webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
205 Chs

Eskwelahan 18

~Hapon~

"Nasan na ba si Tamayo? Nasan siya kung kelan kailangan siya ng boyfriend niya?"

Tanong ni Pecson sa hangin habang nakaupo sa tabi ni Jervin at tinitignan ang kanilang mga kaklase na nag rereport na sa bandang harapan ng kanilang silid aralan.

"Boyfriend? Sa tingin mo boyfriend niya ako?"

Takang tanong ni Jervin kay Pecson habang dahan-dahan na nitong tinitignan ang kaklase na nakaupo sakaniyang tabi. Mabilis na nilingon ng kaklase ang binata at saka tumango bilang tugon sa tanong nito sakaniya.

"Halos buong klase ang tingin sainyo ni Tamayo ay mag boyfriend-girlfriend."

Sagot ni Pecson sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Hindi namalayan ng binata na namumula na pala ang kaniyang tainga habang nakatingin pa rin ito sa kaklase na kaniyang katabi.

"Kinikilig ka ba?"

Natatawang tanong ni Pecson kay Jervin habang tinatakpan na nito ang kaniyang bibig habang tinitignan pa rin ang binata. Takang tinignan ng binata ang kaklase dahil sa sinabi at ikinilos nito sakaniyang harapan.

"B-bakit?"

Takang tanong ni Jervin pabalik kay Pecson habang pinanlalakihan ito ng kaniyang mga mata. Nginitian ng kaklase ang binata at saka itinuro ang namumulang tainga nito.

"Ung tenga mo pre… namumula."

Natatawang sagot ni Pecson sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakaturo pa rin ito sa namumulang tainga ng binata. Mabilis na tinakpan ng binata ang kaniyang tainga gamit ang kaniyang kamay at ilang saglit pa ay naisipan nitong ipatong ang kaniyang braso sakaniyang arm chair saka ibaon na lamang ang kaniyang mukha roon.

"Hoy Pecson! Makinig kayo sa nirereport ng kaklase niyo sa harapan! Huwag niyong subukan ang pasensya ko, ha!"

"Opo, Ma'am! Sorry po!"

Paghingi ng tawad ni Pecson sakanilang guro na nakatingin pa rin sakaniya. Ang na putol na pag rereport ng kanilang mga kaklase ay itinuloy nang muli at saka inalis na ng kanilang guro ang tingin nito sa kaklase ni Jervin.

"Ang ingay mo kasi, e."

Sabi ni Melanie kay Pecson habang nakatingin ito sakanilang mga kaklase na nag rereport sa bandang harapan ng kanilang silid aralan. Natawa na lamang ang kaklase nang maibaling nitong muli ang kaniyang tingin kay Jervin na nakabaon pa rin ang mukha sa braso nito.

"Ba't ba kasi biglang namula yang tenga mo? Kinikilig ka, noh?"

Natatawang tanong ni Pecson kay Jervin habang nakatingin pa rin sa binata at saka tinakpang muli ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang kamay. Sinamaan ng tingin ni Melanie ang kaklase at saka siniko ito sa likuran nito sabay balik nang muli ng kaniyang tingin sakanilang nag rereport na mga kaklase sa harapan ng kanilang silid aralan.

"Manahimik ka na, Pecson… parang awa mo na."

Sabi ni Jervin kay Pecson habang nakabaon pa rin ang kaniyang mukha sakaniyang braso. Dahil sa ginawa ng binata ay tumawa na ng malakas ang kaklase kaya't sinamaan na ito ng tingin ng kanilang guro.

"Pecson! Kung ayaw mo makinig lumabas ka na! Hindi ung iistorbohin mo pa ung mga kaklase mong nag rereport!"

Galit na sigaw ng kanilang guro kay Pecson habang nakaturo ito sa mga nag rereport sa harapan. Mabilis na umayos ng upo si Jervin nang marinig ang kanilang guro na sigawan ang kanilang kaklase na nakaupo sakaniyang tabi.

