webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
205 Chs

Eskwelahan 6

~Hapon~

"Please be one of us. Be a wizard, Jervin Añonuevo."

Sabi ni Yvonne key Jervin habang nakangiti ito ng matamis sa binata. Tinitigan ng binata ang dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi sakanya ng dalaga.

"Anong pinagsasasabi mo dyan Tamayo? Pwede ba un? Maging isa satin ang mga 'ordinaries'?"

Takang tanong ni Melanie kay Yvonne habang nakatingin ito sa kaibigan. Hindi inalis ng dalaga ang tingin nito sa binata at nanatili pa rin ang matamis nitong ngiti sa kanyang labi. Si Josh nama'y naupo na lamang sa arm chair at nagmukmok. Hindi na alam kung ano ang gagawin sa dalagang binabantayan nito.

"P-pwede un?"

Naguguluhang tanong ni Jervin kay Yvonne habang nanlalaki pa rin ang mga mata nito. Tumango ang dalaga bilang sagot sa tanong ng binata habang nakangiti pa rin ito. Tinignan ni Melanie si Josh at saka kinalabit ito ng dahan-dahan. Agad na tinignan ng dwende ang kaibigan ng dalaga at saka ibinaling ang kanyang atensyon sa binata.

"Pwede maging isang wizard o witch ang isang 'ordinary' kapag mayroong nagprisintang witch or wizard na magtuturo ng mahika rito. Ngunit kapag naging isa ka na sakanila... hindi ka na maaaring maging isang 'ordinary' muli dahil alam mo na kung papaano gumamit ng mahika."

Sagot ni Josh sa tanong ni Jervin habang nakaupo pa rin ito sa arm chair. Tinignan ng binata si Yvonne at tumango lang ito habang nakangiti pa rin. Si Melanie nama'y napakunot ng noo.

"Hindi ba sinabi na kanina ni kuya Josh na nasa panganib ang kalagayan ang buhay at kinabukasan mo dahil kay Jervin?"

Tanong ni Melanie kay Yvonne habang dinuduro nito si Jervin. Sinamaan ng tingin ng binbata ang kaibigan ng dalaga.

"Hindi yan~ Kung walang magsasabi, edi walang masasaktan."

Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Melanie. Sinabunutan ng kaibigan ang kanyang sarili dahil sa sobrang pag-aalala nito sa dalaga. Napabuntong hininga na lamang si Yvonne, tinignan si Melanie at nginitian ito ng malamya.

"Wag kang mag-alala sakin. Magiging maayos lang ako. Promise."

Malungkot na sabi ni Yvonne kay Melanie sabay hawak nito sa kamay ng kaibigan. Hinawakan naman pabalik ni Melanie ang kamay ng dalaga bilang pagsang-ayon nito sa sinabi sakanya. Ibinaling nang muli ng dalaga ang kanyang atensyon sa binata at saka nginitian nanamang muli ito. Napabuntong hininga ang binata at yumuko.

"Sabi ko na sayo hindi yan magsasabi ng 'oo', e."

Sabi ni Josh kay Yvonne habang naka cross arms ito na nakaharap sa dalaga. Hindi pinansin ng dalaga ang dwende at hinintay lamang nito ang magiging sagot ng binata. Habang lumilipas ang mga segundo na tahimik lang silang apat ay unti-unti ng naglalaho ang ngiti sa mga labi ng dalaga.

"Kapag ba sumagot ako ng 'oo', magagawa ko ba ung ginawa mo nung isang araw sa fire exit?"

Nakangiting tanong ni Jervin kay Yvonne habang unti-unti nitong tinitignan pabalik ang dalaga. Nanlaki ang mga mata nina Melanie at Josh dahil sa narinig nila mula sa binata habang ang ngiti naman ng dalaga'y bumalik muli.

"Oo naman! Lahat kaya ng wizard at witch kailangang gawin un."

Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin habang nakangiti ito ng matamis sakanya. Hindi makapaniwala sina Melanie at Josh sa mga nangyayari ngayon sakanilang harapan kaya't hindi sila makapagsalita patungkol dito.

"Oo. Gusto ko maging isa sainyo."

Sagot ni Jervin habang nakangiti pa rin ito kay Yvonne. Nginitian lang pabalik ng dalaga ang binata at maya-maya pa ay tinignan na rin ng dalaga ang binata habang nanlalaki ang mga mata nito dahil sa narinig na sagot ng binata sakanya.

