webnovel

Rewrite (Tagalog)

Arabella Romero is a girl from an orphanage is going to meet her father whom left them. He ask her to move and live with him in Manila with his family and she agreed. When her father enrolled her to a famous private school that only rich can afford it. And the moment she enter her new school, she already feel unwanted. DISCLAIMER: This story is fictitious. Characters, Names, Businesses, Places, events, and incident are just a product of Author's imagination. Any actual person, living or dead, or actual events or incidents are purely coincidence. Started: Sat, July 3, 2021 Finished: Mon, August 9, 2021

Gummy_Sunny · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
26 Chs

Number 1 Fan

Chapter 9

- Arabella's POV -

"Bella, sabay ka na sa akin?" Tanong ni Ryan ng pauwi na kami. Tumingin ako sa kanila at todo payag naman sila.

"Bawal, ehh. Baka magalit si Dad, tyaka strict yung isa." Sabi ko at itinaas-taas ang kilay ko. Agad naman nya iyong naintindihan.

"May tanong kami, may relasyon ba kayo ni Bell?" Tanong ni Reggie na paran kinikilig.

"Ahm... It's not like we have a special feeling but we have our own relationship." Sagot nito.

"Ano daw?" Tanong nito kay Brigitte.

"Ako pa tinanong mo, alam mo namang eng-eng ako." Sabi naman ni Brigitte.

"Sige, mauna na kami sayo, Ryan." Paalam ko sa kanya.

"Sige! Ingat, ha? Don't wear short skirts! Baka magalit sya! Sige ka!" Sigaw naman nito. Ngumiti lang ako at kumaway hanggang sa makaalis na kami.

"Sino yung sinasabing sya ni Ryan?" Biglang tanong ni Brigitte.

"Wala yon. Ano ka ba." Natatawang sabi ko.

"So, may iba pa bukod kay Ryan? Ano mo nga si Ryan?" Tanong naman ni Reggie.

"Let's say...." Nag-isip muna ako ng pwede kong isagot. "Bodyguard!" Malakas kong sagot.

"Ang gwapo naman ng bodyguard mo." Natatawang sabi ni Anna.

So, kahapon, nakausap ko ng maayos si kuya sa phone at sinabi nya sa akin ang buo at detalyadong kwento. Hindi ko kasi masyadong naintindihan, sumisingit kasi sila Kuya Chase.

So, eto na nga. Nagkakilala daw sila Mama at Dad dito sa Maynila. Nagtrabaho kasi sya dito at doon na nya nakilala si Dad. Hindi alam ni Mama na may asawa na pala noon si Dad.

Nalaman daw ng mga magulang ni Dad na may kabit nga si Dad kaya pinahanap si Mama ng mga magulang ni Dad at sila ang tinataguan ni Mama. Hindi alam ni Dad na may anak na sila ni Dad noong panahon na iyon.

Ang akala lang kasi ni Dad ay ako lang ang anak nila ni Mama kasi ako ang ipinagbubuntis nya noong mawala ito. Wala pa naman akong balak sabihin sa kahit na sino hanggat wala pa kaming DNA sample.

Masyadong magulo pero madali kong naintindihan dahil may katangian ang kuya kong magaling magpaliwanag. May mga trabaho na din pala ang apat na lalaking iyon ngayon.

Si Kuya ay isang doctor, si Kuya Chase ay isang Chef na nagustuhan ko kasi mahilig akong kumain, si Kuya Chandler na Business Management daw ang kinuha, at si Ryan na isang Engineer pero mas kilala sa pagiging artista nito.

Pinayuhan din ako ni Kuya na wag masyadong dumikit kay Ryan dahil baka daw pag-fiestahan ak ng mga fans nito at isipin pa ng mga itong may relasyon kami ni Ryan.

Ngayon ay wala akong kasama. Gusto ko kasing mapag-isa at naiintindihan naman ng mga kaibigan ko iyon dahil marami na din kasing nangyari nitong mga nakaraang araw.

Lumabas na din ang DNA test namin ni Kuya at lumabas na positive nga ito. Masaya ako dahil nalaman kong may kapatid pa pala ako bukod kila Heaven at Martin.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni ko ng may biglang magtakip sa mata ko. Kahit na nakatakip ito ay nagawa ko paring ikunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Brigitte?" Tanong ko.

"Ehhngkk!" May mga boses naman na parang dalawang tao dahil malakas iyon.

"Bitawan nyo na sya." Biglang narinig ko ang pamilyar na boses. Agad akong binalot ng saya at napalitan a g pagkakunot ko ng ngiti. Tinanggal na ng kung sino ang kamay nya at napangiti ako ng makita kong sila Kuya nga ito.