"Isa ka pa, Anonuevo! Hindi porket inaantok ka, e, pwede kang matulog kahit na anong oras dito sa classroom niyo! Kung ayaw niyong makinig lumabas na kayo pareho! Hindi ko kayo pipigilan! Kung gusto niyo lumabas pa kayo sa magkabilang pinto ng classroom na 'to! Wala akong pake! Wag niyo lang guluhin ang klase ko! Wala na nga ako sa mood dahil sa mga pasaway na dikya sa AM shift! Dadagdag pa kayong dalawa! Lumabas na kayo kung hindi kayo makikinig! Wala akong pakealam kung san pa kayo magpunta! Mas okay pa nga sakin na na lang kayo, e! Para iwas Pasaway dito sa loob ng classroom!"

Galit na sabi ng kanilang guro kila Jervin at Pecson kaya't lahat ng kanilang mga kaklase ay nakatingin na sakanilang dalawa. Napalunok ang binata dahil sa sitwasyon na kaniyang kinaroroonan ngayon, samantalang ang kaniya namang katabi ay pinipigilan lamang ang pagtawa nito.

"Nasisiraan ka na ba ng bait? Ba't natatawa ka pa rin? Pinapagalitan na tayo, oh!"

Bulong ni Jervin kay Pecson habang nakayuko na ito. Yumuko na rin ang kaklase habang pinipigilan pa rin nito ang kaniyang sarili na tumawa ng malakas.

"Nakaka init kayo ng dugo! Tuloy niyo na!"

Galit na sabi ng kanilang guro sa nag rereport nilang mga kaklase sa harapan ng kanilang silid aralan. Nang inalis na ng kanilang guro ang tingin nito kila Jervin at Pecson ay sinapak ng binata ang braso ng kaklase na patuloy pa rin sa pagpigil nito sakaniyang tawa.

"Ba't ba andito ka?! Pati tuloy ako nadadamay, e!"

Inis na sabi ni Jervin kay Pecson habang masama na nitong tinitignan ang kaklase. Nginitian lamang ito ng kaklase habang nakatingin na rin sakaniya at pilit pa ring pinipigilan ang tawa nito.

"K-kase naman… ngayon… ngayon lang kita… n-nakitang kiligin."

Paputol-putol na sagot ni Pecson sa tanong sakaniya ni Jervin habang pinipigilan pa rin nitong tumawa ng malakas. Ilang sandali pa ay siniko nanamang muli ni Melanie ang likuran ng katabing kaklase at saka sinamaan ito ng tingin.

"Manahimik ka na, Pecson! Napagalitan na nga kayo ni Ma'am ganyan pa rin ginagawa mo!"

Pagsasaway ni Melanie kay Pecson habang nakatingin pa rin ito ng masama sa katabing kaklase. Hindi pa rin tumitigil ang kaklase kahit sinaway na ito ng dalaga at maski ng kanilang guro. Pilit pa rin nitong pinipigilan ang kaniyang sarili na tumawa ng malakas habang nakatingin pa rin ito kay Jervin. Nang matapos na magreport ang kanilang mga kaklase ay saktong tumunog na ang bell sakanilang eskwelahan, senyales na tapos na ang oras para sa unang klase.

"Sa next meeting ay magkakaron kayo ng long quiz! Magpa salamat kayo kila Pecson at Anonuevo! Mas lalu pa nilang pina init ang ulo ko!"

"Pecson naman, e!"

"Ma'am silang dalawa na lang bigyan niyo ng quiz!"

"Ang unfair naman nun Ma'am!"

"Unfair?! Ang unfair ay eto! Pinagkakaisahan niyo ako para lang di ko kayo bigyan ng quiz!"

"Ma'am naman, e!"

"Bwahahahahahaahahaha! S-si Jervin! N-namumula! Wuahahahhaahha!"

Sigaw ni Pecson habang tumatawa na ito ng malakas. Mabilis na nagtinginan ang kanilang mga kaklase at ang kanilang guro sakanilang dalawa ni Jervin.

"Pecson!"

Pagsasaway ni Jervin kay Pecson habang kinakabahang tinignan ang kanilang mga kaklase at ang kanilang guro na nakatingin sa kinaroroonan nilang dalawa ng katabi.

"Wuahahahhaahha! H-hindi… ko na… kaya…! Hahahahahaha!"

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko.

Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story.

"Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts