webnovel

Forty Two

Forty Two

Liam Dwayne Perez

I smile when I see her jealous face habang pilit akong kinakausap ng babaeng nasa harap ko, ilang beses niya rin ipinpilit ang kanyang hinaharap sa harap ko upang makita ko ito ngunit walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko ng makita kita Billy na nakasimangot habang pabagsak na ibinibigay saakin ang hawak mong Ice Coffee.

Hindi mo siguro napapansin ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan mo itong babaeng nasa harap ko na halos ay mahubaran na dahil sa mga titig mo.

Ilang araw at lingo akong nagbabakasakaling iluluwa ka ng pintuan ng Opisina namin, ilang beses akong napapalingon sa tuwing tumutunog ito at may pumapasok dahil nagbabakasakali akong iluluwa ka nito pero wala ka at bigo ako ngunit ngayong narito ka sa harap ko, I am happy again.

Inis na inis kang lumabas ng Headquarter naming iyon, at ilang beses kitang tinawag pero hindi mo ako marinig. Tuluyan ka ng sumakay ng Taxi kaya gayun nadin ang ginawa, naligaw ligaw pa kami ni Manong Driver kakahanap sayo at ng makita kita ay mas napangiti ako.

May kausap ka ng dalawang tao, isang babae at lalaki at mukhang si Lovely ito.

Nagulat ka pa ng makita ako roon and then you are mad again. Inalisa ko ang emosyon mo habang galit mong tinitingnan si Lovely, naiinis ka ba dahil hindi nila nasabi sayo ang about sa akin? O naiinis ka dahil saakin?

Why? Why Billy? Bakit ka nagagalit? Mahal mo rin ba ako?

I followed you again to your condominium pero mas pinili kong manatili na lamang sa ibaba, nagtama rin ang mga mata namin ni Lovely at sinabi niya saaking aayusin niya daw muna, papababain kana lang daw niya. I smile at her in response.

Nakatayo lamang ako sa may Lobby area habang hinihintay ka pero natigilan ako ng makita ko ang Tita mo, bigla akong kinabahan.

"What are you doing here?" galit na galit na utas niya habang hinihila ako paalis doon. Dinala niya ako sa may Park ng Condo na ito.

"Pumunta ka ba dito para makita si Billy?" Napayuko ako habang kinakabahan.

"LIAM! Alam mo ba ang pinapasok mo, if you will insist of seeing her again, sasaktan niyo lang ang isat-isa. Hindi! Hindi ako papayag..." madiing bigkas niya.

"She both lost her parents because of your family at sa tingin mo ba hindi niya naalala lahat ng iyon kapag nakikita ka niya?" I feel empty again.

"And she also tried to save you hindi pa ba sapat iyon para tumigil kana .I know, you both love each other kahit noong mga bata pa kayo. Kaya ko nga siya inilayo sayo para matutu siyang makalimot. Pero ang tigas ng ulo mo! You keep appearing in front of her. Hindi ako papayag." Kitang kita ko ang frustration niya habang galit na galit na nakatingin saakin.

"She tried her best to live again Liam at nang dahil sayo masisira iyon. You may be seeing her happy and smiling but when she's alone, she's crying. Hindi mo kalian man maiintindihan iyon. So please leave her alone..." at tuluyan ng umalis sa harap ko. Naiwan ako roon habang hinahayaang pumatak ang malalaking butil ng ulan saakin katawan.

Madiin kong ipinikit ang aking mga mata habang lumalandas na ang mainit na likido sa aking mukha.

Ito na ba ang pinakadahilan para pakawalan ka Billy? Ito na ba ang hiniling ko sa Panginoon para lang mabuhay ka that I am willing to surrender my happiness para lang sayo?

Is it time for me really let go of you? Am I really hurting you?

Mas lalong nagdilim ang paningin ko ng makita ko siyang nakatayo na ngayon sa harap ko. No, No, I'm not yet ready to let go this woman.

"Baliw ka ba? Bakit ka nagpapakabasa sa ulan!" galit na bulyaw niya saakin. Nagtama lamang ang tingin naming dalawa.

"Tara na, baka magkasakit pa tayong dalawa. Pagod ka pa naman sa pagtatrabaho maghapon, masama sayo yun" Tinitigan ko lang siya. Kaya ko na ba ulit bumalik sa aking imahinasyon Billy?

"Lam? Liaaaaam?" Even you shouting my name are repeating on my ears. Bigla kong kinuha ang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit. Am I really ready to let go of this tiny hand?

Naupo siya at pumantay saakin, bigla akong kinabahan dahil baka mapansin niya ang mga luha ko.

"Billy..."

"Uhm." Seryoso ko siyang tiningnan sakanyang mga mata, kinuha ko narin ang isa niya pang kamay at mahigpit na hinawakan ito.

"Can I borrow you for 12 hours tomorrow? Please...." Wala sa sariling bigkas ko.

"Para saan?"

"Can I date you tomorrow for 12 hours?" Tumango siya sa pakiusap ko at hindi ko maiwasang mapangiti dahil doon. I hug her, at habang niyayakap ko siya ay hindi ko maiwasang hindi mapaluha. I kissed her forehead for the last time.

"Thank you." Huli kong bigkas at tuluyan na siyang pinakawalan sa aking pagkakayakap. Kitang kita ko ang mga nagtataka niyang mata habang nakasuri saakin.

I smile at her habang may mga sinasabi pa siya at nang tuluyan na akong makasakay sa sasakyan ay hindi ko mapigilang titigan siya, hindi ko mapigilang pagmasdan ang napaka-kinis niyang mukha habang tuluyan ng nagpapaalam saakin.

Billy, are you really hurting? Did you wish not to see me?

Kailangan ko na ba talagang iwan ka? Do I really need to let you go? Please give me a sign Billy, please.