webnovel

Forty Eight

Forty Eight

Inalalayan ako ni Tita habang paalis sa lugar na iyon hanggang ngayon ay naramdaman ko parin ang panginginig ng aking katawan. Nararamdaman ko parin ang lahat. Kinausap na rin ako ng mga awtoridad about sa nangyare at sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin ni Liam ay nalulungkot ako, I see the sadness in his eyes at gusto ko mang lapitan siya ngunit nagaalangan ako.

Gusto ko nalang muna mapagisa at makapag-isip.

Si Tita na ang nagmaneho ng sasakyan, tahimik sa loob nito at mukhang hinahayaan lamang ako ni Tita sa mga iniisip ko.

B-Biglang sumagi sa isip ko ang itsura niya kanina, the protectiveness na gusto niyang ibigay saakin, the will para lang masagip ako pero here I am tumatakbo sa harap niya. B-Biglang tumulo ang luha sa mata ko.

Bakit ngayon ko lang naisip na mas mahirap nga pala sakanya iyon because if  I remeber what happen that day, for sure siya rin at isipin ko lang kung ano ang gagawin niya sa mga oras na ito ay natatakot na ako.

Liam, I'm sorry.

Pinahinto ko ang sasakyan kay Tita at walang alinlangang tumakbo paalis doon, binalikan ko ang daan patungo sakanya, hindi ko na makita ang itsura ko pero alam kong binabalot na naman ng kaba ang dibdib ko, binabalot dahil sakanya.

Nakarating ako sa pinangyarihan ng krimen kanina pero wala na siya, hinanap ko siya kung saan-saan pero hindi ko siya makita.

Sinubukan ko ulit hanapin siya sa kabilang daan at doon ako mas lalong napaiyak ng bigo siyang naglalakad sa kahabaan ng daan. I feel the sadness habang nakikita ko ang likod niya.

Tumakbo ako habang patuloy na lumalandas ang luha sa mga mata ko, tumakbo ako papalapit sakanya. Tumakbo ako at pilit na inaabot ang bisig niya at nang magtagumpay ako, I hug him, I hug him from the back.

Rinig na rinig ang aking mga hikbi habang nakayakap sakanya.

"I'm sorry, sorry Liam."

Tuluyan siyang humarap saakin at hinaplos ang mukha kong punong puno ng luha. Tipid siyang ngumiti.

"No, ako dapat ang mag sorry sayo. Because of me you are scared and frightened, sa kagustuhan kong iligtas ka naibalik kita sa ala-alang iyon...." Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya. I hug him tightly.

Pinupunasan niya ang luhang patuloy na pumapatak sa mata ko at wala akong magawa para pigilan iyon.

"A-Alam ko ang tumatakbo sa isip mo ngayon, alam kong natatakot ka sa sarili mo dahil sa pagiwas na ginawa ko and I'm sorry for doing that. Nabigla lang ako Liam, hindi ko sinasadya. I'm so-sorry if I walk away from you. I'm sorry. Hi-Hindi mo kasalanan kung natakot ako." Hinawakan ko ang kamay niya na patuloy na nakadikit sa aking mukha.

Tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. "This hand, this is the hand that save people, it was save me, the children and the future people. Kaya huwag mong iisipin na natatakot ako sayo, I will never be. You were the one that save me Liam, you are the one who protected me." Tuluyang lumandas ang luha sa mga mata niya habang nakatingin saakin. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya at niyakap ulit siya ng mahigpit.

"Patawarin mo ako, I didn't mean what I do at alam kong madaming sumagi sa isip mo kanin, hindi ako natatakot sayo. Liam. Im sorry kung sarili ko lang naiisip ko, I'm sorry." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti.

"Dont say sorry toward me Billy, because everything that I does will always be you, for us."

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko habang sabay kaming naglalakad, bigla na ding naglaho ang nangyare kanina sa isip ko dahil kasama ko na siya.

"Ihahatid na kita sainyo..." sabi niya saakin habang nasa tapat na kami ng kotse niya. Luminga linga ako at mas humigpit ang hawak sakanyang kamay.

