonne, Jervin at Josh sakanyang likuran. Halos sa buong paglalakbay nila ay nakangiti ang dalaga habang ang binata ay hindi makabitiw mula sa pagkakayakap nito sa dalaga at ang dwende nama'y natutulog na lang sa bulsa ng blouse ng dalaga.
"Malayo pa ba?!"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakayakap pa rin ito sa dalaga. Nagising na bigla ang dwende at saka sumilip na. Nang masilayan na ng dwende kung nasaan na sila ay may ibinulong ito sa ealion na nilalang at saka tumigil na ito sa tapat ng isang bahay na may dalawang palapag. Ang itsura nito ay maaari maihalintulad sa isang mansion na kulay kayumanggi. Bawat bintana nito'y iba't iba ang kulay na tila ba parang may isang malaking salu-salo ang nagaganap dahil sa pagpapalit-palit ng kulay ng mga bintana nito. Ang bubong naman nito'y maraming mga halaman na nakasabit sa bawat sulok nito.
"Madam Hong!"
Tawag ni Yvonne nang hinawakan na niya ang kamay ni Jervin upang pakawalan ang kanyang sarili sa yakap ng binata at saka bumaba na ito. Naiwang nakaupo ang binata sa likuran ng ealion dahil hindi niya malaman-laman kung paano siya bababa roon.
"Ay! Sorry, nakalimutan ko na hindi mo pala alam kung pano bumaba kay Elion."
Paghingi ng tawad ni Yvonne kay Jervin nung binalikan niya ang binata na nakaupo pa rin sa likuran ng ealion na nilalang. Iniabot ng dalaga ang kamay nito upang hawakan ng binata para maalalayan niya itong bumaba.
"Dumapa ka muna, Elion."
Sabi ni Yvonne sa ealion na nilalang at sumunod naman ito sa sinabi ng dalaga. Dumapa ang ealion at doon na hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga at dahan-dahang bumaba. Hindi na makapaghintay si Josh at naisipan nang tumalon papalabas ng bulsa ng blouse ng dalaga.
"Madam Hongganda!"
Tawag ni Josh habang naglalakad na ito papalapit sa kahoy na pinto ng mansion. Ilang sandali pa ay nagbukas na ang pintuan ng mansion at iniluwa nito ang isang magandang matandang babae na may mahabang buhok na puti, nakasuot ito ng kulay kayumangging gown na dumadausdos na sa sahig dahil sa haba nito.
"Josh! Halika nga rito hijo! Ang tagal na kita hindi nasisilayan!"
Bulalas ng matandang babae na tinatawag nilang Madam Hongganda. Tumakbo na patungo kay Madam Hongganda si Josh habang ang matandang babae nama'y lumuhod na sa pintuan at inilahad ang kanyang dalawang kamay upang tayuan ng dwende.
"Madam Hong!"
Tawag ni Yvonne kay Madam Hongganda habang hawak pa rin nito ang kamay ni Jervin. Ibinaling ng matandang babae ang kanyang tingin sa dalaga at nginitian ito habang nakaupo na sa kamay niya ang dwende.
"Ibon! Naku! Namiss kita, hija! Halika rito at nang mayakap ko kayo ni Jervin!"
Sabi ni Madam Hongganda kay Yvonne nang makatayo na siya mula sa kanyang pagkakaluhod. Dali-daling hinatak ng dalaga ang binata papalapit sa matandang babae.
"Alam niya pangalan ko?! Pano niya nalaman pangalan ko?! Kinekwento mo ba ako sakanya?! Naguguluhan ako!"
Bulalas ni Jervin habang hinahayaan lang niya na hatakin siya ng dalaga papalapit sa matandang babae. Tumawa na lamang ng bahagya si Madam Hongganda habang nakatuon lang ang atensyon ng dalaga sa matandang babae.
"Huwag ka matakot, Jervin hijo. Hindi naman kita kukulamin."
Pahayag ni Madam Hongganda kay Jervin habang nakangiti ito ng matamis sa binata. Napalunok na lamang ang binata dahil sa sinabi ng matandang babae rito habang hawak-hawak pa rin ng dalaga ang kamay nito.
"Isa si Madam Hong sa mga tutulong sakin na turuan ka about sa magic and stuffs."
Sabi ni Yvonne kay Jervin habang hindi pa rin nito binibitawan ang kamay ng binata habang nakangiti. Tinignan ng binata ang dalaga at ibinalik muli ang paningin nito kay Madam Hongganda na nakangiti pa rin sakanya.
"Sino-sino pa ung iba?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne noong nasa harapan na sila ni Madam Hongganda. Agad na niyakap ng matandang dalaga ang dalawa at pinakawalan naman agad sila sa yakap nito.
"Pasok na kayo, baka makita pa siya ni ano."
Sabi ni Madam Hongganda kela Yvonne at Jervin. Hinatak muli ng dalaga ang binata ngunit sa pagkakataon namang ito ay hinatak niya papasok sa mansion ang binata. Naiwang saglit sina Madam Hongganda at Josh sa labas dahil nagmasid pa sila sa kapaligiran. Matapos magmasid ay sumunod na rin silang pumasok sa mansion at sinarado na ng matandang babae ang pintuan.
"May kausap pala ako kanina nung tinawag niyo ako."
Sabi ni Madam Hongganda kela Yvonne, Jervin at Josh habang naglalakad na siya patungo sa pintuan sa dulong bahagi ng pasilyo. Agad naman na sinundan ng dalaga at binata ang matandang babae dahil ang dwende'y nakaupo pa rin sa kamay ni Madam Hongganda.
"Sino po ung kausap niyo kanina Madam Hong?"
Tanong ni Yvonne kay Madam Hongganda habang hawak pa rin nito ang kamay ng binata at sinusundan ang matandang babae patungo sa pintuan sa dulong bahagi ng pasilyo. Nilingon ng bahagya ng matandang babae ang dalaga at ibinalik muli ang paningin nito sa pintuan sa dulong bahagi ng pasilyo.
Hindi sinagot ni Madam Hongganda ang tanong sakanya ng dalaga sapagkat ay nagpatuloy lamang ito sa paglalakad patungo sa pintuan sa dulong bahagi ng pasilyo. Nang marating na nila ang pintuan na iyon ay agad na binuksan ng matandang babae ang pinto at nasilayan ng dalaga't binata ang isang malaking palayok na nakalagay sa gitna ng silid na iyon. Dali-daling binitawan ng dalaga ang kamay ng binata at saka lumapit sa malaking palayok. Ang binata nama'y agad na sinundan ang dalaga at tinignan na rin ang palayok. Ngunit pareho silang nanlaki ang mga mata dahil sa nakita nila roon.
"Bibili pala ng pagkain, ha."
Hello po~!! Please vote, rate and support my story!!! Maraming salamat po sa pagbabasa ng story ko.
Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong story na ginawa.
"Love Yourself: Wonder" po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story, too!!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo~!!