Kabanata 57
Nagpalipas pa muna ako ng isang lingo sa bahay bago tuluyang umalis. Parang hindi ko rin kasi kaya, pero ito na ang desisyon ko. Noon pa man, gusto ko lang naman ay isang simpleng buhay. Basta ang mahalaga, nakakakain araw-araw. At ang isa pang mahalaga ay makapag-aral.
Ngayon ngang hila-hila ko ang mga bagahe ko ay halos 'di ko maigalaw ang mga paa ko. Sa nakalipas na mahigit apat na taon, napamahal na rin ako sa pamilya nila. Minsan nga, hindi ko na halos naiisip lahat ng pagdurusang pinagdaanan ko sa bahay na 'to.
"Ate, you're leaving us na talaga? Pa'no na tayo magbe-bake n'yan?" may tampong tanong sa'kin ni Celestia.
Napangiti naman ako at hinawakan siya sa balikat. Mas malapit sa'kin si Celestia kaysa kay Ate Mercedes, kaya siguro ganito na lang ang lungkot niya.
"Celestia, kaya nga 'ko mag-aaral, e. Para mas marami akong maituro sa'yo," biro ko pa. "Tsaka, hindi naman ako sa ibang bansa titira."
"Kahit na, Ate." Napanguso pa siya at tuluyang yumakap sa'kin. "Mami-miss kita."
"Mami-miss din kita," sagot ko sa kanya at pagkatapos ay humiwalay na ako sa kanya. Hinawakan ko naman ang dalawa niyang kamay. "Magpakabait ka, a?"
"Ate naman," sabi niya sabay nguso pa.
"Wala na kasing mang-i-spoil sa'yo," sabat naman ni Ate Mercedes. "Maureen, mag-iingat ka do'n ha. Kamusta mo 'ko kay Apollo."
"Ate!" suway ko sa kanya. Kinakabahan namang napatingin ako kay Lola Adel at kay Daddy.
"What?" Natatawa namang tanong ni Ate Mercedes.
"So, is he the reason why you're leaving us?" istriktang tanong ni Lola Adel.
"No, Lola. Of course, aalagaan ko pa rin po ang sarili ko. 'Di ko po kayo bibigyan ng sama ng loob. Sadyang napamahal na po talaga ako sa lugar na 'yon," paliwanag ko naman sa kanya.
"Pero ipakilala mo sa'min 'yang Apollo na 'yan, a? I mean, yes, we know him. But if he wants to pursue you, tell him to be formal," paalala naman sa'kin ni Daddy.
"Nag-usap na po kami ni Mommy tungkol d'yan. On my birthday, Daddy. You'll meet him again," sagot ko naman.
"Bakit kayo-kayo na lang lagi ang magkausap?" may himig ng pagtatampo pang pag-uusisa ni Daddy.
"Syempre, babae ang mga anak natin," sagot naman ni Mommy.
Pagkatapos noon ay tuluyan naman na akong nagpaalam sa kanila. Walang katapusang yakapan ang nangyari bago ako tuluyang makasakay sa loob ng van namin. Si Eunice naman, hindi nila tinanggal sa trabaho, dahil naaawa sila. Siguro, mapupunta na lang siya kay Ate Mercedes o kay Celestia.
Habang papalapit kami nang papalapit sa Doña Blanca ay lalong lumalakas ang pintig ng puso ko. Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman ko habang iniisip ang mga taong haharapin ko dito. Pero mas nangingibabaw sa'kin ang saya. Dahil alam kong kahit pa marami ang malulungkot na bagay ang nangyari sa akin sa lugar na 'to, dito at dito ko pa din matatagpuan ang sarili ko.
Huminto naman ang van sa tapat ng isang asul na bahay. Sa hitsura nito ay halatang matagal nang hindi ito natirhan ng sinoman. Nang bumaba ako sa van ay saka ko lalong napansin ang kupas na pintura sa gate at sa mismong bahay. May mga alikabok pa nga sa gate nang buksan ko iyon gamit ang susing dala ko.