"Kuya!!" Malakas kong sigaw at dali-daling yumakap sa kanya. Ganon nalang din ang higpit ng yakap nito sa akin. "I miss you!"

"I miss you too, my baby." Sabi nya tapos bumitaw na sa pagkakayakap sa akin. Pagkatapos ay yumakap din ako kila kuya Chase. Si Ryan naman ay nguso sa akin.

"Ako?" Tanong nito habang nagpa-puppy eyes pa.

"Lagi naman kitang kasama. Nagsasawa na ako. Hahahaha." Natatawang sabi ko tapos itinuro pa ang muhka nya.

"Billy, ohh. Si Bella." Sabi nya na parang nagsusumbong.

"Tumigil ka." Banta ni kuya.

"Blee." Pang-aasar ko pa sa kanya.

"Kumain ka na ba?" Tanong naman ni Kuya Chase.

"Opo!" Parang batang sagot ko. Plus, may pa cute-tone pa. Nakakatawa lang dahil may sari-sarili silang tawag sa akin. Si kuya, my baby o my princess. Ang dalawa kong kuyang kambal ay princess, our baby, or baby girl ang tawag sa akin. Si Ryan naman ay baby girl din.

"I cook something for our baby girl." Biglang sabi ni Kuya Chase. "A cookie monster cupcake." Sabi nito na parang tinatakam talaga ako.

"Kuya..." Nakanguso kong sabi.

"Ang cute..." Impit na tili na sabi ni Kuya Chandler.

"Where's your friends?" Tanong naman ni Ryan.

"Nasa Library." Sabi ko tapos kumuha ng isang cupcake na ginawa ni kuya Chase para lang sa akin.

"Why are you here?" Tanong naman ni Kuya. Sa kanilang lahat, si kuya yung cold na sweet. Parang mahiyain sya ganon, hindi din sya masyadong showy.

"Gusto ko lang mapag-isa." Sagot ko sa kanya.

"You shouldn't be alone. Baka may mga lalaki ditong bigla kang kidnap-in." Seryosong sabi ni Kuya.

"Hindi nila gagawin yon. Binubully nga nila ako dito." Mahinang sabi ko.

"Pinaiyak nga sya nung isa, ehh." Sabat ni Ryan.

"Ano?!" Agad na tanong ni Kuya. Ako naman ay kinurot si Ryan at napahiyaw naman nito.

"Tapos na yon, kuya. Ok na yon." Sabi ko tapos nginitian sya, pinapakalma.

"Irereport ko ang student na yan. Sino ba yan?" Tanong pa ni Kuya.

"Kuya, wala nga." Sabi ko tapos nginitian sya. Yung ngiting nagsasabing wala nga.

"Fine. Bumalik ka na sa loob." Sabi nya at tinuro ang Library.

"Okey." Nakangiting sabi ko kasi nanalo nanaman ako laban sa apat komg kuya.

"Saan ka galing, Bell?" Tanonga agad ni Brigitte ng makapasok ako.

"Galing ako sa labas. May kinausap lang ako." Nakangiti kong sabi.

"Siguro si Ryan yung kinauusap mo. Ngiting-ngiti ka, ehh." Sabi naman ni Reggie.

"Oyy, hindi, ahh." Pagtanggi ko.

"Oyyy..." Panunukso nila. "Ayieee... Ryan... " Sabi pa nila. Sasagot na sana ako ng may biglang nagsalita.

"Pwedeng bang tumahimik kayo? Nasa Library kayo, wala kayo sa park. Doon kayo sa labas magtuksuhan." Naiinis at seryosong sabi ni Sensui.

"Galit yarn?" Bulong ni Reggie.

"Wag nyo nalang pansinin yan." Sabi ko at ngimiti nalang.

'Ayoko kasing masira ang mood ko.'

- Devin's POV -

"Galit yarn?" Narinig kong bulong ni Reggie.

"Wag mo napang pansinin yan." Sagot naman ni Taguro.

"Why so serious, huh?" Biglang tanong ni Noah.

"I think someone's jealous..."

"I'm not jealous!" Napalakas kong sabi.

"Haha. Ok." Natatawang sabi ni Levi.

"Bakit nyo ba iniisip na nagseselos ako?" Hindi ko mapigilang tanongin sila.

"Wala lang. Kapag naririnig mo kasing pinag-uusapan nila yung Ryan, umiinit ang ulo mo at nawawala ka sa mood." Nanunuksong sabi ni Levi.

"Tsk. It's not that ok. Ang ingay lang talaga nila." Pagtanggi ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang ito kay Noah habang si Noah naman ay humagikgik.