"Can I stay with you?" Natigilan siya sa sinabi ko.

"P-pero?"

"Huwag kang magisip ng iba, gusto ko lang siguraduhin na makakatulog ka ng maayos. Dahil pakiramdam ko hindi ako papatulugin ng  isip ko dahil sayo...." biglang lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko, namula din ang kanyang mukha.

"Kinikilig ka no!'" panunukso ko sakanya.

"Ha! Hindi.."

"Then bakit namumula yang mukha mo?" Agaran niyang tinakpan ang mukha niya at nauna ng pumasok sa sasakyan, inilihis niya rin ang tingin niya saakin para hindi ko mapansin ang pisngi niya.

Simple akong ngumiti habang kumakabog ang dibdib.

Tuluyang nagbukas ang automatic gate ng bahay niya, dire-diretso din ang aming pasok sa loob at kahit pangalawang beses na akong nakapasok dito ay hindi ko parin maiwasang hindi mamangha. Napapaisip nga ako kung nasaan ang mga magulang na kumupkop sakanya at hindi ko sila nakikita.

Kinuhanan niya ako ng maiinom habang pinagmamasdan ko naman ang mga litrato na naruon.

Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala siya. Iniabot niya saakin ang inuming hawak niya kaya tinanggap ko din ito.

"Nagtataka lang ako, nasaan pala ang parents mo? Itong narito sa litrato...."

Hindi kaagad siya nagsalita bagkus ay nakita ko ang simpleng ngiti niya. "You will be meeting them soon." Aniya. Hindi na ulit ako nagtanong dahil mukhang hindi naman niya sasagutin ang tanong ko.

Iginaya niya ako sakanyang kwarto at binigyan ng damit para pamalit. Bigla akong nahiya, bakit ba kasi ang lakas ng loob kong magsabi na dito ako matutulog? Para tuloy ang desperada ko sakanya.

Ang ibinigay niyang damit ay nagmukhang dress saakin, ayoko naman isuot ang short dahil pakiramdam ko magmumukha na akong magsasaka.

Pagkalabas ko ng banyo ay naabutan ko siyang nagaayos ng aking mahihigaan, nanlaki din ang mukha niya ng makita ang ayos ko.

"I-Inaayos ko lang ang tutulugan mo." Sabi niya at nahuli ko na naman siyang namumula. I simply smile dahil sa mga pinapakita niya. Hinayaan ko siya sa ginagawa niya at pinagmasdan ulit ang kabuuan ng kwarto pero mas natigilan ako ng may makita akong sketch roon, naka-frame ito na animoy 32 inches na TV sa laki. Pamilyar saakin ang batang naruon, na nakangiti.

Pero hindi ko siya matandaan....

Lumapit nadin saakin si Liam at ngumiti. "Did you beleive that I drew that thinking of you, when I see that girl in my imagination I am always longing for you but when I see that girl in that frame all my longing and missing were gone, dahil pinupuno niyan ang kakulangan na meron ang puso ko."

Clueless ko siyang tiningnan at isang malapad na ngiti ang ibinigay niya saakin. Ang swerte naman ng batang iyan, I wonder of who she is.

"That was you Billy, when everything of us were perfect, the 12 years old you that I keep imagining in my mind. That I keep missing..." napalunok ako sa sinabi niya at tiningnan ulit ang sketch na naruon.

"That was me? Parang ang ganda ganda ko naman noon" wala sa loob na sambit ko.

"You are always beautiful in my eyes Billy, because you are my Billy." Parang biglang nalipat sa pisngi ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Napalunok ako.

Nagtama na naman ang mga mata namin at masasabi kong masaya siya ngayon.

Sana palagi tayong ganito Liam.

Nakahiga na ako sa kama habang pinagmamasdan ang sketch na iyon, hindi ako makapaniwala. Liam really drew me perfectly.

And maybe our love for each other then both save us from this world. If Liam survive because of me. Then I also proud to say that my love for him keeps me surviving.