Nilawakan ko pa ang bukas no'n para maayos na maipasok ng driver namin ang mga gamit ko sa loob. Hindi ko na rin siya hinintay pa at kaagad ko na ring binuksan ang pinto ng bahay. Doon ko naman napagmasdan ang kabuuan ng bahay.
Gaya nga ng hiling ko, maliit na bahay lang ito. Wala siyang second floor, pero may kaluwagan naman, kaya may sala, kusina at kwarto na siya. Tamang-tama naman na ito para sa akin. Ayos na ako dito. Nakakatuwa nga dahil may mga gamit na kaagad sa loob. Si Daddy rin ang nag-abala para sa mga 'yon. Bagong-bago at may plastic pa nga ang sofa.
"Ma'am, okay na po ba?" tanong naman ni driver namin, kaya napalingon ako sa kanya. Tapos na pala niyang maipasok ang mga gamit ko.
Napatango naman ako at napangiti.
"Sige, Ma'am, alis na po ako," sabi pa nito.
Napatango naman ako sa pangalawang pagkakataon at nagpasalamat bago siya tuluyang umalis. Isinarado ko naman ang gate pati ang pintuan ng bahay pagkatapos noon. At doon ko tuluyang nilibot ang bahay. Nakakatuwa naman dahil halos lahat ng kailangan ko ay nandito na. Supplies na lang talaga ang kulang.
Nang mainitan sa paglilibot ay naupo ako sa sofa at binuksan ang bentelador na malapit. Binuksan ko na rin ang flat screen TV. May kuryente at tubig na rin naman kasi dito. Kailangan ko na lang talagang papalitan ang pintura at ayos na ayos na talaga.
Isang bagong teleserye ang naabutan kong pinapalabas sa TV. Sigaw nang sigaw ang bata ng "Itay", kaya naman kaagad na sumagi sa isip ko ang Itay ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at muling pinasadahan ng tingin ang buong bahay. Ito sana ang pangarap ko para sa amin ni Itay. Kaya lang, hindi na nangyari.
Pero alam ko, at nararamdaman ko, na kung nasa'n man si Itay ay masaya siya sa mga baga na meron ako ngayon. Alam kon palagi lang siyang nakagabay sa akin.
Natauhan naman ako nang biglan tumunog ang phone ko. Nang tignan ko 'yon ay nakita kong tumatawag si Daddy. Sinagot ko naman ang video call na 'yon.
"Oh, Daddy," bati ko at nginitian siya.
"Hmm. Kamusta d'yan? Did you like it?" magkasunod na tanong niya sa akin.
Masaya naman akong tumango-tango. "Oo naman po, Daddy! Sobra. Thank you po talaga."
"Naku, wala 'yon," sagot naman nito. "Asikasuhin na rin pala natin 'yung pagpapa-pintura n'yan. Para sa birthday mo, ayos na lahat."
"Naku, e, ako na lang po ang bahala do'n," sabi ko naman.
"No, it's my birthday gift," giit naman niya.
"Sila Celestia po pala?" tanong ko naman. Saglit pa lang akong nakakalayo sa kanila, pero nami-miss ko na kaagad sila.
"Nando'n na mga shooting nila. Tawagan mo na lang mamaya," sagot naman niya.
"Sige po."
Matapos ang kaunti pang kamustahan ay nagpaalam na rin kami ni Daddy sa isa't isa. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya naisipan kong magpa-deliver na lang muna ng pagkain dito. Mamaya ko na lang siguro sisimulang mag-ayos ng mga gamit ko. Isa pa, may inaasahan pa akong bisita.
Mayamaya nga'y tumunog ang doorbell, kaya mabilis akong tumayo sa sofa at nagtungo sa labas. Buong akala ko naman ay 'yon na ang pina-deliver kong pagkain, pero hindi pala. 'Yung inaasahan ko pa lang bisita.