- Arabella's POV -

Naglalakad na kami papuntang cafeteria ng biglang may tumawag sa akin. Nang tignan namin iyon ay si Margot pala iyon. Nagtaka kami kung bakit nya kami tinawag pero hinarap parin namin sya.

"H-Hi, Bell..." Parang nahihiyang sabi nito.

"He---"

"Para sayo!!" Pasigaw na sabi nito habang nakapikit pa. May hawak syang parang pagkain at parang ibibigay nya sa akin.

"Para sa akin?" Tanong ko pa at tinuro ko pa ang sarili ko. Nahihiya parin syang tumango sa akin. "Thank you." Nakangiti kong sabi tapos kinuha sa kanya iyon at tiningnan ko kung anong laman.

"Bell..." Tawag nito sa akin kaya napaharap ulit ako sa kanya.

"Hmm?" Nakangiti kong tanong.

"I-I'm your number one fan!! I love you, Arabella!!" Sigaw nya tapos may inangat pang tarpaulin na parang ginawa nya pa.

"S-Salamat, Margot...." Mahina kong sabi tapos napatulala doon sa drawing nya.

"P-Pwede ba akong sumabay sa inyong kumain?" Nahihiya paring tanong nya. Tinignan ko muna sila isa-isa at tumango naman sila.

"Sige." Pagpayag ko. Nakangiti na itong nag-angat ng tingin sa akin na parang nakakamanghang bagay ang ginawa ko.

Pumasok na kami sa loob at umupo na sa paborito naming pwesto. Pagkaupong-pagkaupo ko palang ay napansin ko na agad na nakatingin sa akin ang lahat. Parang inaasar nila ako at nandidiri sila sakin.

"Hayaan mo na sila." Sabi ko ng mapansin kong dahil kay Margot iyon. "Wag mo nalang silang pansinin. Mga wala lang silang magawa sa buhay." Sabi ko ng makaupo sya. Nagsimula na kaming kumain at pinalibot ko ang paningin ko sa paligid.

Dahil sa pagpalibot ko sa sa mata ko at nakita kong karamihan sa kanila ay parang pinag-uusapan kami. Pati na yung apat na g*go at sila Heaven. Pero halos na bulunan ako ng may ibang tumama sa mata ko.

"Bell?!" Sigaw na tanong nila. Nataranta sila dahil nabulunan ako. Inabutan ako ni Margot ng tubig na agad ko naman ininom. Nang maubos ko ang tubig ay nakahinga ako ng maayos.

"Ayos ka na ba?" Tanong ni Reggie.

"Ok na." Sagot ko kaya nakahinga na sila ng maayos.

"Ano ha kasing ginagawa mo sa buhay mo? Bakit bigla ka nalang nabubulunan?" Tanong ni Brigitte na may pagkainis at pag-aalala.

"Sorry na." Paghingi ko ng tawad. Humarap ako ulit kung saan ko nakita sila kuya at wala na sila doon. "May pupuntahan lang ako." Sabi ko at agad na tumayo at hindi na hinintay ang sagot nila. Pagkalabas ko ay agad kong silang hinanap.

"Ano pa bang ginagawa nyo dito? Diba, aalis na kayo?!" Galit kong sigaw.

"B-Bell?" Tanong ni Ryan.

"Umalis na nga kayo. Mamaya nyo na ako puntahan. Mamamatay ako dahil sa inyo, ehh." Sabi ko habang masama ang tingin sa kanila.

"We are just checking you, Arabella." Seryosong sabi ni Kuya. Napanguso naman ako dahil wala akong laban kapag sya na ang pinag-uusapan.

"Mamaya nyo na kasi ako puntahan." Sabi ko na nagmamakaawa din.

"Magiging busy na kami, hindi na namin to magagawa." Sagot naman ni Kuya.

"Ehh, pwede ko naman kayong puntahan, ehh."

"Oo na." Pagsuko ni Kuya sa akin. Lumapit sya at niyakap ako. Pagkatapos ay hinalikan ako sa noo. "Uuwi na kami." Sabi ni Kuya. Nang bumitaw sya ay ganon din ang ginawa sa akin nila Kuya Chase.

"Bye..." Paalam ko at kumaway sa kanila. Ngumiti sila tapos kumaway sa akin. Nang makaalis sila ay agad din akong bumalik sa cafeteria.

"Saan ka galing?" Tanong ni Anna.

"Dyan lang." Sagot ko tapos naupo ulit.

"Ayy, nakipagkita ka kay Ryan, noh?" Nanunuksong sabi ni Brigitte.

"Heh, hindi." Nakangiti kong sabi.

- To Be Continued -

(Fri, July 9, 2021)