"Hindi nga?!"

Hindi makapaniwalang tanong ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata gamit ang kanyang nanlalaking mga mata.

"Ayaw mo ba?"

Natatawang tanong ni Jervin kay Yvonne. Pagkatawang-pagkatawa ng binata ay may nilampasang isang pagtibok ang puso ng dalaga at ang kanyang mundo'y tumigil ng panandalian.

"Lagot na."

Bulong ni Josh sa kanyang sarili sabay takip ng kanyang mukha gamit ang kanyang dalawang kamay. Napatingin si Melanie sa dwende dahil sa ginawa nito.

"Seryoso ka ba?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Yvonne kay Jervin habang nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa binata. Napatingin kaagad sina Melanie at Josh sa binata. Ngumisi si Jervin kay Yvonne at tumango bilang sagot sa tanong nito. Umabot na hanggang langit ang ngiti ng dalaga dahil sa sagot ng binata. Ang dwende nama'y nagmukmok na sa harapan ng tatlo, habang ang kaibigan naman ng dalaga'y nanlalaki ang mga mata dahil sa pagsang-ayon ng binata sa paanyaya ng dalaga rito.

"Goodbye, class."

"Goodbye and thank you, Sir!"

"Next class na. Ano balak niyo?"

Tanong ni Melanie kela Jervin, Josh at Yvonne. Tinignan ng dalaga ang dwende habang nakangiti. Napailing na lamang si Josh dahil kay Yvonne.

"Bahala ka na dyan. Matutulog na lang ako sa bag mo. Hirap mong pagsabihan."

Sabi ni Josh kay Yvonne habang naglalakad na ito papalapit sa dalaga at saka pumasok sa bulsa ng blouse nito.

"Saranghae, kuya Josh."

Sabi ni Yvonne kay Josh sabay tingin kay Jervin habang nakangiti ito. Nakatitig lang ang binata sa dalaga dahil hindi nito alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito habang si Melanie nama'y palipat-lipat ang tingin sa dalaga at binata.

"Breaktime na diba?"

Pag-iiba ni Yvonne ng topic na tila ba gusto nitong iwasan ang tanong ni Melanie habang nakangiti pa rin ito.

"Oo. Ano talaga balak mo Tamayo?"

Pagpipilit na tanong ni Melanie kay Yvonne sabay cross arms nito.

"Bibili lang ng pagkain. Nagugutom na ako, e."

Sagot ni Yvonne sa Tanong sakanya ni Melanie sabay nguso nito na animoy nagpapaawa sa kaibigan. Napabuntong hininga na lamang ang kaibigan ng dalaga.

"Mauna na kayo sa canteen. Magsi-cr lang ako."

Sabi ni Melanie kela Yvonne at Jervin sabay lakad nito papalabas ng kanilang silid aralan. Akma na sanang kukunin ng binata ang wallet nito sa bag ngunit biglang hinawakan ng dalaga ang kamay nito habang pinapanuod na lumabas ang kaibigan.

"Bakit?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang hindi ginagalaw ang kamay nito na hawak ng dalaga. Nang tuluyan ng mawala sa paningin ng dalaga ang kaniyang kaibigan ay binitawan na niya ang kamay ng binata at saka tumayo at naglakad patungo sa kanyang kinauupuan sa gitnang bahagi ng silid aralan.

"Ano balak mo?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang pinapanuod ang pagkuha ng nito ng sariling bag at saka naglakad pabalik sa binata at ngumiti.

"Isang salita. Cutting."

Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin habang nakangiti pa rin ito. Napangisi na rin ang binata at kaagad na kinuha ang bag nito saka tinanguan ang dalaga. Kaswal na naglakad ang dalawa patungo sa pintuan ng kanilang silid aralan habang dala ang kanilang bag. Ni isa sa kanilang mga kaklase ay walang pumansin sa dalawa.

Noong malapit na sila sa pintua'y dali-dali na silang naglakad papalabas at saka tumakbo na patungo sa gate ng kanilang eskwelahan. Hindi mapigilan ng binata't dalaga ang kanilang pagtawa dahil sa adrenaline rush na kanilang nadarama habang patuloy pa rin silang tumatakbo sa pasilyo.

"Cimga Latrop!"

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!!! Maraming salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong story na ginawa.

"Love Yourself: Wonder" po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story, too!!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo~!!

iboni007creators' thoughts