Napangiti ako nang malawak sa kanya. Isang taon lang ang lumipas, pero parang napakaraming nagbago sa kanya. At hindi ko rin alam kung bakit, pero magaan na ang pakiramdam ko sa kanya ngayon. Wala nang pagkailang na para bang matagal na talaga kaming magkaibigan.
"Zeus!" bati ko sa kanya. "Buti nakarating ka?"
"Of course! Muntik pa nga 'kong maligaw, e," sabi naman niya.
Nilawakan ko naman ang bukas ng gate para tuluyan siyang makapasok. Kaagad din naman niyang pinasadahan ng tingin ang bakuran ng bahay ko.
"Hmm. In fairness, medyo malawak naman ang garden. Pwede kang maglagay ng plants dito," komento niya.
"Hmm. Hindi ako masyadong mahilig sa halaman, e. Pero susubukan ko," sabi ko na lang. "Halika, pasok tayo sa loob."
Sumunod naman siya sa'kin nang ayain ko siya.
"Alam na ba ni Kuya na nandito ka?" tanong niya sabay upo sa sofa.
Umiling naman ako. "Hindi pa. S-Sinabi mo ba?"
"Hindi pa naman. Actually, nagulat nga ako na ako ang gusto mong makita, e," sagot naman niya. "Naka-move on ka naman na siguro sa'kin?"
Tinawanan ko naman siya. "Aba, syempre naman! Gusto ko lang ng maayos na simula, kaya heto."
Tumunog naman muli ang door bell ko, at sa pagkakataong 'yon, hula ko ay 'yon na talaga ang pina-deliver ko. Kaya naman nagpaalam ako kay Zeus na kukunin ko lang 'yon saglit. Pagbalik ko naman ay inihain ko 'yon sa mesang nasa harapan ng sofa.
"Maureen, sorry talaga sa mga ginawa ko sa'yo, a? Hindi ko naman talaga gusto 'yon, e. Litong-lito na talaga 'ko sa mga nangyayari sa'kin," paghingi naman niya ulit ng tawad habang abala ako sa paglilipat ng mga pagkain sa plato.
"Sus. Ano ka ba?" Inilagay ko muna sa tabi ng mesa ang mga tupperware na pinaglagyan ng pagkain. "Wala na sa'kin 'yon, 'no. Inintindi na kita."
"Buti na lang you're kind, 'no?" biro na lang niya.
"Tara kain," pagyaya ko naman at sinimulan nang sumubo ng pagkain. Kinuha naman niya ang plato at sinimulan na ring kumain ng lechong manok.
"Nakipag-break na 'ko kay Raymond," saad naman niya habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.
"Buti naman—I mean, bakit pala?"
Nagpakawala naman siya ng malalim at mahaang buntong-hininga saka sumagot, "He's not good for me, e. Masyado siyang self-centered."
"Buti naman naisip mo 'yan. Tsk," sagot ko naman. "Dapat kasi ako na lang, e."
"Hoy, hindi tayo talo!" sabi niya at kunwari ay nandidiri pang tumingin sa'kin.
"Biro lang," sagot ko naman. "Hindi na ikaw ang gusto ko ngayon."
"Hmm. E, kelan mo naman ba balak makipagkita kay Kuya? Broken na broken na 'yon sa'yo."
Natawa ako sa sinabi niya. "Hindi ko nga alam kung pa'no, e. Gusto ko sana siyang sorpresahin."
"Alam mo, gusto ka rin niyang i-surprise. Mag-surpresahan na lang kayong dalawa," sarkastikong sagot naman niya sa'kin.
"Bitter!" reklamo ko naman. "Suggest ka naman oh."
"Alam mo ganito na lang," sabi niya at saglit na tumigil sa pagkain. "Bukas, sumama ka na lang sa'kin. Punta tayo sa bar ni Kuya."
"Wow ha. Parang walang nangyaring something do'n, a?"
"E, kalimutan na nating lahat 'yon, dahil kahit ako naiimbyerna 'pag naaalala ko 'yon," inis na sabi naman niya. Tawang-tawa naman ako sa kanya. Kung ipagtanggol pa niya no'n si Raymond, pero ngayon halata sa mga salita niya na inis na inis siya dito. "Ano, pupunta ka ba?"
"Pag-iisipan ko," sagot ko naman.
"Kung mahal mo talaga si Kuya, 'wag mo nang pag-isipan!" sabi pa niya.
Napangiti naman ako habang inaalala ang iilang mga pagkakataong nakasama ko si Apollo. Minsan lang kami nagkasama, kung tutuusin. Pero 'yung minsan na 'yon, hindi ko rin akalaing tatatak sa isip ko at lalo na dito sa puso ko.
"Ay, parang tanga lang?" puna niya dahil napatulala na lang ako at napangiti. Pati tuloy ako ay napatawa na lang.
"Zeus, gusto ko ang kuya mo. Alam mo, simula no'ng nawala siya sa tabi ko, siya na lang 'yung lagi kong naiisip. Minsan nga, kapag sinasabi ko na sana 'di na lang ako nagkatulong sa inyo, parang nadudurog din 'yung puso ko. Kasi, kung hindi ako nagtrabaho sa inyo dati, hindi ko rin siya makikilala," pagkukwento ko sa kanya habang binabalika ang kahapon. "Ewan. Basta, masaya akong nakilala ko siya."
"Siya rin naman pala. Edi sana, siya na lang noon pa," sabi naman niya.
"E, ikaw kasi, e!" sisi ko naman. "Ginulo mo 'ko."
"Oh, basta, bukas. Gusto mo ngayon na," sabi pa niya.
"Mag-aayos pa 'ko dito, 'no," sabi ko naman.
"Okay," sagot na lang niya.
Pagkatapos kumain, marami pa kaming pinag-usapan ni Zeus. Pero sa pagkakataong 'to, wala naman nang sumbatan. Na-realize na rin niya ang mga mali niya at kinasusuklaman pa nga raw niya ang sarili niya na minahal niya si Raymond. Kung titignan kami ngayon, para bang hindi ko siya minahal nang minsan at hindi niya ako sinaktan. Pero masaya na ako ngayon at ito ang isa sa mga pagbabagong gusto ko.
Nang umalis naman siya ay saka ko naisipang mag-ayos ng mga gamit ko. Halos puro damit lang din naman at dala ko. 'Yung iba naman ay mga regalo ng fans sa akin. Medyo nahirapan din akong ayusin ang mga 'yon, kaya naman nakatulog agad ako pagkatapos noon. Gabi na nang magising ako at nagpa-deliver na lang ulit muna ako.
Nang sumunod na araw naman, inasikaso ko na ang enrollment ko sa culinary school na papasukan ko. Nagpasa na ako ng mga requirements na kailangan, para maayos na ang lahat bago magsimula ang klase. Namili rin ako ng kaunti para sa tanghalian ko. Nahirapan nga lang akong mag-disguise. Hindi naman sa ayokong makita nila na nandito na ako ngayon, pero hangga't maaari, gusto ko munang umiwas sa mga tao.
Congratulations. Ive heard tapos na raw shooting nyo.
Hope 2 see u soon
That is if u still want to see me
Matagal kong tinitigan ang mga huling mensahe sa'kin ni Apollo. Hindi siya araw-araw na nagme-message sa'kin noon, pero sinisigurado pa rin niya na updated ako sa buhay niya. And I never replied in any of those dahil noon, hindi pa ako handa. Dahil may nag-focus muna ako sa mundo ko doon. Pero ngayon. . . Ngayong gabi, handa na ulit akong harapin siya. At sa pagkakataong 'to, hindi ko na siya bibiguin pa.
Napangiti ako sa salamin bago tuluyang tumayo. Pinagmasdan ko pa ang sarili sa suot kong maroon na body con dress. Litaw na litaw tuloy ang mapuputi kong braso at hita. Kanina ay kinulot ko pa ang dulo ng buhok ko. Siguro naman, maganda na ako, 'no?
Natawa na lang ako sa sarili ko. Para naman akong teenager na first time makikipag-date, e konti na lang twenty na ako. Natauhan na lang ako nang may bumusina mula sa labas, kaya mabilis kong kinuha ang clutch ko at lumabas. Ikinandado ko na rin ang pintuan at gate ng bahay ko.
"Sorry," paumanhin ko nang sumakay ako sa kotse ni Zeus. Namilog naman ang mata ko nang makita si Marquita sa likuran.
"Okay lang," sagot sa akin ni Zeus.
"Hi there!" bati naman ni Marquita.
Naningkit tuloy ang mga mata ko at saka napangiti. "So, are you two together?"
"Bakit? Selos ka?" tanong naman ni Marquita at tinaasan pa ako ng kilay.
"No!" agad kong sagot at umiling. "I'm actually happy."
"Maureen, 'wag kang maniwala d'yan. 'Di n'yo pa rin ba talaga tanggap na sister n'yo 'ko?" sabat naman ni Zeus na iiling-iling.
"Sayang kasi," katwiran ko naman.
"Kung nanghihinayang kayo, bigyan n'yo 'ko ng pera at ipapa-inject ko ang sperm ko," diretsong sagot naman niya kaya pinamulahanan ako ng mukha at napatakip pa ng bibig.
"Sira ka, Zeus!" sabi ko.
"Hay naku! Let's go na nga!" sabi naman ni Marquita mula sa likuran.
"Eto na nga," medyo inis pang sabi ni Zeus at saka pinaandar ang sasakyan.
Ako naman ay halos hindi mapakali sa kinauupuan ko. Para akong mae-LBM na ewan! Ang lakas din ng tibok ng puso ko at panay ang pagkagat ko sa labi ko. Kamusta na kaya si Apollo ngayon? Mas gumwapo kaya siya? Ay, naku, Maureen, hindi ka naman ganyan mag-isip sa kanya dati, a?
Hanggang sa makarating kami sa bar ni Apollo ay hindi pa rin ako mapakali. Paano ko kaya kakausapin nang maayos si Apollo mamaya? Bakit kasi ganito ang kabog ng puso ko?
"Relax!" sabi pa ni Marquita sa akin sabay tawa. Nakahawak siya sa braso ko ngayon habang papasok kami ng bar.
Hindi naman na ako nakapagsalita hanggang sa tuluyan kaming makapasok. As usual, madilim at magulo pa rin sa loob. Kabi-kabila ang mga umiinom sa bawat table at may mga nagsasayaw din sa dance floor.
Iginiya pa ako ni Zeus hanggang sa makarating kami sa pinakadulong mesa kung saan nakita ko si Apollo na nakayuko sa couch na kinauupuan. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng puso ko. Sa tagal ko siyang hindi nakita at nakausap nang personal, hindi ko tuloy alam kung paano ko siya kakausapin ngayon. Pakiramdam ko ay mauutal ako o matatameme.
"Kuya," pagtawag ni Zeus sa atensyon niya.
Ramdam ko naman ang panlalambot ng mga tuhod ko at ang pamamawis ng mga palad ko. Unti-unti ay umangat ang tingin niya hanggang sa magtama ang aming mga paningin. Pakiramdam ko naman ay mas bumilis pa ang tibok ng puso ko noon at parang nauubusan ako ng hininga.
Humugot pa tuloy ako ng malalim na hininga bago magsalita.
"A-Apollo. . ."
Itutuloy. . .